NAKAKAPAGOD ang maghapong trabaho para sa araw na iyon kaya matapos ang quick shower ay agad nang nahiga si Alpha upang matulog. Nakapikit na siya nang tumunog ang cell phone sa bedside table. Hindi niya kilala ang sender ng text message niya pero binuksan niya iyon.
“How r u, Tcher?”
Inaantok man ay ipinasya na rin niyang sagutin iyon. “I’m fine, hu’s ds pls?”
“It’s me, sweetie...”
Dagling kumabog agad ang dibdib niya sa nabasa. Wala namang ibang tumatawag sa kanya ng ganoong endearment kung hindi si Hunter. Hindi niya napigilan ang mapapikit. “I’m not ur sweetie...”
“how do u want me to kol u den?”
“Ms. Alvarez.”
“Useless. Soon you’ll change ur name to mine.”
Hindi na niya maiwasan ang mapahinga nang malalim sa pagsibol ng pamilyar na damdaming unti-unting lumulukob sa kanya. Hindi niya maamin sa sarili pero ano ba itong nararamdaman niya sa mga inagsasasabi ng lalaking ito? Kinikilig ba siya?
“In ur dreams!” gayon man ay sagot niya rito.
“I don’t sleep, sweetie...”
Bigla ay naisipan niyang makipaglokohan dito. Tutal ay text lang naman iyon at wala namang mawawala sa kanya.
“and y is dat?”
“I can’t stop thinking of u.”
“wat do u want me to do to stop u from pestering me?”
“Let me love u and say u love me 2.”
Hindi maiwasan ni Alpha ang mapangiti sa puntong iyon. Hindi na niya namalayan na nakatulog na siya habang iniisip ang susunod na isasagot sa lalaking ka-text.
MAGAAN ang pakiramdam ni Alpha nang magising kinabukasan. Maliksi siyang kumilos upang magbihis at pumasok sa St. Bernadette kung saan tatlong taon na siyang naglilingkod bilang Preschool teacher. Bagaman alas diyes pa ang simula ng klase niya ay ipinasya na niyang pumasok. Naalala niyang kapapanganak lamang ng kasamahang si Janina at wala pa ang reliever nito kaya naman alam niyang kailangan siya nang maaga sa paaralan.
Nagulat pa siya nang pagbukas ng pinto ay may isang bouquet ng puting rosas sa door step. Wala naman siyang nakitang kahit na sinong taong malapit sa bahay nila na hindi niya kilala, o kaya ay someone na posibleng nagbigay ng bulaklak.
Sinilip ni Alpha ang loob ng bouquet at nakita ang isang note na naroon. Bahagya na siyang nangiti sa nakasulat, Buy Me a Rose. She knew it—isang awitin ring binigyang buhay ni Kenny Rogers. Alam ba ni Hunter na paborito niya ang naturang singer o sadyang gusto lang talaga nito ang mang-aawit?
Tumunog ang cell phone niya at nakaramdam siya ng matinding excitement nang makitang pangalan ni Hunter ang nakarehistro roon.
“Mownin,’ sweetie...” panimulang bungad nito nang sagutin niya ang tawag.
“Ang kulit mo din ano. Kailan ka ba titigil sa ginagawa mo?” kunwa’y iritadong sabi niya.
“I live within the same village, Blk 22 Lot 12. I’ll wait for you here, sweetie. Promise, last na ‘to.”
“Hoy, puwede ba, huwag mong guluhin ang tahimik kong buhay, Mr. Verrano! May pasok ako at isa pa, bakit naman ako pupunta diyan? Get lost!”
Napataas ang kilay ni Alpha nang makarinig siya ng malakas na paghinga sa kabilang linya. Nang ilang sandali na at hindi pa ito nagsasalita ay nabahala siya. Hindi pa naman ito nagbababa ng telepono kaya batid niyang may kausap pa siya. Pipindutin na lang niya ang end button ng gadget nang may marinig siyang kakaibang tunog mula rito na tila kinakapos sa paghinga.
“G-goodbye, Mr. Verrano,” aniya.
Silence.
“Hoy, goodbye, sabi ko!” ulit niya na bahagya nang kinakabahan.
“P - please, help...” tanging narinig niya sa kabilang linya bago naputol iyon.
‘Ano ba’ng nangyayari sa lalaking iyon?’
“B-bakit? Napapaano ka?” tanong niya rito habang mabilis na mabilis ang tahip ng kaniyang dibdib.
Urong-sulong siya sa paglabas sa pinto ng bahay. Saan ba siya pupunta? Papasok ba siya sa school o pupuntahan si Hunter? Malapit lang pala ang tinutuluyan nito sa bahay niya.
Pero teka, hindi naman kaya nagdadrama lang ito? Ganoon ka-coincident na sa laki ng Maynila ay nasa iisang village pa sila nakatira nito?
E paano naman kung totoo ngang may nangyayaring hindi maganda rito?
‘Heart attack?’
‘Oh, no…’
“Aleya, nariyan ka pa pala, anak. Papasok ka na ba?” Pababa ng hagdan ang mommy niya na nakapantulog pa. Bigla ang naging desisyon niya at mabilis na iniwan ang hand carry bag na naglalaman ng mga gamit sa paaralan.
“I won’t go to school today, ‘Ma! May importante po akong lalakarin. Have a nice day!” She kissed her mom before she ran away.
BLK 22, Lt 12. Iyon na nga ang bahay ni Hunter, sa loob-loob ni Alpha. Sinimulan niyang tawagan ito pero walang sumasagot sa telepono. Ilang beses din siyang nag-door bell pero wala ring nagbubukas ng pinto. Ipinasya niyang pasukin na iyon tutal rin lang ay bukas naman ang gate. Bukas din maging ang pinto ng bahay kaya dire-diretso na siyang pumasok roon.
Maaliwalas ang loob ng bahay ng lalaki. Sa pagpasok pa lang ay malalanghap na ang mabangong panlalaking amoy ng paligid. Pinaghalong asul at krema ang kulay ng bahay at sa interiors ay wala rin siyang maipipintas. Walang masyadong gamit sa loob niyon subalit nasa maayos namang puwesto ang bawat bagay niyang makita.
Nang maalala ang pakay roon ay mabilis niyang tinawag ang pangalan ni Hunter. Nalibot na niya ang sala at dining area pero wala pa rin ito. Kinakabahan man ay pinanhik na niya ang tatlong baitang na hagdan. Kinatok niya ang nag-iisang silid na nakita roon. Matapos ang tatlong mahihinang katok ay binuksan na niya ang pintuan ng silid at kinakabahang pinasok iyon.
Bago pa niya natawag ang pangalan ni Hunter ay pumailanlang na sa ere ang malambing na tinig ni Kenny Rogers. Nang lingunin niya ang pinanggalingan ng awit ay nahagip ng kanyang mga mata ang isang maliit na diskman sa ibabaw ng isang upuan na nakakabit sa hindi kalakihang speaker. Kasunod niyon ay ang paglipad ng kanyang paningin sa pagbukas ng isang maliit na pinto sa gilid ng kuwarto. The door framed the most teasing man she had ever met in her entire life! Why, the man was very handsome, proudly standing at the door wearing just a towel!
Instinct told her to cover her eyes. She couldn’t stand to see his nakedness and her heart was pounding very fast.
“Ano ka ba?! Bakit nakahubad ka?” asik niya rito habang ang mga kamay ay nakatakip pa rin sa kanyang mukha. Dama niya ang pagtaas ng mga balahibo niya sa buong katawan dahil sa tanawing iyon.
She screamed when she heard his steps coming. Naiiskandalo siya sa hitsura ng lalaki at hindi niya alam kung saang bahagi siya ng silid magtatago upang maiwasan ito.
“Alpha...”
Naramdaman niyang inaalis nito ang kamay niyang nakatakip sa tainga niya at dahil mabuway naman ang mga iyon ay madali rin nitong naalis iyon.
“Hunter, please don’t do this...” Hindi niya batid kung para saan ang pakiusap niya na iyon, kung dito ba o sa sarili niyang unti-unting nagiging mahina sa panunukso nito. Sa pinaghalong himig at presensiya ni Hunter, hindi niya alam kung hanggang saan aabot ang katatagan niya.
She gasped when he lowered his face to kiss her. She opened her mouth to stop him, only to realize that she just gave the man enough entry to kiss her. His kisses were light but longer than what she used to imagine in her dreams. Yes, at that very minute, she admitted that she was really longing for Hunter. Sa lahat ng oras ay naiisip niya ito. Bago matulog ay naaalala niya ang mga panunudyo nito, at hanggang sa panaginip ay naroon pa rin ang lalaki.
Pilit man niyang itanggi ay muli’t-muling bumabalik sa alaala niya ang imahe ng binata; ang matipunong katawan nito, ang mahaba at alun-alon nitong buhok, ang likas na panlalaking amoy nito na kumikiliti sa kanyang imahinasyon, at higit sa lahat ay ang malambing na boses nito at ang taglay na pagiging mapanukso. She liked everything about Hunter... or was it love already?
Wala siyang nagawa nang ipagkanulo siya ng sariling damdamin. She opened her mouth in complete surrender. Lifting her arms, she hugged him with intense emotions and longing. Ano mang dikta ng isip ay isinantabi niya at buong pagsukong ipinadama sa binata ang pagkasabik niyang makita ito. Laking pasalamat niya nang makitang walang ano mang masamang nangyari kay Hunter. Akala pa naman niya ay kung napaano na ito. At sa pagkakaalala sa tunay na dahilan ng pagpunta niya roon ay kusang bumaba ang mga kamay niya at itinukod iyon sa dibdib ng kayakap.
“You fooled me,” akusa niya rito pero wala namang totoong bakas ng galit sa tinig niya.
“I didn’t,” nakangiting wika ng simpatikong lalaki habang nanunuot na naman ang mga titig nito sa kaniyang kabuuan.
“Akala ko’y kung napaano ka na,” aniya sa tinig na halos pabulong na lamang. Hindi niya magawang salubungin ng tingin si Hunter.
Hunter laughed and she was stunned. Bakit sa pakiramdam niya ay isang awit din ang tawa nito? Bakit maging iyon ay tila may tono sa pandinig ng dalaga?
“My heart almost died the minute you told me to get lost; I truly felt like dying,” said Hunter while staring at her, touching his cheek with his thumb. He was grinning and all she could do was to breathe hard. Unti-unti ay nagsisikip ang dibdib niya sa pagkakaalala na maaaring walang ano mang saplot ang lalaki sa ilalim ng malaking tuwalyang tanging bumabalot dito. Paano kung...
Pasimple siyang kumalas sa pagkakayakap ni Hunter at tinungo ang gawing bintana.
“Your place is nice. Kinita mo ba ito sa pagkanta mo?”
Nang hindi agad sumagot si Hunter ay nilingon niya ito, only to find out that he was beginning to uncover himself. Muli ay nag-init ang sulok ng kanyang mga mata sa matinding pagkapahiya sa ideyang higit pa roon ang namagitan sa kanila ng lalaki. Baka higit pa roon ang kanyang nakita, o nahawakan kaya? Isipin pa lang na nangyari iyon ay ibig na yata niyang himatayin.
“I actually do not own this place. Bigay lang ito sa akin,” sagot nito makalipas ang ilang sandali. Nakapagbihis na rin ito ng pang-ibaba.
“Bigay? Napakayaman naman yata ng kaibigan mong iyon para bigyan ka ng ganito ka-expensive na regalo.”
“Well, this place maybe cozy but the price doesn’t actually matter compared to how important I am to her.”
Saglit siyang natigilan sa sinabi nito. ‘Her’ ang ginamit nitong pantukoy sa kaibigang ikinukuwento nito. Sinong galanteng babae ang magreregalo ng bahay sa isang lalaki? Sa naisip ay nadismaya siya.
“I’m sure you are very special to whoever this person is,” sagot niya. Hindi nakaligtas sa kanya ang nakiraang lungkot sa mga mata ng lalaki bago ito sumagot.
“I don’t think so. By the way, can I visit you at home once in a while?” tanong nito matapos isuot ang kamisetang hawak nito.
“I don’t think that would be a good idea. I have to go now and please don’t follow me.”
Nabigla ito sa sagot niya at madaling hinawakan ang kanyang braso upang pigilan siya.
“Where are you going, sweetie? I’ll take you to...”
Hindi na niya pinatapos pa ang ano mang sasabihin ng lalaki at madaling tinalikuran ito. May pagmamadaling tinahak niya ang daan palabas ng pinto at nakahinga ng maluwag nang makitang hindi nakasunod ang binata.