Chapter 7

1752 Words
NANG magising kinabukasan si Alpha ay muli na naman silang magkatabi sa kama ni Hunter pero sa pagkakataong iyon ay wala sila sa Eezy Point. Nahulaan niyang naroon siya sa bahay ng lalaki. Natagpuan niya ang sariling nakabihis ng pantulog na tingin niya ay pag-aari nito. Pinakiramdaman niya ang sarili at gaya ng dati, bukod sa sakit ng ulo ay wala naman siyang ibang nararamdaman sa katawan. Pilit niyang binalikan ang mga nangyari nang nagdaang gabi, pero ang paglapit nila sa itim na kotse ang huling bagay na natatandaan niya. Napapikit si Alpha at ibig sabunutan ang sarili. Ano na naman ba itong nagawa niya? Hindi pa nga siya nakakabuwelo sa unang pagkakamaling nagawa ay nasundan na niya iyon agad. ‘Nasaan ang huwisyo mo, Aleya Patricia? Bakit nawawala ka sa sarili kapag kasama ang lalaking iyan?’ Napamulat ng mata si Alpha, sumulyap sa kasalukuyang nahihimbing na si Hunter. Naisip niya, marahil ay eksaherado lamang ang ibang kung magkuwento ay napakasakit daw ng unang gabi. Paano bang nangyaring wala naman siyang kakaibang nadaramang sakit sa katawan niya gayong dalawang beses na siyang nagigising na kasama si Hunter? Ilang sandali pa ay nakabuo ng desisyon ang dalaga. Maingat niyang inalis ang bisig ni Hunter na nakayakap sa kaniya at saka dahan-dahang tumayo mula sa kama upang magsimulang magbihis. Patingkayad niyang kinuha isa-isa ang mga damit niyang nasa lapag. Pilit pa ring inaaalala kahit kung paano man lamang nakarating ang mga iyon doon pero wala. Blangko talaga. Hanggang makatapos sa pagbibihis si Alpha ay hindi nagising si Hunter. Tahimik niyang nilisan ang bahay ng lalaki. Maghapong tumatawag sa kanya ang lalaki pero pinili niyang hindi sagutin isa man sa mga tawag at text nito. Ni hindi niya sinubukan tingnan ang mga mensahe nito at agad na niyang binura ang mga iyon. Ano ba ang sasabihin niya rito? Sorry dahil nawala siya sa sarili nang nagdaang gabi? Pasensiya dahil magulo ang isip niya? Na kapag matino siya ay panay ang tanggi at iwas niya rito, pero sa oras na makainom ay head over heels naman siya sa lalaki? Malay ba niya kung ginogoyo lang siya ni Hunter? Hindi ba malinaw naman niyang narinig na may planong maghiganti sa kaniya ang lalaki sa pagtangay niya sa mga damit nito noong una nilang pagkikita? At siya naman itong si tanga, alam na nga niya ang saloobin ng binata pero nagpadala pa rin siya. Bentahe na nga sana kung tutuusin na narinig niya ang sinabi nito sa mga kaibigan nang araw na nangyari ang unang engkuwentro nila. Isang malaking pagkakamali na pinabayaan niyang mahulog sa patibong nito. Ah, napakalaki niyang hangal! Siguro ay masayang-masaya na ito ngayong nagawa na nitong makapaghiganti sa kanya. At siya, kailangan niyang magtiis sa consequences ng mga nagawa, dahil sa katangahan niya. “ELOW, Tcher.” Iyon ang laman ng text message na natanggap ni Alpha buhat kay Hunter kinabukasan ng hapon. Tapos na ang klase at kasalukuyan na siyang nag-aayos ng mga gamit upang umuwi nang matanggap ang text na iyon. Bagaman hindi nakarehistro sa phonebook ang numerong iyon ay batid na niyang dito nanggaling ang message. Agad na kumabog ang dibdib niya pagkaisip pa lamang sa lalaki. She badly missed him. Lubhang malakas talaga ang epekto nito sa kaniya. But she knew what to do now, so she just deleted the message right away. “I’ll call u. Pls answer d fon.” muling pagti-text nito. This time, she decided to text him back. Kailangang malaman nito na hindi na ito maaaring tumawag pa sa kaniya kahit kailan. “No way,” reply niya rito. Mainam na ring magkalinawan na sila ni Hunter habang maaga na wala itong aasahan sa kanya. “Bkit mo b ‘ko kailangang pahirapan ng ganito?” Napapikit siya pagkabasa sa mensaheng iyon. At muli ay hindi niya iyon sinagot. Nabigla siya nang biglang bumukas ang pintuan ng kanyang classroom habang kasalukuyan niyang inaayos ang mga upuan. “Hunter!” pabigla niyang sabi nang makita ang lalaki sa labas ng pinto. “What are you doing here?!” Matikas itong nakatayo sa pintuan at ang nakapusod na buhok nito ay lalong nagbigay rito ng impresyon ng kaarogantehan. Nakahalukipkip itong tila ba nagbabadya ng isang pagpaparusa. “Bakit mo ‘ko pinagtataguan?!” anito sa mapanganib na tinig. Napalunok si Alpha sa tanong na iyon. Tila dagang nasukol sa isang sulok. “H-hindi kita pinagtataguan. Ang dami kong trabaho dito, hindi mo ba nakikita?” aniya na muling ibinalik ang atensiyon sa mga inaayos na upuan. Nang lumapit si Hunter ay napaatras siya. Ito ang taong hindi yata maaring ignorahin ang presensiya. Sa taas nitong mahigit pa sa anim na talampakan, parang kaya siyang ihagis nito sa labas ng bintana. “Okay. Mag-usap tayo kung hindi mo ‘ko pinagtataguan.” Napapitlag siya nang maramdaman sa wrist niya ang mainit na palad ng binata. Pumiksi siya. “Kita mo na! Umiiwas ka nga! Bakit ba? Ano na naman ba’ng nagawa ko? Bakit ka biglang umalis sa bahay kahapon?!” tila iritado nang tanong ni Hunter. “Wala!” “Wala pala! Bakit mo ‘ko iniwan?!” pasigaw na tanong nito. Nang makabawi sa sindak ay sumigaw na rin siya. “Huwag mo ‘kong sigawan!” “Hindi kita sinisigawan! Naiinis lang ako na para lang akong tsinelas para sa’yo!” Nag-uumigting ang ugat sa leeg ni Hunter kaya batid niyang nagtitimpi lang ito ng galit. At natatakot na siyang talaga. Nasisindak na siya sa galit na nakikita niyang nakarehistro sa mukha ng binata. Pinilit niyang hagilapin ang rason sa utak niya, pero nauubusan siya pagdating sa lalaking ito. Humalukipkip si Alpha at nakataas ang kilay nang sumagot. “Ayoko na, Hunter. Please leave me at peace.” “What? Anong ayaw mo na? Ano’ng ibig sabighin niyon?” “Literal! Ayoko na! As in. Ganoon kasimple kaya kalimutan mo na ‘ko. Nagsimula tayo sa mali kaya wala tayong pupuntahang tama!” “Great!” galit na bulalas ng lalaki. “Pagkatapos mong sabihin kagabi na huwag na kitang iiwan kahit kailan, ngayon naman ay sasabihin mo na lang na basta kalimutan kita! Ano ba’ng akala mo sa’kin? Walang utak na basta na lang gagawin ang bagay na sasabihin mo?!” “Bakit? Hindi ba at iyan naman ang gusto mo? Ang mapasakitan ako para makaganti ka sa ginawa kong pagtangay sa mga damit mo? Hindi ba iyon lang naman? Okay na ah! Ano pa ba ang kulang?” “What are you talking about?” tanong ng binata na ilang ulit na napailing at tila hindi makapaniwala sa mga naririnig sa kaniya. “Time to admit it, Hunter. You only wanted to hurt me, para maipamukha sa akin ang ginawa ko sa’yo. Baka nga may mga pictures pa tayo na gusto mong ipagyabang sa mga kaibigan mo eh. Go! Do what you want but please leave me alone!” Tumalikod na siya at ipinagpatuloy ang ginagawa sa takot na maramdaman ng lalaki ang emosyong lumulukob sa kaniya sa mga sandaling iyon pero sumunod ang lalaki at hinaklit ang braso niya. “Hindi totoo ang mga sinasabi mo! Walang ganoon, Alpha!” malakas nitong sabi. Nang dumagundong ang boses ni Hunter ay tuluyan nang napaiyak ang dalaga. Gumuho ang depensa nito habang patuloy na naglalaglagan ang luha sa mga pisngi. Nanghihina itong napasandal sa gilid ng mesa. “Sweetie, please. Give me time to prove that you’re wrong. Walang ganoon, I promise. Kung may nasabi man ako, o narinig mong sinabi ko patungkol sa iyo, baka gawa lang iyon ng emosyon ko nang araw na iyon. But I never intend to hurt you or harm you in any way.” Mahinahon ang boses ni Hunter habang sinasabi ang mga katagang iyon. “Pero hindi tayo puwede dahil magkaiba tayong dalawa! Tahimik ang buhay ko bago ka dumating! Hindi gaya nito...” sa wakas ay nasabi rin niya ang nais sabihin kasabay ng luhang umalpas sa mga mata. “Everything was normal before you came, pero lahat iyon ay nagbagong bigla dahil sa iyo. I suddenly became a different person. Nawalan ako ng control sa sarili ko. Parang wala na akong ibang gustong gawin kundi ang makasama ka, and I know that it is not normal. Kung hindi ko aawatin ang sarili ko, sigurado akong hindi ko magugustuhan o ng pamilya ko ang mga susunod na mangyayari.” Muling sinubukang hawakan ni Hunter ang dalaga pero patuloy itong pumipiksi. Mula sa pagiging mabagsik ay lumambot ang ekspresyon ng mukha nito saka madamdaming nagsalita. “Ganoon ba? Salamat sa paliwanag mo. Sorry kung hindi pala ako nababagay sa mundo mo. Akala ko kasi, puwede tayo. Akala ko, puwede akong mahalin ng isang taong matino na gaya mo. Nagkamali pala ‘ko...” “Hunter...” “I maybe rude, arrogant, and a lot of things to you, Alpha, pero ano ba’ng gagawin ko? Ganito na ako. Ganito ang buhay ko. Ang pagkatao ko. Kung hindi mo ako kayang tanggapin sa kung ano ako, siguro nga ay hindi talaga tayo puwede,” dugtong nito. May hinanakit sa mga mata nitong hindi niya kakayaning tingnan kaya muli ay inilayo niya ang paningin. “I don’t understand these things about love. Ang alam ko lang ay magmahal at ipakita iyon sa babaeng mahal ko. Pero hindi ko naman kailangang maintindihan, hindi ba? Ang kailangan lang ay tanggapin ko kung ano ang bagay na hinihingi mo sa akin.” Nang lumakas ang tunog ng kanyang pag-iyak ay biglang inisang hakbang ni Hunter ang pagitan nila at walang anu-ano’y mapusok na inangkin ang kanyang mga labi. Bahagya siyang natigilan at sa simula ay nagwala pero marahil sa tindi na rin ng emosyong nadarama ay bigla na lang natibag ang depensa niya. They just shared the most passionate kiss ever. His kisses were teasing...exploring and she suddenly became submissive. When their lips parted, she found him cupping her face and looking intently at her. “Naiintindihan ko na ang gusto mo, Alpha. Nakakalulungkot lang na hindi pala sapat na may pagtingin tayo sa isa’t-isa para magpatuloy. I am willing to let go but thank you for kissing me back. Doon man lang, alam kong hindi naman ako balewala sa’yo.” Gusto sana niyang sabihing importante ito para sa kanya pero wala naman iyong maitutulong sa mga sandaling iyon. Tama lang ang naging desisyon niya at nagpapasalamat siyang naunawaan iyon ni Hunter habang maaga. Nang lumabas si Hunter sa pinto ng kanyang silid ay tila may bahagi ng kanyang pagkatao ang labis na nasaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD