Chapter 5: Choosing Her Prey

1274 Words
Mabilis na natutunan ni Heratheneia ang social hierarchy sa Saint Dominique Academy. Ang mga “old money kids” ay madaling makilala—may aura ng entitlement, at ang mga apelyido nila’y may kasaysayang umabot ng ilang henerasyon. Hindi nila kailangang ipagyabang ang yaman nila; sapat na ang kanilang understated designer na damit, shoes and bags para ipaalala ang kanilang status. Ngunit alam niyang wala siyang mapapala sa kanila. Pinagmasdan niya ang mga ito mula sa malayo tuwing break, lihim na ina-analyze ang kanilang mga pag-uusap. Polite, polished and well-mannered, halatang ang mga magulang nila’y walang pakialam kung sino ang idini-date nila, dahil sigurado na ang kanilang kinabukasan. Marami sa kanila’y malamang nakatakda nang ipakasal sa sino man with the same status para mapanatili ang yaman ng pamilya. ‘Old money is untouchable,’ naisip niya. ‘Kailangan ko yung katulad ko—isang taong may kailangang pang patunayan.’ Dito naging malinaw ang kanyang target: ang ‘new money kids.’ Sa una, mahirap silang hanapin, pero dahil sa galing ni Heratheneia sa pag-obserba, mabilis niyang natukoy ang mga ito. Sila ang mas flashy magdamit, mas malakas tumawa, at ang kanilang social media ay punong-puno ng selfies ng luxury cars at mamahaling resorts. Ang mga magulang nila’y dumaan sa hirap para umangat sa buhay, kaya’t ang mga anak nila ay ipinapadala sa mga prestihiyosong paaralan tulad ng SDA para hindi lang matuto, kundi makipag-network din—at kung swertehin, makapangasawa ng “mas mayaman pa.” Habang pinagmamasdan niya ang isang grupo ng ‘new money kids’ na nakatambay sa fountain, narinig niyang may nagyayabang tungkol sa bagong business venture ng kanilang pamilya. ‘Perfect,’ naisip niya, habang ngumingiti nang lihim. Sa unang linggo ni Heratheneia sa Saint Dominique Academy, napansin niya agad ang isang peculiar na character sa campus: si Diego, ang self-proclaimed "campus comedian." Lagi itong may dala-dalang ukulele at nagsusulat ng sariling kanta, na sa totoo lang, wala namang sense. Pero tila natutuwa ang ilan sa mga kaklase nila, kaya hindi siya mapigilan ng mga teachers. Isang tanghali habang kumakain si Heratheneia sa cafeteria, biglang sumulpot si Diego sa harap ng table niya, hawak ang ukulele, na parang eksena sa isang low-budget rom-com. “Heratheneia!” sigaw nito, sapat para tumingin ang halos lahat ng tao sa cafeteria. “This song is for you.” Napakunot ang noo niya pero ngumiti, kunwari’y nagugustuhan ang idea. ‘Let’s see where this goes,’ naisip niya. Nagsimula si Diego na mag-strum ng ukulele at kumanta nang malakas: “Heratheneia, you’re so fine, You make the stars align! Pero sabi nila, may pagnanasa ka daw, Sa yaman ng iba... wow!” Tumigil ang buong cafeteria, ang ilan ay pigil ang tawa habang si Heratheneia ay nanatiling composed, kahit gusto niyang tumawa ng malakas sa sobrang random ng kanta. Pagkatapos ng kanta, tumayo si Diego na parang nanalo sa isang talent show. “What do you think? Bagay ba tayo?” sabi nito, ngumiti pa nang ubod ng laki. Ngumiti si Heratheneia nang matamis, pero sa loob-loob niya, nag-iisip siya ng witty na sagot. “Diego, ang galing mo,” sagot niya, sapat para magningning ang mga mata ng binata. “Pero siguro mas bagay ka... sa ukulele mo.” Napatawa nang malakas ang mga nasa paligid habang bahagyang namula si Diego. “Ah, okay, sige,” sagot nito bago mabilis na tumalikod. Habang papaalis si Diego, tumingin si Heratheneia sa kanyang pagkain, may bahagyang ngiti sa labi. ‘At least the guy has confidence,’ naisip niya. Sa unang buwan niya sa SDA, siniguro niyang maging “invisible.” Polite pero distant, siya’y naging background character lamang, sapat para hindi pagdudahan. Kinaibigan niya ang mga staff at inalam ang mga unwritten rules ng paaralan: sino ang mga estudyanteng biglang yaman ang pamilya, saan sila laging tumatambay, at ano ang mga importante sa kanila. At dito niya natukoy ang kanyang susunod na target: si ‘Lance Gutierrez’, ang nag-iisang anak ng pamilyang biglang umangat sa tech industry. Sinimulan niya ang plano sa pamamagitan ng mga “aksidenteng” pagkikita. Isang hapon, sinadya niyang mabangga si Lance sa library, dahilan para mahulog ang mga dala nitong libro. “Oh my gosh, sorry talaga!” sabi niya, sabay luhod para tulungan itong pulutin ang mga libro. “It’s fine,” sagot ni Lance, halatang nagulat. Ngumiti si Heratheneia, iniabot ang isang libro. “Hindi ko sinasadyang maistorbo ka. You looked really focused.” Napatingin si Lance sa kanya, nagtataka. “You noticed that?” “Hard not to,” sagot niya at mahinhin na tumawa. “You have that look, like you’re thinking about something important. Ang sarap sigurong may ganung passion.” Bahagyang namula si Lance, halatang hindi sanay sa ganitong atensyon. “Uh, yeah. Thanks,” sagot nito habang kinakamot ang batok. Sa mga sumunod na araw, sinadya ni Heratheneia na lagi siyang makita ni Lance, palaging may maliliit na papuri at tanong tungkol sa mga iniisip nito. Sa loob ng isang linggo, si Lance na ang naghahanap sa kanya para mag-usap. Mabilis na nahulog si Lance. Sa mga pag-uusap nila, binigyan ni Heratheneia ng validation ang mga hinanakit nito, bagay na hindi nito nakukuha mula sa kanyang overbearing parents. “They think everything I do is a joke,” sabi ni Lance isang hapon habang magkasama sila sa school garden. “Sinasabi ko sa kanila na gusto kong magtayo ng sariling company, pero tinatawanan lang nila. Para bang hindi nila ako sineseryoso.” Bahagyang hinawakan ni Heratheneia ang braso niya. “Ang hirap nun. Pero para sa akin, Lance, you’re amazing. You’re smart, and you have real ambition. Huwag mong hayaang ipagkait nila ‘yan sa’yo.” Lance stared at her, his heart pounding. “Ikaw lang ang naniniwala sa akin.” Ngumiti si Heratheneia nang matamis. “Maybe because I see who you really are.” Sa loob ng isang buwan, si Lance ay tuluyang nahulog sa kanya. Nagsimula itong umiwas sa mga party at mas lalo pang pinagtuunan ng pansin ang pag-aaral, lahat para lang ma-impress si Heratheneia. Minsan pa’y dinala siya ni Lance sa bahay ng mga ito, dahilan para magdulot ng tensyon sa Gutierrez household. Hindi nagtagal, pinatawag siya ni Mrs. Arlene Gutierrez para sa isang masinsinang pag-uusap. “I know what you’re doing,” sabi ni Mrs. Gutierrez, matalas ang tono habang nakaupo sa kanilang marangyang sala. Nagpakita ng inosenteng ekspresyon si Heratheneia. “I’m not sure what you mean, ma’am.” “Huwag na tayong maglukohan,” sagot ng ginang. “Alam kong dumidikit ka sa anak ko para makakuha ng bahagi ng yaman namin. Pero tandaan mo, hindi ako papayag na sirain mo ang lahat ng pinaghirapan namin.” Bahagyang yumuko si Heratheneia, kunwaring nasaktan. “Ma’am, mahal ko po si Lance. Hindi ko po siya—” “Itigil mo na ‘yan,” putol ni Mrs. Gutierrez, tinaas ang kamay para patahimikin siya. “Magkano ang kailangan mo para layuan siya?” Kunwaring nag-alinlangan si Heratheneia, bahagyang kinagat ang labi. “Ma’am, ayokong saktan si Lance. Pero kung sa tingin niyo po ay ito ang makakabuti sa kanya...” “Ten million pesos,” sabi ng ginang. “Take it or leave it.” Nagpanggap siyang nag-iisip nang mabuti bago dahan-dahang tumango. “Kung ito po ang para sa ikabubuti ni Lance, tatanggapin ko.” Habang palabas ng Gutierrez mansion na may isa pang tseke sa kanyang bag, ngumiti si Heratheneia nang lihim. Tama ang hinala niya. Ang mga ‘new money rich’ ay predictable—handa silang magbayad ng kahit magkano para lang mawala ang isang problema. Ang investment niya sa Saint Dominique Academy ay nagsisimula nang magbunga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD