bc

Eternal Love (Tagalog)

book_age0+
5.5K
FOLLOW
14.0K
READ
stalker
forbidden
possessive
others
reincarnation/transmigration
space
goodgirl
queen
drama
like
intro-logo
Blurb

No choice si Alice kundi ang maging baby sitter ng makulit na batang si Jason. 10 years old lang ito pero para na itong matanda kung mag-aasta at ang kinaiinis pa niya ay pinakagkakalat nito na boyfriend niya ito.

Pero paano kung malaman niya na hindi naman pala talaga isang pangkaraniwang bata lang si Jason? Paano kung matuklasan niya na marami itong ginagawang masasamang bagay para lamang ma-protektahan siya? Paano kung malaman niya na bahagi pala ito no'ng nakaraang buhay niya at may taglay itong kakaibang kapangyarihan na nakapangingilabot?

Mas magugulo pa ang mundo ni Alice sa pagdating ng isang lalaki sa buhay niya. Si Zeno na kasing edad niya at laman din ng mga panaginip niya bago pa man niya ito nakilala. Ayon sa kanyang mga panaginip, ito ang lalaking pinakamamahal niya noong nakaraang buhay niya.

Totoo nga kaya na si Zeno na rin ang nakatakdang maging pag-ibig niya sa kasalukuyang panahon o may gagawing paraan si Jason para mahadlangan iyon?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 : Little Prince
"Mahal na mahal kita, Aphrodite! Nagmamakaawa ako sa 'yo, huwag mo akong iiwan. Hindi ko kaya!" Patuloy ang pag-agos ng luha ng isang lalaking may itim na buhok at kayumangging balat sa babaeng nakahiga sa himbingan nito. Nakahiga ang babaeng may gintong buhok sa kama ng mga bulaklak na tila ba hirap na hirap na at anumang minuto ay babawian na ng buhay. Hawak ng lalaki ang kaliwang kamay ng babae habang ang kanan naman nitong kamay ay nasa pisngi nito. Takot na takot ito na anumang sandali ay maaaring malagutan ng hininga ang babaeng pinakaiibig. "M-mahal din kita, X-Xenon. Palagi mong tatandaan na kahit kailan ay hinding-hindi kita makakalimutan..." Hindi na magawang makapagsalita pa ng maayos ang babae hanggang sa tuluyan na itong malagutan na ng hininga. "Hindeeee!!!" Umalingawngaw ang sariling tinig ng makisig na lalaki sa kwartong iyon na napapalibutan ng mga malalaking aquarium sa gilid. Tinatawag nito ang pangalan ng babaeng alam nitong hindi na muling sasagot pa. "Pinapangako ko, Aphrodite. Magkikita pa tayong muli. Hindi pa ito ang magiging huli, mahal ko..." Sa kabila ng pagluha ay nagawa pang sabihin ng lalaki saka nito binigyan ng huling halik ang babaeng pinakamamahal nito. = II = DOON NA NAGISING si Alice mula sa mahimbing na pagkatulog. Pero hindi ang lakas ng alarm clock ang nagpagising sa kanya kundi ang labing nakapatong sa labi niya. Nanlaki ang mga mata niya nang mamalayan na labi pala iyon ng makulit na sampung taong gulang na batang lalaki na si Jason. Hinahalikan siya nito habang natutulog siya at pikit na pikit pa ang mga mata nito na para bang dinadamdam nito ang malambot niyang labi! Agad niya itong tinulak palayo kaya tumalsik pa ito sa pader. Nauntog pa ang ulo nito sa cabinet niya. "Ang bata-bata mo pa, manyakis ka na! Gusto mo bang isumbong kita sa nanay mo?!" Pulang-pula ang mukha na singhal niya. Syete naman, oh! Bakit sa dinami-rami ng lalaking magiging first kiss niya ay ang kutong-lupa pang ito ang nakakuha niyon? Kaya naman pala parang totoong-totoo ang halik ng lalaki sa panaginip niya, eh! Kasi talaga palang may humahalik sa kanya! Nakakainis! Bakit kasi hindi niya na-lock ang pintuan niya kagabi bago siya natulog?! "Kasalanan mo 'yan, Ate Alice. Kanina pa kitang niyuyugyog, hindi ka naman nagigising. Sinampal na nga kita, eh. Kaya naisip ko na baka nag-a-ala sleeping beauty ka kahit hindi ka naman talaga beauty kaya hinalikan kita. Ayun, tumalab nga," nakangising sabi nito sabay tumawa. "Ah gano'n? At nangangatwiran ka pa talagang kutong lupa ka? Tinatawag mo pa akong ate, eh hindi mo naman ako ginagalang! Lumayas ka ritoooo!!!" Halos magdugo na ang sariling ngipin niya sa sobrang ngitngit niya rito! "Ayoko nga. Gusto ko pa ng second round. Sige na, Ate Alice, pa-kiss ako ulit. Chuuu..." Saka nang-aasar na pinahaba pa lalo ni Jason ang nguso nito. Sa inis niya ay binato niya ito ng unan sa mukha at sapol naman iyon dito. "Umalis ka! Ninakaw mo ang first kiss ko! Hindi na ako magkaka-asawa!" Pagngawa niya sabay iyak. Iba't-ibang klase na ng gamit sa kwarto niya ang naibabato niya rito pero nadala na yata ang loko dahil tinamaan niya ito sa mukha sa first shot niya kanina kaya ngayon ay ang galing-galing na nitong umiwas at tumakbo palayo sa kanya. "Hindi mo naman kailangang mag-alalang tumanda kang dalaga, Ate Alice," sabi nito hanggang sa tuluyan nang mahawakan ang door knob. "Dahil handa naman akong pakasalan ka. Kahit saan pang simbahan.." sabi nito na seryosong-seryoso at nangungusap ang mga mata. Kaya naman dahil doon ay natigilan siya. "Pero bata pa ako kaya baka makasuhan ka kapag pinilit mo na magpakasal tayo. Kaya ilang taon ka pang maghihintay. Beh!" Bigla na namang nang-asar si Jason saka siya binelatan. "Gaaaahhhh!!! Bwisit ka talaga kahit na kailan!" Isang malakas na paghagis ng unan ang muli niyang binato rito pero naisara na nito ang pinto bago pa man tumama rito. Hinihingal na siya nang makalabas na ito sa wakas. Bakit ba siya pinahihirapan ng Diyos na pag-alagain ng isang napakakulit na batang katulad ni Jason? Ang first kiss niya! Wala na at naglaho na ang imahinasyon niya na maibibigay pa niya iyon sa isang prince charming katulad ni Xenon na nasa panaginip niya. Sa tingin niya ay hindi na talaga siya makakapag-asawa. = III = HAPAGKAINAN... "Alice, ang sabi ni Jason ay iniwan mo raw siya kagabi kaya muntikan na siyang mawala. Ano ka ba naman, alam mo namang hindi pa sanay sa paikot-ikot dito si Jason. Kapag iyang bata na iyan ay nawala ay tayo ang mananagot sa nanay niya. Alam mo naman kung gaanong kataas na tao sa lipunan ang tatay niya. Maaaring gumagawa na rin ng paraan iyon ngayon para mahanap si Jason kaya hindi natin siya pwedeng pabayaan na pagala-gala." Sermon ng nanay niya ang naging almusal niya umagang-umaga pa lang. Nagngitngit siya lalo na nang makita niya na inilabas ni Jason ang dila nito at binelatan pa siya. At talagang nagsumbong ang walanghiyang batang pinaglihi yata sa kunsimisyon. "Mama, tingin ko naman po kaya na ni Jason ang umuwi ng mag-isa. 'Di ba kayo na rin ang nagsabi? Prodigy siya kaya mas matanda pa siyang mag-isip kaysa sa edad niya. Kahit na nagreklamo pa siya kagabi, nakauwi pa rin naman siya, hindi ba?" pangangatwiran niya. "Alice, ipinagkatiwala siya sa atin ng nanay niya. Baka nakakalimutan mo na malaki ang utang na loob natin sa pamilya nila. Sila ang nagbigay ng tulong noon para maipalibing natin ng maayos ang Kuya Allan mo noon. Pagkatapos itong maliit na bagay lang na pag-aalaga sa anak nila ay hindi mo magawa?" Tumaas na ang boses ni Soledad na halos nakapagpabingi na sa kanya. "'Ma—" "Tita, hayaan n'yo na lang po si Ate Alice. Tama naman siya, eh. Kaya ko namang umuwi mag-isa..." Biglang naging parang maamong tupa si Jason sa harap ng nanay niya, samantalang panay ang asar nito nang palihim sa kanya kanina. Kunwari ay pinagtatanggol pa siya pero ang totoo ay arte lang nito iyon para lalo siyang mapagalitan. "Hindi, Jason. Dapat lang na hinahatid sundo ka ng Ate Alice mo. Matalino ka pero bata ka pa rin at kailangan kang protektahan ni Alice." Para bang inalo pa ni Soledad si Jason. She just rolled her eyes. Parang si Jason ang anak nito kaysa sa kanya. Maybe because of the fact that she misses her deceased brother, Allan. Baka nakikita nito sa kuya niya noon si Jason. Alam din naman niya na mas gusto nito ng anak na babae kaysa sa lalaki, e. "Ikaw, Alice! Hindi ka mahiya rito sa batang ito. Aba, eh parang mas matanda pang mag-isip kaysa sa'yo! Ayus-ayusin mo iyang kilos mo kung ayaw mong babaan ko ang allowance mo!" pananakot pa ni Soledad. "'Ma! Bakit naman po pati iyong allowance ko ay idadamay n'yo pa!" inis na reklamo niya. "Hindi ko gagalawin iyon kung aayusin mo ang pag-aalaga rito kay Jason. Gusto ko ay ihatid-sundo mo siya sa elementary school!" pang-ba-blackmail pa nito. "Oo na po!" pagpayag na rin niya. Napansin naman niya na ngingisi-ngisi si Jason. Tuwang-tuwa siguro ito na napagalitan siya at ito naman ang nanalo. Asar talaga itong bata na ito. Ubod ng plastik! Mabait ito, malambing at inosente kapag ibang tao ang kaharap nito pero kapag silang dalawa lang ay akala mo ay mas matanda pa kung kumilos kaysa sa kanya. Hindi siya nito ginagalang at palagi pa siyang inaasar. Isang taon na rin simula no'ng dumating ito sa kanila kasama ng mama nito. Pinaiwan sa kanila ng mama niya si Jason dahil nagkaroon ng problema sa pagitan ng mga magulang nito at pinag-aagawan ng dalawa si Jason. Mayaman ang daddy ni Jason. Nag-iisa itong anak ng isa sa pinakamayamang business tycoon sa buong mundo kaya naman natatakot ang mama nito na kunin na lang dito bigla ang anak. Isa kasing baby maker ang mama ni Jason at nagsinungaling ito sa daddy ni Jason noon na namatay ang anak ng mga ito sa panganganak. Marahil ay dahil na rin sa kinukutkot na nang kunsensya nito ang mommy ni Jason kaya hindi nito ibinigay sa ama nito si Jason noong baby pa lang ito. Ayaw na rin nitong malayo pa ulit sa huli nitong magiging anak. Si Jason na kasi ang huling magiging anak nito dahil nasira na ang matris nito dahil sa kumplikasyon sa panganganak. Pero nito lang nakaraang taon ay natuklasan ng papa ni Jason na buhay ang anak ni Tita Veronica at nagtangka ito na kunin si Jason. Kaya naman dinala ni Tita Veronica si Jason sa kanila para ipatago. Ngayon ay sa malayong bansa na nagpapa-gala-gala si Tita Veronica at noon pa man ay wala nang permanenteng tinitirhan ang mga ito. Sa rami ng bansang pinupuntahan ni Tita Veronica ay hindi na rin siguro maghihinala ang mayamang tatay ni Jason na sa kanila ni Tita Veronica iniwan ang anak nito. Natatakot man na baka madamay ay hindi matanggihan ng mama niya si Tita Veronica dahil nga tinulungan sila ng babae noon. Kaya ayun, napilitan siyang maging babysitter ng tiyanak na ito. Noon naman ay ang bait-bait nito noong una niya itong makita. Napakalambing at palagi pang nakayakap sa kanya. Inosenteng-inosente pa nga at bibong-bibo kaya tuwang-tuwa pa siya rito. Pero unti-unting lumabas ang tunay na anyo nito. Mayabang pala ito, utusero at alaskador pa na walang ibang ginawa kundi ang tudyuin siya. Walang araw na hindi nito sinisira ang mood niya at ginagawa pa siyang alila o muchacha. Utos dito, utos doon na parang isang prinsepe. At ang pinakakinaiinisan pa niya rito ay sinisiraan siya nito sa mga kaibigan niya. Pinagkakalat ba naman nito na may relasyon sila?! At ang mga tanga-tanga naman niyang mga kaibigan ay naniniwala naman. Haysusmaryosep, sino namang matinong babae ang papatol sa isang sampung taong gulang pa lang na batang lalake?! Ang sabi pa ng mga kaibigan niya noon ay kung ang mga ito raw ang nasa sitwasyon nila ay hindi na rin naman daw masama. Bagama't hanggang bewang lang niya si Jason ay gwapo ito kaya habulin ito ng mga babaeng kaedad nito. Kahit nga ang mga high school na niyang kaklaseng babae ay naku-cute-an din talaga kay Jason to the point na madalas na sinasabi ng mga ito na hihintayin daw ng mga itong magbinata si Jason. Confident na rin at maganda magdala ng damit si Jason sa kabila ng kabataan nito. Magaling din sa mga sports at natatalo pa nga nito ang mga ka-edaran niyang malalaki rito kung tutuusin. Nalaman niya ang bagay na iyon dahil minsan ay pumunta ito sa school nila noon para mangulit sa kanya. Hinamon nito ang kaklase niyang lalaki sa basketball noon na sa tingin nito ay may gusto sa kanya. Natalo pa nito ang kaklase niya na sobrang tangkad kung ikukumpara rito. Higit sa lahat ay isa itong prodigy! Sobra ang katalinuhan nito na umabot na sa 210 ang IQ nito sa edad na sampu. Hindi na nga raw matatawag na normal ang katalinuhan nito dahil isang beses pa lang nitong gawin ang isang bagay ay nagagawa na agad nito iyon with flying colors pa. Hindi raw normal si Jason sabi ng doktor at naniniwala talaga siya roon dahil isa itong abnormal! Ano nga bang tawag sa character type nito sa mga anime? Yandere? Iyong mga taong inosente at mabait sa lahat pero nasa loob ang kulo at may mga masasama palang binabalak. Kilala rin ang mga ito bilang isang taong napakalalim magmahal na kung minsan ay umaabot na sa obsession. Hindi kaya ganoon talaga si Jason? Halata naman kasi niya na may crush sa kanya ang kutong-lupa na si Jason. Panay ang buntot sa kanya. Hinaharang pa ang mga manliligaw niya at higit sa lahat ay madalas niya itong nahuhuling nakatitig sa kanya at katulad nga ng nasabi na niya sa isip kanina ay pinagkakalat pa nito na may relasyon sila. Minsan ay nangingilabot na rin siya sa mga ginagawa nito. Pero syempre ay bata pa rin naman ito kaya hindi na lang niya sineseryoso. Siguradong darating din ang araw na magkacrush din ito sa mga kasing edad nito. Siguro nga lang ay sa kanya ito humahanga sa ngayon dahil siya ang palagi nitong kasama. Bukod pa roon ay ahead siya rito ng ilang taon. Siya naman noong bata siya ay may brother complex din siya sa Kuya Allan niya bago ito namatay. Buntot din siya ng buntot noon. = IV = MATAPOS KUMAIN ay agad na silang umalis ni Jason para pumasok na sa school. Mauuna ang school nila bago ang school ni Jason kaya siguradong mapapagod siya maya-maya. Kasi babalik na naman siya. Napahinto sila sa tapat ng school nang mamataan siya ng mga kaibigan niyang sina Carla, Yuri at Rizza. "Uy! Magkasama sila ng little prince charming niya!" panunudyo ng mga ito saka naghagikhikan. "Magsitahimik nga kayo! Kung ano-ano na lang lumalabas diyan sa bibig ninyo," napipikon na sabi niya. Hindi naman niya namalayan na palapit na pala sa kanila ang matagal na niyang crush na si Ram. May inabot ito sa kanya. "Miss, nakalimutan mo itong panyo sa gym kahapon. Mabuti nakita kita ngayon," nakangiting sabi nito. Isang tennis player si Ram at isa lang siya sa mga babaeng humahanga rito. Sikat na sikat sa school si Aram kaya naman automatic na nagniningning ang mga mata niya pagkatitig niya sa mukha nito. Isa ba itong panaginip? Nasa harapan na niya ang irog niya at hindi niya inaasahan na darating din ang araw na lalapitan siya nito. Lahat naman kasi halos ng babae sa school ay ito ang crush at ramdam na ramdam na niya ang inggit ng mga schoolmates niyang babae nang mapansin ng mga ito na nag-uusap sila. "Salamat, ah. Matagal ko na kasing hinahanap ang panyo na ito. Buti na sa 'yo lang pala." Hindi maalis ang matamis na ngiti sa labi niya. Hinding-hindi na niya lalabhan ang panyong iyon dahil nahawakan na iyon ni Ram! "Naku, wala iyon. Ako nga pala si Ram. Ikaw?" nakangiting tanong nito sabay abot ng kamay sa kanya. "Alice," nakangiti ring sagot niya saka inabot ang kamay nito at nagkatitigan sila. Nagtataka lang siya kung bakit parang wala siyang naramdamang parang kuryente roon sa pagdikit ng mga palad nila katulad ng mga nababasa niya sa mga romance novels. Ganoon daw kasi iyon kapag gusto mo ang isang lalaki ay makakaramdam ka ng kuryente. Malamang ay imagination lang ang mga iyon. Fiction lang naman kasi ang mga nasa stories, eh. Dahil sigurado naman siya na gusto talaga niya si Ram. Pero bakit kay Jason noon ay naramdaman naman niya iyon noong unang maglapat ang mga kamay nila? Nakapagtataka... Alangan namang magkagusto pa siya sa bata? = V = SAMANTALA, Kay Jason. Iritang-irita si Jason sa harapang paglalandi ni Alice sa ibang lalaki. Halatang tuwang-tuwa ito na nilapitan ito ng negrong si Ram. Nakakainis! Isa kang taksil, Alice! Sa akin ka lang dapat tumitingin at hindi sa ibang lalaki. Ano bang nagustuhan mo sa kanya? Para siyang hindi naliligo. Payatot pa samantalang naturingang athlete. At mukha pa siyang bobo! Matangkad lang siya! Iyon lang ang lamang niya sa akin, Alice! Sa isip lang niya masasabi ang lahat ng iyon dahil alam naman niya na malabong seryosohin ni Alice ang lahat ng sasabihin niya tungkol sa pagkakagusto niya rito. Dahil sa liit niyang iyon, kahit gawin pa niyang perfect ang sarili niya ay hinding-hindi siya makikita ni Alice kahit pa na kailan. Sa inis niya ay hinila na niya si Alice. Pero dahil mas malaki ito ay nahila lang siya nito pabalik. "Ate Alice, umalis na tayo. Male-late ako niyan, e!" Nakalabing pagyaya niya. Pinagmukha pa niyang parang inosente ang sarili kahit na sa sarili niya ay nasusuka rin siya sa pinaggagagawa niya. Pero kailangan din niyang gamitin ang liit ng katawan kung minsan para lang makuha ang atensyon ni Alice. "Aba, kapatid mo ba siya, Alice?" nakangiting tanong ni Ram nang makita siya. "Naku, hindi! Hindi ko kapatid ang kutong lupa na ito. Pinaalagaan lang siya sa amin ng mama niya," mariing pagtanggi ni Alice. "Ganoon ba. Ang bait mo pala, Alice. Kahit hindi mo kaano-ano ay inaalagaan mo," pambobola pa ng lalaki. Pauto naman ang talandi na si Alice. Yumuko pa at nag-blush! Nakakaasar! "Talagang hindi niya kapatid iyan, Ram! Kasi boyfriend niya si Jason kaya hindi sila pwedeng maging magkapatid. Tama ba ako, little prince?" panunudyo pa ni Rizza sa kanila. "Talaga? Wow, Alice, hindi ko akalain na ang weird pala ng mga taste mo." Nakisakay na rin sa biruan si Ram. "Naku, hindi, huwag kang maniniwala sa mga loka-lokang 'yan! Hindi totoo iyon at saka bakit naman ako papatol sa bata?" Deny to death si Alice. Doon na siya hindi nakapagtimpi at dinuro na niya ang lalaki na naging dahilan kung bakit siya itinanggi ni Alice. "Hoy, ikaw na lalaki ka, huwag na huwag mong lalapitan si Ate Alice dahil sa akin siya! Subukan mo pa siyang lapitan kung gusto mo nang mamatay!" galit na sabi niya saka hinawakan ang kamay ni Alice at hinila na ito palayo. Halatang nagulat ang lahat sa sinabi niya kahit maging si Alice pero wala na siyang pakialam. Hindi siya makapapayag na may umagaw sa babaeng pinakamamahal niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YOU'RE MINE

read
894.0K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
966.2K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.1K
bc

The Sex Web

read
133.5K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.5K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
455.7K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook