CHAPTER 08

1918 Words
       “ONE, two, three, four, five, six, seven, eight! Eight thousand para sa aking pinaka mamahal na girlfriend. Bilhin mo ang lahat ng gusto mo, Rhian. `Di ba, may gusto kang sapatos sa mall? Mabibili mo na iyon! Tapos itong natirang pitong libo ay idadagdag natin sa ipon natin.” Inabot ni Kenzo ang binilang na pera kay Rhian. Halos isang taon na rin silang nag-iipon para meron silang pambili ng lupa na tatayuan ng kanilang bahay. Kinse mil ang ipinabaon ni Mathilda sa kaniya nang puntahan niya ito kanina sa bahay nito. Kakatapos lang nilang maghapunan. Naparami ang kain niya dahil ang paborito niyang pork humba ang nilutong ulam ni Rhian. Isa iyon sa talagang nagustuhan niya kay Rhian—ang husay nito sa pagluluto. Kinuha ni Rhian ang pera ngunit napansin niya na parang hindi ito masaya. Malungkot ang mata nito na para bang tinatamad ito. “Bakit hindi ka yata masaya? Kulang pa ba? Gusto mo bang dagdagan ko? Magkano ba ang—” “Hindi na.” Umiling ito at ibinalik sa kaniya ang lahat ng pera na kaniyang ibinigay. “Idagdag mo na lang iyan sa ipon natin para makabili na agad tayo ng lupa. Tapos isunod na agad natin ang negosyo para hindi na natin kailangang manloko ng tao. Makaalis na tayo sa mahirap na buhay at hindi na parang basura ang tingin ng iba sa atin!” Sandaling natigilan si Kenzo. Mukhang may nangyari na hindi maganda kaya nakakapagsalita si Rhian ng ganoon. Umusog siya palapit at hinawakan ang isang kamay nito. “Anong problema? May umaway ba sa iyo?” tanong niya. “Kanina sa bigayan ng ayuda... H-hindi ko akalain na pamilya pala ni Gener ang namigay. Kung alam ko lang sana ay hindi na ako nagpunta!” “Iyong ang asawa ay nang-insulto sa iyo noong isang gabi?” “Iyon na nga. Ininsulto ulit niya ako roon. Nakakapangliit, Kenzo! Gusto ko nang madaliin ang pagyaman natin. Nakakasawa na kasi `yong ganitong buhay!” May halong inis na turan ni Rhian. “Pero mahirap mag-ipon. Saka malaki ang kailangan natin para makabili ng lupa, bahay at makapagpatayo ng negosyo.” “Kaya nga bilisan natin ang pag-iipon. Kailan pa natin makukuha ang mga iyon? Kapag matanda na tayo?! Kapag bilang na ang araw natin sa mundo?! Paano ko pa ma-e-enjoy ang kayamanan na iyon kung mamamatay na ako?! Double time tayo, Kenzo!” Tumaas na ang boses nito. “Sandali. Hinga ka muna. Walang maitutulong kung magagalit ka.” Paalala niya. “Ginagawa naman natin ang lahat, e. Darating din tayo sa araw na yayaman tayo.” “Kailan nga?! Bigyan mo ako ng specific na date! Kahit taon!” “Hindi ko alam!” “Ayoko na ng hindi ko alam!” “Rhian!” saway ni Kenzo. Tila nagising si Rhian sa pagsigaw niya. Hinawakan nito ang ulo habang nakatuon ang mga siko sa lamesa. “Pakiramdam ko ay napapagod na ako. H-hindi ko na alam kung kaya ko pa ang ginagawa natin.” Parang maiiyak nitong wika. “Sorry kung nasigawan kita. Nakakalimutan mo na kasi ang naging promise natin noon bago tayo pumasok sa ganitong gawain. Mapapagod pero walang susuko hangga’t hindi natin naabot ang goal natin.” Mas lalo niyang hinigpitan ang kapit sa kamay ng nobya. “Rhian, kahit ako napapagod na. Nandidiri na ako sa kung sinu-sinong matrona ang nilalandi ko para sa pera. Pero iniisip ko na ginagawa ko iyon para sa ating dalawa at sa mga pangarap natin...” Bigla siyang niyakap ni Rhian. “Sorry! Nabigla ako sa mga sinabi ko. Hindi ako nag-iisip! Sorry, Kenzo!” Paghingi nito ng paumanhin. “Okay lang. Naiintindihan kita. Alam ko kung saan ka nanggagaling pero sana sa susunod ay huwag ka nang magsasalita ng ganoon. Parang mas lalo kasi akong pinanghihinaan kapag nakikita ko na parang naiinip ka. Pakiramdam ko tuloy ay kulang pa ang effort ko.” “Sorry talaga. Sorry...” Paulit-ulit na sambit ni Rhian habang mas lalong humihigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya. Madali niyang napapatawad si Rhian. Pagdating sa nobya ay malambot ang puso ni Kenzo. Ganoon niya ito kamahal. Lahat ay gagawin niya para sa kasiyahan nito.   TULOG na si Kenzo sa tabi ni Rhian. Humihilik pa nga ito nang mahina. Malapit nang maghatinggabi pero mulat pa rin ang mata niya. Hawak niya ang kaniyang cellphone at kasalukuyang naghahanap ng lalaking mabibiktima niya o sa madaling salita ay mapeperahan. Ekis na si Gener Villanta kaya dapat ay maghanap na siya ng panibago. Hindi siya maaaring mabakante. Ayaw niya nang walang pumapasok na pera sa kaniya. Mag-iisang oras na siya sa dating app na Tinder pero wala pa rin siyang nakikita. Naka-set sa edad na singkwenta hanggang seventy ang Tinder niya para automatic na puro matatanda ang lalabas. Kapag sa tingin niya ay mayaman ang isang matandang lalaki ay swipe right agad siya. Medyo nagulat si Rhian nang mag-vibrate ang cellphone niya. May tumatawag. Isang number na hindi niya alam kung kanino dahil hindi naka-save sa kaniyang cellphone. Out of curiosity ay sinagot iyon ni Rhian. “Hello. Sino `to?” “Rhian...” Kumunot ang noo niya. “Sino nga `to?” Hindi niya nakikilala ang boses ng lalaki sa kabilang linya. Bumangon siya at umupo sa gilid ng higaan. “Hulaan mo—” “Gago ka ba?! Anong tingin mo sa akin? Si Madam Auring? Si Rudy Baldwin?! Sabihin mo kung sino ka o iba-block kita para hindi ka na makapanggulo sa akin!” “Ang init naman ng ulo mo. Ako ito, si Gener...” Hindi agad nakasagot si Rhian. Hindi niya akalain na matapos itong mahuli ng asawa nito ay makikipag-comminicate pa rin ito sa kaniya. “Nakita kita kanina sa covered court. Ang ganda-ganda mo talaga, Rhian. Namiss kita...” “Gago! Hindi kita namiss. `Wag ka nang tatawag sa akin, ha. Magsama kayo ng asawa mong mukhang dragon. Ginawa mo pa akong kabit nang hindi ko alam!” “Sorry na. Alam ko, nagsinungaling ako sa iyo. E, alam ko kasi na hindi mo ako i-e-entertain kapag nalaman mo na meron pa akong asawa. Pero totoo, gusto talaga kita, Rhian. Miss na miss na kita. Gusto kitang halikan at yakapin ngayon.” “Eww! Yuck! Bye—” “Sandali! Gusto kitang makita. Makipag-date ka naman sa akin kahit sa huling beses. Pagkatapos no’n ay wala na. Hindi na kita guguluhin. Closure lang. Sige na, please...” “Pakyu!” “One hundred thousand pesos! Babayaran kita ng one hundred thousand pesos! Makipag-date ka lang sa akin. Kahit bukas! Last na iyon!” Mabilis na sabi ni Gener. Mukhang desidido talaga itong makita siya ulit. Ganoon ito kadesperado. Sabagay, noon pa man ay ramdam na niya na patay na patay si Gener sa kaniya. Ilang beses pa nga siya nitong kinukulit na magtalik sila pero mabuti at magaling siyang umiwas. Hanggang yakap at halik sa pisngi ang nagawa nito sa kaniya. Kahit sa labi ay hindi siya nagpapahalik sa iba. Tanging si Kenzo lamang ang hinahayaan niyang halikan siya sa labi. “Hindi ako tanga, Gener. One hundred thousand? Alam kong malaki ang kapalit niyan. Alam kong dadalhin mo ako sa hotel at gagawan ng hindi maganda!” “Nagkakamali ka. Wala akong balak na masama sa iyo. Gusto lang talaga kitang makita sa huling pagkakataon. Kahit simpleng dinner lang. After no’n ay pwede ka nang umalis dala ang one hundred thousand. Tulong ko na rin iyon sa iyo dahil hindi ko pwedeng itanggi na napasaya mo ako sa mga panahon na naging tayo.” Sandaling nag-isip si Rhian. One hundred thousand pesos para sa isang dinner date. Ilang oras lang ba ang itinatagal ng isang dinner date? Isa o dalawa siguro. Aabot ng tatlo at iyon na siguro ang pinaka matagal. Tatlong oras lang o mas mababa pa at magkakaroon na siya ng isandaang libong piso! Nakakasilaw ang halagang ino-offer ni Gener. Malaking halaga iyon at malaki ang maidadagdag niya sa ipon nila ni Kenzo kapag nagkataon. Mag-isip ka, Rhian! Sayang ang pera! Sigaw niya sa sarili. “Rhian?” untag ni Gener sa pananahimik ni Rhian. “N-nandito pa ako...” Nauutal na siya. “Anong desisyon mo?” Huminga siya nang malalim. “Sige. Payag na akong makipag-date sa iyo.” Napipilitan niyang pagpayag. Kung hindi lang siya nanghihinayang sa pera ay hindi na siya makikipagkita pa kay Gener kahit kailan. “T-talaga? That’s good to hear! I’ll send you the location kung saan tayo magdi-dinner.” Itinirik niya ang mata. “Okay. Pero dinner date lang at kapag sinabi kong uuwi na ako, uuwi na ako. Ibibigay mo sa akin ang pera. At isa pa, ayokong malalaman pa ito ng asawa mo. Ayokong mag-eskandalo na naman iyon at mapahiya ako!” “W-walang alam ang misis ko. Promise! Ang totoo nga niyan ay wala siya rito sa bahay. Kakaalis lang niya papuntang airport. Magbabakasyon siya kasama ng mga bata sa Japan.” Kaya naman pala naglalaro ngayon ang daga dahil wala ang pusa. “Mabuti kung ganoon. Sige na, inistorbo mo pa ako. Matutulog na ako!” “See you, Rhian. Good night—” Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita si Gener at agad niyang in-end ang tawag. Pinatay na muna niya ang cellphone at inilagay iyon sa ilalim ng unan bago humiga sa tabi ni Kenzo. Yumakap siya rito at ipinikit ang mga mata. Tatrabahuhin niya muna ang dinner date nila ni Gener bukas at saka siya maghahanap ng panibagong sugar daddy na mahuhuthutan ng pera.   SINABI ni Rhian kay Kenzo ang tinanggap niyang offer ni Gener. Kasalukuyan silang nag-aalmusal. Kagaya ng kaniyang inaasahan ay nagdalawang-isip ito kung papayagan ba siya. Anito, hindi na naging maganda ang karanasan niya sa asawa ni Gener at baka maulit iyon. “One hundred thousand ang ibabayad niya sa akin, Kenzo! Ang laki, `di ba?” “Parang too good to be true naman iyan. Nakakapagduda.” “Kung alam mo lang kung gaano kapatay ang hinayupak na iyon sa alindog ko ay hindi ka magtataka kung bakit siya magbabayad ng ganoon kalaki sa akin. Saka isang beses lang iyon. Last na rin iyon. Pagkatapos ng dinner date namin ay hindi na ako makikipagkita sa kaniya.” Hindi pa rin naaalis sa mukha ni Kenzo ang pag-aalala. “Gusto mo ba talagang gawin iyan?” tanong nito. “Oo. Para sa pera.” Matiim siyang tiningnan ni Kenzo sa mata. Para bang sinisiguro nito kung bukal sa loob niya ang gagawin. Maya maya ay tumango ito. “Sige, sige. Payag na ako. Gusto sana kitang samahan kahit bantayan kita sa malayo kaya lang ay may lakad kami ni Mathilda mamayang gabi. Magka-casino siya. Nagpapasama sa akin.” “Ano ka ba? Keri lang! Kaya ko ang sarili ko. Saka kilala ko si Gener... Hindi niya ako kayang saktan at gawan ng masama. Subukan niya at matitikman niya ang natutunan ko sa taekwando noong bata pa ako!” “Napakatapang naman talaga ng girlfriend ko!” Kinurot ni Kenzo ang kaliwang pisngi niya. “Basta, mag-iingat ka. Saka i-update mo ako palagi. Huwag mo akong pag-aalahanin. Alam mo naman na mas gugustuhin kong may mangyaring hindi maganda sa akin kesa sa iyo.” “Aww... Ang sweet talaga ng boyfriend ko! Pakiss nga!” Isang mabilis at matunog na halik sa labi ang ibinigay sa kaniya ni Kenzo. Niyakap na rin niya ito bago sila bumalik sa pagkain ng almusal na kaniyang inihanda para sa kanilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD