NAIWAN si Samantha na natulala at nakatanaw sa papalayong si Matthew. Naaalala niya kung paano niya pinaasa si Matthew noon na kumapit sa relasyon nila ngunit dahil sa mariin na pagtutol ng mga magulang niya ay wala siyang nagawa para ipaglaban ang binata mahina pa siya noon at walang kakayahang ipagtanggol ang nararamdaman kaya nang dalhin siya sa Amerika ng magulang ay wala siyang nagawa. Sa Amerika natutunan niya ang maraming bagay at isa na doon ang maging liberated bunga ng pagrerebelde niya sa mga magulang ay tahasan niyang ipinapakita sa mga ito ang pagbubulakbol niya sa pag-aaral wala siyang inatupag kundi ang nightlife kasama alak at sigarilyo pati ang pagpapalit-palit niya ng lalaki na parang nagpapalit lang ng damit. Wala siyang natapos na kurso naayos lang ang buhay niya nang s

