BAGO sila lumipad pabalik sa Maynila ay dinalaw muna ni Priscilla si Natalie dahil sa mga nangyari ay ngayon palang nila mabibigyan ng panahon ang matalik na kaibigan madalas naman silang nagkita habang nasa isla sila ngunit hanggang konting chikahan lang at laging nasa trabaho si Natalie pagdinadaanan nila ito sa Bar bago sila umaakyat sa suite nila ni Matthew. "Hi bes,hi Sir Matthew pasok kayo,"nakangiting bungad sa kanila ni Natalie. "Pasensya kana bes at ngayon lang kami nakadalaw dito sa inyo,"paghingi ni Priscilla ng paumanhin sa kaibigan. "Okay lang iyon bes naiintindihan ko naman eh masaya ako at nandito kayo ngayon siya nga pala sandali at kukuha ako ng maiinom tatawagin ko rin ang Inay at Itay para makilala si Sir Matthew,"excited na saad ni Natalie. "Sige bes salamat," saa

