Chapter 6

1399 Words
BUONG LINGGONG laman ng isip ni Alpha si Hunter. Bakit ba ganoon ang nararamdaman niya? Bakit tila nasasaktan siyang isipin na mayroong ibang babaeng pinag-uukulan ng atensiyon si Hunter? At ang babaeng tinutukoy nito, marahil ay malalim ang relasyon nito sa binata at hindi imposibleng paminsan-minsan ay umuuwi ito sa bahay ng lalaki.bAt kung umuuwi nga ito sa bahay na bigay nito kay Hunter, ano ang posibleng relasyon ni Hunter rito kung hindi ang eksaktong nasa isip niya nang mga sandaling iyon? Bahagyang nagulat si Alpha nang maramdaman ang pagbalong ng luha sa kanyang mga mata. Hinayaan lang niyang malaglag iyon kasabay ng pangako sa sariling iyon na ang huling pagkakataong iiyakan niya ang binata. Akma nang kukunin ni Alpha ang kanyang bag at maghahanda sa pag-uwi nang lumapit ang isa niyang estudyante. “Teacher, you have a visitor outside,” anito. “Thanks, Biboy. Please tell the visitor to come in,” sagot naman niya sa pag-aakalang ang kaibigang kausap ang bisita niya. Katatawag lang ni Sarah at kinompirmang dadaanan siya ng saktong alas-singko upang magpunta sa bahay ni Yuri. Despedida party nito sa darating na Lingo at tulung-tulong silang maghahanda para sa pagtitipong iyon. Mabilis ang naging pagbabago ng temperatura niya nang iluwal ng pinto ang sinasabi ni Biboy na bisita niya—hindi si Sarah kundi si Hunter. “Ano’ng ginagawa mo rito?” asik niya. Ilang araw ring laman ng panaginip niya ang lalaki pero kahit ano pa ang gawin nito ay naipangako na niya sa sarili na hanggang doon na lamang sila. Nang araw na umalis siya sa bahay ni Hunter ay sinadya na niya itong iwasan. Nagpalit siya ng cellphone number at siniguradong naka-block ang numero nito sa kaniya. Nag-update din siya ng privacy settings ng kaniyang mga social media accounts upang sa gayon ay matiyak nang hindi siya talaga makikita ng lalaki. Gayonman, kakatwang wala naman siyang ginawa sa maghapon kundi ang magmatyag sa socmed accounts nito. “Are you trying to avoid me, Teacher?” nakakunot ang noong tanong nito. Same old Hunter, the man who used to wear rugged outfit. Sa suot nitong butas-butas na pantalon na binagayan ng isang puting hapit na kamiseta, sino ang hindi makakahulang rocker ito? Ang silver accessories nito ay imposibleng hindi makita sa dami noon. Ipupusta niya ang isang buwang suweldo niya, may dumb bell sa dila ang lalaki. Kung sa ibang pagkakataon ay mapapangiwi siya sa pandidiri pero hindi nang mga sandaling iyon. May pakiramdam siyang lahat kay Hunter ay maganda sa paningin niya. Tila lahat sa lalaki ay kanais-nais para sa kanya. “Why would I? Sa pagkakatanda ko ay wala akong atraso sa’yo, Mr. Verrano.” “Mr. Verrano again. Ano ba talaga ang nangyari at bigla ka na lang umalis sa bahay nang araw na iyon? Care to let me know, para hindi naman ako naiiwan sa pansitan?” “Gusto ko lang ipaalala sa iyo na wala po tayong relasyon, okay! Bakit ba umaasta kang tila pag-aari mo ‘ko? I barely know you and may I remind you that we only met because of that one incident! Insidenteng ini-insist mo, pero ni hindi ko matandaan.” She saw him twisted his lips. Was that amusement that she saw in his eyes? “Mahalaga ang gabing iyon sa akin, Alpha. Dahil iyon ang simula ng pag-asa kong magkaroon ng babaeng magmamahal nang totoo sa akin.” “Will you please stop saying those things?! You are just trying to complicate everything. Hindi tayo magkakilala at ano man ang namagitan sa atin ay bunga lang ng isang pangyayaring kapwa natin hindi ginusto.” “We’re good together, hindi mo ba iyon makita? We can make up a good couple.” “Nagkataon lang na ikaw ang naroon ng gabing iyon but I could have possibly made love to anyone else that night, right?” Nakita niya ang rumehistrong galit sa mga mata ng lalaki sa huling sinabi niya. “So you could have done it with anyone else available, is that what you are trying to tell me?” “Precisely! The same thing you can do that with any woman that would be willing to jump into your bed,” she snapped. “Great. Just great.” Iyon ang mga huling katagang sinabi ni Hunter bago ito tuluyang lumakad palabas ng classroom niya. Ilang sandaling hindi magawang gumalaw ni Alpha sa pagkakatayo habang ang mga mata ay nakatutok sa papalayong si Hunter. Ano na naman ba itong ginawa niya? NAGHIHIYAWAN ang mga manonood ng bandang Metal Rockers liban kay Alpha na tahimik lang na nakaupo sa isang tabi. Muli ay kasama niya ang mga kaibigan nang gabing iyon sa Maribel’s Point at hindi gaya ng dati, bitbit ng mga ito ang kanya-kanyang nobyo kaya naman mukha siyang esktra sa pelikula na walang sariling kapareha. Nang malaman niyang isa sa magtatanghal sa gabing iyon ay ang bandang kinabibilangan ni Hunter ay agad siyang sumang-ayon na sasama sa mga kaibigan. Matagal na niyang hindi nakikita ang binata at ang huling pagkakakita niya rito ay ang mismong araw na dineretsa na niya ito. Nang mawala ito ay saka niya napagtantong malalim na ang pagkagusto niya sa lalaki. Gayon pa man ay hindi pa rin niya ganap na isinusuko ang desisyong huwag itong hayaang tuluyang makapasok sa buhay niya. Unang beses na narinig niyang umawit ng awitin ng ibang singer si Hunter sa entablado. This time, ‘Goodbye’ naman ng Air Supply ang inaawit nito. Bakit tila hindi niya gusto ang hatid na mensahe ng awiting iyon? Nasasaktan siyang baka para talaga sa kanya ang kantang napiling bigyang buhay ni Hunter nang gabing iyon at kakatwang hindi niya iyon nagugustuhan. Sa buong durasyon ng awit ay sa kanya nakatutok ang paningin ni Hunter kaya naman nanlumo siyang sa mga sumunod na awit ay hindi na siya tiningnan man lang nito. Sa kabuuan ay nakaapat na kanta si Hunter bago ito bumaba at hindi na talaga siya tinapunan ng pansin nito. Nasaktan siya at hindi na niya napigil ang mapaluha sa nadaramang sakit ng mga oras na iyon. Salamat na lang at hindi siya napansin ng mga kaibigang abala sa kanya-kanyang nobyo. Pinagdiskitahan niya ang alak na nasa harap niya. Nang maubos ang isa ay kumuha pa siya ng isa sa gitna ng mesa at akmang kukuhanin na niya ang ikalima nang may kamay na bigla na lang pumulupot sa kanyang baywang. Nang lingunin niya ang pangahas ay tila ibig niyang maiyak nang makilala ito. “H-Hunter...” Hindi niya alam kung epekto iyon ng alak o dahil sa kimkim niyang emosyon kaya hindi na niya napigilan ang nadarama at tuluyan nang niyakap ang kaharap na lalaki. “Why are you drowning yourself?” malambing nitong tanong habang ang mukha nito ay malapit na malapit sa kaniya. Hindi naiwasan ni Alpha na mapatitig sa kaharap, sa kabila ng dilim ng kabuuan ng Maribel’s Point. Ang tinig ni Hunter ay tila musika sa kanyang pandinig. Hindi siya kumibo at lalong napaiyak nang hagurin ng lalaki ang likod niya. Hindi na niya nakuhang alisin ang kamay sa leeg nito sa takot na mawala ito ano mang sandaling malingat siya. Nang igiya siya ng lalaki palayo sa mga kasama ay hindi siya tumutol. Ibinulong na lang niya sa lumapit na si Sarah na kay Hunter na siya magpapahatid sa pag-uwi. Namalayan niyang sa isang kotseng kulay itim siya dinala ng lalaki. Bubuhayin na sana ni Hunter ang makina ng kotse nang hawakan ni Alpha ang kamay nitong nakapataong sa manibela. Sumulyap sa kaniyang ang binata. “Please don’t leave. Natatakot ako,” madamdaming sabi ni Alpha habang nag-uumapaw ang emosyon sa dibdib. Wala siyang kontrol sa ano mang nagaganap. Nothing mattered except Hunter. Nang unti-unting bumaba sa kanya ang mukha ng lalaki ay tuluyan na siyang napapikit. Hindi niya mabigyan ng pangalan ang damdaming lumukob sa kanya nang maramdaman ang pag-iisa ng labi nila ng binata. “I love you,” she whispered when he stopped kissing her. “Why the sudden change of heart, my sweet?” She sensed a pain in his voice. “I missed you so much. Don’t ever do that again, okay.” She started sobbing. Again, he held her tight and caressed her back. “I promise. Please stop crying, baby.” Sinelyuhan nito ang mga labi niya at tuluyan nang naglaho ang lahat ng pagdududa at pag-aalala sa puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD