“OPAH! Kanina ka pa ba diyan?” kabadong tanong ni Jerry. Siya man ay bahagyang nawala sa kompiyansa pero agad niyang inilayo ang tingin mula sa dalaga at umaktong balewala rito ang presensiya ng dalaga. Hindi nakaligtas sa kaniya ang umuusok na ilong ni Opah.
“Hindi pa naman. Just enough to hear everything that I needed to hear,” tugon ni Opah.
“May kailangan ka?” tanong ni Amere na hindi man lang tinapunan ng sulyap ang dalaga. Nagulat siya nang marinig ang mga yabag nito palapit. Napilitan siyang lumingon at saktong ginawa niya iyon ay naroon na ito at nakatayo sa tabi niya. He knew it was not necessary but he automatically swallowed an imaginary lump.
“Tawag ka sa office ni Boss Perry,” anitong titig na titig sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit ilang sandaling hindi niya ito magawang tingnan. Maybe because she was too close, or was it because he knew he was guilty of something. “Did you hear what I say?” maawtoridad nitong tanong.
Noon bahagyang nahimasmasan si Amere. Tumayo siya habang pinanatili ang maliit na distansiya ng mga mukha nila ni Opah. Napansin niyang ito naman ang natigilan, agad na iniatras ang ulo sa anggulong sakto ang layo mula sa kaniya. Siya naman ay lalong dumukwang dahil alam niyang nakasandal na halos sa edge ng cubicle niya ang likod ng dalaga.
“May choice ba akong hindi ka marinig, kung ga-hangin lang ang itinira mong pagitan natin?” balik-tanong niya na agad na naging sanhi ng pagba-blush ng mga pisngi nito.
“Ang kapal mo rin, ano,” bulong nito sa paraang pagigil.
“Easy,” aniya rito na aliw na aliw habang nakikita ang pagkakasimangot ng babae. “Hey, I’m not doing anything here,” dugtong pa niya sabay taas ng mga kamay na tila sumusuko.
“May araw ka rin sa akin, Amerito, tandaan mo iyan,” Opah muttered under her breath. Then, she headed for the door, and walked away. Nagkatinginan silang tatlo nang bumalabag ang pinto matapos isara nito.
“Hala ka, pare! Lagoooot!” ani Dave at sumesenyas pa ito sa kaniya sa pamamagitan ng hand gesture para i-stress na lagot daw siya kay Opah.
“Bakit? Inano ko ba siya?”
“Oo nga naman,” salo naman ni Jerry. “Inano nga ba siya ni Amere? Para sinabi lang naman niya na hindi niya type si Opah, ah. Ano naman ang masama doon?” Nagtawanan ang dalawa habang panay ang buska sa kaniya.
“Pabayaan niyo siya. Makakalimot din iyan,” natatawang sabi ni Amere habang napapailing. “O, paano, got to go. Baka ipasundo na naman ako ni Boss kay Opah Gangnam kapag hindi pa ako nagpunta roon,” biro niya habang inaayos ang mga gamit. Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya sa dalawa para pumunta sa office ni Mr. Perry White.
“SO, WHAT? Bakit ganyan ang mga hitsura niyo? Are you not supposed to be happy and celebrate the project?” takang tanong ni Perry matapos i-announce sa lahat ang buong detalye at plano ng Sinugba Project. Inaasahan marahil nito na matutuwa sila dahil mas marami, kung tutuusin daw, ay mas masaya. But it was not the case, especially for Opah, Amere knew.
Nakapaikot silang walang empleyado sa isang mahabang mesa. Sa kaliwang panig ay naroon sina Rona at ang isa nitong writer na si Gildo, habang sa kanan naman ay sina Chiqui at Opah. Sa tabi naman niya ay nakaupo ang isa pang camera man at dalawang researchers. Si Boss Perry naman ay nasa tapat ng kabisera ng mesa, kung saan naroon ang isang malaking white board kung saan ito nagdi-discuss ng detalye ng Sinugban. Sa likod ng presentation room ay nakahanay ang dalawang student trainees at dalawang baguhang researcher ng CEN.
“Thank you, Sir,” salo ni Amere sa sinasabi ng big boss, pagkuwa’y bumaling kay Rona na nakade-kuwatro pa sa pagkakaupo sa swivel chair na nasa tapat niya. “Congrats, Ms. Umali,” aniyang nakangiti rito. Hindi naman siya nabigo dahil sinuklian iyon ng dalaga nang isang ubod-tamis na pagkakangiti. Nang mapasulyap siya sa gawi ni Opah ay huling-huli niya sa akto ang matalim na irap nito kay Rona.
‘What was that for?’ takang tanong sa sarili ni Amere. Ah, maybe these girls don’t really like each other, at iyon ang paraan ng mga ito upang magparamdam ng inis sa isa’t-isa.
“Opah, do you want to share something?” baling ni Perry kay Opah na halatang ikinabigla nito. Tila ito batang na-corner sa pagtawag na iyon ng big boss. Saglit itong nag-atubili kung magsasalita o hindi habang ang tingin ay papalit-palit sa kanilang lahat na naroon.
“Congrats, R-Rona,” sagot naman nito na mukhang napipilitan lang. Tila halos hindi maglagos sa lalamunan nito ang sinabi, gayong dalawang salita lamang ang mga iyon.
“Oh, thank you, Opah, my dear,” sagot naman ni Rona at ngumiti rito.
“Maybe you’re wondering why,” pagpapatuloy naman ni Perry sa sinasabi nito. “Alam kong hindi lingid sa inyo ang rating ng unang segment natin ng Sinugban. Maraming tao ang naghihintay ng update tungkol dito. So bakit sa tingin niyo ay pareho kong inatasan ang dalawang grupo para magpunta sa Iligan?”
“I can sense competition, Sir,” confident na sagot ni Rona na naka-straight body pa rin sa pagkakaupo, bagaman ang mga kamay nito ay panay ang senyas upang bigyan ng diin ang sinasabi, at ang nakade-kuwatrong mga paa ay panay ang sway sa hangin.
“Competition is such a big word, lady. But I’m sure that the network will benefit from it,” pabiro nitong sagot sa big boss. “Please maintain a professional competition. Do not involve your personal feelings, and always be objective. I’m looking forward to a successful report at the end of your project.”
“Yes, Sir,” halos magkakasabay na tugon ng lahat.
“Team Alpha, Team Delta, malinaw ang goal ng competition na ito. Play dirty if you like, but like what I said, maintain your professional treatment to each other. Gawin lahat ng kailangan para matuklasan ang lihim ng Sinugban pero huwag na huwag kayong mamemersonal at mantatapak ng karapatan ng bawat isa. Maliwanag ba?”
“Yes, Sir!” muli ay ang iisang sagot ng grupo.
“Good. Alta, you will be the Team Leader, since you are from the News Team and I think, you can act as their mediator, if needed,”
“I respectfully disagree, Sir,” sagot ni Opah sabay taas ng kamay. Bumaling si Perry dito na tila nagulat pero mabilis ring ngumiti nang tumutok na ang tingin dito ni Opah.
“And why is that, sweetheart?”
Tila nabigla naman ang lahat sa endearment ng naturang boss. Hindi rin agad nakasagot si Opah, kung hindi pa tumikhim si Perry at sinundan ng paliwanag ang huling sinabi.
“I mean, Opah. Apologies kung nadadala ko madalas sa trabaho ang western culture na kinalakhan ko. I hope you don’t mind. Please continue, Miss Rodriguez.” Inilahad nito ang kamay kay Opah.
“I don’t think Mr. Amerito Alta will be objective when it comes to me and Rona, Sir.”
Umugong ang kanya-kanyang opinyon ng mga naroon. Kinailangan pang patahimikin ni Mr. White ang grupo upang malinawan ang sinasabi ni Opah. Gayon man ay sinalo ito ng kaibigang si Chiqui.
“I agree to Opah, Sir. Alam naman nating lahat dito na may namamagitan kay Amere at Rona. Paanong magiging fair, iyon, Sir? ‘Di ba? ‘Di ba?” anito at saka luminga sa mga kasama upang humingi ng pagsang-ayon sa mga ito.
Napangiti nang malapad si Rona samantalang si Amere ay napakunot ang noo. Hindi niya magawang magsalita nang mga sandaling iyon. What would he say? Alangan namang i-deny niya ang allegation, gayong siya itong lalaki.
“Is that true, Ms. Umali? Mr. Alta?” said Mr. White, and then looked at the two.
Tumingin siya kay Rona upang sana ay ito na ang magpaliwanag pero nagulat siya sa naging tugon nito.
“Yes, Sir,” tugon ni Rona na naging sanhi upang muling mag-ingay ang grupo. “Chiqui is right; may namamagitan na nga sa amin ni Amere, but we’re still on a dating stage. Hindi pa ito tulad ng iniisip ng mga Marites sa tabi-tabi diyan kaya walang kailangang ipag-alala,” anitong sumulyap pa sa kinauupuan ng Team Alpha. “Besides, Mr. Amerito Alta is highly professional and if in case there’s something serious that’s really going on between the two of us, rest assured that his work won’t be affected. Siguro naman ay kilala niyo na ang personalidad ni Mr. Alta when it comes to work, Sir.”
Humugot muna ng buntong-hininga si Mr. White at saka inihilamos sa mukha nito ang kamay. “I agree, but let’s have a truce. Kayong lahat diyan sa likod,” anito sabay turo sa mga taong nasa likuran ng grupo, “kayo ang magsisilbing panel of judges sakaling hindi tama para sa inyo ang magiging desisyon ni Amere. Kayo ang gagawa ng paraan para makapag-establish ng isang matibay na desisyon para sa ikabubuti ng lahat ng grupo, sa kabuuan. Am I clear about that? Everyone?”
“Yes, Sir!” halos sabay-sabay namang sagot ng lahat ng attendees ng meeting. Ilang detalye pa tungkol sa proyekto ang ibinigay ni Mr. White, bago nito tuluyang tinapos ang meeting. Isa-isang naglabasan ng opisina nito ang mga attendees, ngunit sinadyang magpaiwan ni Amere upang personal itong makausap.
“Yes, Alta? You need anything?” tanong ni Mr. White nang mapansin ang presensiya nito.
“About that allegation, Sir,” panimula niya, na agad naman nitong sinalo.
“That’s too personal to discuss, Amere, but don’t worry because you can keep it to yourself. I’d rather not talk about it.”
“But I need to explain, Sir. Alam ko ang policy ng kompanya at--”
“The hell with those!” anitong napapangiti. “Halos lahat ng mga bumubuo sa body nang gawin ang policy ng CEN ay mga patay na. Maybe, we need an over all update. Is that what you worry about?”
“I mean, hindi naman kailangang--”
“Huwag kang mag-alala, dahil kahit naman ako, hindi ko planong sundin ang polisiyang iyan. I like Opah a lot and I plan to court her after this project. Huwag lang si Opah ang didigahan mo, wala tayong magiging problema.”
“No way, Sir. Of course not,” sagot ni Amere na ang attention ay napunta nang bigla kay Opah. Nalimot na niyang itama sa paningin nito ang ‘issue’ na isinawalat ni Chiqui kanina sa meeting na sinuportahan mismo ni Rona.
“We’re good, then.” Tinapik ni Mr. White ang likod niya at saka siya iginiya palabas ng pinto ng opisina. “You better get going and start planning for the project. Malaki ang tiwala ko na magagawa mo ito, Amere, like how my father used to trust you before. Good luck.”
Sa pagkakabanggit ni Mr. White sa ama nito ay biglang nagbago ang hangin kay Amere. Bigla niyang naalala ang mga panahong buhay pa ang ama nito. Malaki ang respeto at utang na loob niya sa namayapang si Mr. Richard White, ang taong nagtiwala sa kaniya sa panahong wala pa siyang napapatunayan sa sarili. Utang niya rito ang lahat-lahat ng bagay na mayroon siya ngayon at tatanawin niya iyon habambuhay.
“Thank you, Sir. Makakaasa kayo,” maikling sagot niya sa kawalan ng sasabihin. Humakbang na siya palabas habang ang isip ay hindi naiwasang maglakbay sa nakaraan.