(POV: Celine) Ang lamig ng conference hall ng Aurora Innovations Center ay para bang kayang mag-freeze ng mga nerbiyos ng sinuman. Sa gitna ng malalaking LED screens na nagpapakita ng mga final entries para sa Aurora Project, ramdam kong bumibilis ang t***k ng puso ko. Hindi ito katulad ng mga simpleng design pitch—ito na ang pinakaimportanteng laban ng Zamora Architectural Group ngayong taon. At alam naming lahat: may malaking posibilidad na may dirty tricks si Adrian. “Breathe, Celine,” mahinang bulong ni Lance habang inaayos niya ang lapel mic niya. May pilyong ngiti pa siyang sinabay, parang gusto niyang pahupain ang kaba ko. “Kung kinakabahan ka, isipin mo na lang na audition ito para sa ‘Pinoy Romcom Architects: The Musical.’” “Ewan ko sa’yo,” natawa ako kahit naninigas na ang mga

