Chapter 11 Who's Ree

1957 Words
I was thinking if sasagutin ko ang tawag to feed my curiosity. But I realized na hindi dapat. Mali ang isipin na pakialaman ko ang cellphone nito. Besides I am not his girlfriend or wife to do it. Kaya naman ay hinayaan ko lang hanggang sa tumigil na ito sa pag-ring. Ilang sandali pa ay tumunog ulit ito. Nakita kong paparating na si Ree sa kinaroroonan ko. He carries a food tray na may laman na milk shake and a cup of coffee. Inilapag niya ang mga iyon sa aking harapan. There is a whole pizza too. Dalawa lang naman kaming kakain pero bakit buo ang dala niya? He noticed his phone ringing. Mabilis niyang dinampot ito and he cancelled the call. I wanted to ask him but I don’t know kung paano ko itatanong baka maisipan niya masyado akong nakikialam sa kaniyang personal life. So I ignored and sipped on my glass. Naupo siya sa harap ko. He sipped on his smokey black coffee. “So tell me what was your job before you came here?” ang tanong niya. “Sa Dubai ako nagtagal. Fitness Gym receptionist ang trabaho ko doon.” Ang sabi ko. Napatango-tango siya. “Great! For sure marami kang naging karelasyon doon.” Ang wika nito. Umiling ako at napangiti. Sobra naman itong mag-isip. “Ang totoo iisa lang ang naging boyfriend ko and that is Jeff.” Katwiran ko. “Oh—” gumalaw ang mga kilay nito. “Then hindi nag-work ang marriage?” ang tanong niya. “Mag-work din naman sana may intruder lang.” Ang sabi ko pa na bahagyang napaismid. “Does he know about the baby?” ang tanong nito. “Nope!” tipid kong sagot sa kaniya at napailing ako. “I see. Ayaw mo ipaalam?” ang tanong nito. “Yes! I don’t want to bother him.” Wika ko. “You are being unfair to your husband.” Ang sabi pa niya. “Saan naman?” mahihimigan ang mabilis na pagtutol ko dito “Unfair ba talaga? We chose to separate our ways.” Nagkibit ako ng aking balikat. “It just happened I bear his child. Nandito ako at nasa Pinas naman siya. Hindi ko na kailangan guluhin ang buhay niya. Besides he just started to live his life again.” Ang wika ko. Mahihimigan ang pangungulila sa tinig ko. “You’re lying. You still love your husband. Why would you leave?” ang tanong nito. “Ree?” ang tawag ko sa kaniya. “Yes?” ang tugon naman niya. “Just cut it off.” Ang sabi ko pa. “Okay—hindi na natin pag-uusapan.” Ang sabi naman niya. “Wait—” wika ko. “How’d you made it to change my work assignment? Malakas ka ba sa taas?” ang tanong ko sa kaniya. Tinutukoy ko ang HR ng hotel. He smiled. “Hindi!” mabilis niyang sabi. “I thought na kaibigan mo ang—” naputol kong sabi. “I’m just an employee like you.” Turan nito. “Iyong si Aya ba matagal na doon?” ang tanong ko. “Yes! Maybe five years or more.” Ang sabi naman nito. “She’s so nice.” Ang wika pa niya. “Oo. I can see that too. Medyo nakakahiya lang ang first meeting namin. Naglinis pa siya ng dumi ko.” ang sabi ko pa. “Next time kasi magsabi ka if you’re not feeling well. I can arrange your schedule.” Ang alok nito. “Thank you. Panandilian lang naman siguro ito. Kapag lumipas na ang stage ng paglilihi ay magiging maayos na ako.” Ang sabi ko pa. I have read some articles din about pregnancy stages kaya alam ko na. “I think not. Kita mo ba most women who are pregnant suffers more as the baby grows inside them.” Ang paalala nito. “Wow! What else do you know about child bearing?” tumawa ako. He sounds like a pro in taking care of pregnant women. “I know!” he said. “I once took care of my mom when she was pregnant with my younger sister.” Ang sabi nito. “May kapatid ka pala? Akala ko only child ka.” Ang sabi ko. “I have a very interesting life-story to tell. But I prefer not to spill.” Ang sabi pa niya. Natawa ako sa narinig ko. “Don’t worry, Ree hindi ako mag-insist na sabihin mo.” Ang sabi ko. “Seriously? You are not interested?” he asked. Nagtaas ang kilay ko. “Marunong naman ako rumespeto sa gusto ng iba.” Ang wika ko pa. “Well—” turan niya. “My dad died when I was eleven years old. Life was not so hard. I have everything in life except a whole family.” Ang kwento niya. Natahimik ako. Ulila na pala siya. “Then my mother remarried to my sister’s father.” Dagdag pa niya. “So where is she now?” tanong ko. Wala akong nakikita na family niya dito. I thought na nasa malayo ang mga ito. “My sister? She’s with mom.” Ang sabi nito. Tumango ako. “Then? Paano ka naman napadpad dito sa Canada?” ang tanong ko sa kaniya. “It’s a long story to tell.” Sabi pa niya. “Well kung hanggang diyan na lang ang kwento, then okay.” Ang sabi ko. Natawa kaming pareho. I sipped on my straw. Ngayon ko pa lang naramdaman ang nanonoot na lamig sa aking kalamnan. “Are you okay?” ang tanong nito. “Not really. Biglang nanlamig ako.” Ang sabi ko. “Then let’s go home baka kung mapano ka pa dito.” Ang sabi niya. “Sige!” ang sagot ko naman sa kaniya. Tumayo kami pareho. We walked to his car. Hinatid niya ako pauwi sa bahay. I felt better now na nakalabas ako. Kahit saglit lang ay nakakabuti pala ng pakiradam. LUMIPAS ang ilang linggo at schedule ko na ulit ng check up sa ospital. It’s weekend at off ko sa work. Maaga akong bumangon. I head out para makapagpahangin saglit. Mamaya ay tutungo ako sa ospital. Habang tahimik akong naglalakad at may nakalagay na headphone sa tainga ko. I am listening to music dahil ang sabi sa nabasa ko this helps to relax me and the baby. Kaya naman ay inaaraw-araw ko na ang routine na ito. Maaliwalas ang panahon ngayon. Maraing tulad ko ang naglalakad-lakad kasama ang asawa o boyfriend nila. While I, mag-isa lang. Bigla kong napansin ang lalaki sa tabi ko na tila naghahabol. Nilingon ko ito. I smiled when I saw him. “Nagmamadali ka?” ang tanong ko sa kaniya. “Medyo—ang bilis mo kasi maglakad.” Ang sabi niya. Natawa ako dahil doon. “Mali ka. Mabagal ka lang talaga.” Ang biro ko sa kaniya. “So—off mo today?” ang tanong niya habang sumasabay siyang naglalakad sa akin. “Yeah!” ang sagot ko. “So saan ang appointment mo?” ang tanon nito. Tila naamoy na naman nito ang check up ko. “Wala.” Ang sagot ko. “Ang totoo?” ang tanong niya. “May lakad kami ni baby. Bawal ka doon.’’ Ang sabi ko. “Kailangan niyo ng driver?” ang tanong niya. “Pwede naman kami mag-taxi.” Sabi ko sa kaniya. “Then I insist.” Sabi niya. “Fine!” ito ang tanging nasabi ko upang wala na kaming pagtalunan. He usually hates arguments. “I’m going home. Gusto mo mag-kape?” ang tanong ko sa kaniya. “Sure!” ang sagot naman nito. Umuwi kami at pagdating namin doon ay nasa harap pala ng bahay ang sasakyan niya. Sinadya pala nito na puntahan talaga ako. Napailing na lang ako. Binuksan ko ang pinto at pumasok na kami. Diretso kong tinungo ang kusina upang maghanda ng agahan. Naupo siya sa dining table. “Lia called last night.” Ang sabi nito. “Kamusta daw? Hindi niya ako tinatawagan. Busy ba siya?” ang tanong ko. “Under therapy ang daddy niya kay busy siya.” Ang sabi nito. “Kaya pala siguro.” Ang sabi ko naman. “She’s troubled actually.’ Ang wika niya. Iginawa ko siya ng black coffee. Nagtoast ako ng tinapay dahil igagawa ko siya ng sandwhich. “Bakit naman?” tanong ko sa kaniya habang ako ay nakaharap sa kaniya. “Kayo na lang ang mag-usap.” Ang ssabi pa niya. “Okay.” Wika ko naman. “Sana maayos lang lahat.” Wishful thoughts to na nasambit ko sa kaniya. Ilang minuto pa at handa na ang almusal naming dalawa. Likas na may kadaldalan si Ree kung minsan kaya naman nakagaanang loob ko na din siya kahit wala si Lia. Natapos akong kumain at iniligpit ko na ang lahat. “Hey! I’ll get ready na. Uwi ka ba?” tanong ko sa kaniya. “No! may pamalit ako sa car.” Ang sabi nito. “Okay! Akyat na ako.” Ang sabi ko. I went upstairs. I took a bath and get dressed. As I look at myself on full sized mirror ay nakikita ko na ang umbok ng aking tiyan. Napapangiti na makitang lumalaki nakahit paunti-unti. Soon I will see you my love. Bumaba ako bitbit ang bag ko. He’s ready sitting on the sofa waiting for me. “Tara na?” ang sabi ko. Tumayo siya at ipinagbukas ako ng pinto. Mukhang excited pa ito kaysa sa akin. He drove for me. Tumungo kami ng hospital. This is my second time para magpa pre-natal check. Nasa waiting area ako nang lapitan niya ako. “Preggo I’ll wait outside.” Ang sabi nito sa akin. “You may leave me here.” Ang sabi ko. “No wala naman akong appointment. Hintayin na kita.” Pagpupumilit niya. “May pupuntahan tayo after ng check up mo.” Ang bulong nito sa akin. Napakunot naman ang noo ko sa narinig ko sa kaniya. Umalis siya at naiwan akong nakaupo. ‘Til nagtawag ang attendant sa pangala ko. I entered the room and undergone check up. After ng check up ay hinanap ko siya sa labas. He was there sitting. Nilapitan ko siya. “I’m done.” Ang sabi ko. “Good! Let’s go.” Ang yaya nito. “Saan tayo pupunta?” ang tanong ko. “Sunod ka lang.” ang sabi niya. Sumunod naman ako. Habang naglalakad kami palabas ng hospital ay may nakasalubong kaming lalaki na bumati sa kaniya. “Ree?” ang tanong nito. “Hi dude!” ang wika niya. Nagyakap silang dalawa. Napabaling ng tingin ang lalaki sa akin. ‘Is she your wife?” ang tanong nito. Umiling ako kaagad. Tumingin si Ree sa akin. I am expecting an honest answer. “Yes!” ang sagot nito. Nais kong ibuka ang bibig ko upang tumutol. Pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at pinisil. Kung hindi ako nagkakamali ay nais niyang ipaabot na huwag akong tututol. The I smiled sa kausap nito. “Wow! Is a baby on the way?” ang tanong pa niya. “Of course!” ang sabi pa niya. Talagang malakas ang loob umako ng anak at asawa. Ano ba problema nito? Bakit kailangan niya magsinungaling? “Great! So—where are you gonna go now?” tanong nito sa kaniya. “Were going to buy some stuffs for our baby.” Mabilis niyang sagot. Nais ko na talagang kumalas sa mga kamay nito. Puro kalokohan. Bakit naman kailangan niyang sabihin iyon? Tinapik ng lalaki ang kaniyang balikat. “Congratulations for having a baby.” Ang sabi nito sa kaniya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD