Chapter 4

1210 Words
“TEACHER ALPHA, may nagpapabigay po nito,” anang isang batang babae na lumapit kay Aleya Patricia na kasalukuyang nakaupo sa harap ng table at nagtse-check ng mga papel. Napayuko siya sa mga bulaklak na hawak nito. Tinanggap iyon at nagpasalamat. Nang tumakbong palabas ang bata ng classroom ay dagli na niyang binuksan ang maliit na envelope na nasa ibabaw niyon upang malaman ang sender ng bulaklak. Simpleng note lang ang nakalagay sa card. Isang maikling ‘I Care’ lang ang nakasulat sa note at wala man lamang nakalagay kung kanino iyon nanggaling. Nanghihinayang man ay mabilis niyang itinapon sa trash bin ang tulips. “Is that the way you thank your admirer, Ms. Alvarez? What happened to your manners?” Napasinghap si Alpha sa matinding pagkabigla nang sumulpot sa pinto ng classroom niya ang pinakahuling lalaking inaasahan niyang magiging bisita roon. Mabuti na lamang at wala nang mga estudyante sa paligid na maaaring makakita sa pagdating nito. “Ano’ng ginagawa mo rito?” asik niya sa lalaking kusang inanyayahan ang sariling maupo sa ibabaw ng table niya. “Sitting in front of you?” anito sa tonong halata namang namimilosopo. Agad na nag-init ang mukha niya sa inis, habang nakatingala rito. “Marami pa akong trabahong kailangang tapusin, as you can see, Mr. Verrano! Wala akong panahong makipaglokohan at makipagplastikan sa’yo! ” “And so do I, sweetie...so do I.” He smiled and winked at her. Tumayo si Hunter at lumigid sa table upang mas makalapit kay Alpha. Siya naman ay napahawak sa kaliwang sintido. Tila biglang nanakit ang ulo niya sa mga sandaling iyon. “As you can see, I am very much busy, Mr. Verrano. If you’ll excuse me, gusto ko nang mapag-isa. Ang dami ko pa pong gagawin.” “What if I won’t?” “Puwede ba, Mister, busy ako!” sikmat niya sabay tayo. But Hunter simply shrugged, as if ignoring what she said. Well, then, kung laro ang ibig nito ay maaari naman siguro niya itong pagbigyan. Kinuha ni Alpha ang memo pad sa loob ng drawer at binasa ang checklist ng mga trabaho niyang gagawin bago umuwi. Sinimulan niyang gawin ang ikatlo sa list, habang sinisikap na ignorahin ang presensiya ng lalaki. Hindi niya inalintana ang presensiya nito at may kung ilang sandali ring namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Mayamaya ay muntik nang mahulog sa pagkakaupo ang dalaga nang marinig ang mahinang humming ni Hunter. Hinihimig nito ang We’ve Got Tonight na inawit ng paborito niyang si Kenny Rogers. Nananadya ba ito? Paborito niya ang kantang iyon! Hmmm...hmmm...hmmm. Then he started to sing. I know it’s late...I know you’re weary... I know your plans don’t include me...” “Stop it,” she hissed, but Hunter ignored her and continued singing the sweet lyrics of that wonderful song. Unti-unti ay nararamdaman ng dalaga na bibigay na ang mabuway niyang pader na pilit na itinatayo sa pagitan nila ng lalaki. Bawat lirikong hinihimig nito ay pumapasok sa puso niya. “...still here we are, both of us lonely... “...longing for shelter from all that you see...” “I said stop it!” She started to panic when he stood and walked towards her. Slowly, he’s getting inside of her thoughts... “Why should we weary? No one would care, girl... “Look at the stars now, so far away...” He stood behind her and she couldn’t help but close her eyes with intense anticipation. She found him leaning against her and whispering the song in her ears. “We’ve got tonight...who needs tomorrow?” “We’ve got tonight babe, why don’t you stay?” When his hand touched her neck, she could swear she felt the highest voltage of electricity in her body. She had fallen in his spell, how could she run away now? Slowly, Hunter’s hands started to caress her shoulders. Sa lahat ng iyon ay nakapikit lang si Alpha. Patuloy naman sa pauntul-untol na pag-awit ang lalaki. Damang-dama niya ang bawat liriko ng awitin nang walang anu-ano’y tumunog ang cellphone niya. Nagulantang silang dalawa ni Hunter at hudyat iyon upang mabilis siyang tumayo at hawiin ang mapangahas na kamay ng lalaki. Nagulat pa si Alpha nang sa pagtayo ay matuklasang isang butones na pala ng kanyang uniform ang mataktikang natanggal ng lalaki. Mabilis na dumapo sa mukha ni Hunter ang palad niya. Nabigla naman ang lalaki at nanlulumong napatingin sa kanya. “Bastos! Hindi mo na iginalang ang lugar na kinaroroonan mo! Wala ka bang pinag-aralan at kahit sa eskuwelahan ay dala-dala mo ang kagaspangan ng ugali mo?” Nangingilo siyang isipin sakaling may kahit isang estudyante o kapwa teacher na nakakita sa kanila sa ganoong tagpo. “I...I didn’t—” “Get out of this room and please never show your face to me again, Mr. Verrano!” sigaw niya rito. Hindi niya alam kung patungkol kanino ang iritasyong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Para ba talaga sa lalaki, o para sa kaniyang sarili na humulagpos din ang pagpipigil nang makarinig ng magandang boses nito? Nabigla si Alpha nang abutin ni Hunter ang mga kamay niya. Sinubukan niyang bawiin iyon pero mahigpit ang pagkakahawak nito habang tila tumatagos ang mga titig nito sa kaniya. “You feel it too, right? You also feel that magical moment between us. I know, you do,” pagkuwa’y sabi nito. “Hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo,” patuloy naman niyang pagtanggi. “I can feel the magic between us, sweetie, and I know you like me too.” Mapait siyang napangiti sa sinabi nito. Magic ba ang ‘desire’ na tinutukoy nito? “Like? So you are telling me you like me, ganoon ba?” “Yes.” “Great, thanks! But sorry to say that I don’t feel the same.” Binawi niya ang kamay mula rito at saka ito tinalikuran. “Pero may nangyari na sa atin, remember...” Mabilis siyang napalingon sa sinabi nito. “Ano’ng sinabi mo?” mabilis niyang sabi habang tila gustong lumubog sa kinatatayuan. “Remember that night? We already did it.” “Wala akong natatandaan! At kung totoo mang mayroon ngang nangyari sa atin, hindi naman ako buntis kaya wala kang kailangang intindihin!” Tila may nakiraang kislap sa mga mata ng lalaki sa huling sinabi niya pero hindi na niya binigyan ng pansin iyon. “Kahit na. I’m willing to marry you.” “I don’t intend to get married to someone like you, Mr. Verrano, at ayoko sa lahat ay ang taong paulit-ulit. Please find your way out now...you heard me? Out now!” malakas niyang sabi sabay turo sa pinto ng classroom. Hindi nakaligtas sa paningin ni Alpha ang paggagalawan ng jaw muscles ng binata pero inignora niya iyon. Nang tumayo ito at tahakin ang pinto palabas ay tila may bahagi naman ng puso niya ang nanghinayang. Noon niya napansin ang tila kumislap na kung anong maliit na bilog na bagay sa lagayan ng chalk ng blackboard. Napakunot ang noo niya nang magkahinala kung ano iyon. Tumayo siya at saka iyon nilapitan. Ibig niyang batukan ang sarili nang makompirma ang hinala—butones pala iyon ng blouse niya. Awtomatiko siyang napayuko at napahawak sa dibdib habang hatid ng tanaw ang papalayong si Hunter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD