bc

Living In A Closet (Tagalog)

book_age0+
6.9K
FOLLOW
27.8K
READ
BDSM
forbidden
sex
contract marriage
second chance
mistress
drama
gxg
like
intro-logo
Blurb

Isang closet lesbian si Jessie na hindi maamin kahit kanino ang totoong pagkatao niya simula pa noong teenager pa lang siya. Dahil sa homophobic Parents niya ay mas pinili niyang magtago sa closet at hindi nagtangka kahit minsan na ilabas ang totoo niyang pagkatao.

Hanggang sa dumating sa buhay niya si Lily. Isang stripper sa Club na nagpagulo sa buong sistema ng katawan niya at nagtapon ng lahat ng prinsipyo niya sa buhay. Nang dahil sa pagka-obsess niya rito ay pinili niya na bayaran ito ng malaking halaga para lang pumayag ito na maging girlfriend at live in partner niya sa loob lang ng isang taon. Nakasaad din sa kontratang iyon na kung hindi niya mapapaibig si Lily sa loob ng isang taon ay maaari na itong kumawala sa relasyon nila at gawin ang anumang naisin nito.

Pero paano niyang magagawang paibigin si Lily kung panay ang reto sa kanya ng mga magulang niya kina Marco at Michael na bata pa lang ay parehas nang may gusto sa kanya?

Paano siyang makakaporma kung siya mismo ay pinopormahan din ng dalawang gwapong lalaki na handang gawin ang lahat, mapaghiwalay lang sila ni Lily?

Magagawa ba niyang kumawala sa tinitirhan niyang closet at sabihin sa lahat na hindi lalaki ang gusto niya kundi babae rin?

chap-preview
Free preview
Chapter One : Love At First Sight
MASAYA ang lahat sa espidida party na iyon ng kaibigan ni Jessie na si Donna. Sa wakas kasi ay ikakasal na ito kay Dino na matagal na nitong kababata. Openly gay si Donna noon pa pero napagbago ito ng lalaki kaya ngayon ay isa na itong tunay na babae. Pero dahil dati itong myembro ng LGBT CLUB na siya ring kinabibilangan niya ay naririto sila ngayon sa isang sikat na club sa Quezon City kung saan mayroong mga babaeng naghuhubad. Disente naman ang lugar na iyon dahil lugar pa rin naman iyon ng mayayaman pero may extra service na kapag talagang malalim na ang gabi. "Matanong ko lang, Jessie. Kailan mo ba balak na magladlad, ha? Kailan mo sasabihin sa mga homophobic mong parents na katulad ka rin namin? Isang lesbiyana." Parang lasing na si Harmony pero nagawa pa siya nitong tanungin ng gano'n. Napakaganda ni Harmony. Sophistikada ang dating pero isa itong lesbiyana. "I don't know. Ni hindi ko alam kung matatanggap pa ba nila iyon. Saka hindi pa rin naman talaga ako sigurado kung talaga ngang ganito na ako. Tinutuklas ko pa rin ang sarili ko," sabi niya na uminom na lang. Noon naman kasing bata pa lamang siya ay normal naman talaga siya. Pinalaki siyang feminine ng mga magulang dahil nag-iisang anak lang siyang babae at hindi na nasundan. Pero no'ng makatuntong siya ng High School ay natutuklasan na niyang parang may nagbabago na sa kanya. Puro kasi babae ang mga nagiging crush niya at sa dami ng mga manliligaw niyang mga lalaki ay parang walang dating ang mga iyon sa kanya. Hanggang sa tumuntong siya sa kolehiyo at ma-in-love siya sa bestfriend niya noong si Jen. Doon niya napagtanto na may kakaiba na talaga sa kanya. Pero playgirl ito at mahilig sa mga boys. Malabong pumatol ito sa isang katulad niya kaya hindi rin naging sila. Hanggang sa mag-migrate ito sa States noong mag-graduate ito ng High School. Hindi na sila nagkita ulit at naiwan siyang broken hearted. Bilang pagtuklas sa sarili ay sumali siya sa LGBT CLub at nakilala sina Harmony at Donna. Palihim siyang sumali roon at naging masaya naman siya dahil totoong mga kaibigan ang mga ito. Hindi nga pinagkalat ng mga ito ang pinakatatago niyang sikreto e. Natigil ang pag-iisip ni Jessie nang mag-umpisa nang magdilim ang paligid at lumabas na mula sa stage ang nagga-gandahang pole dancers ng club. Lahat ng nasa itaas ay sexy pero hindi naman lahat ay magaganda. Pero syempre, ang mga kaibigan niyang lesbiyana ay nag-umpisa nang magsipag-hiyawan. Nangunguna pa si Donna na mukhang nakakalimutan na naman na babae na nga pala ito. Pero sa dami ng mga babaeng halos maghubad na sa gitna ng stage ay napukaw ang atensyon niya sa isang babae na nasa gitna at tila 'star' ng club na iyon. Nangingibabaw ang naiibang ganda nito at nagmukhang back up dancers lang ang mga kasama nito. Napasinghap siya nang magtama ang mga mata nila. Mapang-akit itong sumasayaw sa buong stage at para bang inaakit nito ang lahat ng manonood. Kakapirasong tela na lamang ang suot nito at para bang pinatatakam nito ang mga manonood. "Whoo!!! Hubarin na 'yan!" sigaw ng mga lalaking halatang mga lasing na. "Bakit pa kayo nagtitira ng damit kung pwede naman ninyong hubarin na lahat? Hubarin na 'yan!" segunda naman ng kasama nito. She just rolled her eyes. Mukhang disente at binata pa ang mga ito pero daig pa ang mga manyak sa laman kung magsisigaw. Nang ibaling niya muli ang paningin sa stage ay nagsisipasukan na muli sa loob ang mga babaeng nagsayaw sa Stage kanina. Nahabol na lang niya ng tingin ang babaeng may nakakaakit na mga mata na sa tingin niya ay bumihag na sa napaka-pihikan niyang puso. Ano kaya ang pangalan niya? Iyon ang kailangan niyang alamin...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.0K
bc

NINONG II

read
619.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
966.2K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.9K
bc

NINONG III

read
364.5K
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook