bc

The Queen of Erotica (Tagalog)

book_age0+
17.0K
FOLLOW
75.8K
READ
stalker
possessive
sex
one-night stand
playboy
drama
comedy
bxg
gxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Siya si Joy sa umaga, Ligaya sa gabi. Isang nerd sa school pero isang wild na erotic novelist sa internet.

Paano kung may makatuklas ng sikreto niya? Paano rin kung mapagitnaan siya sa isang love triangle?

Ano ang magiging reaksyon nina Andrew at Blake kapag nalaman ng mga ito ang maitim niyang sikreto at kakaibang hilig?

chap-preview
Free preview
Chapter One : Ang Kama ni Ligaya
"JOY! Joy, saglit naman oh! Hintayin mo ako, ihahatid na kita pauwi!" Paghabol ni Andrew sa kanya. Ang makulit niyang manliligaw na simula pa noong unang taon pa lang nila sa kolehiyo ay nanliligaw na sa kanya. Parehas na masscom ang kurso nila kaya naman hindi siya makawala rito. Magkaklase kasi sila kaya nakakadikit ito palagi sa kanya. "Ano ba, Andrew? Hindi ba at sinabi ko na sa 'yong ayaw ko namang magpahatid? Bakit ba ang kulit-kulit mo?!" nababanas nang sigaw na niya rito. Para namang balewala lang dito ang galit niya at ngumuso pa ang lalaki pa na parang isang bata. "Tatlong taon na akong nanliligaw sa'yo pero 'di mo pa rin ako sinasagot. Palagi mo rin akong tinatakasan kapag ihahatid na kita. Ni hindi pa nga ako nakakarating sa bahay ninyo. Bakit Joy? Ayaw mo ba talaga sa akin?" pagda-drama nito. Nairita tuloy siya. "At ilang beses ko bang sabihin na ayaw ko nga? Ang kulit-kulit mo, Andrew! Hindi ko kailangan ng boyfriend! At ipaayos mo nga iyang mga mata mo! Andami-daming magagandang babae diyan pagkatapos sa akin ka nagkakagusto!" pagtataray niya. Hindi kasi siya makapaniwala na napakatiyaga nito kahit na halos supalpalin na niya ito pero pinagpipilitan pa rin nito ang sarili sa kanya. Gwapo ito at yummy, hinahabol ng mga babae pero sa katulad niya lang itong nerd nagkagusto? "Para mo namang sinabing panget ka, Joy. Para sa akin ay ikaw nga ang pinakagandang babae sa buong mundo eh. Papakasalan kita kahit ngayon na. Mahal na mahal kita, ang ligaya ko'y ikaw." "Yak, ha! Ako ang baduy sa ating dalawa pero parang mas baduy ka pang magsalita kaysa sa akin! Magpagawa ka na nga ng salamin! Anong maganda sa akin, ha? Ni hindi na nga ako nagsusuklay at nanlilimahid palagi pagkatapos maganda pa rin? Bulag ka talaga, ano?! Tabi nga!" Tinabig pa niya ito at hindi na ito nakasunod. Sumakay na siya ng sasakyan bago pa ito makasunod at inihatid na siya ng driver sa apartment na inuuwian niya. Pagdating niya sa bahay ay hinubad niya ang salamin, ang wig na pang-bruha at nagpalit ng sexy na damit at doon ay lumabas na ang tunay niyang ganda na hindi nakita kahit kailanman ng mga kaklase niya sa school. Agad siyang nagpunta sa pwestong libangan niya sa buong araw at magdamag. Ang kanyang pinakamamahal na laptop na si Amado. Ganoon siya ka-praning na kahit ang computer niya ay may pangalan. Syempre pa ay tunog macho ang pangalan ng laptop dahil lalakero nga siya. Hi-hi-hi... Nagtingin siya ng mga machong lalaking hubad sa internet pero hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya nate-turn on sa mga ito ngayon. Kadalasan ay kapag nasa google image na siya at nasa larawan na rin ng mga lalaking macho ang mundo niya ay nag-uumpisa na siyang maglaway. Pero iba ngayon dahil hindi mawala sa isip niya si Andrew. Nag-aalala siya sa mga paglapit-lapit nito sa kanya. Sa tagal ng panahon ay hindi pa rin siya sinusukuan nito. Natatakot siya na mapalapit dito dahil baka malaman nito ang sikreto niya. Na siya si Ligaya sa internet. Bukod doon ay hindi siya naniniwala na may gusto talaga ito sa kanya. Kahit nga ang sarili niya ay pinandidirihan niya kapag nasa anyong nerd siya eh, ito pa kaya? Nagpapanggap siyang nerd dahil ayaw niyang mapalapit sa ibang tao. Mas gusto niya na mag-isa lang siya. Ah! Mukhang pera siguro si Andrew kaya hanggang ngayon ay nagpapanggap na may gusto sa akin. Mayaman kasi ako habang siya naman ay scholar lang sa school. Ah- Hinding-hindi ako magpapaloko sa kanya, aniya sa isip. Gumawa na lang ulit siya ng bagong kwento sa sarili niyang website na ang title ay 'Ang Kama Ni Ligaya...' Weird pero habang nagtitipa siya ng kwento ay na-imagine niya ang sarili na si Andrew ang 'kaulayaw.' Agad nang nadala si Joy sa nasa imahinasyon niya... ---------------------------------------------------------------------------------- = II = MAHIMBING na raw ang tulog niya ng mga oras na iyon... Ngunit naalimpungatan siya nang maramdaman na may mainit na dila ang naglalaro sa kanyang p********e. Nanlaki ang mga mata niya nang makita sa pagitan ng mga hita niya si Andrew. "Anong ginagawa mo rito? Paano kang nakapasok?" galit na sita niya. "Please, Joy? Pagbigyan mo na ako. Matagal ko nang gustong gawin 'to sa 'yo," pagsusumamo ni Andrew. Maamong-maamo ang mukha nito na parang nagpapabili ng 'bibingka' sa Nanay nito. "Umalis ka—" Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil muli raw hinalikan ulit ni Andrew ang kanyang p********e. Muling niyang naisandal ang ulo sa unan at dinama ang ginagawa ni Andrew sa kaselanan niya. Damang-dama niya ang mainit nitong dila na naglalaro sa kanyang p********e. Ipinasok pa nito ang dalawang daliri nito habang kinakain siya. Para ba itong mauubusan at pinanggigilan nito iyon. "Ohhhhhhh..." Hindi na niya napigilang hindi mapaungol. Halos masabunutan pa niya si Andrew. Parang lalo pang ginanahan si Andrew at lalo lang pinagdiinan ang sarili sa kaselanan niya. Dinilaan pa nito ang buong katawan niya hanggang sa tumaas ang mga halik nito hanggang sa dibdib niya. Doon ay para itong bagong silang na sanggol na sumususo sa ina nito. Ang isang kamay nito ay nasa kanang dibdib niya habang kinakain naman nito ang isa pa. Napakagat-labi siya sa ginagawa nito. Para siyang lalagnatin. Nararamdaman niyang tumitigas ang n*****s niya lalo pa at ipinapaikot ni Andrew ang dila nito sa ituktok ng dibdib niya. Kasabay din niyon ay ang pagtigas din ng p*********i ni Andrew na nararamdaman niya sa hita niya! Hanggang sa hindi na siya nakatiis. Siya na mismo ang pumaibabaw kay Andrew at saka ito hinalikan! Mainit ang palitan nila ng halik at halos magkapalitan na sila ng laway. Doon ay pinatungan niya si Andrew at siya pa mismo ang nagdala at nagpwesto ng p*********i nito sa kanyang p********e. Siya rin ang gumalaw. Siya ang nag-trabaho... "Ohhh... Joy, ang galing mo! Ahhh..." pag-ungol ni Andrew habang gumagalaw siya sa p*********i nito. Para lang siyang nangangabayo. He-he-he... Halinghingan ang maririnig sa kwarto na iyon. Pinatay pa nila ang ilaw at lampara lang ang nagsisilbing liwanag sa pagniniig nila. Nakikita pa ni Joy ang anino nilang dalawa habang nag-iisa ang kanilang mga katawan... Parang hayok sa laman na nakipagpalit ng pwesto sa kanya si Andrew. Ito naman ang pumaibabaw at agad na pinasok sa kaselanan niya ang ari nito. Isinabit pa nito sa balikat nito ang paa niya saka ito gumalaw ng mabilis na mabilis na parang wala nang bukas. "Ah! Ah! Ah! More! I want more, Andrew!" agresibo na ring pagsigaw niya. "I love you, Joy! I love you!" sigaw ni Andrew habang patuloy na gumagalaw. "Ohhh... I'm coming, Andrew! Sabay na tayo," paanyaya pa niya habang sila ay nagyuyugyugan. Bumilis lang lalo ang paggalaw ni Andrew. Naghahalikan sila habang gumagalaw ito. At kasabay noon ay kasabay nilang narating ang ituktok ng langit... ---------------------------------------------------------------------------------- = III = NAISARA ni Joy ang laptop niya matapos niyang mai-save ang sinulat niya. Ni hindi niya namalayan na natapos na pala iyon at para bang totoong-totoo iyong mga nasa pantasya niya. Namumulang tumayo siya at nagpabalik-balik sa kwarto. Hindi siya makapaniwala na talagang iniisip niya na si Andrew at siya ang bida sa ginawa niyang bagong erotika! Ang ibig bang sabihin nito ay talagang may lihim siyang pagnanasa sa kumag na iyon? Oo, alam niya na pang 'machete' ang katawan at kagwapuhan nito pero alam niya na turn-off siya sa kakulitan nito. Pagkatapos ay mararamdaman na lang ng katawan niya na may lihim pala siyang pagnanasa? Yak! sigaw ng isip niya. Agad siyang pumunta ng CR at nagulat siya nang makitang basa na nga ang panty niya. Talagang may pagnanasa siya sa unggoy! Tsk. Tsk. Tsk. Agad siyang naligo sa pagbabakasakali na mawala ang init na nararamdaman niya. Kailangan niyang malamigan dahil hindi niya matanggap ang natuklasan. Magnasa na siya sa lahat ng lalaki huwag lang sa ubod ng kulit na si Andrew! Matapos siyang maligo ay lumabas na siya ng banyo at sa kwarto na balak magbihis. Napatitig pa siya sa ganda ng hubad niyang katawan sa malaking salamin. Ang sexy ko talaga. Sinong mag-aakala na ako ang nerd na si Joy sa umaga? Sa ganda kong ito, sino ang lalaking hindi magagawang maglaway? aniya sa isip na nagpaikot-ikot pa sa salamin para mabistahan ng maigi ang katawan. Wala siyang bilbil sa tiyan. Maliit ang bewang niya, tayong-tayo ang mayaman niyang dibdib at matambok din naman ang puwitan niya. "Hay, Joy. Para kang Diyosa. Nakakatomboy ka," sabi pa niya sa sarili saka napahagikgik. May pagka-narcisist siya at alam niya iyon. Masyado niyang mahal ang sarili na ayaw niyang ipakita sa iba ang ganda niya. Sinuot na niya ang pinakamagandang damit dahil plano niyang gumala muna sa labas. Syempre pa at dahil hindi naman sa eskwelahan ang punta niya ay nagpaganda siya ng bonggang-bongga! Nang ma-satisfied sa sarili ay kinuha niya ang bag saka na lumabas. ---------------------------------------------------------------------------------- = IV = LINGID naman sa kaalaman ni Joy ay may nakapamboso pala nang hindi sinasadya sa kanya. Walang iba kundi si Andrew na nakasabit sa bintana at tayong-tayo na ang alaga dahil sa nakitang kahubdan ni Joy kanina. Sinundan niya si Joy nang pauwi na ito dahil gusto niyang malaman kung saan ito nakatira para mapuntahan niya ito kahit kailan man niya gustuhin. Ayaw naman sana niyang gawin iyon kaya lang ay desperado na siya. Hindi kasi siya pinapansin ni Joy. Dahil takot siyang kumatok sa apartment nito at takot din na may mga personnel na makakita sa kanya ay umakyat na lang siya sa bintana sa pamamagitan ng isang lubid. Sanay naman siya roon at siniguro niyang walang makapapansin sa kanya. Ang plano sana niya ay silipin lang kung ang bintana bang iyon ay ang kwarto ni Joy pero natagalan ang pagtingin lang sana rito dahil nakita na niyang nakahubad ito. Takot mang magkakulite ay hindi na niya napigilan ang masidhing pagnanasa na makita ang ubod ng sexy na katawan nito. Lalo pa siyang nagulat dahil wala ito sa anyong kapangitan nito at ang akala nga niya ay ibang tao ang nakita niya dahil ubod ito ng ganda pero kilala niya si Joy. Dahil mahal niya ito.. Agad siyang pumasok sa loob ng kwarto. May kaalaman siya sa pagbubukas ng mga anik-anik dahil dati siyang myembro ng akbay-bahay gang. Oo. Dati siyang magnanakaw. Binuksan niya ang cabinet ni Joy at nagulat siya sa nakita. Punong-puno iyon ng mga porn dvds, playgirl magazines, at iba't-ibang larawan ng mga gwapo at machong lalaki na panay nakahubad! Hindi siya makapaniwala sa kakaibang hilig ng pinakamamahal niyang babae! Wala sa hitsura nito at lalo na sa kilos nito na malibog ito. Ang akala nga niya ay takot pa ito sa mga lalaki dahil sobra ito kung makalayo sa kanya na para pa siyang may nakakahawang sakit kung minsan. At napakaganda pala nito at malayo ito sa nerd na babaeng minahal niya. Hindi ito iyong mahinhin, baduy at mahiyain na si Joy... ---------------------------------------------------------------------------------- = V = NAG-IKOT pa sa kwarto si Andrew hanggang sa mapansin niya ang laptop ni Joy. Binuksan niya iyon at mabuti na lamang ay walang password. Nakita niya na may nakabukas sa microsoft word. Ito siguro iyong tina-type niya kanina, aniya sa isip. Hindi naman siya tsismoso pero naku-curious siya kung bakit ganoon ang reaksyon sa mukha ni Joy habang pinagmamasdan niya ito mula sa labas ng bintana kanina. Para kasing dalang-dala ito sa tina-type nito sa laptop na para bang buhos na buhos ang buong atensyon nito roon. At nanlaki ang mata niya nang makita ang mga nakasulat doon! Ang kama ni Ligaya... written by Ligaya Muntikan niya nang mailaglag mula sa table ang mouse dahil nanginginig ang kamay niya sa kababasa sa mga nakasulat doon. Sila ni Joy ang bida roon at hindi siya makapaniwala na magagawang makapagsulat ng babaeng mahal niya ng ganoong kalaswang kwento tungkol sa kanila. Ito at siya ay ginagawa raw ang mga bagay na 'ganoon'. Hindi siya tanga para hindi malaman kung kanino ang pseudonym na Ligaya. Sikat si Ligaya sa mga lalaking katulad niya. Lalaki siya kaya normal na sa mga katulad nila ang bisitahin ang sikat na sikat na website ni Ligaya. Minsan pa nga siyang bumili ng isa sa mga special chapters ng istorya nito dahil sa galing nitong magpainit. Bukambibig din si Ligaya ng mga kaklase niyang lalaki. Kung ang mga babae ay telenobela sa telebisyon ang pinag-uusapan, sila namang mga lalaki ay ang website ni Ligaya ang pinagpepyestahan. Punong-punto ng kwentong erotika ang website nito. Ayaw man niyang aminin pero mas lalo pang nagalit ang alaga niya sa nabasa niya. Tayong-tayo na iyon kaya naman hindi niya maiwasang hindi mag-sarili. Inilabas niya ang ari at doon mismo ay nilaro niya iyon habang muling binabasa ang pantasya ni Joy tungkol sa kanilang dalawa. Para bang naglalaro sa isipan niya ang bawat linya sa kwento at naiisip niya na silang dalawa talaga ang gumagawa niyon. Nagbaba-taas ang pag-pump niya sa kanyang alaga. Sarap na sarap siya sa ginagawa niya… Maya-maya ay nagulantang siya nang biglang mapansin na gumagalaw ang door knob ng kwarto. Agad niyang isinara ang zipper at ang laptop saka nagmamadaling bumalik sa likod ng bintana para magtago. Nakasabit na naman siya sa bintana. Sakto namang pagpasok ni Joy. Doon ay nakita na niyang maigi ang magandang mukha nito ng malapitan. Malayong-malayo talaga ito sa nerd na Joy na hinahabol-habol niya sa school. "Huh? Hindi ko pala naisara itong laptop? Pero parang naka-shut down naman ito kanina. Nakapagtataka..." bulong ng babae na narinig niya pa rin. Inikot nito ang mata sa paligid at kinabahan siyang bigla na baka makita siya nito. "Hmm... Baka imahinasyon ko lang. Makaalis na nga," pagkausap pa rin ni Joy sa sarili nito saka kinuha ang naiwan nitong cellphone sa kama. Nakahinga siya ng maluwag nang makaalis na ulit si Joy. Bumaba na siya sa bintana. Shit, nangalay ako roon ah. At nabitin ako, sabi niya sa isip. Ngayon ay alam na niya ang sikreto ni Joy. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang babaeng nerd na ubod ng hinhin na minahal niya at ang sobrang wild sa internet na si Ligaya ay iisa... ---------------------------------------------------------------------------------- = IV = "JOY, saglit! hintayin mo naman ako!" Hinahabol na naman siya ni Andrew kinabukasan. Napahilamos na lang siya sa panget at nakakadiring pagmumukha niya. "Ikaw na lalaki ka, hindi mo ba talaga ako titigilan, ha?! Bakit ba ang kulit, kulit, kulit mooo?! Kapag ako napikon sa 'yo masasapak na talaga kita!" inis na inis na sabi niya sa lalaki na hinarap ang kamao rito dahil para na naman itong asong-ulol na nakahabol sa kanya. Pinagtitinginan na sila ng mga tao roon. Narinig siguro na sinisigawan niya si Andrew. Parang bigla naman siyang nataranta. Kaya nga ba ayaw niya na lumalapit si Andrew eh dahil sikat ito eh. Natatakot siya sa tingin ng mga tao. "Kapal naman ng mukha ng babaeng iyan. Si Prince Andrew pa talaga ang sinisigawan niya, ha! Samantalang ang panget-panget naman niya!" "Oo nga, Girl! Ano bang nagustuhan ni Prince Andrew diyan? Feeling maganda, mukha namang palaka!" "Umaarte pa! Feeling yummy!" Iyon ang mga sunod-sunod na bulungang narinig niya sa paligid nila. Pakiramdam niya ay gusto niyang lumubog sa kinatatayuan. Pakiramdam niya ay gusto niyang maglaho... Tumakbo siya palayo roon. Ayaw na niyang marinig ang sinasabi ng mga tao. Humabol naman sa kanya si Andrew na hindi man lang nakaramdam na ito ang dahilan kung bakit nakakarinig na naman siya ng mga masasakit na salita galing sa iba. Nasa exit na sila ng school sa may bandang kalsada nang maabutan siya nito. "Joy, saglit! Mag-usap naman tayo oh!" paghabol nito. Hinugot nito ang kamay niya kaya napaharap siya rito. "Hindi ka naman panget eh! Alam ko na kung ano ang totoo!" pagsigaw na nito. Kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin na alam mo ang totoo?" Naglikot ang mga mata ni Andrew. Parang bigla ay namutla ito. Para bang may tinatago ito... "A-ahh, k-kuwann... Ano, a-alam ko na kahit na panget ang sabihin nila sa 'yo ay ikaw ang pinakamaganda sa paningin ko Joy dahil mahal kita!" sabi nito. Umikot ang mga mata niya. Akala naman niya ay alam na nito ang sikreto niya na siya si Ligaya, ang reyna ng erotica! Kinabahan tuloy siya. Si Andrew talaga, minsan ang OA din. Hindi na niya ito pinansin at ini-snob lang ito na pinamumukha rito na nakornihan na naman siya sa sinabi nito. Tinalikuran na niya ito at naglakad na siya palayo. Ngunit nagulat siya nang biglang may papasalubong na sasakyan na pala sa harapan niya. Naging maagap si Andew at nahila siya nito agad kaya hindi siya nasagasaan. Doon naglapit ang mga katawan nila. Nagtama ang mga mata nila at doon niya naramdaman ang lakas ng t***k ng puso niya... Para bang napabilis ng pagtakbo ng puso na iyon at hindi siya makahinga. Natitigan niya ang labi ni Andrew at nakaramdam siyang bigla ng pag-iinit. Para bang natatakam siyang tikman ang luscious lips nito. "Hoy! Kayo! Magpapakamatay ba kayo?!" Lumabas mula sa loob ng kotse ang driver na muntikan nang maka-disgrasya sa kanya. "Kung gusto ninyong maglampungan maghanap kayo ng malapit na motel at huwag kayo rito sa kalsada nagpapakalat-kalat!" Mainit agad ang dugo na singhal ng driver na panot. Pinagduduro pa sila. "Parang hindi naman yata tama na kami pa ang sinisisi ninyo Manong! Muntik ninyo na ngang masagasaan ang darling ko eh! Kayo pa talaga ang may ganang magalit ah! Kung gusto ninyo ng away hindi ko kayo uurungan!" nahamon na sagot naman ni Andrew. "Hoy, Andrew! Ano ka ba! Tama na nga iyan! Umiwas na lang tayo sa gulo!" pagsaway niya sa morenong lalaki saka hinila ito pero parang ayaw pa nitong papigil. Parang gusto pang patulan itong lalaking malaki ang tiyan. "Kung hindi paharang-harang sa daan itong babaeng panget na ito eh hindi ko sana siya muntikan nang mahagip! Tama bang tumakbo sa gitna ng kalsada? Madadamay pa ako sa habulan ninyo eh! Ang lakas ng loob mong sagutin ako bata ah? Lalaban ka?!" Napuno ang lalaki at kinuwelyuhan nito si Andrew. "Hey, Mang Kanor, stop it! We're not here to waste our time. Mag-eenroll pa ako," sabi ng isang tinig mula sa likuran nila na halatang-halata sa boses ang pagkainip. At doon ay nanlaki ang mga mata niya dahil sa loob ng mahigit limang taon ay nasilayan niyang muli ang mukha ng lalaking matagal na niyang gustong ibaon sa limot! Si Blake! Ang ex-boyfriend niya!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Their Desire (Super SPG)

read
966.1K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.5K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
27.1K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
536.5K
bc

The Sex Web

read
133.4K
bc

NINONG II

read
619.5K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
287.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook