bc

Is It Wrong To Love You (Tagalog)

book_age0+
6.7K
FOLLOW
30.3K
READ
stalker
love-triangle
possessive
age gap
stepbrother
drama
tragedy
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Si Colleen. Isang babaeng naampon ng mag-asawang Bong at Eula. Inosente, mabait at malambing. Lahat ng tao ay naaaliw at natutuwa sa kanya. Paano kung malaman niya ang tunay na pagkatao na ampon lang pala siya?

At paano kung maipit siya sa pagmamahal ng tatlong lalaki na handang gawin lahat para makuha ang puso niya? Sino ang pipiliin niya?

Ang Kuya Carlo ba niya na nag-iisang anak ng mga taong nag-ampon sa kanya at lalaking tinitingala at hinahangaan niya? Paano kapag nalaman niya na umiibig pala ito sa kanya?

Si Jake Pineda na isang Pop Idol at pinapangarap niya kahit sa malayo. Masaya na siya na pinapanood lang ito. Pero posible bang magkaroon ng feelings ang isang artista sa isang fan lang?

O ang bigilante at gangster na si Elijah na hindi tumatanggap ng salitang hindi. Paano kung handa itong pumatay para lang makuha siya? Saan hahantong ang obsession nito para sa kanya?

Tatlong puso laban sa iisang puso. Sino ang magwawagi?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"IPALAGLAG mo ang batang 'yan!" Sumabay sa lakas ng kidlat ang sigaw ni Don Limbo. Maulan sa labas. At nang mga sandaling iyon ay isang babae ang nagmamakaawa sa paanan ng Don. "Pero Papa hindi ko magagawa iyan! Anak ko ang sanggol na nasa sinapupunan ko! At apo mo rin siya! Nagmamakaawa po ako sa inyo, tanggapin n'yo na kami ni Ruben!" Umiiyak na naglumuhod si Lourdes sa paanan ng ama. Lalo lamang nagalit ang Don nang marinig ang pangalan ng lalaki. "Sa lalaking iyon pa na anak ng mortal kong kaaway? Nilapastangan mo ang kagustuhan ko Lourdes! Kung ayaw mong itakwil kita ay hiwalayan mo at ipalaglag mo ang batang iyan!" Dinuro nito ang nasa sinapupunan ni Lourdes. Malungkot na lumabas ng silid-aklatan si Lourdes. Agad siyang sinalubong ni Ruben. "Wala tayong magagawa kundi kay Papa naman makiusap Lourdes," sabi ni Ruben. ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- NGUNIT ganoon din ang naging reaksyon ng ama ni Ruben. "Ano? Nabuntis mo ang babaeng 'yon?" nagulantang na tanong ni Don Ramon sa anak. Napatayo pa ito sa kinauupuan nito. "Opo Papa, at hinihingi ko ang pahintulot mo para pakasalan si Lourdes. Mahal ko siya at nais ko siyang panagutan," nakayukong sabi ni Ruben sa ama. Malaki ang takot niya rito noon pa man. "Pakasalan mo kung gusto mo pero 'wag na 'wag kang aasa na pamamanahan pa kita Ruben. Mamili ka, ang mana mo o ang babaeng iyon? Alam ko na hindi ka sanay sa hirap. Makakaya mo bang mamuhay sa kahirapan?" Natigilan si Ruben. Hindi alam ang gagawin. Alam niya na hindi marunong magbiro ang ama. Noon din ay nagpasya siya... ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- KINAKABAHAN naman si Lourdes habang naghihintay sa labas. Magdadalawang oras na buhat nang pumasok sa mansyon si Ruben. Iniisip niya na baka may nangyari nang masama rito. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang lumabas ito mula sa loob. Sabik na lumapit at yumakap siya sa nobyo. "Umalis ka na rito Lourdes." "H-Ha? Anong ibig mong sabihin?" "Ang sabi ko umalis ka na! Hindi ko na magagawang panagutan pa ang batang iyan!" Sigaw na nito. "Pero bakit? Tinakot ka ba ng Papa mo?" kinakabahang tanong niya. "Gusto mong malaman ang totoo? Oo natatakot ako! Sinabi sa akin ni Papa na hindi n'ya ako papamanahan kapag sumama ako sa'yo! Sanay ako sa ginhawa Lourdes, hindi ko makakayang maghirap. Sa tingin ko, ito ang mas makakabuti para sa ating dalawa. Hindi tayo pwede. Kaya bumalik ka na lang sa Papa mo." "Hindi ko akalain na ganyan pala karupok ang pagmamahal mo para sa akin Ruben. 'Wag kang mag-alala, hindi na kita gagambalain pang muli pero 'wag ka nang umasa na mapapatawad pa kita at kikilalanin ka pang ama ng magiging anak mo. Sayang lang ang pagmamahal ko sa'yo." Iyon lamang at umiiyak na umalis sa harap ni Ruben si Lourdes. Para namang gustong humabol ni Ruben para humingi ng tawad pero alam niya na iyon ang makakabuti para sa kanila. Ayaw niya na maghirap ito sa piling niya. ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- LUMIPAS pa ang ilang buwan at hindi na bumalik sa mansyon si Lourdes. Sa halip ay namuhay siya sa hirap at tumira sa barong-barong na paupahan. Namasukan siya kahit buntis dahil kailangan niya ng pera. Nakilala niya si Winona, isang manghihilot at nangako ito na paaanakin siya ng libre dahil sa pagiging magkaibigan nila. Ito ang nagturo sa kanya kung saan may mauupahang murang bahay kaya naman malaki ang pasasalamat niya rito. Ito nga rin ang tumulong sa kanya para makahanap ng trabaho sa palengke eh. Laki siya sa yaman kaya laking pasasalamat niya na ito ang nagturo sa kanya para mamulat sa kahirapan. Halos magkapatid na ang turingan nila. "Oh, Lourdes anong ginagawa mo riyan sa labas? Pagabi na baka mahamugan ka," tanong sa kanya ng kaibigan nang makita siya nito sa labas ng barong-barong na paupahan ng bahay. "Wala naman. Gusto ko lang na makita ni Colleen ang labas kahit na hindi ko pa siya pinanganganak. Gusto ko na mamulat siya ng maaga at yakapin ang kahirapan na maaari niyang maabutan kapag nailabas ko na siya sa mundong ito," nakangiti pero maya-maya ay nangilid ang luha niya sa mga mata. Naalala niya ang ama na nagtakwil sa kanya. Naalala niya si Ruben... "Hindi kaya masyado kang excited sa magiging anak mo? Ni hindi mo pa nga alam kung babae o lalaki pagkatapos may pangalan na agad? Saka huwag ka ngang negative! Bilog ang mundo! Kung ngayon mahirap ka malay mo bukas mayaman ka na ulit. Anong malay mo makunsensiya si Ruben at balikan ka," pagbibiro ng kaibigan niya. Napasimangot siya pagkarinig sa pangalan ng nobyo, "Hindi ko na siya tatanggapin kahit humingi pa siya sa akin ng tawad Winona! Palalakihin ko si Colleen at hindi niya kailangan ang walang kwenta niyang ama!" sabi niya saka hinaplos niya ang bata sa sinapupunan niya. Muli siyang ngumiti para sa anak niya. "Marami akong pangarap para kay Colleen, Winona. Gusto ko na lumaki siya na mabait at mababa ang loob. Gusto ko maging inspirasyon siya at magbigay ng saya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Gusto ko matuto siyang manindigan sa mga desisyon na gagawin niya at hindi sana siya magmana sa ugali ng ama niya. Iniwan ako ni Ruben pero mahal na mahal ko si Colleen, Winona. Siya ang buhay ko. Siya na lang ang meron ako. At handa akong ibigay ang buhay na ito para sa kanya," makahulugang sabi niya na kahit sa sarili ay hindi niya rin maintindihan kung bakit nasabi niya iyon. "Huwag kang mag-alala Lourdes. Sigurado mangyayari iyan. Dahil mabuti kang ina. Kaya sigurado na magiging katulad mo rin si Colleen balang araw." Hinawakan ni Winona ang kamay niya. Ngumiti siya at lihim na humiling na sana ay maging malusog at ligtas ang pagbubuntis niya. Hindi niya alam kung bakit may nararamdaman siyang kaba. ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Lumipas ang ilang araw... "AAAHHHHH!!! Ang sakit ng tiyan ko Winona, manganganak na yata ako!" Halos naiiyak na sa sakit si Lourdes nang tawagin siya nito mula sa itaas ng paupahan. Nataranta naman na lumapit siya rito dahil hindi pa kabuwanan ng babae pero dinudugo na ito. Masyado pang maaga para manganak ito! "Sige lang Lourdes! Iere mo pa!" Sumigaw na siya nang maihiga na niya sa kama ang kaibigan. "Ahhhhh!!!!! Ummmmmm!!! Woooo!!!" Hirap na hirap na sumunod naman ito hanggang sa marinig na nga nila ang mala-anghel na iyak ng bata. Napangiti siya nang masilayan ang sanggol ni Lourdes. Halatang mestisahin ang sanggol kahit na kakapanganak pa lang dito. Mamula-mula ang kutis. "Lourdes, napakaganda ng anak mo, tingnan mo siya," masayang wika niya sa kaibigan. Ilalapit sana niya rito ang sanggol pero nagulantang na lamang siya nang makitang hindi na ito humihinga. Hindi na rin niya maramdaman ang pulso nito! "Lourdes! Gumising ka, Lourdes! Kailangan ka ng anak mo! May mga pangarap ka pa para sa kanya hindi ba? Hindi ka pa pwedeng mamatay!" pagsigaw niya na humahagulgol ng iyak at niyuyugyog pa ito ngunit kahit anong gawin niya ay hindi na ito humihinga. Wala na ang kaibigan niya... At ang sanggol nito ay para bang tumatangis din dahil sa pagkawala ng ina nito. ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- LUMIPAS pa ang isang linggo ay nailibing din si Lourdes dahil na rin sa pagtutulungan ng mga kapitbahay nila. Na-pwersa ang katawan ng kaibigan niya na naging sanhi para mabinat ito dahil sa mabibigat na trabaho nito sa palengke na kung minsan ay nagbubuhat pa ito ng mga mabibigat na bagay. Naubusan ito ng dugo noong araw na manganak ito na kaagad nitong ikinamatay. Kaya naman litong-lito siya kung ano ang gagawin niya sa sanggol nito. Misteryo ang pagkatao ni Lourdes sa lugar nila at ang tanging nasabi lang nito sa kanya noon ay tinakwil na ito ng pamilya dahil sa pagbubuntis nito na hindi pinanagutan ng ama. Wala ring gustong umako sa sanggol nito dahil sa hirap ng buhay doon. Siya naman ay isang dosena na rin ang anak. Hindi na niya kayang bumuhay ng isa pa. Nang bigla niyang maalala si Eula. Nag-iisa lang ang anak nito at hindi na nasundan pa kaya nais nitong magkaroon ng anak na babae kaya naman dinala niya rito ang sanggol. "Matalik na kaibigan ko ang ina ng batang iyan, Eula. Kaya sana alagaan mo siya ng mabuti." Umiiyak na iniabot niya rito ang bata. "Hindi mo kailangang mag-alala, Winona. Palalakihin ko ang batang ito na parang tunay kong anak. Ano nga palang pangalan niya?" mabait na tanong ng babae. Disente itong tingnan at maganda ang bukas ng mukha nito. "Colleen. Iyon ang pangalan niya Eula," sagot niya. Tumango lang ito at nilaro na ang bata. Mabigat sa loob na tumalikod siya pero hindi rin siya nakatiis at umiiyak na binalikan niya ang sanggol at marahan na binuhat ito. "Patawarin mo ako Colleen. Hindi ka gustong iwan ng Ninang pero wala akong mapagpilian eh. Magiging miserable lang din ang buhay mo kapag sa akin ka. Si Eula na ang bagong Mama mo ha? Magpapakabait ka anak," saka niya hinalikan sa noo ang sanggol. Alam ng Diyos kung paano siyang napamahal sa anak ni Lourdes pero kailangan niyang gawin iyon. Dahil hindi papayag ang lasinggero niyang asawa na ampunin niya ito. Tuluyan na siyang umalis at pinagdasal sa Diyos na sana ay mahalin nga ito ni Eula at ng pamilya nito at hindi ituring na iba... ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- MALIGAYA na dinala ni Eula sa tahanan nila ang sanggol. Sa wakas ay natupad na rin ang pangarap niyang magkaroon ng anak na babae. Hindi na rin tumutol ang asawa niyang si Bong dahil gusto na rin nitong magkaroon ng baby ulit sa bahay nila. Ang anak kasi nilang si Carlo ay hindi umaaktong bata katulad ng mga kasing-edad nito. Matured na itong mag-isip at para itong matanda na nakulong sa katawan ng isang bata kung magsalita. Masyadong seryoso sa kabila ng edad nitong pitong taong gulang. "Sino ang batang ito Mama?" tanong ni Carlo nang makita ang sanggol sa kuna. "Kapatid mo siya Carlo," nakangiting sagot ni Eula. "Hindi po ako pinanganak kahapon Mama. Alam ko na hindi ninyo anak ang sanggol na ito dahil hindi ko naman kayo nakitang nagbuntis. Pwera na lang kung niloko kayo ni Papa," pilosopong sabi ni Carlo. Nagkatinginan ang mag-asawa. Alam nilang hindi nila mapagtataguan ng lihim ang anak. Matalino ito at mataas masyado ang IQ kumpara sa edad nito. "Inampon na namin siya anak kaya magkapatid na kayo. Hindi ka ba natutuwa? May prinsesa na tayo rito sa bahay?" malumanay na paliwanag ni Eula sa anak. Tinitigan ni Carlo ang sanggol. Medyo natahimik ito. Parang nag-iisip. "Ayoko sa kanya. Ang pangit n'ya Mama." Huling sinabi ni Carlo na umalis na ng kwarto. Natawa na lamang sila. Hindi ito madaling pakisamahan kaya hindi na sila nagtataka. ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Pagkalipas ng limang taon... Limang taong gulang na si Colleen at labing dalawang taong gulang naman si Carlo. Nag-aalala ang mag-asawang Bong at Eula dahil hindi pa rin nagiging malapit si Carlo sa kapatid nito. Nangangamba sila na baka asarin nito si Colleen na ampon lang katulad ng mga sinasabi ng mga kalaro nito. Mahigpit nilang ipinaliwanag kay Carlo na hindi dapat nito ipagsabi kahit kanino lalong-lalo na kay Colleen mismo ang totoo. Pero kahit matalino pa si Carlo ay bata pa rin ito. Matutulog na sana ang mag-asawang Bong at Eula nang biglang pumasok sa kwarto nila si Carlo na mainit ang ulo at iritable. "O, anong problema mo anak?" "Si Colleen po kasi ang bobo-bobo! Ang hirap niyang turuang magbasa samantalang ako noong limang taon ako kaya ko nang magbasa ng english at tagalog!" inis na paliwanag ni Carlo. Napabuntong-hininga si Eula. Hindi bobo si Colleen. Average itong matatawag kumpara sa edad nito. Si Carlo ang hindi normal dahil masyadong mataas ang IQ nito. Magaling na kaagad ito sa isang bagay na unang beses pa lang nitong ginawa. Iyon ang dahilan kung bakit walang masyadong kaibigan ang anak niya. Masyado itong mataas na nai-intimidate ang ibang bata na lumapit dito. "Anak, hindi bobo si Colleen. Masyado ka lang matalino. Kailangan mong maging matiyaga sa kanya dahil ikaw ang Kuya niya. Gusto mo bang apihin siya ng ibang bata na kasing edad n'ya?" Natigilan si Carlo. Nagbaba ng tingin. Parang nakunsensya dahil isang araw pa lang naman nitong tinuturuan si Colleen para umarte ito ng ganoon. "Mag-sorry ka sa kanya, Carlo. Hindi maganda na pinakikitaan mo ng ganyan ang kapatid mo." "Opo, mama," sagot nito. ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AKALA ni Eula ay maayos na ang magkapatid pero maya-maya ay narinig nilang umiiyak si Colleen mula sa kwarto ng mga ito. Pinuntahan nilang mag-asawa ang dalawa. "Carlo, ano na namang ginawa mo sa kapatid mo?" Nauubos na ang pasensyang tanong niya sa totoong anak. "Tinulak niya po ako, mama! Kaya nasira po itong doll house ko!" Pagsusumbong ng batang babae na si Colleen na umiiyak at yumakap pa sa kanya. "Yakap po kasi siya nang yakap sa'kin Mama!" Namumula na parang kamatis na nagsumbong si Carlo. "At ano namang masama, Carlo? Magkapatid naman kayo at alam mong takot siya sa kidlat. Dapat pinoprotektahan mo ang kapatid mo," pangaral niya. Inalo-alo niya ang ampon sa pag-iyak. Bigla na namang kumidlat ng malakas kaya nanginginig na napayakap sa kanya si Colleen. "Palagi na lang siya ang kinakampihan n'yo, mama! Samantalang hindi n'yo naman siya tunay na—“ "Carlo! Bumalik ka na sa kwarto mo!" Pagsaway ni Bong sa napipintong sasabihin ng anak. Wala nang nagawa pa si Carlo kundi ang umalis na lang. Nagpasya sila na sa kwarto na lang nila matulog si Colleen. ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- DAHIL sa hindi magkasundo ang dalawang bata ay naisip ng mag-asawa na dalhin sa beach sina Carlo at Colleen para makapagsaya naman sila. Nag-aayos ng mga kagamitan si Eula habang si Bong naman ay umalis para mag-arkila ng mga salbabida. Napansin ni Colleen na parang malalim ang iniisip ng Kuya niya dahil nakatanaw ito sa malayo kaya dahan-dahan siyang lumapit. "Bulaga!" Pang-gugulat niya kay Carlo pagkatapos ay humalakhak pa. "Ano bang problema mo?!" Inis na tanong ni Carlo. "Antahimik mo kasi, kuya! Tara, kain tayong barbeque!" Ngiting-ngiti na pag-aya niya na tuluyan nang nakalimutan ang nangyari noong nakaraang gabi. Mabilis mawala ang galit niya at parang wala lang nangyari kinabukasan. "Kumain kang mag-isa mo!" Inis na sagot ni Carlo saka tumayo. Sinundan naman niya ito. Hindi naman namalayan ni Eula na nawala na sa paningin nito ang dalawang bata. ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "KUYA, san ba tayo pupunta?" Pagtatanong niya maya-maya nang mainip na sa kakalakad. Hindi kasi nagsasalita ang Kuya Carlo niya. "Sinabi ko bang sumama ka? Ayoko sa mga tangang katulad mo! 'Wag mo nga akong sundan na bulinggit ka!" Pagsusungit ni Carlo. At dahil sa kanya nakatingin ay hindi napansin ni Carlo ang sanga na naging dahilan nang pagkalaglag nito sa malapit na bangin. Mabuti na lang at may kinakapitan ito. "Tulungan mo ako, Colleen! Ayoko pang mamatay!" takot na sigaw ng labing dalawang taong gulang na si Carlo. Kapit na kapit ito sa sangang naroon. Takot para sa sariling buhay. Agad naman siyang gumawa ng paraan. Kumuha siya ng isang makapal at malaking patpat saka iniabot sa nasa babang si Carlo. Natatakot man na baka pareho silang mahulog ay pinilit pa rin niya na maialis ang Kuya niya sa bingit ng kamatayan. "Kumapit kang mabuti, kuya! 'Wag kang bibitiw, konti na lang!" Hirap na hirap na anas ni Colleen. Malapit na niyang maalis doon si Carlo nang biglang mapatid ang maliit na sangang kinakapitan nito. Kumapit siya sa matulis na kahoy na naroon at ubod nang lakas niyang hinila si Carlo. Sa wakas ay nakaligtas din si Carlo at iyak sila nang iyak pareho na nagyakap. Pero napansin ni Carlo ang dumudugong kamay niya. "Anong nangyari rito?" Tinuro niya ang matulis na kahoy na kinapitan niya kanina. "Kumapit ka riyan?" Sobrang nag-aalala na tanong ni Carlo. "Natatakot kasi akong mamatay ka Kuya. Mahal na mahal kita kahit palagi mo 'kong pinapagalitan," umiiyak na sagot niya na apektado sa sugat na natamo. Mahapdi iyon at punong-puno ng dugo. Niyakap siya ulit ni Carlo nang marinig ang sinabi niya. At nangakong simula noon ay magiging sandalan at poprotektahan nila ang isa't-isa... ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- DOON na nagsimula ang tibay ng samahan ng magkapatid. Nagulat na lamang sina Bong at Eula sa biglaan at sobrang pagkakalapit ng dalawa. Halos ayaw nang maghiwalay ng mga ito at palaging magkasama. Magkagayunpaman ay natuwa na rin sila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.5K
bc

NINONG III

read
364.5K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
966.2K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

NINONG II

read
619.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook