Chapter 10 Walk me out
Mabilis akong yumuko upang ipahid kaagad ang towel na hawak ko. He pulled his leg backward.
“What are you doing, preggo?” ang tanong niya. Natigilan ako saglit. Tumayo ako kahit na medyo tipsy dahil hindi pa ko nahihimasmasan mula sa pagsusuka.
“Are you okay?” ang tanong nito.
“Should we see a doctor?” ang dagdag pa niya.
Umiling ako. Hindi ko kailangan ‘yon ngayon. Ang kailangan ko ay kumain. Gutom na ulit ako.
He held my arm. This is the first time he did.
“Ayos lang ako.” Ang sabi ko sa kaniya.
“You should have told me na masama ang pakiramdam mo.” Ang sabi nito sa pag-aalalang tinig.
“Maayos naman kanina.” Bahagya akong napangiwi. I feel uncomfortable.
“But I can’t help it. Lalabas talaga kasi.” Paliwanag ko sa kaniya.
He looked at me.
“Wait here.” Ang sabi nito.
Nakayuko akong tiningnan ang sapatos niyang my suka. Napapikit ako ng mariin. Nakakahiya ang ginawa ko.
Muli akong naupo habang pinagmamasdan ko siyang lumalayo. Maybe he’s disgusted to see his shoes that messy. Mukhang mamahalin pa naman ang leather shoes niya.
Nakakadiri pa naman at mabaho.
Ilang sandali pa ay may lumapit na isa din sa mga kasama namin. May bitbit itong panlinis. Isa din itong pinoy. Karamihan sa mga employees dito ay Pilipino. Marahil ay dahil ang asawa ng may-ari ay isang Pinay.
“Pinapunta ako ni Chef dito para linisin ang dumi.” Ang sabi nito habang hawak ang dalang panlinis.
“Naku ako na lang.” Ang pagtutol ko.
“Iwanan mo na lang ang mga ‘yan. Ako na ang bahala.” Ang sabi ko dahil nakakahiyang talaga.
“Hindi pwede. Kabilin-bilinan niya na ako na ang maglinis.” Ang sabi pa nito.
“Nakakahiya.” Ang nahihiyang himig ko.
“Naglilihi ka ba?” ang tanong niya.
Napaatras ako dahil abala ito sa pagnusnos ng mop sa sahig.
“O- oo.” Ang sagot ko.
“Hindi ba at sa reception ka assigned?” ang tanong pa niya.
“Bagay ka nga doon. Maganda ka.” Ang sabi nito.
“Pero hindi ka magtatagal doon.” Ang dagdag pa niya.
“Kaya nga din eh. Ilang buwan na lang at lolobo na ang tiyan ko.” Ang sabi ko pa.
“Nag-aalala ka ba na mawalan ka ng trabaho?” ang tanong niya habang abala ito sa ginagawa niya.
Napaisip ako. Tama nga naman siya. Mawawalan ako ng work kung lolobo na ang tiyan ko.
“Oo din.” Ang sagot ko.
“Lesley—” ang tawag sa aking pangalan ng lalaki mula sa likod ko. Si Ree na iyon.
Lumingon ako kaagad upang tingnan kung tama ang aking hinala.
“Let’s go! Iwanan mo na kay Aya ang mga ‘yan.” Ang sabi pa niya.
Bumaling ako ng tingin kay Aya.
“Aya ang pangalan mo?” ang tanong ko sa babaeng medyo may katandaan na sa akin. Patapos na ito sa paglilinis ng suka ko.
“Oo. Aya Ramirez.” Ang pakilala niya sabay nitong inabot sa akin ang kaniyang kamay.
“Nice to meet you!” nakipagkamayan ako sa kaniya.
“Nadadagdagan ang kakilala ko dito.” Bumitaw ako at ngumiti.
“Pero patawad sa ginawa ko.” Ang sabi ko pa.
“Ayos lang!” wika niya sabay dampot ng floor mop.
“Magpahinga ka lalo na at nasa paglilihi ka pa.” Habilin nito sa’kin.
Naglakad ako patungo sa kinaroroonan ni Ree. Nakapagbihis na ito. He’s wearing white sneaker shoes and a kaki pants na ipinares niya sa body fit sweat shirt niya. May lakad siguro siya. Lumapit ako sa kaniya. I wonder bakit niya ako tinawag.
He looked at me from head to toe. Kinikilatis ba niya ako?
“You look pale.” Ang sabi niya habang bahagyang nagtigilid ang ulo nito.
“Baka pagod lang. Uuwi na ako.” Ang sabi ko.
“Hindi ka man lang ba magpapalit?” ang tanong nito.
Umiling ako dahil wala akong dalang pamalit.
“Hindi. Wala akong dalang pamalit. Sa bahay na lang.” Ang sabi ko pa.
“Okay—iuuwi na kita.” Ang sabi pa niya.
“Teka lang—wal ka bang trabaho?” tanong ko. Kung iuuwi niya ako ay maiiwanan niya ang shift niya.
“Wala!” sagot nito sa akin.
“Sigurado ka ba?” ang tanong ko pa dito.
“Tara na! baka gutom ka na.” Ang sabi pa niya.
Walang atubiling sumunod naman ako sa kaniya.
Sumakay ako sa sasakyan niya.
Bago pa man niya pinaandar ang sasakyan ay lumingon muna siya sa akin.
“Nakarating na nga pala si Lia.” Ang sabi nito.
Natutuwa akong marinig na nakalapag ito ng maayos.
“Wow that’s good to know na ayos lang ang biyahe niya. Mamaya tatawagan ko siya.” Ang masigla kong sabi.
“Maybe later. Medyo hindi ayos ang kalagayan ng dad niya. Nag-iiyak nga kanina ng mag-usap kami.” Ang sabi nito.
I felt worried na hindi maayos ang kondisyon ng daddy niya.
“By the way what do you want to eat?” ang tanong nito. Biglang sumigla ang pakiramdam ko nang marinig ko iyon..
I honestly want something na maasim. Gusto ko ng mainit na sinigang na sugpo.
“Uwi na lang ako. I can cook for myself.” Ang sabi ko na lang. Bigla kong naalala masyado akong nakakaabala sa kaniya.
“Okay ihahatid na kita.” Ang sabi pa niya.
Napatahimik ako at napanatag na iuuwi na lang niya ako.
Tahimik kaming dalawa. Abala siya sa pagmamaneho at ako naman ay nagtitingin sa paligid. Napakatahimik. Iilan lang ang taong nakikita ko. Marahil ang iba ay nasa trabaho o ang iba naman ay natutulog pa. May kalayuan din kasi itong flat namin sa sentro.
“Preggo—” ang tawag niya sa akin. He looked at the mirror kung saan ay kita niya ako sa mula sa likod. “Would you like to go somewhere?” ang tanong niya.
Umiling ako. Wala akong ibang gusto na puntahan kung ‘di ang umuwi. I want to eat. Gusto kong ipagluto ang anak ko. Pinagod ko ang sarili ko at ginutom ko siya. We both deserve to eat.
“You’re really not feeling well. Hindi ka lang nagsasabi ng totoo.” Ang sabi nito.
“Medyo—” ang sabi ko.
“If I am home mas makakapagpahinga ako ng maayos.” Ang sabi ko sa kaniya.
“Okay then magpahinga ka.” Ang mariin niyang sabi.
“I have arranged your work schedule at ipinalipat na kita ng work assignment.” Ang sabi nito.
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig mula sa kaniyang mga bibig ang mga salitang ‘yon. Ano daw? Bakit?
“Wait! Inilipat? Saan?” ang tanong ko.
“Admin works.” Ang sabi niya.
“Wow! But--- why?” ang tanong ko. Nagtaka ako.
“I wanted to give you lighter tasks. Nag-agree naman ang boss mo sa hiniling ko kaya you don’t have to worry at all.” Paliwanag niya.
‘‘Is it because I am pregnant?” ang tanong ko.
“Yes, one of the reason. But I can see na taxing ang work sa front desk. Sometimes you will deal with rude clients. Hindi ka pwede doon kung ganiyan ang sitwasyon mo.” Paliwanag niya.
“Don’t worry panandilian lang naman. The moment na makapanganak ka ay pwede ka na ulit bumalik sa post mo.” Dagdag pa niya.
I smiled. It’s been a dream for me na makapagtrabaho sa hotel and he helped me to get in there.
“Ree thank you.” Ang sabi ko. Lubos akong nagpapasalamat sa kabutihan niya. Alam kong hiniling ito ni Lia.
Narating namin ang bahay. Bumaba ako at umalis din siya kaagad. Pumasok ako sa bahay. Muli ko na naman naramdaman ang pag-iisa. I dropped my things and looked for something to eat.
Pwede akong magluto. Kaya naman ay sinimulan kong ipaghanda ang sarili ko. Mag-isa nga lang ako pero gusto ko kumain ng gusto ko. Pagkatapos ko maisalang sa apoy ang niluluto ko ay umakyat ako para magbihis.
I picked my phone. Nakita ko na may message si Sam.
Binuksan ko upang tingnan.
“Ate tumawag ka daw sabi ni kuya?” ang tanong ni Sam sa message nito.
Hindi ko na ito pinansin. Ayoko muna pag-usapan. Maybe mamaya na lang. Madaling araw na ngayon sa Pinas. Baka mahimbing na ang tulog ng kapatid ko.
Biglang namiss ko na sina mama at papa.
Nagbihis ako at lumabas ng kwarto.
Bumaba ako sa kusina. Hinintay na maluto ang niluluto ko. Kumain akong mag-isa. Tamang tikim lang din ang ginawa ko. Ewan ba? Kanina lang ay takam na takam akong kumain. Niligpit ko ang kinainan ko. I went to my room. Gusto kong matulog.
Lately talagang antukin ako. Hindi ko alam kung bakit. Basta ramdam ko na lang na biglang gusto ko matulog.
I turned on the music. Nakakabingi ang katahimikan dito. Hanggang sa napapikit ako ng aking mga mata.
Sa pagpikit ko ay naalala ko ang lalaki sa panaginip ko. He’s holding my child. Babae ang batang ‘yon. Hindi kaya babae ang magiging anak ko? Pero sino ba kasi ang lalaki sa panaginip ko? Bakit kinuha niya?
This idea doesn’t make me feel at ease. Ayoko na mangyari ‘yon. I get worried on things na hindi naman siguro magkakatotoo. I held my tummy. Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
My phone is ringing. Iminulat ko ang aking mga mata. Kinapa ko ang phone ko mula sa tabi ng kama. I looked at it and it’s him. Sinagot ko kaagad ang tawag.
“Hey!” tanging nasabi ko while waiting for him to speak.
“You sound like kagigising mo lang.” Ang sabi niya.
“Oo—napasarap ang tulog ko.” Ang sagot ko naman sa kaniya sa kabilang linya.
“Daanan kita maya-maya.” Ang sabi niya.
Nakakapagtaka naman. Bakit ako dadaanan?
“Bakit?” ang tanong ko sa kaniya.
“Get ready we’ll take a walk.” Ang yaya niya.
Hindi ako kaagad nakasagot. I left myself hanging. Lalabas kami kung ganoon?
“Ahm---” ang saad ko.
“Get ready I will be there in a while.” Ani nito.
“O- okay!” tanging nasabi ko dahil ang hirap ayawan he sounds excited to take a walk.
“See you, preggo!” the last words he said and he dropped the call.
Binaba ko ang phone ko. Ang sarap ng tulog ko lalo na ang lamig.
Bumangon ako kaagad. I head to my cabinet to check on something to wear.
Kaya naman hinanda ko ang sarili ko. Sa ilang linggong pamamalagi ko ay hindi ako gaanong nakalabas. Lalo na at work kaagad ang inatupag ko. After work, bahay. The cycle I got used to.
Nakapag-ayos na ako. Tamang-tama na din siguro itong itsura ko for a walk.
Bumaba ako. Tamang kakarating ko lang sa baba ng marinig ko ang busina ng kaniyang sasakyan.
Narito na nga siya. Lumabas ako at diretsong tinungo ang sasakyan nito. Bumaba siya kaagad at umikot. He opened the door for me. As always ganiyan ang routine niya.
Pumasok ako. He got in and he drive.
“Do you have a place in mind na gustong puntahan?” ang tanong niya habang nagmamaneho.
“Ahm—“ napaisip ako.
“Downtown?” ang sabi ko.
“Okay—punta tayo sa Berczy.” Ang sabi niya.
My mood lights up. I know I have a new place to explore.
Ilang sandali pa ay tumunog ang phone ko. I check on it who’s calling. It’s Lia. Sinagot ko kaagad.
I turned on the vide so we can see each other.
“Hello---” ang masayang bati ko. I miss this girl.
“Les---” tawag niya sa akin. She don’t look good. Maybe pagod pa ito.
“Kamusta diyan? Nakapagpahinga ka man lang ba?” ang tanong ko.
Umiling siya.
“Inuwi ko lang ang mga gamit sa bahay. Then I rushed her sa hospital. Dad is unconscious.” Ang sabi niya.
“Oh- I am sorry. I hope he gets better sooner.” Ang saad ko.
She smiles kahit na pilit.
“By the way!” ang sabi niya.
“Are you outside?” ang tanong nito.
“Yes! Kasama ko ang prince charming mo. Maglalakad-lakad daw kami.” Ang sabi ko.
“That’s good to know na lalabas ka.” Ang wika niya.
“You wanna see him?” ang tanong ko. Sabay kong iniharap kay Ree ang phone upang makita siya ni Lia.
He waved his hand to her.
“I miss you, babe!’’ sabi ni Ree.
Nakakaaliw kapag ganiyan silang dalawa.
“I miss you more!” ang sagot naman ni Lia.
“Saan kayo papuntang dalawa? Ingatan mo si Lesley, babe.” Ang sabi ni Lia.
“Of course I will. Mas mahal mo yata siya kaysa sa akin. I’m jealous.” Ang sabi nito. Tila isang batang nagpapalambing sa kaniya.
“I love you, babe! Huwag mo paselosan si Lesley. Hind kami talo.” Ang sabi nito at sabay silang tumawa na dalawa.
“Have fun!” ang sabi ni Lia sa kaniya.
Ibinalik ko sa akin ang phone ko t hinarap si Lia.
“So how’s your dad?” ang tanong ko.
“Maraming comlications. Nagtatanong nga ang mommy kung payagan namin na mag-undergo ng major operation ang daddy.” Kwento nito.
“Then?” ang wika ko.
“Hinihintay ko makauwi ang mga kapatid ko. Pinipilit pa si Lucas eh.” Ang sabi niya.
“So he’s coming home?” ang tanong ko.
“I am not sure.” Sabi niya.
“Les I should go!” ang paalam nito.
“Okay! Mag-ingat ka diyan.” Ang habilin ko.
She waved good bye sa screen.
“Bye! Thank you for checking on me.” Ang sabi ko pa.
She dropped the call.
Ilang sandali pa ay narating na nga namin ang downtown. Were going to Berczy Park. Ipinarke ni Ree ang sasakyan nito at bumaba kaming dalawa. We walked together. Naaliw ako sa mga tang naroon. Some are having coffe on the benches. Some are running, walking, chatting.
Biglang umagaw sa pansin ko ang fountain na may mga asong nakapalibot. It amazed me to see these statues na nagpapaulan ng tubig patungo sa bilugang fountain na may nag-iisang pusa sa gilid. I stared at it for a while.
Napangiti akong humarap kay Ree.
“You liked it here?” ang tanong nito.
Mabilis akong tumango.
“Let’s take a walk for a while.” Ang yaya niya.
Habang naglalakad kaming dalawa ay abala ang mga mata ko ng pagtitingin sa buong paligid. Nakakaaliw.
Inikot-ikot lang namin ang buong parke. Maaliwalas ang panahon kahit hapon na. Maybe mas masaya dito kapag weekends.
Nakadalawang ikot kami at nakaramdam ako ng pagod. I stopped. Nilingon ako ni Ree.
“Are you tired?” ang tanong niya.
“Medyo.” Ang sagot ko naman.
“You want a drink?” ang tanong niya.
“Sure!” ang sagot ko naman. Kung kaya ay nagtungo kaming dalawa sa isang café na nasa malapit. Maganda ang lugar dahil maraming tables outside.
“Gusto ko dito sa labas.” Ang sabi ko sa kaniya.
“May gusto kang inumin? Coffee?” ang alok nito.
Umiling ako kaagad.
“No—milk shake kung meron.” Ang sabi ko.
“Oh! Oo ng apala bawal sayo ang caffeine.
He pulled a side chair para makaupo ako. He left his phone on the table with me. Naghintay ako sa kaniya.
Ilang sandali pa ay inaliw ko na din ang sarili ko sa phone ko. Nanood ako ng ilang video documentary para hindi ako mainip sa paghihintay.
Biglang tumunog ang phone niya. I looked at the screen dahil baka si Lia ang tumatawag.
When I saw the name registered on his contact. Biglang napaisi ako. Is he the same person I know?