Story By CDLiNKPh
author-avatar

CDLiNKPh

ABOUTquote
Cristina de Leon previously known as lady_phoenix16 is a freelance writer from different publishing companies. Published Books: - Is It Wrong To Love You? (No Longer Available) - LIB - Corpus (P50) - LIB - Kwentong Barubal Vol. 1 (P50) - LIB - The Girl Between Us (P100) - Lifebooks - Cristina's Guide For Online Writing (P150) - Psicom - Reedz Magazine (P150) - Psicom - Ang Pulubi At Si Chabeng Ilusyunada (P100) Lifebooks - Strange Love (P250) - VRJ Books Soon To Be Published Books: - Forever In My Arms (LIB Publishing) Digital rights bought by Dreame App: - A House Full of Alien Hunks. - My Handsome Stalker - The Queen of Erotica - The Rules of Heart - Living In A Closet - Innocent Love For urgent matters, you may contact her at her email address: cristina.deleon091691@yahoo.com You may also follow her social media accounts below: WP - https://www.wattpad.com/user/CDLiNKPh YT - https://www.youtube.com/c/cdlinkph FB - https://www.facebook.com/cdlinkph/ FB PAFE - https://www.facebook.com/cdlinkphpage/ BLOGGER - https://cdlinkph.blogspot.com/ IG - https://www.instagram.com/cdlinkph/ Twitter - https://mobile.twitter.com/CDLiNKPh
bc
Innocent Love (Tagalog)
Updated at Jan 14, 2023, 00:27
First love ni Cane si Ivy kaya naman hinanap niya ito. Para lang magulat nang malaman na hindi na pala prinsepe ang hanap nito kundi isa na ngayong prinsesa! Pero hindi susuko si Cane. Hindi siya makapapayag na maging lesbian ang first love niya na hanggang ngayon ay minamahal pa rin niya. Pinanghahawakan niya ang pangako nila sa isa't-isa noon ni Ivy bago sila magkalayo na sila pa rin ang magpapakasal pagdating ng panahon. Pero paano kapag nagkagusto kay Cane ang itunuturing na 'prinsepe' ni Ivy na si Alexa? Paano kung magkasira sina Ivy at Alexa nang dahil lamang sa pag-ibig niya? Paano kung kamuhian siya ni Ivy dahil ang mahal nito ay siya naman ngayon ang mahal? Anong gulo ito? Mahal niya si Ivy. Mahal nito si Alexa at mahal naman siya ni Alexa! Sila pa rin kaya ni Ivy sa bandang huli?
like
bc
The More You Hate, The More You Love (Tagalog)
Updated at Dec 19, 2020, 23:00
Unang beses pa lang na nagtama ang mga mata nina Melody at Briana ay nagkaroon na agad ng tensyon sa pagitan nilang dalawa. Hindi malaman ni Briana kung bakit ganoon na lang ang ngitngit na nararamdaman niya para sa bagong estudyante ng Phoenix University. She hates her guts, her popularity and everything about her! Mas lalo lang nadagdagan ang ngitngit ni Briana nang malaman niya na ang playboy at matagal na niyang minamahal na si Sniper ay nagseryoso at nainlove sa isang babae sa kauna-unahang pagkakataon. Of all people ay kay Melody pa na kinaiinisan niya! Kaya naman gagawin niya ang lahat para lang maging impyerno ang buhay ni Melody sa school, para ito na mismo ang hindi maatim na umalis at magdrop out. Pero paano kung dahil sa pang-iinis niya rito ay magising na lang siya isang araw na ito na lang palagi ang naiisip? Paano kung ang „hate‟ na nararamdaman niya ay bigla na lang maging „love?‟ Matatanggap ba niya sa sarili na ang queen ng school ay magiging lesbian nang dahil lang sa isang babae na itinuturing niyang karibal? Kakayanin ba niya na pagtawanan ng lahat para lang sa feelings na bigla na lang parang kabute na tumubo sa dibdib niya?
like
bc
Eternal Love (Tagalog)
Updated at Feb 20, 2019, 21:24
No choice si Alice kundi ang maging baby sitter ng makulit na batang si Jason. 10 years old lang ito pero para na itong matanda kung mag-aasta at ang kinaiinis pa niya ay pinakagkakalat nito na boyfriend niya ito. Pero paano kung malaman niya na hindi naman pala talaga isang pangkaraniwang bata lang si Jason? Paano kung matuklasan niya na marami itong ginagawang masasamang bagay para lamang ma-protektahan siya? Paano kung malaman niya na bahagi pala ito no'ng nakaraang buhay niya at may taglay itong kakaibang kapangyarihan na nakapangingilabot? Mas magugulo pa ang mundo ni Alice sa pagdating ng isang lalaki sa buhay niya. Si Zeno na kasing edad niya at laman din ng mga panaginip niya bago pa man niya ito nakilala. Ayon sa kanyang mga panaginip, ito ang lalaking pinakamamahal niya noong nakaraang buhay niya. Totoo nga kaya na si Zeno na rin ang nakatakdang maging pag-ibig niya sa kasalukuyang panahon o may gagawing paraan si Jason para mahadlangan iyon?
like
bc
Is It Wrong To Love You (Tagalog)
Updated at Feb 20, 2019, 20:07
Si Colleen. Isang babaeng naampon ng mag-asawang Bong at Eula. Inosente, mabait at malambing. Lahat ng tao ay naaaliw at natutuwa sa kanya. Paano kung malaman niya ang tunay na pagkatao na ampon lang pala siya? At paano kung maipit siya sa pagmamahal ng tatlong lalaki na handang gawin lahat para makuha ang puso niya? Sino ang pipiliin niya? Ang Kuya Carlo ba niya na nag-iisang anak ng mga taong nag-ampon sa kanya at lalaking tinitingala at hinahangaan niya? Paano kapag nalaman niya na umiibig pala ito sa kanya? Si Jake Pineda na isang Pop Idol at pinapangarap niya kahit sa malayo. Masaya na siya na pinapanood lang ito. Pero posible bang magkaroon ng feelings ang isang artista sa isang fan lang? O ang bigilante at gangster na si Elijah na hindi tumatanggap ng salitang hindi. Paano kung handa itong pumatay para lang makuha siya? Saan hahantong ang obsession nito para sa kanya? Tatlong puso laban sa iisang puso. Sino ang magwawagi?
like
bc
Forever In My Arms (Tagalog)
Updated at Feb 20, 2019, 19:17
Bata pa lang si Ingrid ay mahal na mahal na niya ang bestfriend na si Xander. Lahat ay willing siyang gawin para rito at handa rin siyang magparaya para maging masaya ito sa piling ni Phoebe na minahal nito sa unang beses pa lang na nakita nito ang babae. Masakit para sa kanya na hindi na siya ang number one priority ni Xander simula nang maging girlfriend nito si Phoebe. Pero paano kung may lalaking dumating sa buhay niya na mas malaki pa ang pagpapahalaga na ibinibigay sa kanya kaysa kay Xander? Pero maniniwala ba siya sa sinasabi ni Gregor na ito si Harper noong 1864 at noong nakaraang buhay daw nila ay mag-asawa raw sila na nabuhay muli sa kasalukuyang panahon? Baliw nga ba si Gregor o totoo ang sinasabi nito? Paano kapag nagpakita sa panaginip niya ang masalimuot na nakaraan at malaman niya na hindi lang pala si Gregor ang bahagi niyon kundi maging si Xander? Sino ang pipiliin niya? Ang lalaking mahal niya na matagal na niyang pinapangarap na maangkin o ang lalaking mahal siya na gagawin ang lahat maangkin lang siya kahit pa ang makipagkumpentensya sa taong gustong-gusto niya? Mauulit lang nga ba ang mga nangyari noong 1864 o mayroong magbabago? A battle for love begins!
like
bc
Hiram Na Pag-Ibig (Tagalog)
Updated at Feb 20, 2019, 06:16
Mean, selfish, spoiled brat at playgirl. Iyan ang tawag ng mga tao kay Amber. Para sa kanya ay sa kanya lamang dapat umiikot ang mundo at lahat na lang ng tao sa paligid niya ay dapat na sinusunod siya. Pero nagbago iyon ng may isang lalaking nagpakamatay nang dahil sa kanya. Ang akala ni Amber ay wala nang magiging direksyon ang buhay niya nang magpakamatay ang isang lalaki na natutunan na rin naman niyang mahalin nang dahil sa panloloko niya. Pero nabalik ang sigla ng mundo niya nang makilala niya si Wesley Park. Kalaunan ay ikinasal sila ng lalaki. Sa hindi inaasahang pangyayari, isang obsessed exboyfriend ni Amber ang gumawa ng paraan para mapaghiwalay sila ni Wesley. Pinasabog lang naman nito ang barko na sinasakyan nila ng asawa niya. Nang magising si Amber ay wala na siyang natatandaang kahit ano tungkol sa sarili niya. Doon niya nakilala si Brandon. Isang bugnuting lalaki na ni hindi marunong ngumiti at palagi na lang siyang sinisigawan. Isinama siya nito sa Manila at nagpanggap silang mag-asawa. Pero paano kapag gustuhin niya na hindi sa pagpapanggap na lang mauwi ang lahat? Paano kung mahalin nila ang isa't-isa? Paano na ang naiwan niyang asawa?
like
bc
After Life (TAGALOG)
Updated at Feb 20, 2019, 04:21
Malaki ang takot ni Louise sa mga multo. Pero paano kung ang inaakala niyang prince charming na sana niya ay isa rin palang multo? Ma-i-in-love pa ba siya kay Beam kung alam niyang patay na pala ito? At paano kung bigla na lamang mag-si-sulputan ang mga multo na gustong humingi ng tulong sa kanya para makuha ng mga ito ang katahimikan na kailangan ng mga ito para marating ang after life? Paano kung may mga evil spirit na nagnanais na saniban ang katawan niya? Kakailanganin ba niya ang tulong ni Beam?
like
bc
Living In A Closet (Tagalog)
Updated at Jan 8, 2019, 08:58
Isang closet lesbian si Jessie na hindi maamin kahit kanino ang totoong pagkatao niya simula pa noong teenager pa lang siya. Dahil sa homophobic Parents niya ay mas pinili niyang magtago sa closet at hindi nagtangka kahit minsan na ilabas ang totoo niyang pagkatao. Hanggang sa dumating sa buhay niya si Lily. Isang stripper sa Club na nagpagulo sa buong sistema ng katawan niya at nagtapon ng lahat ng prinsipyo niya sa buhay. Nang dahil sa pagka-obsess niya rito ay pinili niya na bayaran ito ng malaking halaga para lang pumayag ito na maging girlfriend at live in partner niya sa loob lang ng isang taon. Nakasaad din sa kontratang iyon na kung hindi niya mapapaibig si Lily sa loob ng isang taon ay maaari na itong kumawala sa relasyon nila at gawin ang anumang naisin nito. Pero paano niyang magagawang paibigin si Lily kung panay ang reto sa kanya ng mga magulang niya kina Marco at Michael na bata pa lang ay parehas nang may gusto sa kanya? Paano siyang makakaporma kung siya mismo ay pinopormahan din ng dalawang gwapong lalaki na handang gawin ang lahat, mapaghiwalay lang sila ni Lily? Magagawa ba niyang kumawala sa tinitirhan niyang closet at sabihin sa lahat na hindi lalaki ang gusto niya kundi babae rin?
like
bc
My Handsome Stalker (Tagalog)
Updated at Jan 7, 2019, 12:18
Sanggol pa lang si Elise ay binili na siya ng isang mayamang lalaki para pakasalan. Si Cedrick na ubod ng gwapo pero walang pakialam sa agwat ng edad nila. Masyadong possessive si Cedrick sa kanya to the point na nagawa siya nitong ilayo sa mga buong pamilya niya at pinagbabawalan pa siya nito na makipaglapit sa ibang lalaki. Pero paano nga kaya na ang isang katulad nito ay nagkagusto sa isang babae lang na katulad niya? Bakit handang gawin ni Cedrick ang lahat para lang makuha ang pag-ibig at atensyon niya? At higit sa lahat, bakit ba pakiramdam niya ay hindi ito basta pangkaraniwang tao lang at may kakaiba itong kapangyarihan? Bakit pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala nito? Ano’ng lihim ang itinatago nito at bakit gano’n na lamang ang obsession nito sa kanya?
like
bc
The Queen of Erotica (Tagalog)
Updated at Jan 7, 2019, 11:09
Siya si Joy sa umaga, Ligaya sa gabi. Isang nerd sa school pero isang wild na erotic novelist sa internet. Paano kung may makatuklas ng sikreto niya? Paano rin kung mapagitnaan siya sa isang love triangle? Ano ang magiging reaksyon nina Andrew at Blake kapag nalaman ng mga ito ang maitim niyang sikreto at kakaibang hilig?
like
bc
The Rules of Heart (Tagalog)
Updated at Jan 7, 2019, 09:55
Si Avril Wesley ay isang babaeng maganda, ubod ng yaman, hinahabol ng mga kalalakihan at simula pa sa pagkabata ay nakukuha na ang lahat ng naisin. Iyon din ang dahilan kung bakit lumaki siyang spoiled, mapaglaro sa pag-ibig at ubod ng maldita. Dumating ang panahon na siya naman ang pinaglaruan ng pag-ibig dahil na-in love lang naman siya sa isang babae ring katulad niya na pinaglihi yata sa sama ng loob dahil sa sobrang sungit nito sa kanya. Si Sydney. Pakiramdam ni Avril ay finally, mayroon na ring nakatapat sa ugali niya na kaya siyang salagin sa lahat ng kamalditahan niya. Pero mamahalin ba siya ni Sydney kung siya ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay dito ang ex-boyfriend nitong si Caleb? Paano kung malaman niya na si Sydney din pala ang nakatakda niyang maging step-sister sa nalalapit na kasal ng mommy niya sa driver nila na matagal na niyang kinaiinisan? Mainis pa kaya siya kay Mang Rico kung malaman niya na ito pala ang tatay ng babaeng pinakamamahal niya? At mahalin din kaya siya ng kanyang ‘Ate Sydney’ kung magiging magkapatid na sila? Paano niyang mababali ang mga ‘rules’ nito sa puso nito kung parehas lang silang babae? Posible bang ma-inlove ang isang ‘straight’ na babae sa katulad niyang mukha ring straight?
like
bc
A House Full of Alien Hunks (Tagalog)
Updated at Jan 6, 2019, 10:45
NBSB na hindi pa nararanasang magkaboyfriend kahit kailan pero napapalibutan ng limang nag-ga-gwapuhang lalaki? Iyan si Eden. Isang ordinaryo at nerd na estudyante lang dati but it turns out na siya pala ay isang nawawalang prinsesa mula sa malayong planeta. Too bad, nais ng kanyang tito na hari ng kadiliman na gamitin ang natatago niyang kapangyarihan para gamitin sa kasamaan. Mabuti na lamang at may mga alien guardians siya na nagkakandarapa para protektahan siya. Pero paano kung malaman niya na unti-unti na palang nagkakagusto ang mga ito sa kanya? Paano pipili ang isang babae na hindi sanay sa lalaki at walang kamuwang-muwang sa relasyon na katulad niya? Dininig na nga ba ng Diyos ang kahilingan niya na magkaroon ng prince charming? Pero nasobrahan naman yata ng bigay si Lord! May lugar ba ang pag-ibig sa gitna ng digmaan o makikipag-digma ang alien hunks para sa pag-ibig niya? Alamin!
like