MULA sa kinakukublihang lugar ay malungkot na pinagmasdan ni Hunter si Alpha. Nang makita niya ang numero nito bilang caller ay agad siyang tumayo at sinagot iyon, pero narinig niya ang dalawang babaeng nag-uusap, at alam niyang hindi si Alpha ang may hawak ng cellphone nito.
Nang pumihit siya ay nahagip ng kaniyang mata ang isang elevated platform na kinaroroonan ng ilang bench, kung saan may pamilyar na pigura ng isang babae. Nang tingnan niyang mabuti ay nakompirma niya ang hinala na si Alpha nga iyon, kasama ang isang kaibigan nito na hindi niya alam ang pangalan. Nasaksihan niya kung paanong dismayado itong makuha ang cellphone mula sa kaibigan at nang mapatingin sa kaniya ay tila nanlulumo.
He should have known why. Alpha did not want to be associated to him anymore. At ngayong alam niyang nakita rin siya nito, at ang kasama niya, hindi malayong nag-iisip ito ng hindi maganda laban sa kaniya.
But he knew that he did not need to defend himself. Para saan pa, gayong nilinaw naman sa kaniya ng dalaga ang estado ng relasyon nila. Wala na siyang pag-asang mapalapit rito dahil pinili nito ang tahimik na buhay. At nirerespeto naman niya ang kagustuhan nitong iyon.
The truth was that he was relieved, on the other hand. Mabuti na rin na si Alpha na ang kusang umiwas sa kaniya. Hindi na niya kailangang kalabanin ang sarilinmg damdamin para iligtas ito sa sakit ng ulo at kapahamakan. She was right, all along. Hindi sila nababagay para sa isa’t-isa dahil magkaiba ang mundo nilang dalawa.
Nagulat siya nang bigla na lang agawin ng inang si Benita Valmadrid ang mobile phone niya at niyaya siya nitong umalis na roon.
Nang nagdaang araw ay tinawagan siya ng ina at sinabing pupunta ito sa bahay niya para ipakipag-usap ang bagay na nais nitong mangyari, pero hindi iyon natuloy dahil kay Alpha. Kaya naman hindi na niya ito nagawang hindian nang tumawag ito nang umagang iyon at sabihing samahan ito sa mall para mamili ng regalo para kay Anne Salviejo, ang babaeng gusto nitong ipagkasundo sa kaniya.
Ilang beses na nila iyong napagtalunang mag-ina, at iyon nga ang dahilan kung bakit pinili niyang mamuhay na malayo sa pamilya. Wala siyang planong magpakasal o mapalapit man lang kay Anne. He had nothing against her, but he simply did not like her and he didn’t want to pretend he did just to please his parents and hers.
Pero ano ba ang magagawa niya kung iyon ang hinihingi ng ama nitong si Ruperto Salviejo bilang kabayaran sa malaking pagkakautang ng mga Valmadrid dito? Wala man siyang kinalaman sa bagay na iyon, iyon lang ang tanging maitutulong niya para maglubag ang kalooban ng mga Salviejo at hindi tuluyang ipakulong ang kaniyang ama na si Tony Valmadrid.
“GIRL, look at this, oh! Ang ganda!” bulalas ni Yuri habang umiilaw ang mga matang nakatingin sa isang branded na fuchsia bag na nasa loob ng estanteng naliligid ng makapal na salamin.
“In fairness,” sagot naman niya nang makita ang presyo niyon. Tumataginting na $300.
“Mura pa nga iyan, kung tutuusin. Saka maganda at matibay naman,” muling sabi ni Yuri habang nakatutok ang tingin sa bag. Luminga ito upang maghanap ng sales lady na mag-a-assist pero wala itong makita. Hinatak siya nito malapit sa counter kung saan naroon ang isang staff. “Hi, Miss, can I ask for assistance, please?” magalang nitong sabi sa cashier sa malakas na boses, pero ni hindi sila tinapunan ng tingin ng babae.
Napasulyap sa kaniya si Yuri habang nakataas ang isang kilay nito. “Pigilan mo ‘ko, girl. Ini-snub ako ng bruha.”
“Huwag mo nang patulan,” bulong niya rito. “May kausap pa yata iyong tao,” dagdag pa niya nang makitang may isang lalaking nakadukwang sa counter. Nakatalikod iyon sa kanila at dahil maraming dumaraan ay hindi nila ito halos napansin.
Pero nang balikan niya ng tingin ang customer at tumayo na iyon nang tuwid ay tila pamilyar iyon sa kaniya. Napakunot-noo siya kaya napatingin rin si Yuri roon.
“Oh my gee, is he that?” untag nito sa kaniya.
Sa layo nilang dalawang metro lang halos sa counter ay dinig na dinig nila ang pagtatawanan ng dalawang magkausap.
“So kaya naman pala busy ang cashier at hindi man lang mapatingin ay dahil may hunk na kaharutan,” baling nito sa kaniya sabay ikot ng eyeballs.
Nang sulyapan niya ang cashier ay mukhang kilig na kilig nga ito sa kung ano mang ibinoboka ng lalaking walang iba kundi si Hunter!
“Sandali at bibigyan natin ng leksiyon ang babaeng ito,” bulong ni Yuri kay Alpha, pero agad niya itong pinigilan sa kamay. Hindi siya nagsalita nang lumingon ito sa takot na marinig ni Hunter, pero sa malas ay nasa mood talagang mang-inis ang kaibigan niya sa araw na iyon. Nang magsalita ito ay halos hilingin niyang bumuka ang kinatatayuan at kainin na lang sila ng lupa para maglaho roon.
“Hey, Hunter, nariyan ka pala! Your girlfriend is here, didn’t you see?”
Noon kapwa napatingin sa kanila ang dalawa at tama ang hinala niya. Si Hunter nga ang kumag!
“Oh, hi, girls!” sabi ni Hunter na tila hindi man lamang nagulat. Bumaling ito sa cashier at saka ngumiti. “This is Fiona,” anito nang tukuyin ang babaeng kausap at saka muling tumingin sa kanila. “Mga nakilala ko sa bar,” baling naman nito sa cashier na ikinasinghap niya.
‘Did he just refer me as ‘nakilala lang sa bar?’
Sa naisip ay agad na nag-init ang sulok ng mga mata ni Alpha. Hindi rin niya maunawaan ang reaksiyon ng sariling katawan. Bakit tila may kumurot sa puso niya sa sinabing iyon ng lalaki?
“Hi, girls!” magiliw namang sabi ng babaeng ipinakilalang Fiona ng kumag. “What are their names, my dear?” tanong nito.
‘My dear???!!! What the F!’
“Sorry,” sagot ng lalaki at humarap sa kanila. “Ano nga ulit ang pangalan ninyo?”
Si Yuri ang hingi nakatiis at humakbang palapit sa dalawa. “What did you just say? Hindi mo natatandaan ang pangalan nitong kasama ko na girlfriend mo?”
“Yuri, please! Do not make a scene here,” gigil niyang bulong rito, habang sinisikap ring kalmahin ang sariling emosyon. Tulad ng kaibigan ay hindi rin niya inaasahan ang sinabing iyon ni Hunter.
“No, my friend! Hindi ako papayag na ganito ka na lang ita-trash ng lalaking ito pagkatapos ng mga ginawa niya para sa iyo! Bakit, nanliligaw ka rin ba sa babaeng iyan na ni hindi alam ang oras ng trabaho sa oras ng harutan?”
“Excuse me?!” sagot naman ng natigilang babae na mukhang palaban rin at nakataas na ang mga kilay.
“I’m sorry,” sagot niya sabay taas ng kamay para awatin ang nangyayaring eksena. “Yuri is wrong. I’m not his girl,” aniya.
“Bakit?” galit na baling sa kaniya ng kaibigan. “I will understand kung sinabi man lang ng kumag na iyan na ex ka niya, but to act like he didn’t know you is absurd, Alpha!”
“I understand din kung may galit kayo kay Hunter, but do not take it on me. Will you please leave my place?”
Nagkatinginan silang dalawa sa sinabi ng babae. It turned out that she was not just a cashier or an ordinary employee, but the owner, herself!
“We’re very sorry about what happened. Excuse us,” aniya sabay hatak kay Yuri palabas ng botique.