Nakangiti akong gumising kinaumagahan. Sinong hindi matutuwa gayong galing iyon sa babaeng halos kinababaliwan ko na? Ang sarap-sarap lang sa pakiramdam. Para akong dinadala sa langit habang binabasa ang tatlong huling salita na iyon. “Daddy, papasok ka na?” bungad sa akin ni Jaslo nang makalabas ako ng kwarto. Nakabihis na ako ng school uniform at naka-ayos na ng porma. Nakapag-spray na rin ako ng pabango. Nasuklay ko na rin sa ayos ang buhok. Everything is now in place kaya handa na akong umalis. “Yupp, papasok na ako.” Lumapit ako sa kaniya at bahagyang umupo upang pantayan siyang naka-indian seat sa harap ng lamesita. “Alam mo na ang mga bilin ko ha? Sundin mo.” “Okay, daddy.” “Alagaan mo ‘yang si Tweety. Huwag mo masyadong paglaruan dahil baka mapatay mo,” wika ko sabay himas sa

