Tahimik kong hinigop ang iced tea na inihanda nila para sa’kin. Apat na kami ngayon sa hapag. Kasama ko na ang mommy at ang hinayupak na kuya ni Fritz. This is awkward dahil katabi ko ang mommy at katapat ko naman si Flint. Kanina pa ako nangangalaiti upang sigawan ‘to at murahin. Mabuti na lang dahil sa mga lumipas pang mga minuto ay nakontrol ko pa ang sarili ko. “So, you mean na na-maintain mo ang rank mo from grade seven to grade eleven? Wow! Hindi pala talaga ako nagkamali ng pinili para mag-tutor dito kay Fritz!” masayang wika ng Mommy. Base sa nakikita ko, napakamasiyahin nito at magiliw. Hindi gaya ng ibang amo na para bang mahirap pangitiin. Parang kaibigan lang ang tingin sa akin kaya nawala iyong kaba ko. Pero hindi mawawala ang galit ko sa isa niyang anak na walang

