It's been weeks since we started the physical relationship we agreed on. Mali ito pero bakit hinahayaan ko? Benedict is using me as an outlet to all his s****l frustrations. Mali ito. Dapat
ginagawa lang ito sa taong mahal ka rin pabalik, hindi iyong ikaw lang ang nagmamahal.
Naramdaman kong nakayakap siya sa akin. Nakadalawa kami ngayong gabi kahit na busy siya sa pag-aasikaso ng application sa Stanford. Malapit na siyang umalis at nakakalungkot, pero sa pag-alis niya, sasama na ang nararamdaman ko. I'll let it all go away. Maghahanap na ako ng lalaking mahal din ako. I'll date somebody else. I'll erase every bit that reminds me of him.
"Don't move much, Cassie. I can't sleep." Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin. I feel like I'm the worst sinner knowing na nasa kabilang kwarto lang si mommy. Naiiyak ako, pero mahal ko siya eh. I need to ease the pain he feels. Ayokong malungkot siya. My heart and soul are both in his hands, kaya kapag umalis siya, kasama na niya ang mga iyong tatangayin.
Siguro, babawiin ko na lang kapag nahanap ko ang ang special someone ko. Sana ibigay aa akin ang tamang lalaki. Sana iyong mamahalin ako at kaya kong mahalin ng higit pa kay Benedict. Sana kaya kong kuhanin ang dalawang bagay na buong puso kong ibinigay sa kanya. Iniisip ko pa lang na aalis siya, nalulungkot na agad ako. Mas matindi pa ang nararamdaman kong sakit ngayon. I feel the worst.
I'm dying.
My naked bodice is at his disposal at naramdaman kong lumipat ang kamay niya sa dibdib ko. Sobrang dikit naming dalawa at sana hindi na matapos ang araw na 'to. Sana habambuhay na kami nagkadikit. Ayokong umalis siya. Ayokong maiwanan. Ayokong mabasag. Natatakot akong nagbreakdown kasi alam kong malala, just like how my parents separated at pumunta si daddy ng Spain. Ayoko na masaktan.
"Benedict... ang higpit masyado ng pagakakayakap mo. I can't breathe." Sabi ko while trying to move his arms to loosen his hold on me.
"Ayoko... baka umalis ka."
"Saan naman ako pupunta? Wala akong classes ngayong summer." Pero hindi siya natibag at hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap niya. Nahihirapan akong matulog sa ginagawa niya. Hindi ko siya maintindihan.
"Kahit na, basta ayoko nga. Wag ka na kasing makulit. Naiinis ako pag umaalis ka katulad nung isang araw."
"Uminom lang ako ng tubig. Ang weird mo naman. Just let me go. Ang higpit mong yumakap. Di na ako makahinga sayo."
"Whatever, just stay here with me." At nanatili na nga kaming magkayakap.
Nakaharap ako sa bintana. Pinapanuod ko ang pagbabago ng langit, at kapag nakikita kong magliliwanag na, malapit na ang pag-alis niya. Hindi ko kasi mapigilang malungkot. I loved Benedict simula nang lumipat kami dito sa Red Gate kasi nga naghiwalay ang parents ko. I was just thirteen that time, at si Benedict ang naging unang kaibigan namin. He made me feel welcomed.
True pain I don't deserve; truth is I never learned.
Ang sakit-sakit na pero hindi ko magawang magalit sa kanya. My life revolves around him at si Anthony lang ang nakakaalam ng pagkagusto ko kay Benedict. My mother won't notice, kaso nga lagi siyang busy sa pagmomove on niya at sa mga business niyang bumubuhay sa amin. Hindi ko naman masisisi si mommy, pero miss ko na siya. Pakiramdam ko, sa ginagawa naming dalawa, napupunan ang emotional need ko. Kahit na mahal ako ni Anthony, Benedict will always be my salvation though right now, he's my destruction.
Saan kaya ako aabutin ng kasalanan ko? I succumbed to his s****l hunger kahit na hindi niya ako mahal. Nagpapagamit ako. My innocence is already dead. Wala na akong pwedeng ipagmalaki. Pakiramdam ko, ang dumi-dumi tuwing maglalakad kung saan. Kahit anong gamit kong sabon, hindi na ako malilinis pa. My soul is worse than a pigsty.
"I need to take a quick bath. Aalis ako." Bigla siyang bumangon at tiningnan ako na para bang masama akong sinabi.
"Saan ka na naman pupunta? Let's go to the mall later, may bibilhin ako." Then he brushed his thumb over my lower lip. Alam ko ang mga tingin na iyan. He's seducing me again and he wants to do it again. My female genitalia is sore! Hindi ko na yata kaya, and here he is being to horny again! Ayoko na!
"Magsisimba. Linggo ngayon, at umuwi ka na mamaya sa inyo. Hindi ka ba hinahanap ni tita Marga? Lagi kang nakikitulog dito. Maawa ka naman at hindi na ako nito makakalakad kakagawa ng milagro."
"Ganun ba? Wag na tayong magsimba, gumawa na lang tayo ng milagro." Then he started kissing my neck.
"Ayoko! Magsisimba ako."
"Basta sasama ako." Sagot niya lang.
Just imagining both of us in the church makes me feel like burning. Hindi kaya masunog kaming dalawa sa loob? Hindi kaya... parusahan ako ng Diyos? Hindi kaya na the moment we step inside, we'll both be hit by a lightning? OA na kung OA, pero sobrang makasalanan ang tingin ko sa sarili ko.
Paano ko ba pagbabayaran ang mga kasalanan ko? Hindi ko na alam. I betrayed my family and his. Ang alam ng lahat, nanunuod lang kami ng movies at nagkukwentuhan, iyon pala gumagawa na kami ng milagro.
"Yes... Take me to church."
-=-=-=-=-=-=
Nakatingin lang ako sa Benedict na nakasuot ng coat. Aalis na siya papuntang Amerika. Nalulungkot ako, parang namatayan pa nga ang dating eh pero narealize ko na simula ito ng bagong buhay. I should make the most out of my life. Sa ngayon, hawak niya ang puso ko pero kukuhanin ko pa rin naman.
He hugged me really tight at kakaiba ang dating kasi ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko. Medyo matagal na kaming magkayakap kaya ako na ang kumalas. Tama na rin siguro ang desisyon niyang umalis para makapagmove on ako. Benedict will remain a friend to me, pero sa ngayon kakalimutan ko muna siya. Kailangan kong tanggapin na mahal pa rin niya si Annie.
He kissed Annie on the lips at nakapagbati na nga silang Dalaw. Susunod daw si Annie para magbakasyon na sagot naman ng mag-asawang Saavedra. Botong-boto sila kay Annie at ang sakit lang na dapat harap-harapan ko pa iyong makita. Ang laki siguro ng kasalanan ko sa past life para ma-experience ang hardcore na klase ng heartbreak.
"Wag mong lolokohin si Annie, ha! Magpakagood boy ka." Sabi ko sa kanya at tiningnan kang niya ako.
"O-oo naman. Hindi ko siya ipagpapalit, mahal ko eh." Tumawa naman ako. Si Annie nanatiling nakahawak sa kamay ni Benedict ng mahigpit at nakangiti. I'm happy for them.
"Dapat lang! Ang ganda-ganda ni Annie para ipagpalit. Make sure to love her no matter what happens. Magskype kayo palagi para hindi mo siya mamiss." Nakangiti kong sabi at bigla niya hinawakan ang pisngi ko at pinisil.
"Eh ikaw, hindi mo ako mamimiss at hindi mo ako kakausapin sa Skype?" I was caught off guard with his question. Syempre mamimiss ko siya na parang ikamamatay ko nga eh.
"Depende. Thesis na kasi kami this coming semester, so kapag may time na lang siguro." Nakangiti ako sa kanya but he seems to be unsatisfied with my answer. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang hindi makita ang mukha niya. My heart and soul belongs to him. Hindi ko yata kaya pero kailangang kayanin.
"Kakalimutan mo na yata ako." He sadly said. Biglang niyakap niya ako. Feeling ko tuloy nasa isang movie kami at nasa airport ang setting namin. I felt the warmth of his breath on my neck and I felt myself weakening by his embrace.
"Syempre... hindi. Hindi kita kakalimutan."
He took out something fron his pocket and gave me a necklace with a syringe pendant. Natawa naman ako at inilagay niya iyon sa kamay ko.
"Don't you ever dare forget me. Babalik ako sa pasko, Cassie." He smiled and bid his farewell to all of us. Umiyak si Annie habang yakap-yakap siya ni tita Marga. I can see pain in her eyes. Alam ko namang mahal na niya si Benedict eh, talagang nasakal lang siya kaya siya nabaling kay Anton. Siya ang girlfriend, kaya siya ang dapat i-comfort.
"Sana makapasa na ako sa Julliard para makasunod ako." Naiiyak niyang sabi habang nakayakap pa rin kay tita Marga. Violinist kasi si Annie at hinihintay niya munang matapos siya sa conservatory at sa first time orchestra niya. She's been dreaming to pass the auditions in Julliard school of music. Matagal na talaga niyang sinusubukan at alam kong kakayanin niya.
Magsasama sila ni Benedict. The images are piling up inside my head. Hindi ko kayang makita na magkasama sila. The thought feels like choking me to my death. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya.
"I know you're sad, Cassandra. Babalik pa naman siya. Benedict has been very close to you at alam kong malungkot siya dahil naiwanan ka niyang mag-isa. Ibinilin ka nga niya sa akin... pati si na rin pala si Annie. Sabi pa nga niya galingan mo kasi tutulungan ka niya para makapasok ng med school." Tita Marga hugged me and this time umiyak siya. She didn't cry with Annie pero sa akin umiyak siya nang sobra-sobra. Unico hijo nila si Benedict kaya naman mahirap mapalayo. Benedict is only 26 at mahirap pumunta sa lugar na walang kakilala.
I wish him the best.