bc

Forever In My Arms (Tagalog)

book_age0+
2.4K
FOLLOW
15.4K
READ
stalker
possessive
arranged marriage
manipulative
goodgirl
student
drama
tragedy
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Bata pa lang si Ingrid ay mahal na mahal na niya ang bestfriend na si Xander. Lahat ay willing siyang gawin para rito at handa rin siyang magparaya para maging masaya ito sa piling ni Phoebe na minahal nito sa unang beses pa lang na nakita nito ang babae.

Masakit para sa kanya na hindi na siya ang number one priority ni Xander simula nang maging girlfriend nito si Phoebe. Pero paano kung may lalaking dumating sa buhay niya na mas malaki pa ang pagpapahalaga na ibinibigay sa kanya kaysa kay Xander? Pero maniniwala ba siya sa sinasabi ni Gregor na ito si Harper noong 1864 at noong nakaraang buhay daw nila ay mag-asawa raw sila na nabuhay muli sa kasalukuyang panahon?

Baliw nga ba si Gregor o totoo ang sinasabi nito? Paano kapag nagpakita sa panaginip niya ang masalimuot na nakaraan at malaman niya na hindi lang pala si Gregor ang bahagi niyon kundi maging si Xander?

Sino ang pipiliin niya? Ang lalaking mahal niya na matagal na niyang pinapangarap na maangkin o ang lalaking mahal siya na gagawin ang lahat maangkin lang siya kahit pa ang makipagkumpentensya sa taong gustong-gusto niya?

Mauulit lang nga ba ang mga nangyari noong 1864 o mayroong magbabago?

A battle for love begins!

chap-preview
Free preview
Chapter One: Hidden Desire
"Xander! Xander nandiyan ka ba?" Maaga pa lang ay sumisigaw na si Ingrid sa labas ng bahay ng kanyang bestfriend. Pero mauubos na yata ang boses niya ay wala pa rin ang kumag. "Naku Ingrid, ang magaling mong kaibigan tulog pa rin! Kanina ko pang ginigising pero hindi ako pinakikinggan at talagang nagagalit pa! Ikaw na nga ang bahala at baka tumanda ako ng maaga!" Parang mauubusan na ng dugo sa konsimisyon si Aling Inday na lumabas para pagbuksan siya. Ang Nanay ni Xander Walang sabi-sabing umakyat na siya ng kwarto ni Xander. Talagang makakatikim ito ng mag-asawang suntok sa kanya. Pati siya ay madadamay sa pagka-late ng dahil dito. Pagpasok pa lang niya sa kwarto ay para na siyang nakakita ng delubyo. Napakaburarang lalaki. Kung saan-saan nakakalat ang mga labahan nito tapos pati pinagkainan nito ay nasa isang sulok lang at inaamag na. Kung saan-saan din siya nakakita ng mga hubad na larawan ng babae. May pagkabastos din talaga ang kaibigan niya. At syempre pa ay wala na rin siyang nagawa kundi ang iligpit ang mga iyon dahil kung hindi ay baka dagain pa ito! "Hoy Xander! Gumising ka riyan kung ayaw mong tuluyan nang hindi magising! Parehas tayong male-late, unang araw ng klase ngayon!" Pagsigaw na niya na parang sirena na ng ambulansya sa ingay. Pero para bang wala itong naririnig. Nakapikit pa rin at talagang nakangiti pa! Para bang may napapaginipan itong maganda. "Katherina..." Pag-ungol ni Xander. Tumaas ang kilay niya. Sinong Katherina? Bagong biktimang babae na naman ba iyon ni Xander? Pero bakit napapaginipan nito kung sino man ang Katherina na iyon? "Xander, Xander! Gumising ka na kung ayaw mong umpisa pa lang ng klase ay bumagsak ka na naman! Mahiya ka nga at baka maging repeater ka na naman!" Patuloy siya sa pagkuda. Pero para pa rin itong mantika kung matulog. Nainis na siya at pinagpapalo na ito ng unan pero balewala pa rin dito! Para yatang kahit itulak niya ito sa kama ay hindi ito magigising! "Xander, kapag hindi ka gumising diyan iiwan talaga kita at hinding-hindi na kita tutulungan sa mga assignments mo! Nakakainis ka na talaga ah!" Pagbabanta niya. Pero imbes na bumangon ay nakangiting umungol pa rin si Xander habang nakapikit pa rin ang mga mata! "Ingrid... Sandali na lang... Mga limang minuto na lang..." mahinang sabi nito na para bang sa panaginip nito iyon sinasabi. Biglang kumabog ang dibdib niya nang marinig ang napakalambing na boses nito. Ang mga pakiusap nito na kahit kailan ay hindi niya magawang tanggihan... Iba ang dating sa kanya ng boses nito. Kahit walang bastos sa sinabi nito ay parang nabuhay ang p********e niya. Pakiramdam niya ay parang ungol iyon ng isang lalaking may pagnanasa. May pagkabastos din talaga siyang mag-isip kung minsan. Tsk. Hindi niya naiwasang hindi maglakbay ang mga mata sa pisikal na kaanyuan nito. Blonde ang buhok ni Xander at matipuno ang pangangatawan nito. Kasalukuyan itong walang pang-taas kaya naman lantad sa mga mata niya ang six packed abs nitong buong-buo. Ni wala itong bilbil sa tiyan at medyo mabalbon pa. Nakaramdam siya ng pamumula ng mukha at pinigilan ang sarili na maglakbay ang mga mata niya hanggang sa ibaba. Baka kapag iyon na ang tiningnan niya ay tuluyan nang bumaha ng dugo sa ilong niya! Tiningnan na lang niya ang napaka-gwapong mukha ni Xander. Para bang gusto niyang memoryahin ang kurba ng mukha nito na para bang perpekto sa paningin niya. Matangos ang ilong ni Xander at mahaba ang pilik-mata nito. Kulay blue ang mga mata nito na namana nito sa ama nitong amerikano. Ang hairstyle ng buhok nito ay medyo hawig sa character ng Final Fantasy VIII na si Squall Leonheart. Hindi nakapagtataka na maraming babae ang nababaliw dito. At siguro nga ay isa na siya roon... Muling lumakas ang kabog ng dibdib niya nang mapatitig siya sa bahagyang nakaawang nitong labi. Muli ay naroon na naman ang pagnanais niya na idikit ang sariling labi niya roon... Halos mabingi siya sa lakas ng t***k ng puso niya. Alam ng Diyos na matagal na niyang lihim na tinatangi ang kaibigan pero hindi niya iyon mailabas sa takot na masira ang pagkakaibigan na matagal na nilang nabuo simula pa sa pagkabata. Pero noong mga sandaling iyon ay para bang gusto niyang magpadala sa tuksong nasa harapan niya. Unti-unti niyang inilapit ang mukha kay Xander at kaunti na lang ay maglalapat na ang mga labi nila nang bigla siyang matauhan. Tumayo siya at dumistansya rito. Literal na nasabunutan niya ang sarili at literal din na parang gusto niyang iuntog ang sarili sa pader! Napaka-gaga talaga niya! Kababae niyang tao ay siya pa talaga itong manghahalay ng lalaki! Bakit kasi sobrang yummy naman ni Xander! Nakaka-darang! Kung minsan ay nakakaramdam din siya ng kunsensya. Mahal na mahal niya si Xander pero alam naman niya na simula't sapul ay hindi siya nito makikita bilang isang babae. Alam na alam niya kung ano lang talaga siya para rito. Isang kaibigan o nakababatang kapatid. Wala siyang karapatang mangarap dahil napakalayo nito sa kanya. Kumbaga sa kanta, Langit ka, Lupa ako. Hanggang kailan na lang ba tayo? 'Di mo gusto, deny to death ako, hindi kaya bangungot lang ito? At ang mahadera niyang utak ay nag-play pa talaga ng kanta sa imahinasyon niya. Iyon nga lamang ay ay ang version pa ng bubble gang ang umandar. Tsk. Epic fail din e. Bumuntong-hininga siya saka muling sinulyapan si Xander. Kailangan niyang magising sa katotohanan. Hindi niya hahayaan na baka ang friendship nila ay mawala pa nang dahil sa kahibangan niya rito... Lumapit siyang muli rito saka hinila ang paa nito. Awtomatikong nagising ang unggoy. "Ano ba naman 'yan Ingrid! Alam mo namang natutulog ang tao e! Bwisit naman oh!" Inis na napabalikwas ito ng bangon. Para itong lalaking nireregla at hindi na niya mabakas ang lambing sa boses nito kanina. "Ikaw ang bwisit Xander! Gusto mo bang isampal ko sa mukha mo ang alarm clock na ito para lang ma-realize mo kung anong oras na? Repeater ka na nga this year pagkatapos parang gusto mo na namang umulit! Mahiya ka naman, dalawang taon na lang baka maging magkaklase pa tayo sa ibang subject!" Panenermon niya rito na parang Ate. Mas matanda ito kaysa sa kanya pero mas matured siyang mag-isip kung ikukumpara rito. Madalas ay tinatarayan niya ito lalo pa at napaka-tamad nito pero mas gusto na niyang ipakita ritong mataray siya kaysa ipahalata rito na may lihim siyang pagnanasa. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------- DOON na rin siya nag-almusal sa bahay nina Xander. Iyon daw ang pabuya ni Aling Inday sa kanya dahil pinagta-tiyagan niya raw ang anak nitong batugan. "Kung alam mo lang Ingrid na para kang hulog ng langit sa akin! Kung wala ka, naku, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kay Xander. Ikaw lang talaga ang nakakapagpasunod diyan. Kahit akong Nanay balewala sa kanya. Kung wala ka, baka matagal ko na 'yang itinakwil!" Giliw na giliw sa kanya si Aling Inday. Siya ang ipinagsandok ng kanin imbes na ang sarili nitong anak na kanina pang umaatungal nang dahil sa gutom. "Ayos lang 'yun Tita. Namumuhan ako ngayon kay Xander dahil balak kong gawing artista 'yan balang araw. Pagkatapos lahat ng kita niya ay kakamkamin ko! Wahahaha!" pagbibiro niya. "Mabuti pa nga Ingrid. Dahil wala naman ibang maganda sa anak kong 'yan kundi ang mukha niya. Batugan, babaero at may pagka-bobo, manang-mana sa Tatay niya!" Pagsakay ni Aling Inday sa biro. "Buti na lang sa inyo siya nagmana Tita, kung hindi siya pogi wala na talagang mahihita sa kanya!" Panggagatong niya. "Hoy, hoy! Tama ba namang mag-tsismisan ako sa harapan ko pa mismo? Grabe kayo makapang-lait ah! Kung nakakamatay ang salita eh baka kanina pa akong nakabulagta sa sahig! Umagang-umaga nawawalan ako ng ganang kumain e!" Reklamo ni Xander. "Aba, aba at pumapalag ka pang animal ka? Manang-mana ka sa Tatay mong nang-iwan sa atin. Ni wala kang pagbabago simula pa noon. Ano na lang ang gagawin mo kung wala sa buhay mo si Ingrid? Kung wala siya ay baka kahit high school ay hindi ka pa naka-graduate dahil puro babae ang inaatupag mo! Ewan ko ba naman kung ano ang nakikita ng mga babae sa 'yo!" Panenermon ni Aling Inday. Natigilan siya sa sinabi ng matanda. Ano nga ba ang nakita niya kay Xander at bakit mahal na mahal niya ito simula pa noon? Bukod sa mala-adonis nitong kagwapuhan ay wala nang espesyal dito. Hindi magaling sa sports si Xander at mas lalong hindi ito matalino. Pero kahit ganoon ay popular ito dahil palagi itong may ngiti sa mga labi na nakapagbibigay ng pag-asa sa iba. Sa mga katulad niya na madalas ay napanghihinaan na ng loob. Makita lang niya ang ngiti ni Xander ay masaya na siya. Kahit gaanong kabigat na problema, basta kasama niya ito ay nakakalimutan niya iyon. Higit sa kahit ano pa mang dahilan ay isang bagay ang talagang minahal niya kay Xander. At iyon ay dahil malinis ang puso nito. Ito ang palagi niyang kasama sa lahat ng mga problemang kinaharap niya noon sa pamilya niya. Palagi itong naroon para sa kanya at sumusuporta. Kaya naman isinumpa niya sa sarili noon na lahat ay gagawin niya para rito. Kahit ano... Kahit anong ikasisiya nito ay gagawin niya no matter what it takes... Mahal niya si Xander at alam niya na kahit kailan ay hindi na masusuklian pa iyon. Pero wala siyang pakialam, mamahalin niya ito kahit pa na walang kapalit... "Hay naku 'Ma! Palibhasa matanda na kayo! Kahit kailan talaga ay hindi ninyo ma-a-appreciate ang ka-gwapuhang taglay ko na nagiging dahilan para mahumaling ang mga chicks sa akin! At kahit naman ganito ako maasahan naman ninyo ako ano! Buti nga hindi ako katulad ng iba riyan na sugarol at nagda-drugs pa!" "At utang na loob ko pa talaga sa 'yo 'yan ha, anak? Ah, basta. Wala akong pakialam kung sino ang maging girlfriend mo basta sa huli ay si Ingrid pa rin ang papakasalan mo! Gusto ko ay siya ang maging ina ng magiging anak mo!" Bigla niyang naibuga ang nasa bibig niya saka awtomatikong umakyat ang dugo sa mukha niya! Parang biglang tumalon ang puso niya dahil sa birong iyon ng Mama ni Xander! Sa tagal ng pagkakaibigan nila ay ngayon lang nagsalita ng ganoon si Aling Inday! Pakiramdam niya ay biglang umurong ang dila niya. Baka nakakahalata na si Aling Inday na may pagnanasa siya sa gwapong anak nito. "'Ma naman, huwag kang ganyan baka bigla nang matakot si Ingrid na pumunta rito at wala nang magtuturo ng mga assignments ko!" Nakatawang sabi ni Xander saka humalakhak. Inakbayan pa siya nito. "Mag-bestfriend kami ni Ingrid 'Ma kaya walang taluhan. At malabong mabulag ko ang babaeng ito dahil siguradong sawang-sawa na siya sa pagmumukha ko!" Patuloy pa rin sa pagtawa si Xander. Parang malaking biro para sa pandinig nito ang narinig. Pakiramdam niya ay parang gusto na niyang umiyak. Bumigat ang dibdib niya sa sinabi nito... Pero pinilit niyang ngumiti saka inalis ang pagkaka-akbay ni Xander sa kanya. "Tama si Xander Tita. Pasensya na kayo pero malabo pa sa pagputi ng uwak na magustuhan ko ang anak ninyo. Alam ko na kasi ang mga baho niya na sobrang turn-off para sa aming mga babae! Kaya magdasal na lang kayo Tita na may matino pang babaeng papatol sa anak ninyo!" Ganting biro niya saka tumawa. But deep inside, masakit sa kanya iyon. Kailangan pa niyang magsinungaling sa harap ni Xander at sa nanay nito para lang ma-save niya ang pride at sakit ng dibdib niya... "Oh ayan, Mama, si Ingrid na mismo ang nagsabi. Uminom ka ng kape para magising ka 'Ma. Kung ano-ano na kasing kababalaghan 'yang pumapasok sa isip mo. At kami naman ay aalis na dahil baka ma-late na nga kami ng tuluyan!" Tumayo na si Xander. "Ingrid, tara na?" Pag-aya na ni Xander na hindi makahalatang nakasimangot na siya pero tinatago lang niya. "Mauna ka na. Ilalagay ko lang ang mga ito sa lababo." "Bilisan mo ah! Hintayin kita sa paradahan ng trycicle." Lumabas na ng pinto si Xander. Kaunting lakad lang kasi mula sa bahay ng mga ito ang paradahan ng mga trycicle. "Ingrid, huwag mo nang itanggi. Alam ko may gusto ka kay Xander." Biglang nagsalita si Aling Inday mula sa likuran niya habang buhat na niya ang mga pinagkainan. Nagulat siya at pinamulahan ulit ng mukha. Mabuti na lang at hindi niya nabitawan ang hawak na mga pinggan dahil nanginginig na ang kamay niya! "Ate Inday naman! Wala akong gusto sa epal ninyong anak!" Pagtanggi niya pero ngumisi lang ito. "Woshoo! Kunwari pa! Halatang-halata ka na! Mga bata pa lang kayo buko na kita! Nahuli pa nga kita kanina na muntikan mo pang halikan si Xander e!" Pambubuko ni Aling Inday. Bigla siyang nataranta! Nakita nito ang muntikan na niyang gawing kahalayan kanina? Nakakahiya! "Pero huwag kang mag-alala! Gustong-gusto kita para sa anak ko! Naniniwala ako na kayo ang para sa isa't-isa at sa totoo lang ay ni hindi ko siya ma-imagine na magkakaroon ng pamilya sa ibang babae. Alam ko na may pagka-playboy ang anak ko Ingrid pero sana mag-tiyaga ka. Naniniwala ako na ikaw lang talaga ang may kakayahan na magpatino sa kanya." Pagpapalakas ng loob ni Aling Inday. "Pero malabo naman na magustuhan niya ako Tita. Nakita ninyo naman po kanina kung paano niyang sinabi na magkaibigan lang talaga kami," malungkot na sabi niya na hindi na itinago pa ang lihim na pagtingin sa anak nito. Kahit kasi tumanggi pa siya ay wala na rin dahil nahuli na siya nito sa akto. "Akong bahala sa 'yo! Tutulungan kita na magbago pa ang isip ng anak ko! Isa pa, gusto ka rin naman niya. Ni hindi nga iyon mabuhay ng wala ka at palaging ikaw ang bukambibig. May pagka-tanga at manhid lang talaga iyong anak ko kaya hindi pa niya nare-realize pero alam ko na darating ang araw na mamahalin ka rin niya. Kaya sana lang Ingrid ay mangako ka sa akin na hinding-hindi mo susukuan ang anak ko. Please?" Parang bata na nag-puppy eyes si Aling Inday. Hindi kataka-takang mag-ina nga ito at si Xander dahil parehas na may pagka-childish ang dalawa. Dahilan para hindi siya makatanggi. "Promise po," pangangako niya. "Pangako mo 'yan ah! Kahit na may dumating na mas gwapo at mas matalinong lalaki sa buhay mo ay hinding-hindi mo kakalimutan ang anak ko?" Naniguro pa talaga ito. Napatawa siya. "Imposible 'yun Tita dahil wala namang nagkakagusto sa aking lalaki dahil sa panget kong ito." "Mangako ka!" pagsigaw na nito. "Okey." Natameme siya. Mukhang hindi nagbibiro ang matanda. Sa gulat niya ay bigla siyang niyakap ni Aling Inday. "Salamat Ingrid. Masaya ako na may totoong nagmamahal sa anak ko sa katauhan mo..." malumanay nang sabi nito. Iyon lamang at hinayaan na siyang umalis nito. Napaisip siya. Kahit ganoon ka-harsh magsalita si Aling Inday sa anak nito ay talagang mahal na mahal nito si Xander. Sinusiguro talaga nito na mayroong totoong taong nagmamahal sa anak nito na hindi ito iiwan kahit na ano pa man ang mangyari. Kahit naman hindi pa siya pagbilinan ni Aling Inday ay talagang na kay Xander lang ang puso niya. Wala na siguro siyang ibang lalaking kayang mahalin kundi ito lang... "Ang tagal mo naman Ingrid! Kanina pa akong naghihintay dito, naglahad ka pa yata ng talambuhay mo kay Nanay!" Reklamo ni Xander na nakasakay na ng trycicle. "Kahit makipag-kwentuhan pa ako sa kanya, kung maaga kang nagising hindi tayo male-late. Sisisihin mo pa talaga ako ah! Baka gusto mong bukas wala ka nang kaibigan!" Pananakot niya. Ngumiti namang bigla si Xander. "Ikaw naman sweet heart, hindi ka mabiro! Na-miss lang kita kaya kita minamadali." Ngiting aso ito. Halatang takot na mawala siya kasi wala na itong taga-gawa ng assignments at taga-linis ng kwarto kapag nawala na siya. Alam naman niyang isa iyon sa mga silbi niya rito. Masakit man pero masaya naman siyang mapaglingkuran si Xander. "Na-miss agad kahit na araw-araw tayong magkasama? Mukha mo Xander!" Pagbibiro niya. "Naman. Mahal yata kita!" sabi nito saka akmang hahalikan siya. Inilayo niya ang nguso nito. "Ewan ko sa 'yo Xander! Puro ka kalokohan!" Natawa na rin sa kanila ang mga driver doon na sinasabing para raw silang mag-jowa sa sobrang lambing nila sa isa't-isa. Tuwang-tuwa naman ang puso niya sa tuwing iniisip ng iba na sila kahit alam niyang malabo na magkaroon ng katuparan iyon. Baliw nga siguro siya. Masyado siyang hibang sa pagmamahal kay Xander. Sumakay na rin siya ng trycicle at nang umandar iyon ay hindi namalayan ni Ingrid na mayroon palang kanina pang nakamasid sa kanya. Isang misteryosong lalaking mahaba ang buhok at itim na itim ang pares ng mga mata. Isa lang ang nababakas sa mga matang iyon. Pananabik... At masidhing selos... ------------------------------------------------------------------------------------------------------------- PAGDATING SA SCHOOL... "Gosh! Si Fafa Xander andiyan na! Shet! Ang pogi niya talaga!" Narinig niyang sabi ng isang babae na nadaanan nila sa hallway. "Oo nga 'no? Para talaga siyang artista! Sobrang yummy!" Komento ng isang bading na kasama nito. Nakatingin sa kanila ang lahat ng mga babae at binabaeng naroroon dahil andoon na naman ang prince ng school na si Xander. Kahit sino talagang babae ay hindi maiwasang hindi ito tapunan ng tingin. Kahit pa nga iyong may mga boyfriend na. Bakit nga namang hindi? Matangkad si Xander na parang model, blue pa ang mga mata na minana nito sa kanong ama. Normal na blonde rin ang buhok nito kaya naman talagang angat ito at bukod tangi sa karamihan. Napakalakas pa ng appeal at unang tingin pa lang ay malalaglagan ka na ng panty. Iyon ang dahilan kung bakit palagi siyang nanlulumo. Dahil sa ka-gwapuhan nito ay marami rin siyang karibal. At dahil palagi silang magkasama ay lalo lang napapansin ang kawalan niya ng dating. Kung ito ay napapalingon ang lahat sa tuwing dumarating ito ay siya naman ang kabaligtaran niyon. Kung hindi siya itatabi kay Xander ay hindi talaga siya mapapansin. Madalas kasing ma-ignore ang presensya niya. "Kita mo Ingrid? Gwapong-gwapo sila sa akin kahit na simple lang ang suot ko. Paano pa kaya kapag sinuot ko na 'yung bago kong damit sa bench na binili natin kahapon?" Tuwang-tuwa ang loko na bumulong sa kanya. Hindi lang din halata sa mukha ni Xander pero may pagka-narcissist ito. Sugapa ito sa atensyon. Isa iyon sa mga bagay na alam niya tungkol dito na hindi alam ng marami. Ang tingin kasi ng lahat dito ay isang 'gentle prince'. Kumaway pa ang loko sa mga fan girls nitong nadaanan nila na at nakakasilaw pa ang ngiti nito na feeling celebrity talaga. Halos mahimatay naman sa kilig ang mga babae. Pagkalalandi, aniya sa isip. Nakasimangot na siya. Hindi lang din halata sa mukha niya pero may pagka-selosa rin talaga siya. Iyon nga lamang, wala naman siyang karapatang magselos kaya nananahimik na lang siya. Halos mahimatay sa kilig ang mga babae. Hindi naman niya masisi ang mga ito kasi kahit siya ay patay na patay din naman kay Xander. "Sino 'yung babae na nakadikit kay Fafa Xander? Ang chacka niya naman! Masyadong ambisyosa, kung makabuntot sa prinsepe natin! Ano ba 'yun, alalay niya?" Bigla siyang nakarinig ng ganoong komento mula sa malayo. Galing iyon sa halatang transfer student doon at hindi pa nakakakilala sa kanya. Sosyal at maganda ang babae. Halatang rich kid. Mahina lang ang pagkakasabi nito niyon pero rinig na rinig niya. Natigilan siya sa narinig at hindi naiwasan ang pagkalat ng sakit sa dibdib niya. Oo at sanay na siyang masabihan ng ganoon at maikumpara kay Xander sa tuwing nakikita sila ng mga tao na magkasama pero hindi naman siya bato kaya nasasaktan pa rin sya. Totoong proud siya kapag kasama si Xander dahil para na rin siyang may katabing artista pero minsan ay iyon din ang ikinaiinis niya rito. Bakit kasi ito pinanganak na sobrang gwapo at talagang pansinin. Kung hindi siguro ito ka-gwapuhan ay hindi na parang kasalanan na tabihan ito. Pero hindi eh. Simula pa noon ay para na siyang palaging gustong patayin ng mga fan girls nito. Mas maganda sana kung normal lang itong lalaki kagaya niya... "Ano ka ba girl, bestfriend 'yan ni Xander! Bago ka lang kasi rito kaya hindi mo pa siya nakikita! Simula pagkabata ay magkakilala na sila at hindi mo kailangang mag-alala kasi suntok sa buwan, malabo siyang magustuhan ni Prince Xander!" Sagot ng babaeng nagtatanong kung sino siya. Hindi niya alam kung matutuwa sa sinabi nito o ano. Parang pinagtatanggol siya nito na ewan. Sa sinabi nito ay literal na pinamukha lang lalo nito na wala siyang pag-asang magustuhan ni Xander. Lahat na lang ba ng tao ay magpapamukha sa kanya ng bagay na iyon? Alam niya sa sarili na totoo iyon. Ang mga naging girlfriends at nagiging girlfriends ni Xander ay kaparehas din nito na popular. May mga artista at models pa nga. Hindi kataka-taka dahil talagang gwapo ito. Ang mga babaeng tipo ni Xander ay iyong mga babaeng ubod ng ganda, sexy at fashionable magdamit. Iyon ang mga bagay na wala sa kanya. Alam niyang baduy siyang manamit. Palagi siyang nakapalda ng mahaba at nakaladlad lang ang buhaghag na buhok. Makapal pa ang salamin niya dahil may kalabuan na ang mga mata niya at kahit kailan ay hindi niya masisikmurang mag-suot ng mga sexy na damit. Wala rin siyang kadating-dating. Kung si Xander ay halos lahat ng babaeng nakikilala ay nagkakagusto rito, siya naman ay NASB. In short, No Admirer Since Birth. Ni hindi nga niya alam ang feeling ng nililigawan. Kahit isang lalaking mukhang arinola ang mukha ay wala man lang nagkagusto sa kanya. Pero kung tutuusin, hindi naman kaso sa kanya kung may magkagusto man sa kanya o wala. Si Xander lang ang natatangi niyang pagsinta. Pumunta na sila ni Xander sa locker nila at nang pagbukas nito roon ay nalaglag ang mga love letters na nag-uumapaw sa locker nito. "Kita mo na Sweetie Pie? Talagang habulin talaga ng mga babae ang bestfriend mo! Ano ha? Bilib ka na ba sa akin?" Mayabang at ka-hambugan na naman na pagmamalaki nito. "Masaya ka na niyan? Kung bawat isa sana sa mga love letters na 'yan eh nakakatulong para tumaas ang mga grades mo e 'di laking tuwa ko. Pero wala e. Repeater ka pa rin!" Inasar niya ito. Iyon ang isang bagay na advantage niya sa kahit na sinumang babae. Kahit ang mga naging girlfriends ni Xander ay hindi ito naaasar ng ganoon. Siya lang naman yata ang panget na may lakas ng loob na mag-maganda kay Xander. Para na rin kasi silang magkapatid. "Mabuti akong nilalang Ingrid. Isa akong anghel na ipinadala ng Diyos dito sa kalupaan para paligayahin ang mga babae. Hindi ko gustong sirain ang pangarap nila kaya hangga't kaya ko ay paliligayahin ko sila." "Ang kapal din naman ng mukha mo 'no? Pakiramdam mo talaga ay pangarap ka ng lahat ng babae! Feeling mo regalo ka ng Diyos sa lahat ng babae!" "Sus, kunwari ka pa. Kung hindi ko pa alam eh patay na patay ka naman talaga sa akin! Baka nga kapag tulog ako pinagnanasaan mo na ako. May acess ka sa kwarto ko, baka kapag natutulog ako gusto mo na akong halikan," pagbibiro nito. Natigilan siya. Nahulaan nito ang mga bagay na talagang gusto niyang gawin dito sa araw-araw! Hindi kaya may alam na rin ito? Kumabog na naman ang dibdib niya. "Nanahimik ka na riyan? Hindi kaya talagang ginagawa mo nga 'yun?" Patuloy pa rin ito sa pang-aasar. Pulang-pula na ang mukha niya. Inangat niya ang mukha rito at tinitigan ito sa mga mata. "Sige na Xander. Para lang maging maligaya ka, ikaw na ang gwapo, ikaw na ang sikat, ikaw na ang mukhang anghel. Pero asa ka, dahil kahit maubusan ako ng lalaki sa mundo ay hinding-hindi ako magkakagusto sa 'yo!" pagsisinungaling niya. "Wow, siguraduhin mo lang na mapaninindigan mo 'yan. Teka nga, bakit ba parang seryoso ka? Binibiro lang kita oy! Saka dahil kaibigan kita eh natural na anghel ka rin naman. Iyon nga lang, no'ng nilaglag ka sa lupa ay nauna ang mukha kaya 'yan ang kinalabasan!" Patuloy pa rin ito sa pang-aasar saka parang tanga na tumawa ng malakas. "Ah gano'n? At ikaw naman, hindi nga nauna ang mukha mo no'ng nilaglag ka mula sa langit pero naalog naman ang utak mo kaya ayan, naging bobo ka!" Ganting asar niya saka na niya ito tinatawanang nilagpasan. Parang napikon naman na humabol ito. "Hoy! Bawiin mo 'yang sinabi mo! Hindi ako bobo 'no, tamad lang ako!" Patuloy lang siya sa pagtawa. "Ayoko nga! Bobo ka naman talaga! Pikon pa! Pikon, pikon, pikon! Ha-ha-ha!" Bumelat pa siya rito. "Ah gan'on! Humanda ka sa akin!" Saka ito lumapit at para silang mga batang nagharutan at nagtatawanan. Tameme naman ang lahat sa nasaksihang esksena. Normal na para kina Ingrid at Xander ang magharutan ng ganoon na parang mga bata. Kung nagkataon na maganda lang si Ingrid ay walang mag-iisip na walang relasyon ang dalawa. Ganoon sila Ingrid at Xander. Matibay ang relasyon bilang magkaibigan...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.3K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
330.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook