PAUWI na sila ng Pilipinas galing sa Paris, France kung saan doon nila icenelebrate ang first year anniversary mula nang magkakilala sila ni Matthew sa Puerto Galera. Pumunta sila sa Disneyland at sa iba't ibang lugar ng bansang France. Nasa Tokyo Haneda Airport- Tokyo, Japan sila at naghihintay ng connecting flight pabalik ng Pilipinas ng magpasya sila ni Priscilla na magpalipas oras sa isang cafe sa loob ng airport. "Sweetheart, we still have a few hours bago ang flight. Let's have something to eat and drink first as most of the time I don't like the taste of airplane food,"saad ni Matthew. "Okay Matt I need to go to the ladies room too,"sagot naman ni Priscilla. "Oh okay then I'll order for both of us," saad ni Matthew. Pagkapasok nila sa loob ay parehong inilibot ang paningin sa

