Chapter 15

1204 Words
NAKUKULITAN man ay hindi magawang iwasan ni Amere si Rona. She was very persistent in everything she liked at hindi niya alam kung matutuwa pa siya sa inaasal nito. Ang totoo ay ni hindi naman niya kaibigan si Rona sa trabaho. They’re not even nodding acquaintances. Laking gulat na lang niya nang pasukin siya nito sa opisina matapos silang kausapin ni Perry at sabihin kung sino ang mga bubuo sa Team Eagle. Noon ito nagsimulang magpakita ng interes sa kaniya. Babe ang tawag nito sa kaniya at panay din ang haplos nito sa kaniyang braso at dibdib. Natural, bilang lalaki ay nadadala siya sa mga ginagawa ng dalaga. May mga tanong man sa isip niya ay hindi niya maisatinig dahil nagsisimula pa lang siya ay pinipigilan na siya ng nito. Gusto raw siya nito at single naman daw ito sa kasalukuyan kaya wala siyang dapat alalahanin. Dahil wala rin naman siyang steady girlfriend ay hindi na niya alintana ang mga ginagawa ni Rona. Katwiran niya sa sarili ay lalaki siya. Walang mawawala kung pagbibigyan niya ang mga pinaggagagawa nito. Ang hindi lang niya gusto ay ang mga pagkakataong napapasabit siya sa away nito at ni Opah. Bilang lalaki ay wala siyang panahong makisali sa mga g**o ng dalawa pero sa tuwina ay hindi niya maiwasan ang ma-involve. Tila may nakatago namang poot si Opah kung makaangil sa kaniya. Daig pa nito ang traktora kapag nagsimulang mainis. Namimisikal din ito at talaga namang kay bigat ng kamay kapag tumama sa balat niya. Kung tutuusin ay maganda si Opah. Totoo ang sinabi ni Jerry na ba-boom din ito. Iyon nga lang, hindi niya ito nakikitaan ng kahit kapirasong finesse bilang babae. Tila lagi itong nakadabog at napakadaskol kung kumilos--na tila isang lalaki. Machong babae nga ang tawag niya rito. Mabuti pa nga si Rona na kung umakto ay tila babaeng-babae. Parati ring skirt ang suot nito hindi gaya ni Opah na tila walang ibang damit kung hindi ang mga jeans nito. Napatingin siya sa katabing si Rona nang kumilos ang mga kamay nito at dumapo sa kaniyang dibdib. Awtomatikong napaatras ang kaniyang ulo nang dumukwang ito upang hagkan siya pero naging mapilit si Rona. Naramdaman na lang niyang nakasapo na sa kaniyang batok ang isang kamay nito habang ang isa naman ay nakahawak sa kaniyang pisngi. May pag-aalinlangan man dahil nasa publikong lugar sila ay wala siyang nagawa kung hindi ang pagbigyan ang dalaga. Niyuko niya ito at tinanggap ang mga halik na ibinibigay nito. She was sweet like what he used to think of her. But there was something missing that he couldn’t tell what. Binalewala na lang niya ang bagay na iyon at muling niyuko ang dalaga. “SEE? Parang nananadya na talaga ang dalawang iyon eh!” naiinis na wika ni Opah habang nakasalampak sa roof top ng hotel. “Baka naman parating na ang mga iyon, Opah. Huwag masyadong mainit ang ulo mo. Ikaw din, papangit ka niyan,” sagot naman ni Jerry na nag-beautiful eyes pa sa dalaga. “Sino naman ang hindi iinit ang ulo kapag ganito ka-unprofessional ang makakasama mo sa trabaho? Kahit tayo naman ay gusto ring maglibot at mamasyal pero hindi iyon ang ipinunta natin dito sa Iligan. May trabaho tayo pare-pareho na dapat nating tuparin.” “Tama si Opah. Nakakairita na nga ang ginagawa nila. ‘Yung pagkaka-late nila kaninang umaga ay puwedeng pagpasensiyahan pero kung parating ganito, parang nakakainis na nga.” sang-ayon naman ni Becka. “Guys, kung maiinis tayo ay walang mangyayari sa atin. Alalahanin nating ang performance ng isa ay performance ng lahat dito.” sagot naman ni Gildo. “’Yun na nga ang nakakainis eh. Kung papalpak tayo dahil sa kapabayaan nila ay wala tayong mabubuo. Uuwi tayong lahat nang talunan at ‘yan ay dahil sa kagagawan nilang dalawa!” Hustong pagkasabi niya ng huling salitang iyon ay ang pagtikhim nina Amere at Rona na lingid sa mga ito ay kanina pa nakatayo sa entrata ng roof top. Huli na para bawiin ni Opah ang mga salitang binitiwan dahil dinig na dinig iyon ng dalawa. “Thanks for wasting your time talking about us, Opah. Masyado mong inaabala ang sarili mo,” panimula ni Rona nang makalapit sa grupo. Mabilis na tumayo mula sa pagkakasalampak sa malamig na baldosa ng sahig si Opah at taas ang noong tumingin sa kanilang dalawa. “Uy, nariyan na pala kayo! Kumusta naman ang gabi niyo? I’m sure, you’re enjoying the place, aren’t you?” sabi ni Opah na halata namang sarcastic. Naka-plaster pa sa mga labi nito ang isang plastic na ngiti. “Of course! Kahit hindi naman maganda ang lugar, basta kasama ko si Amere ay mag-e-enjoy ako. Eh ikaw, bakit ganyan ang hitsura mo? Daig mo pa ang pinagsakluban ng tatlong planeta sa pagkakasimangot diyan,” patutsada naman ni Rona. Kitang-kita niya kung paanong umarko ang mga kilay ni Opah at halos malamukos ang mukha nito sa matinding inis. “Alas nueve ang usapan, hindi ba? ‘Yang kasama mo pa nga ang nag-text ng oras eh! Ngayon, tingnan niyo nga ang mga relo ninyo kung alas nueve lang! Tingnan niyo nga!” wika ni Opah na mabilis pang tinapik ang mga relong pambisig ng mga kasama. That was when he decided to butt in. “I’m sorry kung na-late na naman kami. It was just that…” “Hindi na kailangan ang paliwanag mo! Late na kayo kahit pagbali-baligtarin mo pa ang pangyayari!” putol ni Opah sa sinasabi niya. Aminado naman siyang late nga sila. Kung bakit naman kasi parang nananadya itong si Rona na kung kailan malapit na ang call time ay saka pa sumakit ang tiyan nito. Tawag ng pagiging gentleman ay hindi naman niya ito maiwan upang maunang magpunta sa meeting place ng grupo. Tinangka niyang mag-message sa GC nila, pero walang signal at ayaw pumasok ng chat niya. Gayon man ay bahagya pa rin siyang nairita sa pag-cut ni Opah sa kaniyang paliwanag. “Sorry na nga eh. Ano ba ang gusto mong gawin ko? Lumuhod sa harapan mo?” tuloy ay inis na nasabi niya. He knew that his voice did not sound sincere, but he couldn’t help to snap at her. Pakiramdam niya ay nahawa na rin siya sa ugali nito na lagi na lang nakasikmat. Well, alam naman niya kung ano ang nasa isip ng dalaga. Hindi man niya pakinggan ang nilalaman ng isip nito ay basang-basa niya sa mga kilos nito ang matinding iritasyon sa kanila ni Rona. Palibhasa ay inisiip nitong may niluluto silang plano laban sa mga ito. Alam niyang inaakala ng dalaga na wala talaga sa balak na makipag-cooperate sa grupo dahil para rito, may motibo silang sarilinin ang Sinugban, at doon siya lalong naiirita. She was too judgmental and she felt like she knew everything. “Anong lumuhod ang sinasabi mo diyan?” galit na sikmat ni Opah, habang nakaliyad pa man din at nakatingala sa kaniya. “Kahit lumuhod ka pa sa munggo ay hindi na mawawala ang inis ko, Amerito! Kaya kung ako sa inyo, umpisahan na natin ang meeting para hindi naaaksaya ang oras nating lahat!” pinal na sabi ng dalaga na tila isang tigreng handang manila ng biktima anong mang oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD