Chapter 13

1012 Words
ALA-UNA nang sapitin ng grupo ang Iligan City. Mula Maynila ay sumakay sila ng eroplanong maghahatid sa kanila sa Cagayan de Oro at mula naman doon ay sumakay sila ng bus para makarating sa siyudad. May contact person na si Mr. White sa lugar kaya naman tinawagan na lang nila ang taong maghahatid sa kanila papunta sa hotel na kanilang tutuluyan. Doon na sila magpapalipas ng gabi dahil may kalayuan din mula roon ang liblib na lugar ng Sinugban. Bukod doon ay nagpasabi si Mang Paeng, ang taong kausap niya na nasira ang sasakyan nitong maghahatid sana sa kanila sa lugar. Hawak ang tatlong susi ay ini-announce niya na sina Opah at Rona ang magkakasama sa silid habang sina Jerry at Gildo naman sa katabing kuwarto. Sa katapat na pinto naman ang silid na ookupahin niya kasama si Becka. Inaabot pa lang niya ang susi kay Rona ay mabilis na itong tumanggi. Hindi nito kinuha ang susing hawak niya. “Amere…” malambing nitong sabi. Nakuha naman agad niya ang ibig nitong sabihin. “Sorry, Rons, pareho kayong babae ni Opah kaya dapat lang na kayo ang magkasama sa silid, hindi ba, Opah?” aniya at bumaling sa dalaga. Inis namang umirap sa kaniya ang huli. “Kahit na. Okay lang naman sa akin ang mag-isa sa kuwarto eh. O naman kaya, magpalit na lang kami ni Becka. Okay lang naman, hindi ba, Becka?” tanong nito sa kasamahan nilang member ng LGBT. “Sure. And why not? Hindi naman ako magpapakamatay para lang makasama sa silid ‘yang si Amerito eh, ‘di ba Opah?” maarte namang tugon ni Becka. Napasimangot si Rona. Marahil ay hindi nito inaasahan na magsasalita ng ganoon ang kaibigan ni Rona. Sa buong populasyon kasi ng Pink Federation ay natatangi ang pagiging tahimik nito. Tila iniisip muna nito ang bawat salitang sasabihin hindi tulad ng ibang mga kasamahan nila na kapwa nito member ng LGBT na prangka at transparent sa saloobin ng mga ito. “Of course, sister! Ako man ay ganoon din. Hindi naman si Amere lang ang nag-iisang lalaki sa balat ng mundo, hindi ba?” tugon naman ni Opah na halata sa tinig ang pang-iinis. Hindi niya naiwasang mapabuga ng hangin sa sinabi ni Opah. Kung bakit sadyang napakainit ng dugo nito sa kaniya. “Well then, great! Kung sakali mang ako na lang ang nag-iisang lalaki sa balat ng mundo, Miss Opah Rodriguez, magmakaawa ka man ay hindi kita pauunlakang makapiling ang isang tulad ko,”aniya rito na pundido na rin sa ingay ng dalaga. “Excuse me lang Bagyong Pedro ha, kahit ikaw pa ang pinakahuling lalaking matitira sa mundo ay hindi ako magmamakaawa sa’yo dahil…” Ilang sandaling nabitin sa ere ang sinasabi ng dalaga. Lahat sila ay naghihintay sa karugtong ng sinabi nito. “…dahil hindi kita type. Excuse me lang!” pagkuwa’y sabi ni Opah. “Well, well, well…sino naman ang nagsabing type kita, Opah? Ako? Si Amerito Alta, magkakagusto sa isang tulad mong macho?” Pinasadahan pa niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa para lalong inisin at kitang-kita naman niya ang resulta ng ginawang kalokohan. Kulang na lang ay marinig niya ang pagngangalit ng mga ngipin ng dalaga sa gigil sa kaniya. Siguro, kung magagawa lang siya nitong sapukin ay ginawa na nito. Nagulat siya nang walang ano-ano ay bigla na lang umigkas ang kamay ni Opah na diretso patungo sa kaniyang mukha. Dahil may natural instinct ay nagawa niya iyong salagin at lalo lang nalukot ang mukha nito na mukhang sadyang gusto siyang pasakitan para makaganti. “Hoy, Opah Gangnam Style, nawiwili ka nang kapapapanakit sa’kin, ha! Wala akong atraso sa’yo!” aniya rito habang hawak sa isang wrist ang dalaga. Nang umangat ang isa pa nitong kamay ay sinalo rin iyon. Sa huli ay pareho na niyang hawak ang mga kamay ng nagwawalang si Opah. “Walang atraso? Napakaangas mo para magsalita ng kung anu-ano laban sa akin tapos ay sasabihin mo ngayong wala kang atraso? Marami po, para sabihin ko sa’yo! Baon ka na kung atraso lang ang pag-uusapan!” “Ano ba ang sinabi ko? Para sinabi ko lang na macho ka, nagalit ka na? Hindi ba totoo namang macho ka?! That’s actually sa compliment! You’re welcome.” Pilit nitong binawi ang kamay na hawak nito at saka dinuro-duro ang mukha niya. “Ito ang tatandaan mo, Amerito, dahil paulit-ulit ko itong sasabihin sa iyo! Kahit ikaw na lang ang natatanging lalaki sa mundo, hindi kita kahit kailan pag-aaksayahan ng kahit isang tingin. Naiintindihan mo ba? Kahit isang tingin!” “Teka lang Amere, Opah…mag-aaway na lang ba talaga kayong dalawa dito? Baka naman kasi nakakahiya naman sa team ang inaasal ninyong ‘yan?” sabad ni Becka na nakaangat ang isang kilay. “Oo nga naman. Kung mag-away kayo ay daig niyo pa ang aso’t pusa ah. Baka puwede niyo namang isantabi muna ‘yan pansamantala para makabuo tayo ng isang mahusay na trabaho?” ayon naman ni Gildo habang nakakrus sa dibdib nito ang dalawa nitong braso. Si Jerry naman ay tila larawan ng pagkabagot habang nakamasid sa kanila. “Tama. I agree,” sabi rin nito. Nang sulyapan niya ang iba pa nilang kasamahan ay tila nasusuya na ring nakatingin ang mga ito sa kanila. “Pasensiya na kayo, guys. Alam niyo naman siguro kung bakit ganyang umasta si Opah, ‘di ba? Bukod tangi naman kasing si Amere lang ang hindi nagkaka-crush sa kaniya sa CEN eh. Hindi siguro niya matanggap na…” sabad ni Rona na halata namang hindi sincere. Ngumisi pa ito matapos sabihin ang linyang iyon. “Shut up, Rona! You’re making up stories again!” tuloy ay angil ni Opah rito. Kung makakasakit lang ang tingin ay tiyak na nabiktima na ni Opah si Rona, sa talim ng tinging ipinupukol nito sa kaalitang kasahaman. To the rescue naman ang kaibigan nitong si Becka. Agad nitong niyapos ang dalaga at mabilis na inilayo na sa kanila. Pumasok na ang dalawa sa silid ng mga ito at pabalabag na isinarado ang pinto niyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD