CHAPTER 32

1590 Words
       ALAM ni Kenzo na nais siyang tulungan ni Rhian upang muli silang makapag-ipon ng pera ngunit nababahala siya na maulit iyong nangyari sa huli nitong sugar daddy na kinalimutan na niya ang pangalan. Ang balak niya ay siya na lang ang kikilos at kung gustong tumulong ni Rhian ay mas gugustuhin niya na magtrabaho ito nang marangal. Kagaya ng service crew o kung kaya nito ay pwede sa call centers na tumatanggap kahit hindi tapos ng pag-aaral. Pwede naman nilang dayain ang high school diploma kung kinakailangan. Jackpot—iyon ang naiisip ni Kenzo ng araw na iyon. Isang sixty-seven year old na babae ang naka-match niya sa Tinder at agad niya itong nabola na makipagkita sa kaniya. Meron itong f*******: at doon ay nalaman niya na meron itong beach resorts sa Batangas. Hindi isa kundi lima! Mayaman at patay na ang asawa. May kaniya-kaniyang buhay na ang tatlong anak. Mukhang malungkot ang matandang babae na ang pangalan ay Caridad. Mag-isa na kasi. Mga ganoong matatandang babae ang target niya dahil naghahanap ang mga ito ng kausap at pagkalinga. May nabili siyang long sleeves na polo, maong pants at sapatos. Ang mga iyon ang isinuot niya para sa pagkikita nila ni Caridad sa isang malaking mall sa Maynila. Walang susundo sa kaniya kaya inagahan niya ang paghahanda. Ala-singko pa lang ng hapon ay nakabihis na siya. “May lakad ka?” usisa ni Rhian habang naghuhugas ito ng bigas sa lababo. Kakalabas lang niya ng banyo. Doon na rin siya nagbihis. Mabilis niyang isinuot ang sapatos. “Meron. May kikitain akong pwedeng pumalit kay Mathilda.” Humarap si Kenzo sa maliit na salamin na nakasabit sa dingding. Chini-check niya kung maayos na ba ang hitsura niya. Kailangan ay masiguro niyang mahuhulog sa kagwapuhan niya si Caridad. “Saan?” “Sa Maynila. MOA.” Humarap siya kay Rhian. “Ayos na ba itong suot ko?” Tumango ito. “Gwapo ka na kahit anong ayos mo... Kenzo, hindi ba talaga ako pwedeng—” “Hindi. Huwag nang matigas ang ulo mo. Baka nakakalimutan mo na malaki pa ang kasalanan mo sa akin. Hindi porket kinakausap na kita ay ibig sabihin na nakalimutan ko na iyon, Rhian. Kailangan mong bumawi sa akin at ang pagsunod sa sasabihin ko ang paraan para makabawi ka.” “Pero gusto kitang tulungan na mag-ipon ng pera.” “Magpatulong ka kay Mariposa sa paggawa ng résumé o kahit bio data. Mag-apply ka sa mga fastfood o kaya sa salon. Doon ka pwedeng magtrabaho. Ayokong naghahanap ka ng sugar daddy.” Napayuko si Rhian at mukhang tinanggap na nito ang mga sinabi niya. “Aalis na ako. Doon na ako kakain.” “Uuwi ka rin ba mamaya?” “Hindi ko pa alam. Depende sa mangyayari. Sige na, aalis na ako at commute lang ako, e.” Niyakap niya muna si Rhian bago siya tuluyang umalis ng apartment ni Mariposa.   ISANG malalim na paghinga ang pinakawalan ni Rhian matapos niyang ipinid ang pinto. Inihatid niya hanggang pinto si Kenzo. Ramdam niya na hanggang ngayon ay nagtatampo pa rin ito sa kaniya at nauunawaan niya ito. Wala siyang karapatan na mag-inarte dahil malaki ang kasalanan niya. Kailangan niyang tanggapin na hindi agad babalik ang dating pakikitungo ni Kenzo. Tungkol sa pagbabawal nito na maghanap siya ng sugar daddy... Ang totoo ay kinikilig si Rhian sa pagbabawal ni Kenzo. Para bang pinoprotektahan pa rin siya nito sa kabila ng kasalanan niya. Galit o nagtatampo man ito ay mahal pa rin siya nito. Binalikan na ni Rhian ang paghuhugas ng bigas. Nagsabi si Mariposa bago ito umalis kaninang umaga na dito ito kakain ng hapunan. Ito na raw ang bahala sa ulam kaya huwag na siyang bumili o magluto. Eksaktong naisalang na niya ang bigas sa gas stove nang dumating si Mariposa. “Aba, aba! Ang bago ng niluluto mo, ha!” May pagsinghot pa ito. “Gaga! Sinaing lang iyan. Napaka-OA mo, bakla!” “Charot lang! O, eto. May dala akong litsong manok!” Inilagay nito sa lamesa ang dalang brown bag. “Malaki siguro kinita mo, `no?” “Hmm. Medyo. May bonus, e. Naka-quota kami.” “Ano ba kasing trabaho mo?” “Sa ano... factory ng mga damit.” “Talaga? Ipasok mo kaya ako. Ayaw na kasi akong paghanapin ni Kenzo ng sugar daddy. Alam mo na, kailangan kong maging masunurin ngayon para makabawi sa kaniya.” “Naku! Huwag doon sa work ko. Hindi ka pwede kasi mabibigat ang trabaho. Kahit babae ay pinagbubuhat ng mabibigat. Sige ka, magkaka-muscles ka nang malala tapos gagaspang `yang kamay mo dahil sa kalyo! `Di ka bagay ro’n. Promise!” Napalabi si Rhian. “Ganoon ba? Sayang. Gusto ko kasing tulungan si Kenzo na kumita ng pera...” “Speaking of Kenzo... Saan ang gora ng jowa mo? Bihis na bihis at ang bango!” “May panibagong raket. Sa MOA.” “Wow, ha! Ang bilis talagang makabingwit ng matabang isda basta gwapo! O, baka awayin mo pa si Kenzo. Work lang iyon, ha!” Umiling siya. “Hindi na. Hindi na mauulit iyong pagseselos ko ng wala sa lugar. Saka para sa aming dalawa iyong ginagawa niya. Pinagsisisihan ko na na nagselos ako dati kay Mathilda. Siguro kung hindi ko iyon ginawa ay si Mathilda pa rin ang sugar mommy niya hanggang ngayon...” Malungkot na saad ni Rhian.   ISA’T kalahating oras ang naging haba ng biyahe ni Kenzo bago siya nakarating sa mall kung saan sila magkikita ni Caridad. Nagtext ito sa kaniya. Nasa restaurant na ito kung saan sila magkikita. Bago niya ito tagpuin ay pumunta muna siya sa comfort room upang maghilamos. Pakiramdam niya kasi ay sinalo lahat ng mukha niya ang alikabok sa ordinary bus na sinakyan niya. Kailangan niyang magtipid kaya umiwas muna siya sa aircon bus. Nang masiguro niya na gwapo na siya at malinis ang mukha ay pinuntahan na niya si Caridad. Agad niya itong nakita dahil sinabi nito kung anong kulay ng damit nito at kung saan ito nakapwesto ng upo. Naka-violet ito na blouse na ang tatak ay kilala at mamahalin. Meron itong gold na relo at kuwintas na ang pendant ay kulay pula. Ruby yata ang tawag sa ganoon. Kung ano ito sa picture ay ganoon din sa personal. Halata na ang kulubot sa balat at mukha, maliit na babae at payat. Kulot ang buhok na marami nang puti. Hindi naman mahalaga sa kaniya ang panlabas nitong hitsura. Importante ang laman ng bulsa at bank account nito. “Buenas noches, senyorita!” Magiliw na pagbati ni Kenzo. Nalaman niya kasi na half-Spanish si Caridad kaya naisip niyang magpasikat. Kung magsasalita siya ng kaunting Spanish ay baka mahuli niya ang loob nito. Mukhang nagtagumpay naman siya dahil napanganga si Caridad. “Buenas noches!” Itinuro nito ang bakanteng upuan sa harapan nito. May mga pagkain na sa lamesa. Isang bote ng wine, steak, mashed potato at mga gulay na hindi niya malaman kung grilled o sinunog lang sa kawali. Wala siyang masyadong alam sa pagkain ng mayayaman. “Eres hermosa...” Sinabi niya na maganda ito. Napahawak si Caridad sa pisngi. Namumula ito. “Gracias! Ya ordene nuestra comida. Esta bien?” Mabilis na sabi ni Caridad. Wala iyon sa pinag-aralan niya. Napanganga nang ilang segundo si Kenzo sabay napapahiyang ngumiti. “A-anong sinabi mo? Sorry. Basic lang alam ko sa Spanish, e.” Pag-amin na lang niya kesa dumugo ang ilong niya sa pagsasalita ng Spanish. Mas mahirap iyon kumpara sa English para sa kaniya. Mataginting na tumawa si Caridad. “Oh, you’re so cute, Kenzo! I already liked you!” Yes! Mukhang magiging madali para sa kaniya ang makuha ang matandang kasama niya ngayon. “Sorry. Gusto lang kitang ma-impress sa akin.” “You don’t have to do that. By the way, ang sabi ko ay um-order na ako ng food. Okay lang ba sa iyo?” “Oo naman. Sa pagkakaalam ko ay masarap ang steak nila rito.” “Yes! This is my favorite steak resto kaya dito kita dinala.” Inilabas ni Caridad ang cellphone nito. “Can we have a selfie? You know... remembrance?” “Sure!” Inusog ni Kenzo ang upuan niya sa tabi ni Caridad para makakuha ito nang magandang picture. Pagkatapos na makapag-selfie ay bumalik na siya sa dating puwesto at inumpisahan na nila ang pagkain. Habang kumakain ay panay ang kwentuhan nilang dalawa. Sinabi niya kay Caridad na nagta-trabaho siya bilang isang encoder sa isang opisina sa Laguna. Breadwinner siya sa family. Meron siyang limang kapatid na puro nag-aaral. Wala na ang nanay nila at ang tatay niya ay nasa bahay. Hindi na nakakapagtrabaho dahil na-stroke. Dapat ay maawa si Caridad sa kaniya. Iyon ang gagamitin niyang atake. Kapansin-pansin ang paggamit ni Caridad ng cellphone habang kumakain sila. Interesado pa ba ito sa kaniya? Bakit parang mas sumasagot pa ito sa ka-chat nito kesa sa mga kwento niya. “Ikaw, Carrie, bukod sa resorts mo ay ano pa ang pinagkakaabalahan mo?” Binigyan na niya ito ng nickname para kunwari ay espesyal ito sa kaniya. Umangat ang mukha ni Caridad mula sa pagkakayuko sa cellphone. “Actually, wala na. Ini-spoil ko lang ang sarili ko sa mga luxurious things. I deserved it naman, right?” Ngumiti ito pagkatapos. Ganoon pa man ay alam niya na nag-iba ang mood nito. “Yes. I agree!” May nasabi ba siyang hindi nito nagustuhan? Ayaw ba nito sa lalaking mahirap kaya parang nawalan ito ng gana sa kaniya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD