Chapter 8

1038 Words
“MAHAL mo ba?” Kasalukuyang nag-uusap sina Alpha at Yuri isang Martes ng hapon, habang nagpapalipas ng oras sa isang mall. Pagkatapos ng klase ay dinaanan siya nito kanina at nagyayang mamasyal roon. Umiling siya kasabay ng panghahaba ng nguso. May kasama pa iyong paghuni. “Oh come on, girl. You wouldn’t act that way if you don’t love the man,” tudyo nito. “Paano ko siyang mamahalin? I don’t know anything about him. Ang alam ko lang ay rakista siya, that’s all. Oh, well, the Philippine version of Kenny Rogers din pala!” Itinaas niya ang tig-dalawang daliri as if quoting what she said. Napailing muna si Yuri, bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Simple lang ‘yan, friend. Tara sa bookstore at bumili ka ng slumnote. Tapos, pasagutan mo sa kanya at saka mo basahin sa magdamag. Kapag memoryado mo na ang pinakakaliit-liitang detalye sa buhay niya including his favorite color and motto in life, then that’s the only time to take him as a boyfriend! Okay na ba iyon?” Natawa siya sa sinabi nito. Kahit kailan ay ito ang gamot sa lungkot na nadarama niya. Sa lahat ng mga kaibigan ay ito ang pinakakalog kasama. “Puro ka talaga kalokohan eh!” aniya sabay hampas nang mahina sa braso ng kaibigan. “See? Alam mo, internet world na tayo. Out na ang getting to know each other trend na ‘yan! Wala na ngang nakatago sa social media, kaya kung tutuusin, puwede mo naman siyang kilalanin kahit hindi mo siya laging kasama. Why don’t you try to accept him, then do the dos afterwards? Don’t dare deny that you are beginning to fall for him dahil hindi ako maniniwala, Teacher Alpha. Now, start from there, then go with the flow!” Napailing ang dalaga sa suggestion na iyon ni Yuri. Dati nang liberated ito at mas higit pa iyong nadagdagan nang mamalagi ito sa Europa. All out din ito sa pagkukuwento na never itong tumagal sa isang boyfriend, dahil hindi pa raw nito nakikita ang tamang lalaki para rito. At habang on search, willing itong tapusin ang relasyon nito kung sakaling hindi na iyon akma sa mga preferences nito sa buhay. Well, nakahanda naman siyang makinig sa mga opinyon at payo ng kaibigan, pero sa huli ay titimbangin pa rin niya ang lahat dahil hindi naman sila magkapareho ng personalidad ng kaibigan. Opposite poles nga sila nito kung tutuusin. Kasalukuyan silang nagtatawanang magkaibigan nang biglang may mahagip siya ng tingin. Sa hindi kalayuan ay nakita niya si Hunter na may kasamang may edad na babae. Nasa labas ito ng isang kainan kaya naman kitang-kita niya kung paanong sinusubuan ito ng pagkain ng kasama. Nakasimangot naman ito na tila nagagalit pa sa ginagawa ng matandang katabi. Agad ang naging reaksiyon ng isip niya. Labis ang pandidiri niya sa nasasaksihan at halos ay hindi siya makapaniwala. Kung gayon ay tama ba ang iniisip niya tungkol sa binata? Ano pa bang patunay ang nais niya samantalang heto at kitang-kita niya kung paano ito asikasuhin ng matandang babaeng kasama nito? Napailing siya sa sarili kasabay ng pag-amin na tuluyan na talaga silang magkakalayo ni Hunter. “Oh, ano? Nakapag-isip ka na ba? Akin na ang cellphone mo at tawagan na natin ang Hunter na iyan!” Nagulat si Alpha nang bigla na lang agawin ni Yuri ang kaniyang cellphone at saka iyon biglang ini-scan. Sa mga ganitong pagkakataon ay nakakainis na hindi siya mahilig mag-set ng security ng settings ng phone niya. “Akin na ‘yan!” aniya rito sabay pilit na kinukuha ang cellphone sa kaibigan pero sa malas ay desidido ito sa nais mangyari. At ang luka-luka niyang kaibigan, sa Message Inbox dumaan para siguradong makikita agad ang hinahanap nito! “Hindi mo naiintindihan, Yuri! Tigilan mo na ‘yan, please! Makikita tayo ni Hunter--” aniya sabay agaw muli ng cellphone sa kaibigan pero sadyang puro ang kakulitan nito sa katawan. Itinaas nito ang kanang kamay at saka nakipag-usap kay Hunter, at dahil mataas ito sa kaniya ay wala siyang magawa. Hindi rin naman ito nakikinig dahil abala na sa pakikipag-usap sa lalaki, bukod pa sa sarado naman ang utak nito. Nang mapalingon siya sa kinaroroonan ng lalaki ay nakitang niyang nakatingin na ito sa gawi nila. Ibig niyang himatayin sa inis kay Yuri habang hindi alam ang gagawin kung paanong magtatago sa kinauupuan. “What happened?” tanong ni Alpha kay Yuri nang ilang sandali pa ay ibinaba nito ang cellphone niya sa mesa. Nang muli niyang balikan ng tingin ang kinaroroonan ni Hunter ay wala na ito roon. “Hindi ko alam. Ibinaba eh.” “Ano ba’ng sinabi mo?” “Wala pa nga akong nasasabi. Hello pa lang, tapos nakinig lang siya saka ako pinatayan. Ikaw pala ang binabaan, technically. Kung makatanong naman, parang hindi tayo magkatabi, girl ha!” pambabara ng kaibigan. Ibinalik nito sa kaniya ang cellphone habang tila nagtataka rin. Wala sa loob na napahugot ng malalim na paghinga si Alpha. Hindi na niya sinabi sa kaibigan na nasa paligid lang si Hunter. Palaisipan din sa kaniya ang ginawa nitong pambabalewala. Alam niyang sa distansiyang iyon ay malinaw silang nakilala ni Hunter, pero hindi niya alam kung may ideya itong hindi siya ang tumatawag rito. ‘For sure, alam ni Hunter na hindi ako ang may hawak ng cellphone kaya niya ibinaba iyon,’ anang puso niya na umaasam na may pagtingin pa rin sa kaniya ang lalaki sa kabila ng lahat. ‘No, girl. He knew it. He didn’t want to talk to you anymore, like what you wanted,’ sagot naman ng utak niya bilang si Teacher Alpha. ‘No way! Hindi iyon kayang gawin ni Hunter sa akin. At hindi niya ako matitiis kung alam niyang ako ang caller!’ Ah, mababaliw na siya kaiisip sa lalaking iyon! Siguro nga ay dapat siyang makinig sa isip niya, lalo pa ngayon na mukhang naka-move on na nang tuluyan ang lalaki. Malungkot na niyaya ni Alpha si Yuri na maglibot na lang sa mall. Kailangan niyang malibang, dahil kung hindi ay tiyak na magmumukmok lang naman siya sa bahay sa oras na mapag-isa. Ilang sandali pa ay isa-isa nang pinapasok ng magkaibigan ang mga botique sa Green Mall.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD