(POV ni Lance) Alas-dos na ng hapon, hawak ko pa rin ang phone ko habang pinagmamasdan si Celine na bahagyang nakasandal sa sofa, mas maayos na ang kulay ng mukha niya. Nakatulog siya nang mahimbing matapos kong ipainom ang gamot at pakainin ng lugaw. Medyo bumaba na rin ang lagnat niya—salamat naman. Nag-vibrate ang phone ko. Si Mommy—Celeste. Kinabahan ako. Alam kong hindi siya basta tatawag kung hindi mahalaga. Sinagot ko agad. “Lance?!” Malakas at may halong galit ang boses niya. “Bakit ngayon ko lang nalaman na may sakit si Celine?” Napakamot ako sa ulo. “Ma… ayokong mag-panic ka. Okay na siya ngayon—” “Okay na siya? Lance, that’s not the point!” Sobrang tindi ng tono niya, parang CEO na rin ang dating. “Bakit hindi mo agad sinabi? Hindi ba’t mas maayos kung dinala mo siya sa osp

