CHAPTER 11

2077 Words
CHAPTER 11 INABOT ng isang buwan bago matapos ang renovation ng mansiyon. I can’t still believe na may mas igaganda pa talaga ito. Nicholas was really indeed very brilliant and magnificent in these aspects. “Mas lalong gumanda ang mansiyon, hija..” Saad ni Nanay sa akin ng makita ang buong mansiyon. Nasa labas kami at sa wakas ay nakakapagrelax na ako dito sa pinapangarap ko na lanai. I immediately hired an interior designer for my lanai and Nicholas was the one who guided me. Kaya mas naging magara and modern tingnan ito. “Russel was right, Nanay. Siya ang nagrekomenda kay Nicholas sa akin at mabuti naman at maganda ang labas noon.” Ngumiti sa akin si Nanay. “Hindi sa nanghihimasok ako, hija.” Alanganin niyang sabi pero nagpatuloy pa rin. “Pero ano pa ba ang ginagawa dito ni Engineer? Hindi sa pinapapaalis ko siya pero tapos na ang renovation ng mansiyon kaya nagtataka ako.” Natigil ako sa sinabi niya. I saw some seriousness in her eyes and the eagerness to know the truth. Actually, kahit ako ay hindi ko rin alam. Alam kong nandito siya para magbakasiyon maliban sa renovation. Hindi ko rin alam kung kailan siya dito o kailan ang kanyang itatagal. “Ang alam ko po ay nagbabakasiyon din siya, Nay. Bakit po?” I asked her. She sighed. “Sa ilang taon kong naburo sa mansiyong ito ay hindi naman ako naging manhid sa mga nangyayari sa paligid ko lalo na kung tungkol sa iyo. Napapansin ko ang madalas na pag-aalala at pagiging malapit niya sa iyo, Eli. Kahit sino at kahit bulag ay mapapansin ang pagkagusto niya sa iyo.” Umiling siya. “Hindi ko alam kong gusto lang ba o mas lamang at mabigat pa doon.” Natawa ako sa sinabi niya. “Nay, may asawa ang tao. Sa maliit na panahon na nakasama at nakilala ko siya ay alam kong hindi siya ganoong tao. He won’t cheat, I assure you.” Ngumiti ako pagkatapos. Tumitig siya sa akin. “Wala siyang sinabi na kasama niya ang asawa niya, hija.” Makahulugang saad niya sa akin. Natigil ako sa pagbabasa ng libro ng hindi ko na mahanap ang konsentrasiyon ko para doon. “Anong ibig mong sabihin, Nay?” “Sa nakikita ko..parang ikaw ang tinuturing niyang asawa, hija.” Tumaas ang kilay niya at nailing na napatawa. Kumaway siya na parang nagbibiro. “Hayyy naku! Tumatanda na ako, huwag mo nalang isipin iyon. Baka guni guni ko lang iyon.” Tumayo din siya sa pagkakaupo sa katabi sa akin. Tinapik niya ako. “Mauna na ako, hija. May gagawin pa ako sa taas.” Saad niya sa akin. Wala sa sarili akong tumango sa kanya. What exactly was that all about? Binalewala ko iyon at nagpatuloy na lang na magbasa. Wala akong mapapala kong paulit ulit kong iisipan ang bagay na iyon. I seriously doubt everything Nanay said. Nicholas was out to town for a bit. Sumama siya kay Mang Iko sa pamimili ng grocery. Hindi na ako sumama dahil tinatamad ako ngayon. I will just lazily seat the whole day. Wala naman akong problema kung hanggan kailan si Nicholas dito. I will always welcome here even if he comes again. “Ma’am Eli, may naghahanap po sa inyo.” Sabi ni Rosella sa akin. Napaangat ang aking mukha mula sa pagbabasa ng nobela. Kumunot ang noo ko. I’m not expecting any visitors today. Who will it be? “Sino, Rosela?” Napangiwi siya. “Hindi po sinabi ang pangalan, Ma’am. Basta hinahanap lang po kayo. Hindi na po ako nagtanong kasi po ay parang kakainin niya na ako dahil mukhang may galit po yata sa inyo.” Sumbong niya sa akin. I lift my brows. I sighed. Tumayo ako at tinungo ang living room ng mansiyon. “Kuhanan mo na lang kami ng meryenda.” Magalang na utos ko sa kanya. Tumango siya sa akin bago umalis sa harapan ko. Isang babae ang naabutan kong naglilibot ang tingin sa buong kabuuan ng living room habang nakatayo. She is probably around my age too. She is petite but I don’t like how she arched her brows maliciously. I don’t know her. She’s wearing a nice floral dress and a known brand bag hovered around her shoulder. At kung pagbabasehan sa itsura niya ay hindi ko na kailangan pang manghula. I don’t like her. “Hi..” Bati ko sa kanya upang makuha ang atensiyon niya. She turned her whole body to me. She took of her sun glasses and stared at me. Sa paraan ng paninitig niya ay alam ko kung nagugustuhan niya ba ang nakikita niya at iyon ay ang hindi. She eyed me from my head to toe. “Can I help you?” Tanong ko ulit ng hindi siya magsalita. She smirked. “Buhay ka pa pala, Elizabeth.” She then tapped her sunglasses to her left hand. A b***h gestures. “You knew me?” I asked her immediately. I was shocked but it didn’t show on my face. She sarcastically sighed. “Oh! Stop playing drama with me, girl. I know your type. Masiyadong mabait at nagpapakaawa para lang mapansin.” Maanghang pa rin niyang balik sa akin. “Hindi ka pa ba natuto?” “What are you talking about?” Seriously, anong problema ng babaeng to sa akin? Hindi ko siya kilala. Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at napalitan ito ng pagkadisgusto ng titigan niya ako pabalik. “I was really shocked that I see you instead of other women. Wala akong naging balita sa iyo simula noong nagdaang limang taon. Dito ka lang pala nagtatago.” Tumitig siya ulit sa akin mula ulo hanggan paa. Bawat hagod ng kanyang mata ay nakikitaan ko ng pagkadisgusto. As much as I wanted to earn some respect from her ,since she’s here in my territory ay hindi ko siya huhusgahan muna. I have still my senses with me. Ang patulan ang babaeng ito ay isang kabaliwan. Should I send her out? “Akala ko matatakot ako. But seeing you right now, in this state, I don’t think I will be afraid. Katulad ka parin noong dati, mahina pa rin. Kaya ka iniiwan at ipinagpalit, eh..” She laughed evilly. Tumawa ka pa ng tumawa diyan. Wala akong pakialam. I rolled my eyes at her. She then looked pissed when she sees that. Oh! Akala ko ba mahina ako.. What a brat! Gusto kong matawa pero dahil may kunting respeto pa akong natitira para sa kanya ay hindi na lang. “Kanina pa kita tinatanong kung ano ang kailangan mo. Well, kung wala naman ay makakaalis ka na.” Saad ko habang inilahad sa kanya ang malaking double door. Marahas siyang bumaling sa akin. “Who are you para tratuhin ako ng ganito? You were just nothing but a lowly woman.” She’s fuming mad. “Then who are you? I’m asking you. If you don’t answer my question again, I will tell the guard to drag you out of her.” Natawa siya sa sinabi ko. “Itong mansiyon ba nato ang pinagmamalaki mo. If I know... baka nanggayuma ka lang ng mayayamang matanda para magkaroon ka ng ganito. Masarap bang makatikim ng ganitong kayaman, Eli?!” Umiling siya. “Mas maganda iyon para magiging akin na talaga si Nicholas. Bakit ba kasi ikaw ang pinakasalan niya kung pwede ay ako naman dahil ako ang mas may karapatan!” How dare this girl?! The mere thought of her statement makes me p**e on my mind. “For the last time, who are you again?” I asked her….now more serious. “f**k you, Elizabeth!” Sigaw niya habang tinuturo ako. I swallowed a lump on my throat. The anger I had with me right now is suffocating me. I’m trembling and I wanna slap her so hard. I sighed and calmed my nerves. I have some unexpected guest and she’s not that really kind. Sumunod ang mata niya ng umupo ako ng dahan dahan sa malaking couch. I can’t let her win. “Should I be afraid of that?!” I asked her with my coldest tone. Namilog ang mata niya sa tanong ko. Why? Doesn’t she expect me to act this way? “Sumasagot ka na.” She glared at me even more. “What happened to you?!” Nicholas entered the living room. Namangha siya ng makita ang bisita ko. Kinakabahan siyang bumaling sa deriksiyon ko. I stared at him back with no emotion in my eyes. I’m mad, Nicholas! “Who is she? Kilala mo?” Tanong ko habang tinuturo ang babae. The girl immediately approached him. “Nicholas! Finally, you are here.” She was about to hug him but Nicholas choose to go with me. Tinalikuran niya ang babae habang namimilog ang matang nakatingin sa kanya. Hinapit niya ako sa beywang ng makatayo ako. He glared at the girl. “What the f**k are you doing here, Blaise?!” Galit na tanong niya sa babae. Namamangha itong tumingin sa kamay ni Nicholas na nakapulupot sa beywang ko. I was about to take it off too, but he was strong. “Seriously, Nicholas.. I’m here to get you. Your mother sent me here to fetch you.” Naging maamo ang tuno at ang mukha niya ng kinausap niya si Nicholas. “Umuwi na tayo.” He smirked at her. “I don’t need your fetching. Go back and stay the f**k away from us.” He is fuming mad. Kahit ang pagsasalita niya ay nanginginig dahil sa galit. His grip on my waist was slightly trembling too. Akmang tatalikod na kami pero nagsalita ulit ang babae. “You’re still crazy with her. She cheated on you. Bakit ba ayaw mong maniwala na totoo ang sinasabi ko!” Sigaw niya na ikinatigil namin. What?! Pumikit ako ng mariin. “Who are you?! Why do you know so much about me?!” I asked her again. Hindi ko na kaya ang paratang niya. I’ve lost my memories and she’s making the situation worst. “I’m your step sister, you damn idiot!” Sigaw niya ng halos maputol na ang pasensiya niya sa kakatanong ko sa kanya. Namilog ang mata ko sa sinabi niya. What?! “Why are you so shocked?” Hindi ako makapaniwalng tumingin sa kanya. My mind was so blank and I can’t justify what she just said. "Nakakalimut ba ang pagiging malandi, Eli?!” With a fast movement, Nicholas was already in front of her. He holds her jaw. She screamed kaya agad akong lumapit sa kanila. “She lost her memories, you damn spoiled brat b***h!” Madiing sabi ni Nicholas sa kanya. Namilog ako ng makitang masakit niyang iniipit ang mukha ng babae. Kaagad ko siyang inawat at hinawakan ang kamay niya. “Nicholas..S-stop that!” Saway ko sa kanya habang natatarantang inawat siya. He might have killed her. Naiiyak na umuubo ang babae ng bitawan siya ni Nicholas. “Oh my God! Y--you are crazy!” She added pertaining to Nicholas. On the contrary, Nicholas was still glaring at her darkly. He looks like he is going to explode any minute now. Pigil na pigil ang bawat ekspresiyon niya. I hold his hand. His jaw is clenching real hard. Tumingin siya sa akin pero salubong pa rin ang kilay niya at galit na galit. Ang bawat marahas na buga ng hininga niya ay parang kulog na nanggagalaiti. He’s really angry. “Leave now, Blaise. Baka makalimutan kong babae ka.” Malamig niyang saad dito. “Shall I tell her then?” ani ni Blaise. Nicholas stiffened. “Shall I tell her what your family did to hers?” Humalakhak ito pagkatapos. “Try it and I’ll swear you’ll be hiding to your mother’s grave.” He dangerously said. Tumingin siya sa akin. “If you lost your memory, then good for you. Dahil kung hindi, I can’t imagine how you can still stay with him after what his family did to you.” She loathed me. Why!? I thought she’s my sister? Well, step sister... imbis na matuwa ako ay mas lalo pa akong nagalit at naguluhan sa nalalaman ko. I can’t even properly think right now. My head slightly hurt. Hinigit ako ni Nicholas palayo roon. “Mark my words, Eli!” Sigaw niya pero hindi na ako hinayaan ni Nicholas na lumingon doon. “You will hate him!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD