CHAPTER 33

1991 Words
       “THE food is so good!” pakli ni Caridad na may kasamang pagtirik ng mga mata. Napangiwi si Kenzo sa reaksiyon ng matanda matapos nilang maubos ang pagkain ngunit agad din niyang binawi nang tingnan siya nito ng nakangiti. “Nagustuhan ko rin. Ang sarap ng steak!” Pilit na pilit ang ngiti ni Kenzo. Nawalan na rin siya ng gana na makipag-usap kay Caridad nang mapansin niya na parang nawalan na ito ng gana sa kaniya. Hindi niya malaman ang dahilan kung bakit. Siguro ay may nasabi siya na hindi nito nagustuhan. Mukhang hindi magiging maganda ang kakalabasan ng gabing ito para sa kaniya. Uuwi na lang siya kesa mag-aksaya ng oras. Marami pa siyang makikitang pwedeng maging sugar mommy. “I told you, masarap talaga ang food nila dito. By the way, maaga pa naman. Baka gusto mong sumama sa akin na mag-shopping?” anyaya nito. Napaayos si Kenzo sa pagkakaupo. Shopping? Wow! Mukhang mali pala ako. Suswertihin pala ako ngayong gabi! Sa loob niya ay nagtatatalon siya sa tuwa. Kapansin-pansin ang pagbabalik ng sigla ni Caridad. Nakangiti na ulit ito sa kaniya hindi kagaya kanina noong kumakain sila. Siguro ay ganoon talaga ito kapag kumakain. Hindi masyadong namamansin. “Sure. No problem. Wala naman akong gagawin kaya pwede kitang samahan!” Nagpalipas lang sila ni Caridad ng ilang minuto bago umalis ng restaurant. Ito ang nagbayad ng pagkain nila kaya nahinuha niyang ipagsho-shopping din siya nito. Tamang-tama at puro sa ukay-ukay ang damit niya ngayon tapos kakaunti pa. Kailangan niya ng mga bagong damit. Ang maganda pa ay makukuha niya ang mga iyon ng libre. Sa isang kilalang brand ng damit sila unang pumasok ni Caridad. Alam niya na medyo hindi ganoon kamahal ang mga tinda doon para kay Caridad ngunit ayos na iyon. Sa kagaya niya kasi ay bihira siyang makabili ng ganoong brand ng mga damit. “Alam mo, Kenzo, hindi ako tumitingin sa brand ng isang damit o gamit. Basta I am comfortable at disenteng tingnan ay bumibili ako,” ani Caridad habang tumitingin ito ng mga damit sa section ng pambabae. “Ang humble mo pala. Nakaka-inlab!” pambobola niya. Kailangan niyang pakiligin si Caridad. Kinikilig itong tumawa. “Oh, stop! Masyadong malaki ang age gap natin.” “Importante ba iyon? Hindi nakikita ng puso ang edad ng isang tao. Isa pa, kapag nagmahal ako ay wala akong pakialam kung kasing edad mo pa ang nanay ng lola ko!” “You’re funny, Kenzo!” tawa nito. “By the way, alam ko na wala kang mapipili rito. This is women’s section. Pwede mo naman akong iwanan para makapili ka ng damit. Kunin mo ang lahat ng gusto mo!” “Sigurado ka? Okay ka lang na mag-isa?” “Of course! Edad ko lang ang matanda pero kaya ko pang magdala ng mga damit. Sige na. Para makabili ka rin ng mga bagong damit.” “Okay. Bibilisan ko lang.” “Take your time,” giit nito. “Magkita na lang tayo sa counter.” Jackpot! Sigaw ng utak ni Kenzo. Kunwari ay labag sa kalooban niya nang iwanan si Caridad. Nang masiguro niya na hindi ito nakatingin ay nagmamadali niyang pinuntahan ang men’s section. Ang daming magagandang t-shirt at shorts. Kumuha siya ng tatlong oversized shirts na mahigit isang libo ang isa. Magkakaiba ang kulay, siyempre. Tatlong shorts din ang kinuha niya at isang pantalon na maong. May nakita rin siyang magandang tsinelas kaya kumuha siya ng isa. Nang maramdaman ni Kenzo ang pagdami ng nakalagay sa basket niya ay naalala niya si Rhian. May mga bago nga siyang damit pero ang nobya ay wala. Nakakaawa naman si Rhian. Ano kaya kung idamay na niya ito sa pamimili? Alam niya ang size ng damit nito kaya hindi siya mahihirapan. Bumalik siya sa women’s section. Naroon pa rin si Caridad at nagtaka ito nang makita siya. Sinabi na lang niya na birthday ng kapatid niyang babae kaya nais niya sana itong regaluhan ng bagong damit. Mabuti at pumayag si Caridad. Kunin daw niya ang lahat ng gusto niya. Wala raw problema. Ikinuha niya ng dalawang blouse at t-shirt si Rhian. Dalawang shorts, panty at bra. Bahala na kung anong isipin ni Caridad. Pumayag na naman ito, e. “Napakabait mo palang kapatid. Pati underwear ng kapatid mong babae ay ikaw ang bumibili!” ani Caridad habang naglalakad sila papuntang counter. Tapos na rin kasi itong mamili at babayaran na ang mga napili nilang dalawa. “O-oo. Close kasi kaming dalawa. Nag-iisa ko siyang kapatid tapos mas bata sa akin. Spoiled din siya sa akin kaya kahit hindi kami mayaman ay pinipilit kong maibigay ang gusto niya para maging masaya siya.” Pagsisinungaling niya. “That’s good to hear!” Walang nakapila kaya pagdating sa counter ay inilagay na nila ang lahat ng pinamili roon. Habang pina-punch ng babaeng cashier ang mga items ay nakiusap sa kaniya si Caridad na baka pwede niya itong ikuha ng small size na plain white t-shirt sa women’s section. Nakalimutan daw kasi nito na kumuha. Nagtataka man kung para saan ang plain white t-shirt ay sumunod na lang si Kenzo. Ano ba iyon kumpara sa halaga ng ililibreng mga damit ni Caridad sa kaniya, `di ba? Medyo natagalan siya sa paghahanap ng pinapakuha ni Caridad. Kaya nang makakuha ay mabilis siyang naglakad papunta sa counter. Wala na roon si Caridad at ang sabi ng cashier ay nasa labas lang ito ng store. Pagtingin nga niya ay naroon ito sa tapat ng store at kinawayan pa siya. Bitbit na nito ang dalawang malalaking paper bags. “Hindi na raw po iyan kukunin ni ma’am,” ani ng cashier. “Ha?” takang-tanong niya. “Iyan pong t-shirt, sir. Hindi na po kinuha ni ma’am.” “Ganoon ba?” Inabot niya ang hawak na t-shirt sa cashier para itabi. Nakita niya ang tatlong malalaking paper bag sa harapan. Tiningnan niya iyon isa-isa at nalaman niya na lahat ng iyon ay ang mga pinamili niya. “Ito `yong sa akin, `no?” “Yes po, sir.” “Okay. Thank you!” “Fifteen thousand seven hundred thirty-six po, sir.” Napahinto si Kenzo sa pagkuha sa mga paper bag. “Ha?” Kailangan bang sabihin ng cashier kung magkano ang binayaran ni Caridad para sa kaniya. Sa sandaling iyon ay humahaba na ang pila. May mga taong nakakarinig sa pinag-uusapan nila ng cashier. “Fifteen thousand seven hundred thirty-six po, sir. Meron po ba kayong advantage card?” “Bakit mo ako hinihingan ng advantage card? Binayaran na ito ni—” Hindi na itinuloy ni Kenzo ang sasabihin. Naguguluhan niyang nilingon si Caridad. Nakatutok ito sa cellphone. Muli niyang kinausap ang cashier. “Hindi pa ba ito bayad, miss?” “Hindi pa po, sir. Ang binayaran lang po ni ma’am ay iyong mga pinamili niya. Ang sabi po niya ay kayo ang magbabayad ng sa iyo. Kung wala po kayong cash ay pwede naman po ang debit or credit card. Meron din po kaming payment through GCash and Paymaya—” “Miss, wala ako ng lahat ng sinabi mo!” Pigil ang inis na turan niya. Ang buong akala niya ay ililibre siya ni Caridad. Sinabi pa nito na kuhain niya ang lahat ng gusto niya tapos ganito ang gagawin sa kaniya? Pinaglalaruan ba siya ng matandang iyon?! Nakakahiya sa cashier at mga tao na nakapila! “Sir, kukunin niyo pa po ba?” “Hindi na! Pasensiya ka na!” Nakayuko siyang tumalikod at naglakad palabas ng store na hiyang-hiya. Agad niyang nilapitan si Caridad. Malaki ang ngiti nito nang makita siya. “O, bakit hindi mo dala ang mga pinamili mo?” Parang wala itong alam na nagtanong. “Pinaglalaruan mo ba ako, Caridad? Ang sabi mo ay kunin ko lahat ng gusto ko! Bakit ako ang kailangang magbayad?” Pigil niya ang pagsigaw pero sa loob ay talagang galit na galit siya. Sa tanang ng buhay niya ay ngayon lang siya napahiya ng ganoon. Kulang na lang ay tirisin niya si Caridad sa labis na inis. “Yes, I said that. Pero wala akong sinabi na ako magbabayad.” Tumiim ang bagang ni Kenzo. “Dapat sana nilinaw mo! Napahiya ako. Akala ko ay—” “Akala mo ay ano? Ililibre kita?” Nakakaloko itong tumawa. “Well, totoo nga ang sabi-sabi tungkol sa iyo. Palibre ka. Manggagamit at makapal ang mukha!” “Anong sabi mo?” “Well, remember kanina? We took a selfie and I sent it on our group chat.” “Group chat?” “Yes. Sa Telegram. Group chat for elite and rich old ladies. And you’re so unlucky na kasama sa GC namin ang huli mong victim... Nakilala ka niya.” Ipinakita ni Caridad ang nasa screen ng cellphone nito. Nanlaki ang mata niya nang makita ang picture ni Mathilda. “S-si Mathilda?” Nanlamig siya nang bahagya. Tumango ito. “See? Kilala mo siya. Mathilda warned me about you. She told me everything at binalaan niya rin ang lahat ng nasa GC na isa kang manggagamit. You have a girlfriend and you’re looking for a sugar mommy na magsusustento sa inyo ng girlfriend mo. Mabut na lang at pina-legit check muna kita sa friends ko!” Kung hindi lang matanda si Caridad ay kanina pa niya ito sinuntok. Ngunit may bahagi ng utak niya ang nagsasabi na tama naman lahat ng sinabi nito. Mas lalo tuloy siyang nanliit sa mga salitang itinapon ni Caridad. Pakiramdam niya ay ubod siya ng sama at ang panloloko sa kapwa ang tangi niyang alam. “Kaya huwag kang mag-expect na babayaran ko ang mga pinamili mo, Kenzo! Napahiya ka? You deserved that! You’re nothing but a rat! A gold-digger!” Mataray na turan ni Caridad. “Now, kung may natitira pang kahihiyan sa katawan mo, you better go. Tigilan mo na ang panggagamit at panloloko. Remember, there’s karma!” Naikuyom niya ang dalawang kamay at dahil hindi na niya kaya ang mga sinasabi ni Caridad ay tumalikod na siya at naglakad palayo. Napakasama ng loob niya. Ano pa ang mangyayari sa kaniya? Paano pa siya makakahanap ng sugar mommy kung baka lahat ng makikilala niya ay kilala si Mathilda? Nang makalayo siya kay Caridad ay tumunog ang cellphone niya. Isang unregistered number ang nakarehistro. Sinagot niya iyon upang malaman kung sino ang tumatawag. “Hello?” “Hi, Kenzo! Sorry for ruining your date with my friend Caridad! Small world, right?” Naningkit ang mata niya. “Mathilda!” Dinelete na kasi niya ang number nito kaya hindi niya alam na ito ang tumatawag. Kung alam niya sana ay hindi na niya sinagot. “Yeah. It’s me! Akala mo siguro ay makakapanloko ka pa, `no? Well, I suggest na magbago ka na ng trabaho dahil sisiguruhin kong lahat ng matandang babae na mayaman dito sa Pilipinas ay mabibigyan ko ng babala tungkol sa iyo! And that’s my revenge!” “Hayop ka! Pinagsisisihan ko na nakilala kitang amoy-lupa ka!” “The feeling is mutual, Kenzo! Akala mo yata ay hindi ako makaka-move on sa iyo, `no? Kaya kitang palitan ng sampung mas gwapo at mas masarap sa iyo! Basura na lang ang tingin ko sa iyo at hindi ko ugali na mamulot ng basura! And by the way, gusto ko lang kayong kumustahin ni Rhian. Saan na kayo natutulog after ng sunog? Sa kalsada na ba?” Napahinto siya sa paglalakad. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. “I-ikaw ang nagpasunog ng bahay namin?!” Hindi makapaniwala niyang turan. “Oopsie! Nadulas naman ako. Yes, ako nga! Ang galing ko, `no? Ang powerful ko! Ang bilis kong kumilos!” galit na sabi ni Mathilda. “Ganiyan ako gumanti. Hindi ako iyong tipo na papalampasin na lang ang lahat. Nagkamali ka ng taong niloko, Kenzo! I’ll make sure na hinding-hindi ka na makakaahon sa hirap at isama mo na rin ang girlfriend mo!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD