Chapter 5

2529 Words
NAHIHINTATAKUTAN na inilinga ni Ashley ang mga mata sa presinto kung saan siya idinala ng rumespondeng pulis. Nakaupo siya sa bench habang ang katabi niya ay isang babae na kalong ang anak nito at nanginginig sa galit. Ipinakulong kasi nito ang asawa nito na nahuli nitong nambababae at walang ginawa kundi murahin ang lalaki at ang kabit nito habang nagkukwento sa kanya. Sa tapat naman niya ay nakuyog ang isang magnanakaw ng mga taumbayan habang masama naman ang tingin sa kanya ng isang lalaking lalaking malaki ang katawan at maraming tattoo na kalalabas pa lang ng kulungan matapos na di magpakita ang babaeng nagpa-blotter dito ng s****l harassment. Habang sa di kalayuan naman ay may mga grupo ng kabataan na tinatawag na batang hamog. Magaling daw ang mga ito sa iba’t ibang modus para makapagnakaw. Samu’t sari ang mga nangyayari sa paligid. Parang circus. Magpapasko daw kasi kaya napakaraming kasong naipa-file. Mula sa pagnanakaw hanggang sa mga kabit. And despite living in New York City, in a flat with five locks on her door, it still looked tame compare to Manila. Parang napakaligalig doon. Ginamot naman ng mga ito ang sugat niya pero tumanggi siyang magpadala sa ospital. She just wanted her bag back. She felt tired and grimmy. Masakit pa ang mga gasgas niya sa tuhod at binti bati ang sugat sa braso niya. Maswerte siya na may security guard sa kalapit na gusali na tumulong sa kanya at tumawag ng pulis. Ang mga ito ang nagdala sa kanya sa presinto. Sa halip na nasa eleganteng hotel siya ngayon ay mukhang matutulog pa siya sa presinto habang hinihintay ang aksyon ng kapulisan. After all, she had nowhere to go to. Without her money, she had nothing. Ang tanging natira lang sa kanya ay ang maleta niya na may lamang ilang pirasong damit. Nasa bag niya ang laptop, cellphone, credit cards at ang travel documents niya. Tinawagan niya ang kaibigang si Cara sa Viber nito pero di nito sinasagot. She didn’t know what to do. “I am so unlucky,” nausal niya habang tulala at niyakap ang sarili. This was the first time in her life that she felt lonely and worthless in a strange place. Tapos ay maririnig pa niya ang masayang kantang pamasko na parang ayos lang ang lahat. How ironic. “Unlucky? Naku! Wala pang mas mamalas pa sa akin. Ikaw ba naman ang magkaroon ng asawang batugan gaya ng akin tapos may lakas pa ng loob mambabae. Tangnang hayup na iyan! Magsama sila ng kabit niya sa impyerno.” Napangiwi na lang siya nang makita ang mangiyak-ngiyak na dalawang taon nitong anak. Hindi man siguro lubos ang isip nito pero alam nitong may problema ang mga magulang nito. Kahit paano nang maghiwalay ang mga magulang niya ay di naman niya narinig na nagmurahan ang mga ito sa harap niya. Kinausap siya nang maayos ng ama kung bakit at paano sila iniwan ng nanay niya. Hindi iyon naging traumatic para sa kanya. Ipinagpasalamat niya na hindi niya nararanasan ang dinadanas ng batang ito. Sana lang ay hindi ito ma-trauma. “Miss Delaney,” tawag sa kanya ng pulis na kumuha ng statement niya. “Excuse me po,” sabi niya at lumapit sa desk ni SPO3 Manalastas. “Did you catch the men who took my bag, Sir? Did you retrieve my things?” Baka sakaling bumalik ang sampalataya niya sa sistema ng Pilipinas. “I am sorry, Miss. Wala kasing CCTV sa pinangyarihan ng krimen.” “You mean that whole area, there is no CCTV footage?” “Isang buwan nang sira. Nilakad kay Mayor pero wala pa rin. Baka naman may makuha kayong witness sa lugar na iyon...” Nanlaki ang ulo ni Ashley sa sinabi ng pulis. “What? Y-You mean, I can’t take back my bag? P-Paano pa malalaman kung mababawi ko ang gamit ko?” Nagkibit-balikat ang pulis. “Pwede po sigurong ma-trace ang cellphone ninyo, Ma’am. Apple product naman po iyon. Pero karamihan po sa nawawalan ng cellphone dito at laptop ay ipinapa-block na lang niya para di na magamit pa. Di na rin po kasi nababawi. Saka ang credit card at ATM card n’yo po baka dapat pong agapan na ninyo dahil baka po magamit pa nila.” Tumango na lang siya at nagpasalamat nang pahiramin siya ng telepono para makatawag siya sa customer service ng credit card company na mayroon siya gayundin ang bangko. Di lang siya makapag-focus na mabuti dahil sa ingay ng presinto. Hindi rin niya makapasok ang tawag niya sa credit card company dahil marahil sa dami ng sineserbisyuhan ng customer service ng mga ito. “Miss, matagal ka pa ba?” nakataas ang kilay na tanong ng isang teenager na pagkakapal-kapal ng make up at maigsi ang suot na damit. Mukhang galing ito sa bar. “I need to call my dad. Di naman yata importante iyan. Kailangan kong ilabas ang boyfriend ko sa kulungan.” The nerve! Kundi lang talaga siya pagod ay papatulan niya ang teenager na ito. Importante ang mga nawala sa kanya. Ni wala nga siyang kapera-pera. Tapos ay problema lang nito ang boyfriend nito na malamang ay nagpapakalasing at nakikipagbasag-ulo sa halip na nag-aaral. Itinikom na lang niya ang bibig at ibinalik na sa pulis ang telepono. “Thanks for te help.” At saka nilampasan ang malditang dalagita kahit na kulong-kulo ang dugo niya. This was not good. She was tired, stressed and frustrated. Gusto na niyang umiyak, mang-away at magwala. She was loosing her cool. Hindi talaga conducive sa kanya ang lugar na iyon. Hindi niya alam kung mapagtutuunan pa ng pulis ang kaso niya dahil na rin sa dami ng kasong hinahawakan ng mga iyon. “Saan po kayo nag-stay, Ma’am?” tanong ng isa pang pulis na kasamahan din ng pulis na humahawak sa kaso niya. “I... I don’t know. I can’t contact my dad. I have nowhere to go.” Di rin siya makakapag-check in sa hotel dahil wala naman siyang credit card. Wala siyang pera. “No friends who can help you out?” “I...” Naisip niya ang condo ng ama. Pwede naman siguro siyang tumuloy doon. Pero si Robinson lang naman ang aabutan niya doon. “You can stay here at the precint if you want. Until you get help,” alok ng pulis at saka kumindat sa kanya. Eeeewww! Nakikipag-flirt na sa kanya kahit na may wedding ring sa kamay. Malay ba niya kung ano pang gawin nito sa kanya. “N-No. I... I have a friend. I-I will just stay there,” aniya habang malakas ang kabog ng dibdib. Bahala na. Ang magtitiyaga na lang siya sa condo ng ama niya at kay Robinson. Bahala na. Basta ang alam niya ay di na siya makakatagal pa sa presintong iyon kahit limang minuto dahil baka mag-amok na siya. “Sasamahan na kita para matiyak na ligtas ka, Ma’am,” prisinta ng pulis na tumulong na rumesponde sa kanya. Kahit paano ay mas ligtas ang pakiramdam niya. Habang bumibiyahe ay pinagdadasal niya na sana ay tanggapin siya ni Robinson. Aaminin niya na naging malupit nga siya dito. Marami siyang di magagandang salita na sinabi. Kung sa kanya man siguro gawin ang ginawa niya, baka di rin niya tanggapin. “Sir, nandito po si Miss Ashley Delaney sa lobby. May kasama po siyang pulis. Paakyatin ko po ba sila? ” Bumaling sa kanya ang receptionist. “Ma’am, bababa daw po siya.” Paano kundi siya nito patuluyin? Saan siya pupunta? Magmamakaawa ba siya? Desperada na siya ngayon Kapag di siya nito tinanggap, wala na siyang ibang matutuluyan. Bahala na. Kapag di siya nito tinanggap, magdadrama siguro siya or whatever people do when desperate. Kailangan ihanda na niya ang sarili. Maya maya pa ay hangos na dumating ng lobby si Robinson. He was wearing jeans and sando. Namumungay ang mga mata nito. “Ashley, anong nangyari? Bakit may kasama kang pulis?” nag-aalalang tanong nito habang palapit sa kanya. Nang makita niya ang pag-aalala sa mukha nito sa halip na galit ay tuluyan na siyang bumigay. Umiiyak siyang yumakap dito. “Robinson! I-I have nothing now.” parang batang usal niya sa pangalan nito at humikbi. Hindi na niya magawa pang magkwento dahil ang lahat ng pagod at takot na nararamdaman niya ay sa iyak na lang niya naidaan. “A-Ano pong nangyari?” tanong ng binata sa pulis. “Nadali po siya ng riding in tandem, Sir. Di kalayuan dito. Dito po ba siya galing? Sana po sinamahan na lang ninyo siya na lumabas. Alam naman ninyo na delikado sa panahon ngayon. Madaming masasama ang loob na naggala dito dahil Pasko. Ang ganda pa mandin ng girlfriend ninyo. Di ninyo dapat pinababayaan.” Bumuka ang bibig ni Ashley para magprotesta dahil di naman siya nobya ni Robinson at sabihin din na di kasalanan ng binata ang nangyari pero naunahan na siya nito na sumagot. “Pasensiya na, Sir. N-Nagtalo kasi kami. Di ko na siya nahabol. Umakyat na muna kayo sa taas para makapagmiryenda naman,” yaya ni Robinson sa alagad ng batas. “Kung ligtas na siya sa inyo, kayo na ang bahala sa kanya dahil kailangan ko na rin bumalik sa pagpapatrol.” Ngumiti sa kanya ang pulis. “Mag-ingat na kayo, Ma’am. Merry Christmas po.” “Salamat,” nausal na lang niya at sunud-sunuran kay Robinson nang dalhin siya nito sa condo. Ito na ang humila sa luggage bag niya at wala silang kibuan habang nakasakay ng elevator. Nakita niya sa gilid ng mata ang manaka-naka nitong pagtingin sa kanya pero di naman ito kumibo. Nang makapasok sa condo ay inalalayan siya nitong umupo sa sofa. “May gusto ka ba?” “I just want my things back,” usal niya habang nakatulala sa TV. “Dadalhin ko muna ang gamit sa kuwarto mo.” Bigla niyang hinawakan ang kamay nito. “Huwag mo akong iwan dito. A-Ayokong mag-isa,” nangingilid ang luha niyang sabi. “Di naman ako lalayo. Dito lang ako.” “Okay,” usal niya at niyakap ang sarili niya. She didn’t mean to be clingy. Pero natatakot talaga siya. She was always in control. Bago siya pumunta Amerika ay ihinanda na siya ng magulang niya sa buhay na dadanasin niya doon. In-orient siya mula sa kung paano maging independent, how to deal with bullies at nang lumipat siya sa New York ay naka-mind set na siya kung paano poprotektahan ang sarili sa masasamang elemento. Pero ngayong nangyari ang di niya inaasahan, bigla siyang nakadama ng takot. Ayaw niyang maging clingy. Ayaw niyang maging duwag. Kakayanin dapat niya itong mag-isa. But she felt cold and lonely without Robinson. Nang yakapin niya ito kanina ay nakadama siya ng kapayapaan. A refuge from the storm. At sa isip niya ay binibilang niya ang mga sandali hangggang bumalik ulit ito. Maya maya pa ay inilapag nito sa harap niya ang tasa ng mainit na tsaa. “Chamomile tea iyan. Inumin mo na para bumuti ang pakiramdam mo.” “Salamat,” usal niya at dinampot ang mainit na tasa. Huminga siya ng malalim para samyuin ang mabangong amoy ng tsaa. Marahan niyang sinipsip iyon. Kahit paano ay kumalma siya. Nangangalahati na ang tsaa nang balikan siya ng binata. May dala itong palanggana. “Kailangan nating linisin ang mga sugat mo.” “Ha?” usal niya at nilingon ang braso at niyuko ang binti. Saka lang niya naalala na may sugat pala siya dahil sa pagkakakaladkad ng motor sa kanya. “Ako na ang bahalang gumamot sa sarili ko.” Pumalatak ito. “Pwede bang huwag kang makipagtalo sa akin kahit ngayon lang?” anito at inilahad ang palad. “Hayaan mo na akong gamutin ka. Sa susunod kapag ayaw mo, hindi na kita pipilitin. Please.” Kusa na niyang inaloko dito ang braso niya. Noong una lang siya nailang pero kalaunan ay kumalma na siya ng magaan nitong hugasan ang sugat niya. Hindi niya maintindihan kung paano pa siya nito nagagawang alagaan at alalahanin samantalang masama ang ipinakita niya dito kanina. “Anong nawala sa iyo?” tanong nito sa kaswal na boses. “My laptop, phone, travel documents and my credit cards and ATM. I... I have nothing.” Bumuga siya ng hangin. “It happened so fast. Naglalakad lang ako noong una tapos may motorcycle na basta na lang dumaan sa tabi ko at hinablot ang bag ko.” Sinapo niya ang noo. “I had always been careful. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong lapse.” Umuklo ito sa harap niya at pinisil ang tuhod niya. “Huwag mong masyadong pahirapan ang sarili mo. Kailangan mag-focus ka sa dapat mong gawin. Natawagan mo na ang credit card company at ang bangko mo?” “Uhmmm... Hindi ako naka-contact kanina. Ang hirap kasing makapasok. Saka maraming nakapilang gagamit ng phone,” aniya at bumuga ng hangin. Di na lang niya sinabi na naliligaligan siya sa presinto. Di siya makapag-isip mabuti. “M-Matatagawan mo ba si Dad or ang boyfriend niya? Please. This is really important. S-Siguro naman babalik na sila dito. I need my dad.” Nangilid ang luha niya at niyakap ang sarili. She never felt so helpless. Mula nang pumunta siya ng Amerika ay naging independent na siya. Hangga’t maari ay di na siya humihingi pa ng tulong sa mga magulang lalo na nang maghiwalay na ang mga ito. Kung may iba lang siyang matatakbuhan, di siya magmamakaawa nang ganito. Nag-dial si Robinson ng numero pero makalipas ang ilang minuto ay umiling. “Hindi ko pa rin ma-contact si Rex. Naka-off ang cellphone niya.” Isinubsob niya ang mukha sa palad. “Baka sinasadya niya iyan para hindi ko sila magulo ni Dad.” Napahikbi siya. Ni hindi niya mako-contact ang private detective para hanapin ang ama. Ni wala nga siyang pera kahit pambili ng candy man lang. Umupo ito sa tabi niya at kinabig ang ulo niya para humilig sa balikat nito. “Huwag ka nang umiyak. Magse-send ako ng message sa kanila tungkol sa nangyari sa iyo. Sigurado ako na babalik din sila agad.” “Paano kundi na sila bumalik? I have nothing, Robinson. Di ko rin ma-contact ang kaibigan ko na si Cara. Siya na lang ang pag-asa ko. Kung aasikasuhin ko ang credit card at ang bank account ko, di ko rin “Ako na ang bahala. May pera pa naman ako dito.” “Salamat. Babayaran kita kapag may pera na ako,” pangako niya. Alam naman niyang di kalakihan ang sweldo ng pintor. Sa kabila niyon ay di ito nag-alangan na tulungan siya. Nabubura na tuloy ang di niya magandang impresyon dito. “Huwag mong intindihin iyon. Nasa kuwarto mo na ang maleta. Magpahinga ka lang or manood ka ng TV. Bibili lang ako ng prepaid load para makapag-internet ka at makatawag na rin sa kaibigan mo.” Nang iwan siya ni Robinson sa pagkakataong ito ay di na siya natatakot. Alam niyang ligtas siya basta nariyan ang binata para bantayan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD