Chapter 8

1321 Words
NAKATUTOK ang mga mata ni Amere sa kaniyang laptop bag na kasalukuyang hawak ni Opah. Nakangisi ito habang ang katabing si Chiqui ay nakasimangot. “Spying, huh?” sarkastikong sabi ni Opah. Napabuga ng hangin si Amere habang ang isang sulok ng mga labi ay bahagya pang nakaangat na tila nang-iinis. “Me? Spying on you? Excuse me, Miss Rodriguez. Masyado na yatang malawak ang imahinasyon mo.” “Really? So, ano ang ginagawa ng laptop bag na ito sa likod ko, aber?” “Hindi mo ba nakitang nahulog nga? Dumulas sa pagkakasukbit sa balikat ko, kaya dumausdos pababa.” Sa halip na sumagot agad ay sinambit ni Opah ang Cyber Eagles News. Dalawang ulit nitong ginawa iyon at pumainlanlang ang echo sa kabuuan ng spiral na hagdan. “See that? So how come na bumaba ka mula sa CEN, dalawang palapag mula rito, at hindi namin narinig ni isang yabag ng paa mo?” “So you’re telling me na bumaba ako dito, instead of taking the elevator, para magmanman sa inyong dalawa, ganoon ba? At ano naman ang mapapala ko sa kuwentuhan ng dalawang babae? Tsismis?” Bumaba siya para mas makalapit sa dalawa. Nakita niyang napasunod naman ng tingin ang mga ito habang bumababa siya ng hagdan, slowly approaching them. “Wala ka ngang mapapala sa kuwentuhan ng dalawang ordinaryong babae, but not us, Mr. Alta. Dahil alam kong pakawala ka ni Rona. Malay ba namin kung sinadya mo kaming hanapin para alamin ang planning ng team namin! How pathetic!” “Give me my bag and I will leave you both in peace,” Amere said, while his cheeks were beginning to turn red. Hindi niya gustong makipagtalo sa isang babae, dahil pakiramdam niya ay nababawasan ang p*********i niya sa tuwing ginagawa iyon. But this woman really pisses him off! Kung hindi pa siya lalayo sa mga ito ay baka magningas ang kugon ng kaniyang pasensiya. Padarag niyang hinablot mula sa pagkakahawak ni Opah ang kaniyang laptop bag. “Bye, Tolits!” biglang sabi ni Opah habang ang pagkakangiti ay abot yata sa batok pero hindi naman nakarating sa mga mata nito. Nagtataka siyang napatingin dito sa pangalang itinawag nito sa kaniya. “Beh, ano ‘yung Tolits?” tanong ng katabi nitong si Chiqui. “Tol, ano’ng latest!” sagot naman ni Opah saka humagalpak ng tawa. Pumihit na siya para iwan ang mga ito pero hindi rin niya napigilan ang sariling magpatutsada. “Bye girls. Rest in peace,” aniya saka nakangiting tumalikod na. Napatigil sa pagtawa ang dalawang babae. “PARE, confirmed! Kasama nga ang Delta sa project,” wika ni Jerry, isa pang camera man ng News Team. “Paano mong nalaman? Ang akala ko ay Alpha lang?” tugon naman ni Amere, na ang tinutukoy ay ang grupo ni Opah. “Given na ‘yang kay Opah, at kursunada ni Boss Kelvin iyan. Tiyak na hindi niyan paiiwanan si Rodriguez,” sabad naman ni Dave, ang broadcaster na kasama nila sa Sinugban. Napatingin rito si Amere. “Kursunada ni Aleje ang amazonang iyon?” tanong ni Amere na tila hindi makapaniwala. “Ano pa nga ba? Pag dumaan si Opah, daig pa ni Boss Kelvin ang nagtatalop ng mangga ang mga mata eh.” “Lalayo ka pa, e si Boss Perry mismo, may gusto kay Opah.” Nahaplos ni Amere ang sariling batok. Hindi makapaniwala sa naring na impormasyon. Hindi yata at dalawa na sa mga big bosses ang may gusto sa Opah na iyon. Napailing siya sa sarili nang maalala ang engkuwento dito nang sinundang araw. “Pero mabalik tayo sa scoop ko, kasama ang Delta, Amere ha. Pagkakataon mo nang digahan si Rona.” Umiling siya at napangisi lang. Itinutok ang mga mata sa harap ng computer screen. “Bakit? Maganda naman si Rona ah. Saka alam nating lahat na may gusto iyon sa’yo. Kaunting awit lang, kakanta na iyon, pare!” Nagtawanan ang dalawa habang si Amere ay sige pa rin sa ginagawa nito. “Manahimik nga kayo,” sita nitong hindi lumilingon sa kanila. Trabaho ang ipupunta natin doon, hindi kung ano pa man, kaya hindi ko magagawang digahan ‘yang si Umali,” anito na ang tinutukoy ay si Rona. “Sigurado ka ba? E sino ang gusto mong digahan, si Opah? Opakan ka pa noon, makita mo.” Muling nagtawanan ang dalawa. Nahawa na rin siya sa pagtawa ng mga ito, pero sige pa rin sa ginagawa, at ni hindi nililingon ang dalawang kaibigan. “Wala akong gusto doon, kaya manahimik kayo!” “Maganda kaya si Opah saka ano… alam niyo na. Baboom!” nangingiting sabi ni Jerry. “Sira ulo! Namamalikmata ka lang siguro kaya ganoon ang tingin mo sa kaniya!” natatawang kontra ni Amere, habang panay ang tipa sa keyboard at ang mga mata ay nakatutok sa screen. Hindi makapaniwalang nagtinginan sa kaniya ang halos lahat ng kasamahan sa grupo. “You mean to say, walang dating si Opah sa’yo, Amere?” pangungulit ni Razy na nakataas ang magkabilang kilay. Tinugon niya iyon ng pagkikibit-balikat na tila ba walang pakialam sa reaksiyon ng mga ito. “Ganyan talaga siguro ‘pag tumuntong na sa liyebo tres. Nawawalan na ng gana sa babae.” kantiyaw ni Tim. “Wala talaga eh.” “Bakit?” halos sabay-sabay na tanong ng kaniyang mga kasama. “Eh wala eh. She’s okay but I don’t find her really gorgeous. Macho siya para sa akin dahil sa asta at klase marahil ng pananalita niya.” napapangiting sabi niya. “Ewan ko sa’yo, pare. May kulaba yata ‘yang mga mata mo eh. Ako nga, mangitian lang ng babaeng iyon ay nagpapainom na, tapos ay sasabihin mo ngayong hindi siya kagandahan para sa’yo?” “Well, kanya-kaniya naman tayo ng konsepto ng salitang maganda, hindi ba? I think I’m entitled for my own opinion. She’s fine but then, she’s not the type that I would take a second glance for.” Napa-wow ang kaniyang mga kasama. Gayon man ay hindi niya binawi ang sinabi. He’s just being true to himself. He really couldn’t understand why most men in Cyber Eagles Network find Opah exceptionally alluring. Oo nga at may hitsura naman itong talaga pero wala itong dating para sa kaniya. Mas babae pa ngang tingnan ang binabae nitong kasama sa grupo na si Becka kaysa dito. Masyado itong masungit sa paningin niya. Laging nakabusangot ang mukha at halos sumayad sa lupa ang nguso nito kapag naiinis. Minsan niyang nasaksihan ang alitan nito at ng writer ng Delta na si Rona at talaga namang nanliit siya sa batuhan ng salita ng dalawa. Kung tutuusin ay mas taklesa namang tingnan si Rona pero dahil pinatulan ito ni Opah ay ganoon na rin ang pagtingin niya rito. At wala siyang kainti-interes sa mga babaeng tila Amazona kung umasta. “Paano kung malaman mong kursunada ka pala ni Opah, hindi mo ba siya liligawan, pare?” nakatawang tanong ni Jerry. Umiling-iling siya saka ibinato dito ang candy wrapper na hawak niya. “Tumigil ka nga diyan! Hindi ko siya type so no worries, pare; she’s safe from my killing charm,” aniyang tila nakarinig nang hindi kapani-paniwalang balita. “Sigurado ka? No stir?” “Oo nga. Wala akong didigahan dahil hindi ako tumatalo ng kasma sa trabaho,” pinal na sabi ni Amere habang napapailing. “Sige, ganito na lang. Sabi mo ay wala kang planong dumiga sa isa man sa kanila, so tig-isa na lang kami ni Jerry. Hindi ba, pare?” ani Dave at saka nakipag-high five sa katabi. “Bahala kayo sa buhay niyo,” aniya sa mahinang boses pero kasabay niyon ay ang paglingon niya sa mga ito. Kasabay ng ginawang paglingon ni Amere ay ang pagkakapatda niya, nang makitang nasa pinto ng kanilang department si Opah at naniningkit ang mga mata habang nakatingin sa kanila. Magkakrus pa ang mga braso nito sa dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD