bc

Innocent Love (Tagalog)

book_age0+
14.0K
FOLLOW
60.3K
READ
love-triangle
second chance
sensitive
drama
comedy
bxg
gxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

First love ni Cane si Ivy kaya naman hinanap niya ito. Para lang magulat nang malaman na hindi na pala prinsepe ang hanap nito kundi isa na ngayong prinsesa!

Pero hindi susuko si Cane. Hindi siya makapapayag na maging lesbian ang first love niya na hanggang ngayon ay minamahal pa rin niya.

Pinanghahawakan niya ang pangako nila sa isa't-isa noon ni Ivy bago sila magkalayo na sila pa rin ang magpapakasal pagdating ng panahon.

Pero paano kapag nagkagusto kay Cane ang itunuturing na 'prinsepe' ni Ivy na si Alexa? Paano kung magkasira sina Ivy at Alexa nang dahil lamang sa pag-ibig niya? Paano kung kamuhian siya ni Ivy dahil ang mahal nito ay siya naman ngayon ang mahal?

Anong gulo ito? Mahal niya si Ivy. Mahal nito si Alexa at mahal naman siya ni Alexa!

Sila pa rin kaya ni Ivy sa bandang huli?

chap-preview
Free preview
Chapter One : The Promise
Magkikita na rin tayo sa wakas, Ivy. Nangingiting sabi ni Cane sa sarili niya habang tinititigan ang latest picture na iyon ng babae na nanggaling pa mula sa isang private investigator na inutusan niya para manmanan ito. Hindi naman siya stalker pero gusto lang nyang siguraduhin na may babalikan pa siya sa Pilipinas kapag umuwi siya. At para na rin syempre malaman kung nasaan ito. Nagmula pa siya sa Japan at lumipat siya sa Sacred Heart Academy dahil lang sa gusto niyang makasama ulit ang first love at kababata niyang si Ivy. Napakatagal nilang hindi nagkita kaya naman sobra na siyang excited na makita muli ito. At ngayon nga ay ang unang araw niya sa klase. Sa totoo lang ay hindi na siya masyadong nag-ayos dahil ayaw niyang mag stand-out sa school. Hindi naman sa pagmamayabang pero ayaw niyang maging sikat doon katulad ng nangyari sa kanya sa Japan na halos sambahin na siya ng mga estudyanteng babae at maging ng mga teachers. Masyado kasi siyang gwapo. Athletic at matalino pa. Bukod doon ay napakayaman pa nila kaya naman halos nababaliw sa obsession ang halos lahat ng babaeng napapalapit sa buhay niya. Kahit ang mga nagiging kaibigan niyang babae noon ay nahuhulog din sa kanya kahit pa wala naman siyang ginagawa para magustuhan ng mga ito. Kaya naman mas pinipili na lang niyang huwag na lang makipagkaibigan sa mga babae kaysa naman umasa lang ang mga ito sa wala. Maaaring iniisip ng iba na sobrang lakas ng bilib niya sa sarili niya, pero ang hindi alam ng marami ay hindi rin madaling maging almost perfect na at nakukuha mo na ang lahat ng gusto mo nang walang kahirap-hirap. Pakiramdam niya ay wala nang kachallenge-challenge ang buhay. Bukod doon ay para bang hindi na tao kung ituring siya ng iba. Para siyang Diyos sa paningin ng mga ito and he really hates it! Kaya naman ngayon ay nagpasya na siya na mamumuhay na lang siya bilang isang ordinaryong estudyante sa school na iyon. Isang ordinaryong estudyante na hindi kagwapuhan, hindi masyadong matalino at hindi rin masyadong nag-eexcel sa sports. Susubukan niyang paibigin si Ivy sa ganoong klaseng katauhan na mayroon siya. Napangiti na naman siya nang maisip ang chilhood love niya. Ito rin ang unang naging kaibigan niya noon. Ginunita niya ang nakaraan. -------------------------------------------------------------------------------------------- NAAALALA PA niya noon na dahil isa siyang henyo ay wala rin siyang kahilig-hilig maglaro noon. Para sa kanya ay para lang sa mga bata ang paglalaro. Pakiramdam kasi niya ay matanda na siya kahit na maliit pa ang katawan niya. Kaya naman para sa kanya, ang pakikipaglaro ay isang walang kwentang bagay. Mas nasisiyahan pa siya kapag libro ang kaharap niya. Para sa kanya, maihahantulad na sa paglalaro ang pag-aaral. Dahil doon siya nag-e-enjoy. Kaya naman nag-aalala na ang mga magulang niya noon sa kanya dahil natatakot ang mga ito na baka hindi siya lumaki ng normal katulad ng ibang bata. Dinala siya ng mga ito isang araw sa isang playground kasama ng ilang bata. Pero kaiba sa ibang mga bata ay hindi siya umiyak. Bakit siya iiyak kung alam naman niya ang eksaktong address at phone number nila? Kahit walang sinabi sa kanya ang mga magulang ay sinaulo na niya iyon para kung sakaling mawala siya ay walang magiging problema, mahahanap niya agad ang mga ito. Seven years old na siya kaya marunong na rin siyang umuwi ng mag-isa. Gayunpaman, sinakyan na lang niya ang trip ng mga magulang para hindi na mangulit. Sinubukan niyang magmatiyag sa mga batang naglalaro pero natatakot ang mga itong lumapit dahil ang sabi ng mga ito ay ang sama raw niyang makatingin. Ang iba pa ngang bata ay umiyak pa kapag tinitingnan niya. Para raw kasing may dark aura na nakapaligid sa kanya. How pathetic. Kung ganito ang lahat ng bata ay talagang wala nga silang karapatang maging kaibigan ko, sabi ng isip niya saka aalis na sana nang may isang batang babae ang lumapit sa kanya at nakangiting inabutan siya ng bulaklak. “Para sa ’yo!” nakangiting sabi nito. Napatingin siya sa batang babae na sobrang aliwalas ng mukha. Tanga ba ito? Napakalaki ng ngiti kahit wala namang nakakatuwa. “Saan mo naman kinuha iyan?” nakasimangot na tanong niya na hindi inabot ang bulaklak. Nag-iwas pa siya ng tingin dahil ayaw niyang kausapin ito. Mahirap na, mukhang tanga pa naman ang babae. Baka mahawa pa siya. Pero nagulat siya nang bigla na lang itong lumapit at yumukod pa para lang tingnan ang mukha niya mula sa ilalim. Napaatras tuloy siya. Ano ‘yon? Bakit parang lumakas ang t***k ng puso niya? “Kinuha ko ito ro’n sa gilid ng school. Tanggapin mo na, please? Nakita ko kasi na wala kang kasama rito at parang ang lungkot-lungkot mo kaya ikinuha kita nito,” ngiting-ngiti pa rin na sabi nito. Pati boses nito ay childish din. “Hindi ako malungkot at hindi ko rin kailangan ng kasama kaya pwede bang layuan mo na lang ako? Ano bang pakialam mo sa akin?!” pag-iwas niya na tumalikod na rito. Bakit ba hindi nito makita na hindi naman talaga siya malungkot? Nagkataon lang na ganoon lang talaga ang mukha niya. Mukhang malungkot at galit kahit wala namang ginagawa. Bukod doon ay mas nag-eenjoy naman talaga siya sa company ng sarili niya. Hindi niya kailangan ng ibang bata para lang maging masaya. Kaya niya ang sarili niya. Tumahimik ito. Maya-maya ay nagsalita. “Kasi gusto kita!” Natigilan siya nang dahil sa narinig niya. Hindi na naman niya maintindihan ang sarili pero bigla na lang uminit ang mukha niya at namula siya na parang isang kamatis. At bukod doon, mas lalo lang naging abnormal ang bilis ng t***k ng puso niya. “Anong sinasabi mo?!” Halos natataranta nang sabi niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang ikinikilos niya. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nawala sa sarili. Isang malaking ngiti lang ang sinagot nito saka ito lumapit sa kanya at kumapit sa braso niya. “Simula ngayon ay magkaibigan na tayo, ha? Ako si Ivy! Ikaw si Cane, ‘di ba? Narinig kong sinabi ng mama mo iyon kanina.” Ano? Kanina pa pala itong nakatingin sa kanya? -------------------------------------------------------------------------------------------- SIMULA noon ay palagi nang nakabuntot si Ivy kay Cane kahit saan man siya magpunta. Ito ang kauna-unahang bata na hindi natakot na lumapit sa kanya kahit ilang beses niya itong pinapahiya at sinisigawan. Ganoon ito ka-oblivious at kainosente. At hindi na lang niya namalayan pero unti-unti ay nasisiyahan na rin siyang makipaglaro rito. Hindi na niya naiisip ngayon na walang kwentang bagay ang pakikipaglaro dahil ito naman ang kasama niya. Pakiramdam niya ay palaging may okasyon kapag kasama niya ito dahil ang saya-saya niya. Sa kauna-unahang pagkakataon din ay nagkaroon siya ng matatawag niyang isang kaibigan. “Para sa ’yo,” sabi ni Cane nang minsang naglalaro sila sa garden. Inilagay niya sa gilid ng tenga ni Ivy ang bulaklak na nakuha niya kaya lalo lang itong naging cute sa paningin niya. “Wahhh! Ang ganda! Salamat, Cane!” Saka siya nito hinalikan sa pisngi. Doon ay bumilis na naman ang t***k ng puso niya. Ayon sa nabasa niya sa internet no’ng nagresearch siya ay love raw ang ibig sabihin ng nararamdaman niya ngayon. Kapag daw ang saya-saya mo kapag magkasama kayo. Kapag siya lang ang palaging laman ng isip mo sa araw-araw at sa bawat segundo. Kapag bumibilis ang t***k ng puso mo kapag nasa malapit lang siya. At kapag walang ibang mahalaga sa ’yo kundi ang tao lang na iyon… Pag-ibig ang tawag doon. At iyon ang eksaktong nararamdaman niya kapag kasama niya si Ivy. Alam niya at sigurado na siya sa sarili na kahit na seven years old pa lang siya ay mahal na niya ito at ito lang ang babaeng gusto niyang makasama sa habang buhay. “Ivy!” Pagtawag niya sa pangalan nito. Abala ito sa pagkuha pa ng iba pang mga bulaklak sa garden. “Hmm.. Bakit, Cane?” nakangiting tanong nito pero hindi naman sa kanya nakatingin kundi sa mga bulaklak na pinipitas nito. “Harap ka,” namumulang utos niya. Sumunod naman ito. At doon ay hinalikan niya ito. Tumagal lang ang smack na kiss na iyon ng ilang segundo lang pero pakiramdam niya ay huminto na ang pag-inog ng mundo niya. Inihiwalay niya ang labi rito at nang tingnan niya ang mukha nito ay nakatulala na ito. “Anong ginawa mo?” inosenteng tanong nito na napahawak pa sa labi nito. “Kiniss kita. Bakit, hindi mo ba nakikita ang papa at mama mo na ginagawa iyon?” namumulang tanong niya. Umiling ito saka niya naalala na nagtatrabaho nga pala sa UAE ang papa nito kaya palagi iyong wala. “Bakit mo ‘ko kiniss?” nagtatakang tanong nito na namumula na rin ang mukha. Natahimik siya. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito. “Gusto mo ako ‘di ba?” Naging agresibo ang tono ng boses niya. “Oo naman, Cane! You are the most precious person in the world to me!” agad namang sagot nito. Agad niya itong hinawakan sa dalawang balikat saka niya tinitigan ng maigi ng mata sa mata. “Kung ganoon ay ipinapangako ko sa ’yo na balang araw ay papakasalan kita, Ivy! Okay lang ba iyon sa ’yo? Gusto mo rin ako ‘di ba?” sabi niya rito na medyo kinakabahan sa magiging sagot nito. Para kasing hindi nito masyadong naiintindihan ang sinasabi niya. Engot kasi, eh. Para bang aktong nag-iisip pa ito bago makasagot. “Hmm.. Parang sina mama at papa? Sige, Cane! Magpakasal tayong dalawa paglaki natin!” sobrang laki ng ngiti na sabi nito. Nakahinga siya ng maluwag. “Kung ganoon ay suotin natin ito. Sumumpa ka sa akin na hindi mo ito tatanggalin sa tenga mo kahit na anong mangyari!” strict na sabi niya saka inilabas mula sa bulsa ang binili niyang hikaw sa Divisoria no’ng sinama siya ng mommy niya roon. “Wow! Ang ganda, Cane!” Parang na-excite ito nang makita ang hikaw. Hahablutin na sana nito iyon ng ilayo niya. “Ehh? Akala ko ba ay ibibigay mo sa akin, Cane?!” mangiyak-ngiyak na reklamo nito. Sobrang cute talaga nito kahit ganoong nakasimangot na ito. Para itong bata na inagawan ng lollipop ng kalaro nito. “Mangako ka muna!” “Na ano?” “Na hindi mo ito tatanggalin sa tenga mo kahit anong mangyari dahil ito ang magsisilbing katibayan ng pagmamahalan natin sa isa’t-isa!” paniniguro niya. “Oo, sige! Nangangako na ako! Akina, Cane!” sabi agad nito na parang hindi na pinag-isipan. Bakit ba siya nainlove sa engot na ‘to? Pero binigay na rin niya ang hikaw. Doon din naman ang punta no’n, eh. “Bakit isa lang, Cane? Akina ‘yung isa!” pagrereklamo nito na gusto na namang kunin ang kapares ng isang hikaw. Inilayo naman niya iyon. “Sa akin mapupunta itong isa at iyang na sa ’yo naman ang magiging kapareha nito. Kaya hindi mo pwedeng iwala iyan dahil malulungkot ang hikaw na nasa akin kapag nawala ang kapareha niya. Naiintindihan mo ba?” parang matanda na sabi niya. “Ay, ganon ba ‘yon? Sige na nga,” napipilitan na rin na sabi nito. At doon ay sinuot nila ang hikaw sa isa’t-isa saka na sila naglaro ulit pagkatapos. -------------------------------------------------------------------------------------------- ANG AKALA ni Cane ay hindi na matatapos ang maliligayang araw na iyon kasama si Ivy. Pero isang araw ay bigla na lang nagdesisyon ang mga magulang niya na magmigrate na sa Japan. Noong mga panahon kasi na iyon ay sobra nang lumago ang maliit na business na ipinatayo roon ng papa niya at mas malaki ang kikitain nito kung ito na ang personal na magma-manage ng negosyo na iyon sa halip na ang tito niya. Ibinenta nito ang bahay nila sa pilipinas at nagresign na rin ito sa eskwelahang pinagtuturuan nito. Pinasok na nito ang mundo ng pagnenegosyo. At ayaw man niyang umalis ay wala na rin siyang nagawa. Ano naman ang magagawa ng isang pitong taong gulang sa desisyon ng kanyang mga magulang? “Cane! Cane, sandali!” Paghabol sa kanya ni Ivy nang papasakay na sila ng taxi. Binigyan naman siya ng ilang sandali ng mga magulang para makapag-usap sila. “Bakit ka aalis? Sino na ang makakalaro ko?” umiiyak na tanong nito. Hirap na hirap din siya. Ayaw niya itong iwan. Kung pwede nga lang na huwag na lang silang umalis. Pero kahit anong pilit niya sa mga magulang ay buo na talaga ang desisyon ng mga ito. “Nandito pa naman si Teddy. Isipin mo na lang muna na ako siya habang wala ako,” hirap din na sabi niya saka napatingin sa teddy bear na ibinigay niya rito noong birthday nito. “Ayoko na nito, Cane kung mawawala ka naman! Gusto ko ikaw! Huwag ka nang umalis, please?” pagmamakaawa na nito. Lalo lang tuloy siyang nahirapan. Kahit kailan ay hindi niya ito nakitang umiyak. Palagi itong nakangiti kahit na madalas ay napapaayaw din ito sa ibang bata nang dahil sa kanya. “Kailangan kasi, eh. Pero ipinapangako ko sa ’yo, Ivy na babalik ako. ‘Di ba nga, sabi ko sa ’yo, magpapakasal pa tayo?” “Pero—“ “Huwag ka nang malungkot. Kahit anong mangyari ay babalik at babalik ako para sa ’yo, Ivy. Hintayin mo lang ako. Hinding-hindi ako sisira sa pangako natin. Ikaw din ba?” Hindi ito nakasagot. Umiiyak pa rin. “Ivy, hihintayin mo ba ang pagbabalik ko?” tanong niya nang hindi na ito sumagot. Nakayuko lang ito. Maya-maya ay nag-angat ito ng ulo. Pinilit nitong ngumiti kahit na may luha pa rin ang mga mata nito. “Oo, Cane! Hihintayin kita! Kahit anong mangyari ay hihintayin ko ang pagbabalik mo,” sabi na nito na totoong nakangiti na talaga. Para bang lumuwag ng kaunti ang dibdib niya ang marinig iyon. Doon na sila nagyakap na dalawa. Habang yakap ito ay sinumpa niya sa sarili na talagang babalikan niya ito at ito lang ang babaeng mamahalin niya kahit pa hindi sila magkasama. Kahit na napakalayo nila sa isa’t-isa. Kahit pa dumating ang panahon na unti-unti na silang lumalaki at marami nang nakikilalang iba. Isinusumpa niya na hinding-hindi niya ipagpapalit si Ivy. Ito lang ang mamahalin niya… NAPABUNTONG-HININGA si Cane nang maalala niya ang nakaraan. Nangako siya noon kay Ivy na babalikan niya ito agad pero hindi niya akalain na hindi rin pala ganoon kadaling gawin iyon. Noong unang mga taon ay naging masaya ang pamamalagi nila sa Japan. Mas lalo pa ngang naging successful ang negosyo nila simula nang pumunta sila roon at nakapagpatayo pa sila ng iba’t-ibang malalaking bake shops sa iba’t-ibang panig ng bansa kaya naman mas lalo pa silang yumaman. Pero kapalit ng karangyaang iyon ay unti-unti ring nasira ang samahan ng pamilya nila. Natutong mambabae ang papa niya dahil sa mga kabarkada nito. Iniwan sila nito ng mama niya kaya naman walang ibang nasa tabi ang ina niya kundi siya lang. Hanggang sa naudlot na nang naudlot ang pagbalik niya sa pilipinas dahil sa patong-patong na problema. Hindi na rin niya mapadalhan man lang ng sulat si Ivy dahil lumipat na pala ng tirahan ang mga ito. Wala rin naman siyang contact number ng kahit sino sa pamilya nito. Kahit f******k account ay wala ito. Alam niya dahil matagal na niyang sinuyod ang pangalan nito roon. Pero ang nangyayari, palaging kapangalan lang pala nito ang nakakausap niya. Nagtayo rin ng sarili nitong negosyo ang mama niya at tinapatan nito ang success na nakamit ng papa niya noon. Isinugal nito ang lahat ng lakas ng loob nito at umutang ito ng malaking pera sa bangko para magamit nilang kapital. Naging busy din siya sa pagtulong sa negosyo ng ina at dahil sa angking katangi-tanging talino ay nagawa niya itong mapalago kasama ang ina sa kabila ng murang edad niya. Nakakumpetensya rin nila ang sariling ama at nagawa rin nila ang pinakamasarap na paghihiganti nila nang tuluyan nang malugi ang negosyo nito at nagsilipatan ang lahat ng kliyente nito sa kanila. Humingi ng tawad sa kanila ang ama pero hindi na ito tinanggap ng mama niya. Kaya naman gano’n na rin ang naging reaksyon niya rito pagkatapos ng ginawa nitong pag-iwan sa kanila sa ere. Noong mga panahon na kailangang-kailangan nila ito ay iniwan sila nito. May sarili na ring pamilya nito ang ama niya at may boyfriend na rin ngayon ang mama niya. Maayos na rin ang takbo ng pamumuhay nila kaya naman pumayag na rin ang mama niya nang sinabi niya na gusto na niyang bumalik sa pilipinas para hanapin ang babaeng napangakuan niya. Nagulat pa ito nang malaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin pala niya nakakalimutan si Ivy dahil masyado pa silang bata noon. Nagbiro pa nga ito na ang akala pa naman nito noon ay bading siya dahil hindi siya nag-gi-girlfriend. Marami naman daw nagkakagusto sa kanya pero bakit daw wala siyang nagugustuhan kahit na isa. Iyon ay dahil isa lang naman ang tinitibok ng puso niya. At iyon ay walang iba kundi si Ivy lang. Sinubukan din naman niya na magkagusto sa ibang babae pero wala talaga siyang makapa. Hindi niya maramdaman sa mga iyon ang naramdaman niya noon para kay Ivy. Ni wala nga siyang pakialam kahit ano pa ang itsura nito ngayon. Dahil hindi niya makita si Ivy sa sarili niyang sikap ay napagdesisyunan na nga niya na umupa na lang ng isang private investigator at hindi siya nagsisisi sa ginawa niya dahil nakita nga niyon si Ivy. Inilabas niya ang picture ni Ivy na binigay ng private investigator nang makasakay na siya sa bus at tinitigan iyon. Kahit wala naman talaga siyang pakialam kahit ano pa ang naging itsura ni Ivy ngayon ay nagpapasalamat pa rin siya dahil hindi ito tumaba. Sa katunayan ay mas maganda pa nga ito ngayon kaysa noong mga bata pa lang sila. Hindi pa rin nawawala ang aliwalas at ganda ng mukha ng mahal niya. Hanggang ngayon ay naroon pa rin ang matamis na ngiti nito na maihahantulad sa ganda ng isang bulaklak. Narito na ako, Ivy. Hindi na tayo magkakahiwalay ulit. Pangako ‘yan… sabi ni Cane sa sarili. Hanggang sa makarating na siya sa destinasyon niya. Ang Sacred Heart Academy…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.0K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Contract - Tagalog

read
754.2K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M
bc

A Night With My Professor

read
497.6K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook