GUSTO niyang mangalmot sa labis na inis. Mula sa kinauupuan ay kitang-kita ni Alpha kung paanong magharutan sina Hunter at ang Fiona na nilapitan nito. May patampal-tampal pa ang babae sa balikat ni Hunter habang ang huli naman ay titig na titig sa mukha ng babaeng iyon! “So, hindi mo nga talaga mahal, ano?” biglang tanong ni Yuri, sanhi para mapaayos siya sa pagkakaupo. Hinaplos nito ang braso niya at hindi na niya napigilan ang luha nang umalpas iyon mula sa kaniyang mga mata. Pakiwari niya ay aping-api siya at nakakita ng nanay na pagsusumbungan sa katauhan ni Yuri. “Mahal ko nga pala ang sira ulong iyan,” sa wakas ay pag-amin na rin niya, habang halinhinang pinapahid ang luha sa kaniyang mga pisngi na walang hinto sa paglalaglagan. Hinagod naman ng kaibigan ang likod niya at kahit p

