Hinila niya ako palabas ng hospital. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Tinitingnan ko siya habang mabibilis ang mga hakbang nito. We reached his car.
Nang nasa loob na kami ay halos hindi ito kumikibo. So, I guess I should keep quiet too.
Hindi na din ako nag-atubili na magtanong whatever that was. Hihintayin ko na lang na may masabi siya kaysa naman masira ko ang mood niya. He was different that time we met that guy in the hallway. I can sense something but I am not gonna ask him. I might say the wrong words that could offend him.
He drove and I kept myself silent.
Narating namin ang isang store na baby stuffs ang naroon sa loob. Napaawang ako ng aking bibig dahil hindi ko inaasahan na dadalhin niya ako dito. I looked at him.
“Ree?” tanging nasambit ko.
“Were going inside.” Ang sabi nito.
Napakurap mata na lang akong huminga. Bumaba siya at pinagbukas ako ng pinto.
Nagtaas ako ng tingin sa shop habang inilalapag ang aking paa sa kalsada. Nais ko talagang matuwa pero nagtataka ako he’s so kind to me.
“Let’s get in.” Yaya nito sabay tingin sa akin na nakatayo sa tabi niya. He stepped forward matapos nitong isara ang pinto ng kaniyang sasakyan.
Sumunod naman ako.
Binuksan niya ang bi-fold glass door ng shop upang makapasok kami.
Sobrang amazed ko noong nasa loob na kami. Lalo akong nasasabik na makita ang anak ko. Lalo akong nasasabik na mabihisan siya ng mga narito. Pero ano naman ang kukunin ko? Hindi ko pa alam ang gender niya. Lumingon ako kay Ree.
“Mamili ka na.” Ang sabi niya kahit nasa bungad pa lang kami nakatayo.
Napaisip ako.
“Pipili? Alin ba dapat?” ang tanong ko sa kaniya.
“Anything you want.” Ang mabilis niyang sagot.
“What? Are you kidding me?” natawa akong nagsabi.
“Ikaw ang nanay you should know.” Ang sabi naman niya habang nakapamulsa itong nagtitingin-tingin.
“Next time na lang.” Ang sabi ko pa.
“I said pick anything you want.” Ang pagpupumilit niya.
“Ayoko! Next time na.” Ang sabi ko pa.
“Then I will do it myself.” Ang biglang sabi nito at lumapit sa area na mayroong push cart. Kumuha ng push cart at itinulak ito habang naglalakad.
Tumungo siya sa shelf ng feeding bottles. Samu’t sari ang mga brands na pagpipilian mula sa pinakakilala na brands in different sizes. Nakakamangha gusto ko hakutin lahat.
Halos hindi na ako umusad ng kakasunod ng tingin sa kaniya. Namalayan ko na lang na tinitingnan niya akong nakatunganga dahil tinawag niya ang pangalan ko.
“Lesley!” sabi niya. Kaagad akong lumapit sa kinaroroonan niya.
Maliban sa kumuha siya ng feeding bottles ay kumuha din siya ng rubber n*****s. I don’t know para saan? Sa nakita ko ay meron na din naman kasama sa mga kinuha niyang bottles. Maybe he thinks na kailangan ng spare in case na kailanganin ay mayroong madudukot mula doon.
Kumuha siya ng dalawang bottle brush. Pinaghahandaan ang panlinis sa mga feeding bottles ng baby. Paano niya alam? Napapailing ako sa mangha. Parang naging tatay na siya mga ikinikilos niya.
Pagkatapos ay tumungo siya sa shelf kung saan naroon ang mga clothings ng baby like burp clothes. Kumuha siya ng dalawang set nito. Ang dami na noon since anim ang laman ng isang set nito at puti lahat ang kinuha niya.
Nilapitan ko siya at bumulong.
“Hoy! Ang dami niyan—” sabi ko pa.
“Maigi na ‘to para ‘di ka mahirapan kapag nandiyan na baby mo. Mas marami mas maigi.” Ang sabi niya habang abala sa pagpili. Natatawa akong isipin. Parang kailangan na siya bigyan ni Lia ng anak. He will be a great dad I’m sure.
Muling humakbang siya at abala sa pagtitingin sa mga shelves. Ang daming pagpipilian na brands. Kumuha ito ng baby cream ang pinakamalaki sa lahat. Bigla ko siyang pinuna.
“Oh? Para saan naman ‘yan?” ang tanong ko sa kaniya.
Iniaabot nito sa akin ang round bottle na hawak niya nasa three hundred and eighty milligram yata ang laman nito.
“Read it. Ikaw ang magiging nanay, are you supposed to ask me that?” ang sabi pa niya. Napahalakhak ako ng hindi sinasadya. Mukhang hinihiya ako nito. Mabuti at mga puti lang ang nandito. Hindi maintindihan ang mga sinasabi niya.
Binasa ko at good naman pala dahil in case magkaroon ng rashes like diaper rash si baby ay makakatulong ito para mabawasan ang irritation sa balat. Napatango ako habang binabasa ang nasa label.
Ibinalik ko ito sa shelf. Kumuha ako ng smaller one at inilagay sa cart. He took it right away at ibinalik sa shelf.
“Wait! I thought we need that?” ang sabi ko sa kaniya.
“Yes! Better choose something bigger so you may use for a longer period of time.” Kinuha niya kaagad ang ibinalik ko at inilagay sa push cart niya.
I did not utter a word. Ayoko naman makipagtalo sa lalaking ito.
Humakbang pa kami at narating namin ang area kung saan naroon naman ang mga bath essentials.
Talagang atat siya. Ilang buwan pa bago darating ng baby ko.
“Don’t tell me you’re going to buy that now?” ang sabi ko sa kaniya dahil hawak na nito ang liquid bath soad na pang baby. He did not mind me saying. He put it into the cart.
Sa tabi ng shelf ay nakasabit naman ang mga hooded bath towels na nakabalot. Nakasalansan ang mga ito in diferrent shades. Pero puti ang kinuha niya at inilagay sa cart.
He even picked some leg warmers. Also nail clipper set kasama doon ang nail file. Kumuha din siya pati ang pacifier, rattle, straw bottle, teethers, wash cloth, wipes, cotton, mittens and booties, powder, ointments, pillows, swaddle blanket, pati vaporizer.
Tinanong ko siya kung para saan pa ang vaporizer.
“Aanhin mo pa ‘yan?” ang tanong ko.
“The baby needs this during winter. Baka gusto mo dumugo ilong ng anak mo.” Ang sabi nito.
Nanahimik na lang ako. He might have known better than me.
Hindi ko na siya pinakialaman sa lahat ng ‘yon. Masyado siyang busy sa kaniyang ginagawa. Hinayaan ko na lang. He looks more excited.
Last stop namin ay ang cashier. He pulled out his wallet from his back pocket. May kinuha siyang card. Nakaready na ang bills ko para bayaran but he was quick to hand in his card to the cashier.
“Wait! I’ll pay for it—” ang sabi ko.
“I got this.” Ang sabi niya. I could not disagree more.
I waited ‘til he picked all the bags na may laman ng pinamili namin.
I took a photo of him carrying those stuffs he bought for my baby. Naisip akong ipadala kay Lia.
So I sent her his phot na may dalang shopping bags.
Natatawa akong sinabi kay Lia—
“Come home soon lady. This boy needs a baby.” Ang laman ng message ko.
Inilagay niya ang mga ‘yon sa compartment ng sasakyan.
“So where do you wanna go now?” ang tanong niya.
Nagkibit-balikat ako.
“I know, I will take you to Eaton Center.” Ang sabi niya.
“Wow! Wala ka bang appointment? Naabala na kita almost half day.” Ang sabi ko.
“Get in.” Ang sabi niya sabay bukas ng sasakyan.
Nasa downtown na lang man talaga kami at malapit na lang dito ang Eaton center. Ito yung isa sa mga kilala na mall dito. Marami ang dumarayo since maraming pagpipilian na mga luxury stores at masasarap ang pagkain na served sa mga resto dito.
We spent almost two hours together. May pinamili din siya mostly scents. Halos mahilo ako sa loob ng shop na ‘yon. Napakasensitive ko pa naman sa perfumes ngayon.
After namin umikot ay inuwi na niya ako.
Akmang bababa na sana ako ng sasakyan ng biglang umikot ang paningin ko. I leaned on the seat. I closed my eyes.
Narinig ko na lang na tumunog ang pagbukas ng pinto ng sasakyan and he’s there beside me. I felt his hands helf my arms.
Nagising ako sa tahimik na paligid. The silence is defeaning when suddenly I heard the door creeks open.
“How long since we last met?” ang sabi ng tinig ng babae. I wish to open my eyes but I feel a bit tipsy.
“Who is she?” ang dagdag nito. Hindi ko alam kung sino ang nagsasalita at kung sino ng kausap nito.
“She’s pregnant. Is she your wife?” patuloy nitong pagsasalita at wala akong marinig na tugon.
“She’s weakened maybe because of excessive daily routine.” Ang sabi nito.
Baka nga nasobrahan ako ngayong araw ng kakalakad kanina. Medyo napagod na din kasi ako but nasaan pala si Ree. I remember siya ang kasama ko.
“You should be extra careful this time. Second chances won’t come along that easy when you want.” Ang dagdag pa niya.
I heard a man’s sigh. And I think si Ree iyon.
“Come on! I’ll be outside, son.” Ang sabi ng babae. Biglang namulat ang mga mata ko. Mother niya ang pumasok? Medyo blurry pa ang paningin ko kaya ipinikit ko ulit ang mga mata ko. Nakakahilong pakiramdam.
The door closed. At naririnig ko ang mga yabag ng mga paa nito papalapit sa akin.
“Lesley?” that voice. He held my hand. It’s cold and I wanted to open my eyes now.