ILANG linggo ang lumipas at nagsimula nang sanayin ni Don Alejandro si Matthew na pamahalaan ang ibang negosyo. Itinuro narin sa kanya ang iba't ibang pasikot-sikot sa pamamalakad nito. Pormal din siyang ipinakilala sa mga business partners nito bilang shareholder sa mga kompanyang kinabibilangan nito maliban sa kumpanya na si Daddy niya mismo ang nagtatag at tumatayong chairman. Ngunit habang unti-unting nagsasanay si Matthew sa panibagong yugto ng landas niya ay naganap naman ang pinakamasaklap na pangyayari sa buhay niya. Isang eroplano na flight from Cebu to Manila ang bumagsak at sumabog wala ni isang sakay ang nakaligtas kasama ang mommy at daddy ni Matthew. Galing ang mga ito sa isang holiday trip sa cebu at sa iba't ibang lugar ng Pilipinas. Sobrang sakit iyon para kay Matthew dahi

