"Dr. Saavedra may gusto ka bang i-share sa ating mga interns? Baka pwede mo silang i-enlighten at mahikayat na magtake ng Emergency Medicine. I heard isa ka sa mga top students during your PhD, kaya would be an honor to us." I heard Dr. Falcon spoke and we're now seated at a small conference room ng ospital para sa introduction ng bagong attending physician ng department.
"Thank you, Dr. Falcon for the praises. It's actually an honor to be part of the Falcon Medical Hospital's medical team. Since I'm one of the top students abroad, I should say that I'm still new to this feeling kaya sana magtulungan tayo sa ER and treat me as one of your friends or a great mentor."
Mentor? Mentor your face, you a*shole. Kapal ng mukha nito magpacharming eh ubod naman sa kamanyakan! Walang kwentang lalaki ang kagaya niya. He is not supposed to be saving lives because he almost ended mine.
"A Stanford graduate in my hospital is an honor, Dr. Saavedra. I'm happy to know you'll be part of my team. Salamat sa pagtanggap ng offer. For this year, madaming nakapasa kahit mahirap ang exams. We have 45 new interns dahil lumalaki ang ating ospital and you have to at least convince some of them to join the team of ER. " Dr. Falcon smiled. Nakita ko sa kanya na tuwang-tuwa siya pagdating ni Benedict.
This is hell and I can feel it. Nakikita ko pa lang siya nag-iinit na ang sentido ko. Masama ang tingin ni Anthony sa kanya kaya naman kinurot ko siya sa tagiliran para tumigil. Obvious naman kasi niya, eh baka mamaya pag-initan kami 'pag inaway namin siya.
"Enough." Pabulong kong sabi. Biglang tumingin si Dr. Falcon sa akin at ngumiti. Tumingin na rin sa akin ang ibang intern.
"This is Dr. Torres... I mean Dr. Cassandra Torres dahil she has twin brother na intern na si Dr. Anthony Torres. She is our top 8 in the internship admission exams and I'd like to hear her expectations for you. She's a great doctor; plus she's exceptionally beautiful. We call her Dr. Ginger kasi sobrang pula ng buhok niya." I smiled at Dr. Falcon kasama ang misis niya na si Dr. Cristina Falcon.
She spoke. "So hija, tell us what you're expecting. Lalo ka yatang gumanda simula nung mga nakaraang buwan. I bet maraming may crush sayo dito? Don't you agree doctors?" Nagsigawan ang mga lalaking intern at may sumipol pang iba. Alam ko naman talagang maganda ako at matalino pa. This rotten man in front of me wilk see what he lost. Hinding-hindi ako babalik sa kanya kahit na pumuti pa ang mga uwak! Excuse me, pero manigas siya.
"I only expect pure professionalism. 'Yung tipong no hard feelings kung sa tingin mo mali kami eh pagalitan mo. You should also share your knowledge kahit 'di ka professor na assigned sa mga interns to give a thorough background of your specialization. I expect pure hard work and reliabilty as well." I smiled showing my perfect set of white teeth with my plump lips in Matte red.
"Exceptional. You never fail to surprise me, Dr. Torres. I can see na maganda ang future ng Medicine sa ospital natin dahil sa mga kagaya mo. Let's be like her, folks. Follow her striking confidence and intelligence. Thank you, Dr. Torres."
He looked at me like he disgusts me. I felt sudden shivers on my spine.
-=-=-=-=-=-=-=
(8 Years ago)
"Cass, Tony! Andito na si kuya Benedict niyo!" Sumigaw si mommy habang nag-aayos kami ni kuya ng gamit namin for our first day in school. Sa St. Rose of Lima University siya nag-aaral kasama na rin ang mga kaibigan naming sila Anton, Annie at Diana. Tuwang-tuwa akong magkakasama kami.
Kuya Benedict always has this huge crush on ate Annie at nakakapagselos. I'm crushing on him, kahya siguro normal lang iyon. Si Annie kasi lagi ang muse tuwing may even ang Red gate subdivision. Crush din siya ng bayan at magaling magviolin. Everyone basically adores her.
"Coming mom!" I fixed my long black hair in a pony tail and made sure I look great in my uniform. Second year na kami ni kuya sa college at nasa fifth year naman si kuya Benedict sa Medicine. We actually want to be doctors as well kaya magandang influence siya sa amin.
"Wow, dalagang-dalaga ka na Cass." He smiled at me. Alam ko namang hindi iyon totoo dahil si Annie pa rin ang maganda para sa lahat. He will always adore Annie like she's the queen of Sheba. Yes, bitter ako kay Annie.
"Thanks, kuya." I smiled at him at sobrang gwapo niya sa kanyang suot na white uniform. Kailan nga ba ako mawawalan ng pagkagusto sa kanya? Aba malay, ang hirap isiping mawawalan ako ng gusto sa kanya. He got this hold on me. Ewan.
"Thanks Benedict, for bringing the kids to school. May sakit ang driver namin kaya one week silang makikisabay. Kung may date ka naman eh pagtataxihin ko na lang sila basta magkadikit." She smiled at him at bumaba na si kuya.
"Ma, kaya ko naman kasi magmaneho. May license naman ako eh. Nakakahiya kay kuya Benedict na nakikisabay kami." Ginulo ni mommy ang kakawax lang na buhok ni kuya kaya siya sumimangot.
"Tony boy, baby ka pa kaya bawal pa. 'Pag nagtwenty one ka na bibilhan kita kahit chedeng pa, but not now." She sweetly smiled at him and all he can do is just to pout and obey mom.
"Ay, dadaanan pala natin si Annie. Sasabay na din daw siya." He smiled and alam kong sa front seat na naman uupo 'yun. Feeling prinsesa palagi ang datingan niya. Sanay siyang pinapamper ng mga manliligaw at obviously bagsakin pa sa exams eh kay dali na nga course niya.
Be kind, Cassie. Hindi ka biatch.
Nakita ko siyang nag-aabang sa gate nilang parang masisira na at pacute pang nag-aabang sa labas. Epal talaga 'tong babaeng 'to at bakit ngayon pa niya naisipang sumabay? I plugged in my iPod and put on my earphones instead of listening to their stupid sweetness.
Tinapik ako ni Anthony sa braso.
"Bakit di ka sumasali sa usapan? Kaming tatlo tanong ng tanong sayo." I tiredly looked at them and responded.
"Ano ba 'yun? "
"Mahirap daw ang Psychology, Cassandra ah? Kamusta exams?" Talagang si Annie la ang ang nagtanong sa akin. Syempre, isusupalpal ko siya. Ayan na naman kasi ang soft aura niya na nagpapalambot sa kalalakihan.
"I'm the top Dean's lister, Annie. First semester is way too easy kaya sana humirap naman ngayong second semester. Nawawalan na kasi ako ng kakumpitensya. Mabilis humina ang brain cells ng mga kaklase ko. Si Anthony lang naman ang nakakalevel sa akin, kaso medyo tamad siya." I calmly answer na parang ikinagulat niya.
"You're a dean's lister? Hindi ko alam, that's really nice to hear. Matalino naman talaga kayong dalawa ni Anthony." She said. I hate it when she's too kind. Wala siyang bahid ng kasamaan unlike me. I've been hating her nang wala siyang kaalam-alam. She's beautiful and kind pero nagagalit ako sa kanya. Benedict loves her.
"Wala ka naman talagang alam... I mean, di kasi tayo nakakapagchika kaya wala kang nalalaman." I politely smiled at her. Sayang, maganda lang siya. Ako kasi maganda na, matalino pa.
Anthony is trying to hold back his laughter pero kinurot ko siya sa tagiliran para matahimik. Alam niyang supalpal ako. Annie Jane is as kind as a saint. Magaling siya sa mga instruments at maganda. She can play three instruments!
"Matalino talaga si Cassandra, Annie. Medicine kasi ang kukunin nilang kambal kaya ganyan sila kaprepared mag-aral. She's really determined lalo na't mahirap pa ang course niya. Partida pa nga eh." Parang nagkahangin ang ulo ko sa sinabing iyon ni kuya Benedict. Annie remained smiling while staring at kuya Benedict. How can she so pretty?
"Sana 'pag naging doktor kayong tatlo libre check ups ko ha! Nakakatuwa naman na magiging doktor kayo." She smiled again. Bakit wala akong makitang kahit anong bahid ng kainggitan sa kanya. She's simple and beautiful while I'm rotten and naive. Bakit maganda siya? Why is she that stunning? Siguro kung lalaki ako baka habulin ko rin si Annie.
"Syempre naman. We can never forget you Annie Jane." Kuya Benedict smiled and took Annie's hand to kiss it. Parang hinihiwa ang puso ko sa eksenang nakikita ko. Kung pwede lang tumalon ngayon dito sa sasakyan. 'Di ko yata matatanggap ang pagkatalo ko kay Annie. I treat her as an enemy pero she treats me like a sister. Nakakalungkot kasi kitang-kita ko kung paano haplusin ni kuya Benedict ang kamay ni Annie. Napaubo si Anthony dahil alam niyang naiiyak ako at pinipigilan ko lang. Nakinig na lang ako ng music sa iPod. Pucha...
Now playing: My Heart by Paramore
"Anyways, kuya Benedict may nanliligaw kay Cassie sa university pero di ko alam kung pagkakatiwalaan ko eh." Siniko ko si Anthony kasi ayoko ng nagsishare siya tungkol sa akin. Ayokong nililigtas niya ako dahil napitpit na naman ang self-esteem ko dahil kay Annie.
"Ano ba pangalan niyan? Baka kilala ko, sabihin mo sa akin. Kailangan natin mai-screen 'yan. She's too innocent for someone matured, Anthony. Make sure we get to know this guy first." Kahit nakaturn kn ang music sa iPod ko, naririnig ko pa rin ang pinag-uusapan nila. Ayokong makinig sa pekeng concern ni Anthony. He's just trying to be nice kahit na wala naman talaga siyang pakialam. He won't give a damn about me. Puro na lang siya Annie at hindi ko na yata kaya.
"'Di na naman papansinin ni Cassandra ang mga manliligaw niya kasi napakastudious niya which is really good kasi may priorities siya. I applaud her for this dedication." There she goes again! Grabe andyan na naman ang kabaitan niyang walang kupas. Kelan ba siya gagawing santo? Alam ko nagmumukha akong makasalanan kapag katabi siya kasi nabubuhay ako sa inggit at galit. I'm beginning to hate myself.
"I believe it's better to know it all than not knowing anything at all. Besides, I'm only eighteen. I need to make a concrete future. Hindi ako naniniwala sa quotation na 'follow your heart' kasi, what your wants can't feed your starving mouth. Tana ka, I'm dedicated in my studies. " Anthony looked at nakikita kong alam niyang nalulingkot ako ngayon. He knows how broken his sister is.
"You're right, sis. We still need to doctors to be maintain are lavish and extravagant lifestyle. My trust fund isn't even enough for me." Anthony smiled.
"Correct, and besides mahirap mabuhay pag wala sila Gucci and Prada... Lalo na si Louis Vuitton, mamimiss ko siya." Dagdag ko pa.
"Kayo talaga, ang yaman-yaman niyo na nga." Sabi pa ni Benedict. Natawa si Annie at ngumiti kay Anthony.
"Oo magpayaman kayo para libre ako." She smiled again! Never ko pa yatang nakitang nagalit si Annie o kaya nainggit. Nakakainis kasi gusto kong magalit siya!
We are fed by silver spoons and I meant it literally. My parents are separated kasi si daddy ay nanatiling nakatira sa bahay namin sa Spain at si mommy naman dito sa aming dalawa. Walang ibang asawa si daddy kaso sawa na raw siya sa bibig ni mommy. My mother's a little bit loud and bossy kaya ganito ang personality namin ni Anthony.
"We want wealth established by our sweat, kuya. Hindi naman kami aasa na lang milyones naming trust fund. After all, sayang naman talino naming magkapatid kung di kami magko-contribute sa society. Ayaw namin ng trabahong walang silbi." I smiled at him gently.
I hate women like her. Mahina siya at dependent sa mga manliligaw niya. Sinasayang niya ang pera ng mga magulang niya sa nga bagsak niyang subjects dahil sa pagtugtog sa mga banda. It's her passion but she's downright stupid. Ako na masama. Ako na ang makasalanan. I don't care, for all I know is that this stupid woman isn't worth anything Benedict is.