bc

The More You Hate, The More You Love (Tagalog)

book_age16+
1.9K
FOLLOW
5.9K
READ
goodgirl
badgirl
student
gxg
bisexual
loser
enimies to lovers
school
like
intro-logo
Blurb

Unang beses pa lang na nagtama ang mga mata

nina Melody at Briana ay nagkaroon na agad ng tensyon sa

pagitan nilang dalawa. Hindi malaman ni Briana kung bakit

ganoon na lang ang ngitngit na nararamdaman niya para

sa bagong estudyante ng Phoenix University. She hates her

guts, her popularity and everything about her!

Mas lalo lang nadagdagan ang ngitngit ni Briana

nang malaman niya na ang playboy at matagal na niyang

minamahal na si Sniper ay nagseryoso at nainlove sa isang

babae sa kauna-unahang pagkakataon. Of all people ay kay

Melody pa na kinaiinisan niya!

Kaya naman gagawin niya ang lahat para lang

maging impyerno ang buhay ni Melody sa school, para ito

na mismo ang hindi maatim na umalis at magdrop out.

Pero paano kung dahil sa pang-iinis niya rito ay

magising na lang siya isang araw na ito na lang palagi ang

naiisip? Paano kung ang „hate‟ na nararamdaman niya ay

bigla na lang maging „love?‟

Matatanggap ba niya sa sarili na ang queen ng

school ay magiging lesbian nang dahil lang sa isang babae

na itinuturing niyang karibal? Kakayanin ba niya na

pagtawanan ng lahat para lang sa feelings na bigla na lang

parang kabute na tumubo sa dibdib niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Ang Bagong Transfer Student
Chapter One: Ang Bagong Transfer Student Written By: Cristina_deLeon MALUNGKOT na pinagmasdan ni Melody ang bago nilang tahanan. Mula sa Makati ay lumipat na sila ngayon sa Quezon City dahil na rin sa kagustuhan ng ama niyang si Greg na lumipat sila roon. Anito, gusto na ng mga ito na lumimot na sa pagkamatay ni Serenity. Naaalala lang daw kasi ng mga ito ang kapatid niya sa tuwing nakikita ang mga kagamitan sa bahay nila noon. Kaya naman lumipat sila sa ibang bahay na mayroon sila sa Manila. Ang dating masaya at puno ng sigla na pamilya nila ay tila nawalan ng buhay. Ang panganay ng Millano Family na si Lyrica ay umalis para makipagtanan sa step brother nilang si Levy. Wala na siyang balita rito ngayon. Ang sumunod naman sa kanya na si Harmony ay nag-asawa na at bumukod na ng tahanan at ang bunso naman nilang si Serenity ay namayapa na. Alam niya na kung saan man naroroon si Serenity ay masaya na ito kung nasaan man ito. Iyon ay dahil namatay ito na inililigtas ang taong pinakamahalaga sa buhay nito. Sa totoo lang, napakalungkot niya dahil ngayon ay siya na lang ang natirang anak ng mga parents niya sa bahay na iyon. Namimiss niya iyong mga kapatid niya na tila mga barkada na niya kung ituring dahil sunod-sunod lang naman ang mga edad nila. Noon, kahit na mga dalaga na sila ay sa iisang kwarto pa rin sila natutulog. Talagang close silang lahat at mahal nila ang isa't-isa pero ngayon, wala na ang mga ito at may kanya-kanya ng buhay. Siya na lang ang napag-iwanan at wala man lang pagbabagong nagaganap sa buhay niya. Paulit-ulit pa rin. Pagdating niya sa loob ng kwarto ay tiningnan niya ang transfer of credentials na nakuha niya mula sa dati niyang school na pinag-aaralan noon sa Quezon City bilang AB Communication. Ang weird nga, e. Nasa fourth year college na siya pero ngayon pa siya lumipat ng school. Nang dahil tuloy doon ay nawala ang opportunity niya na maging cumlaude sa Sacred Heart Academy pero ayos lang iyon sa kanya, ang mahalaga ay masunod niya ang kagustuhan ng mga magulang. Sana lang ay maging okay siya sa bago niyang papasukang school. Medyo kinakabahan siya dahil kakailanganin na naman niyang makisama pero alam niyang kakayanin niya iyon. Siya pa ba? Dahil pagod sa byahe, matutulog na sana siya nang bigla na lang tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya ang screen ay nakita niya ang pangalan ni Lloyd. Ayaw na sana niyang sagutin ang tawag nito kaso ay naawa naman siya. "Hello?" "Melody, please come back to me. I can't live without you..." Sa boses pa lang ni Lloyd ay alam na niya na lasing ito. Maingay din sa paligid nito kaya alam niya na nasa bar ito ngayon. "Lloyd, pinag-usapan na natin ito, hindi ba? Sinabi ko na sa 'yo, hindi na kita mahal. Ano bang mahirap intindihin do'n?" Pinilit niya ang sarili na magpakalma. Alam niya na nasasaktan ito ngayon kaya hindi rin makakatulong dito kung ipapakita niya na naiirita na maging ang boses niya. "Hindi ko lang kasi maintindihan, Melody. Ano bang inayawan mo sa akin? May naging kasalanan ba ako sa 'yo na hindi ko alam kaya ka nakipaghiwalay sa akin? May iba ka na bang nagugustuhan? Bakit bigla ka na lang nakipaghiwalay? We've been together since we were a child. Buong buhay ko ay naimagine ko na ang sarili ko na ikaw ang pakakasalan pagdating ng panahon pero bakit bigla ka na lang nagbago?" umiiyak pa rin na tanong nito. Halatang desperadong-desperado na. Bumuntong-hininga na siya. "I don't know. Bigla ko na lang naramdaman na hindi na kita mahal. I'm not even sure kung minahal nga ba talaga kita kahit noon pa, Lloyd. You're important to me, yes. That's the reason why I decided to go out with you when you courted me when we were in highschool but I realized that something has changed. I realized that what I feel for you is not love. It's just a brotherly love. I'm sorry..." malumanay pa rin na sabi niya. "Melody, please..." "Please, Lloyd. Do yourself a favor. Hindi rin naman madali para sa akin na saktan ka kaso ayaw ko nang patuloy na lokohin ang sarili ko. I don't love you and I'm not even sure kung may kakayahan pa ba akong mainlove. Eversince, hindi ako nagkakaroon ng crush kahit na kanino dahil ikaw na lang palagi ang kasama ko. Ngayon, gusto ko namang magkaroon ng oras para sa sarili ko. Iyong malayo muna sa 'yo. Baka sakali ay may maramdaman ako." "Melody, don't do this to me, please..." "I'm sorry, Lloyd." Iyon lamang at pinatay na niya ang cellphone niya. Napabuntong-hininga naman siya saka nahiga na nakukunsensya pa rin. Ngayon siya nagsisisi na sinagot niya noon si Lloyd na wala man lang siyang nararamdaman ni katiting na pagmamahal para rito. Sinagot niya ito dahil lang ang akala niya, ang pagmamahal para sa kapatid at para sa lalaki ay parehas lang. Mahalaga sa kanya si Lloyd pero hindi hihigit sa isang kapatid. Bakit ba kasi ngayon lang niya narealize ang lahat? Nang dahil sa pagsagot niya rito ay umasa pa tuloy ito na mahal niya ito. Nasaktan niya ang isang napakabuting tao katulad nito... ------------------------- "HI, MY NAME IS Melody Millano. Nice meeting you all!" Hiyang-hiya na nagpakilala sa klase si Melody. Hindi talaga siya sanay sa maraming tao kaya naman kinakabahan siya na nasa harapan siya ngayon at nagpapakilala sa buong klase. Ang sabi ni Ms. Minerva na siyang teacher nila, sa Phoenix University daw ay kadalasan na kung sino ang magkakaklase sa 1st year college ay iyon-iyon din ang mga nagiging magkaklase hanggang sa matapos ang course ng mga estudyante. Kapag daw kasi may bumabagsak sa ibang subject ay agad din namang kumukuha ng summer class ang mga iyon para makasabay sa school year. Sa madaling salita, ang lahat ng mga kaklase niya ngayon ay magkakaklase na simula pa noong first year college pa lang ang mga ito. Siya pa lang talaga ang may bagong mukha. "Wow, ang ganda naman niya!" "Parang may class ang dating 'no, pare? Galing siguro siya sa mayamang pamilya." "Balita ko, matalino rin daw 'yan. Candidate daw sana sa pagiging cumlaude kung hindi lang daw lumipat ng school." "Mukhang girlfriend material, ha. Liligawan ko talaga siya!" Sunod-sunod ang mga bulungan na naririnig niya na kung tutuusin, malalakas din naman kaya rinig na rinig niya. Mas lalo tuloy siyang nahihiya dahil mukhang ang laki ng expectation ng mga ito sa kanya. Habang nakatayo sa harapan ay kitang-kita niya ang reaksyon ng mga kaklase niya at mukhang mababait naman ang mga ito dahil karamihan ay nakangiti naman sa kanya. Maliban lang sa isang babae na masama kung tumitig sa kanya na para bang lulununin siya ng buhay. Nang magtama ang mga mata nila ay napalunok pa siya. Hindi niya alam pero may something sa babaeng iyon na nagpapakaba sa kanya ng husto at hindi niya maexplain kung ano. Mukhang bad news ang dala nito para sa kanya. Sa unang tingin pa lang ay alam niya na ayaw na agad nito sa kanya. Sa unang tingin, kitang-kita na agad na malakas ang personality ng babae. Mukhang confident ito lalo pa at ang sexy nito manamit. Ang make up nito ay sobra rin sa kapal. Maputi pa naman ito kaya kitang-kita iyon. May kilay ito na tila nagbibigay ng mataray at malditang vibes dito. Ang mga mata nito ay matalim na para bang hinuhusgahan na agad ang buong pagkatao mo mula ulo hanggang paa. Matangos din ang ilong nito at may kakapalan ang labi. Itim pa ang lipstick nito kaya mukha talaga itong bad girl. Nag-iwas siya ng mata dito. Ito ang tipo ng tao na mukhang hindi gagawa ng mabuti at kung kakalabanin mo, hinding-hindi ka mananalo. --------------------- SAMANTALA, hindi na nakita ni Melody ang paglabas ng ngisi sa labi ng babae. Si Brianna. "Girl, mukhang bad news ang babaeng 'yan sa 'yo. Nakikita mo ba ang tingin sa kanya ng prince charming mo? Look at him, kulang na lang ay hubaran niya ng tingin iyang si Melody." Bumulong sa kanya ang isa sa mga kaibigan niya. Si Penny. Dahil sa sinabi nito ay napatingin tuloy siya kay Sniper. Ang lalaking pinakamamahal niya na kung minsan ay boyfriend niya, at kung minsan naman ay hindi. Malabo ang relasyon nilang dalawa dahil kahit kailan ay hindi naman nito sinabi sa kanya na mahal siya nito. Para ngang napapansin lang siya nito kapag may kailangan ito at madalas din itong nakikita ng iba sa school nila na palaging may kasamang ibang babae. But she doesn't really care. She loves him that's why she's willing to accept him no matter what. Kahit na mukhang basura lang siya para rito ay hinding-hindi niya ito tatantanan. She will do whatever it takes just to have him. Pero sa nakikita niya ngayon kung paano nitong tapunan ng tingin ang babaeng bagong dating, mukhang hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari. Muli niyang binigyan ng masamang tingin ang bago nilang kaklase na si Melody. Aaminin niya na maganda nga ito at unang tingin pa lang ay mukhang virgin na virgin na ito kung tingnan. Mukha itong inosente pero sobrang lakas ng appeal nito kaya naman hindi nakapagtataka na halos mabaliw dito ang mga kaklase nila ngayon. Lahat ay awtomatikong tila nagkakaroon na ng pagkacrush dito kahit pa iyong mga lalaki na dati ay sa kanya may gusto. Matangkad ang babae, sexy at straight ang buhok. Maputi rin ito, maganda ang korte ng kilay, may mahahabang pilik mata, matangos na ilong at mapupulang mga labi. Kung siya ang tatanungin, para ngang may lahi pa itong espanyol sa sobrang ganda nito. Yes, she hate to admit it pero talagang maganda sa paningin niya ang karibal niya dahilan para lalo lang magkulo ang dugo niya. Ngayon pa lang ay nakikinita na niya na aagawin nito ang pagmamahal mula sa kanya ni Sniper at maging ang popularity sa school na iyon. Gagawin niya ang lahat para maging impyerno ang buhay nito at iyon ang sisiguraduhin niya. "Ano ang gagawin mo kapag niligawan siya ni Sniper, Briana?" tanong sa kanya ng isa pang kaibigan na si Abigail. Nakataas ang kilay na tiningnan niya ang kaibigan saka ngumisi. "Pagsisisihan niya na tumuntong siya sa school na ito. I will make her life like a living hell!" nakangising sabi niya. Umupo na sa harapan ang santa santitang si Melody. Pati ang paglalakad nito at galaw ay ikinaiirita niya dahil para itong hindi makabasag pinggan. Napakahinhin. Mukha rin itong uto-uto at mahina. Mga bagay na pinakaaayaw niya. Bigla na lamang lumingon sa likuran si Melody kaya naman nagtama pa ang mga mata nila. Nginisian niya ito at para bang bigla itong namula at nag-iwas ng tingin. Something is weird about that girl. Iyon ang sinabi sa kanya nang utak niya nang mapansin ang pagkailang nito nang magtama ang mga mata nila. Nararamdaman na ba nito na may gagawin siyang hindi maganda rito? Ligawan lang talaga ito ni Sniper, iyon na ang magiging senyales para maging mortal silang magkaaway. - TO BE CONTINUED... ------------------ Cristina_deLeon, previously known as lady_phoenix16 is a freelance writer and already has 8 published books under different publishing companies in the Philippines. She also do self publishing and she is selling her own books online. She's writing different genres because she doesn't want to stay in her comfort zone and she always want to try something new. Her dream is to be a best selling author someday and hopefully, some of her stories will turn into movies. You may follow me at my social media accounts below: OFFICIAL BLOG - http://cristinadeleonwp.blogspot.com http://www.wattpad.com/user/Cristina_deLeon https://w**************m/cristinadeleonwppage/ https://twitter.com/lady_phoenix16 https://w**************m/groups/cristinadeleonwp/ IG - lady_phoenix16 ASK.FM - http://ask.fm/LadyphoenixWattpad

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.4K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
326.2K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.0K
bc

Just Another Bitch in Love

read
28.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook