(Celine’s POV) Hindi talaga kasama sa weekend plan ni Celine ang maging bayani. Plano niya lang bumili ng toiletries, isang tub ng ice cream, at baka dalawang pack ng corndog. Pero gaya ng sabi ng tita niya, “Lagi kang maging alert kahit grocery lang. Hindi mo alam kung sino ang makakasalubong mo.” Nakasuot siya ng simpleng oversized shirt, denim shorts, at puting sneakers habang nagpu-push ng cart sa loob ng isang high-end na supermarket sa mall. Ang hair clip niya pa ay parang gustong kumawala—pero okay na ‘yon. Habang nasa snacks aisle siya, may biglang kalabog at sigawan. May isang bata na naghabol ng laruang bumagsak sa gilid, tinamaan ang isang stand ng mga olive oil bottles. At bago pa siya makapag-react, nakita niya ang isang eleganteng babae sa dulo ng aisle—kilala niya ang pr

