Chapter 7

1730 Words
“GOOD morning, Sir. I’m with Sir Kelvin,” bati ni Opah sa president at big boss ng CEN na si Perry White, pagbukas ng pinto ng opisina nito. “O yeah, come in,” tugon naman ng lalaki habang malapad ang pagkakangiti. Inilahad nito ang mga kamay upang isenyas na maupo ang dalawa. Naupo si Opah sa kanan at si Kelvin naman ay sa kaliwa ng mesa ni Perry. “Pinatawag kita para sana i-discuss ang assignment na gusto kong ibigay sa’yo, Opah.” Mabilis na napalingon ang dalaga sa big boss dahil sa narinig mula rito. Agad itong nakadama ng pag-asam. Inisip na iyon na marahil ang assisgnment na pinapangarap nito. Lihim na natuwa ang dalaga, upang sa gayon ay hindi na rin nito kailanganin ang tulong ng palikerong si Kelvin. “Assignment, Sir? You mean, sa akin ninyo ibibigay ang…” “Sandali lang Opah, don’t be too presumptuous. I’m talking about the Himalayan project.” Sinikap ni Opah na pigilan ang sariling mapasimangot. “Sorry, Sir. Akala ko lang po kasi ay…” “It’s okay. Don’t worry dahil wala pa naman akong pinagbibigyan ng Sinugban project. Kailangan ko pang pag-aralan ang proposal ni Amere bago ko ito pasimulan,” dugtong ni Perry. Amere? As in Amerito Alta? Biglang kinabahan si Opah. Iniisip kung paanong pakiusap ang gagawin sa dalawang boss, huwag lamang mapunta sa lalaking iyon ang project na kailangang makamit nito. “Sinugban ba ‘kamo, pare? Hindi ba at sa Iligan ‘yan?” sabad ni Kelvin habang ang mga tingin ay na kay Opah. Bahagyang nainis ang dalaga sa paraan ng pagkakatingin ni Kelvin pero sinikap ignorahin iyon ng dalaga. “Tama, doon nga,” sagot ni Perry, “pero hindi ko pa alam kung itutuloy ang proyektong iyan dahil balita ko ay delikado raw sa Iligan ngayon. Red alert daw ang militar sa lugar na iyon dahil sa threat ng mga rebelde.” Marahang napatango si Kelvin sabay haplos sa baba nito ngunit sa kaniya pa rin nakatutok ang mga mata ng lalaki. “Si Amere ang nag-propose ng Sinugban, Sir?” manghang tanong ni Opah. “Nasa documentary na ba siya ngayon?” Si Amere o Amerito Alta ay isang professional photographer at researcher ng News Team ng CEN. Marahil ay ito na ang pinakahuling lalaking nanaising makatrabaho Opah. Madalas ay hindi magkasundo ang mga ito dahil likas na suplado at maangas ang dating ni Amere para sa dalaga. Lingid sa dalaga, challenging naman ang dating nito para kay Amere. “Pagsasabayin natin ang coverage ng Sinugban kaya pupunta din doon ang News Team.” “I don’t understand, Sir.” Sasagot pa sana si Perry nang bumukas ang pinto at iluwa niyon ang nakangiting si Amerito. Pigil man ay hindi pa rin naiwasan ni Opah ang mapairap. “MAINAM naman at narito ka na, Amere. Please sit down,” ani Perry sa bagong dating na si Amerito, sabay turo ng upuan para sa lalaki. “Sorry, Sir. Traffic kasi.” Sumulyap muna ito sa nakasimangot na si Opah, at saka naupo. “May meeting pa yata kayo, Sir?” “Kasama ka. In fact, kanina ka pa nga namin hinihintay,” sagot ni Kelvin na tumingin nang pailalim sa kaniya. Noon pa man ay hindi na magaan ang loob ni Amere sa boss na ito. Parang may paninindak lagi kung makatingin sa kaniya. “Okay, let’s get started,” ani Perry at saka binuksan ang powerpoint presentation nito. “This presentation is submitted by Amere. It is called ‘Ang Hiwaga ng Sinugban.’ Siguro naman ay hindi lingid sa inyo kung ano ang hiwagang tinutukoy sa konseptong ito. “Yes, Sir. Ang pagkawala ng mga batang babae na may edad labintatlo pataas. Pinaniniwalaang may kulto sa naturang lugar at ang mga babaeng ito ay nagsisilbing tagapagparami ng kanilang grupo.” “Good, Opah. I’m impressed,” Perry said, with amusement, before he cleared his throat and continued. “I would like to send your group, Opah, to do the documentary report about that. I trust you and your whole team. Makakaasa ba ako?” Tuwang-tuwang mabilis na sumang-ayon si Opah. “Definitely, Sir. Gagawin ng grupo ko ang lahat para matuklasan kung legit o sabi-sabi lang ang tungkol sa Sinugban.” “Good!” ani Perry, at saka bumaling kay Amere. “Ikaw naman, Amere, ang magko-cover ng news sakaling may mapigang scoop ang Team Alpha.” “Wait, Sir! Kasama namin ang News Team sa Sinugban?” Marahang tumango si Perry, walang ideya sa ano mang alitang namamagitan sa dalawang empleyado. “Not unless you want to do the documentary and the actual news, at the same time,” napapangiting sabad ni Amere habang napapailing. Nang sulyapan ni Amere ang dalaga ay tama ang hinala niya, halos ay umusok ang ilong nito sa inis. Lalo pa niyang pinalapad ang pagkakangiti rito. PAUWI na si Amerito mula sa maghapong trabaho sa Cyber Eagles News. Puyat siya nang nagdaang gabi kaya bahagyang inaantok ang binata. Inayos muna niya ang mga gamit sa mesa at saka tumayo. Kinuha ang dala niyang laptop bag at lumabas na ng CEN. Tinungo ang elevator ngunit papasarado na iyon at hindi na niya inabutan, kaya naman naisipan niyang gumamit na lang ng hagdan. Tutal ay nasa third floor lang naman ng building ang CEN, madali niyang mararating ang parking area ng building. Nasa ikalawang ikot na siyang hagdan nang makarinig ng dalawang babaeng nag-uusap. Tumigil siya sa pagbaba nang mabosesan ang mga ito. “Akala ko ba ay nakalimutan mo na si Alex? Bakit gustong-gusto mo pa ring makuha ang Sinugban project na iyan?” tanong ng isang babaeng nasisiguro ni Amere na si Chiqui, isa sa mga kasamahan ni Opah sa Team Alpha. Nang magsalita ang isa pang babae ay nasigurado ni Amere na si Opah naman iyon. Lihim na napangiti ang lalaki. Sinikap nitong bumaba ng hagdan upang mas makalapit sa dalawang babaeng nag-uusap nang hindi mapapansin ng mga ito. “What are you talking about?” dinig niyang tanong ni Opah. “Ako nga ay huwag mo nang pinaglololoko, Miss Cleofa Rodriguez. Alam ko kung bakit ganyan na lang ang pag-asam mong makarating ng Sinugban, noh! Dahil kay Alex, hindi ba? Kung hindi ay bakit nagpapakamatay kang makuha ang project na iyan?” “Past is past, Chix. Never mention him again, okay. I’m over that guy.” “Really! Para namang hindi mo ako kasama noong magpunta ka sa fiesta ng Sinugban. Nakita kaya ng dalawang mata ko kung gaano na kalalim ang relasyon niyo ni Alex. Pati parents noong tao, botong-boto sa’yo.” “Siyempre, nakaharap sa atin kaya ganoon ang nakita nating pagtanggap nila. But it turned out that everything was just a show.” “Hindi natin masasabi iyon hangga’t hindi kayo nagkakaroon ng closure na dalawa. You need to find Alex because he has a lot of explaining to do, right?” “Left. Mali ka.” “No way!” “Tulad ng sinabi ko, wala na akong pakialam sa lalaking iyon. Gusto kong makuha ang Sinugban dahil maraming naghihintay sa progress ng kuwentong iyon. Bitin sila sa unang segment natin which aired two years ago.” “Weh! Seryoso? Mamatay?! Mali ba akong isipin na gusto mong makarating sa lugar na iyan para matuklasan ang tungkol sa hiwaga ng Sinugban? Para malaman na rin ang tunay na dahilan ng pag-atras ni Alex sa kasal niyo at ang dahilan ng biglang pagkawala niya?” “Alam mo, masyado kang Marites sa buhay ko. Parang mas ikaw ang may plano ng mga sinasabi mo kaysa sa akin e.” “I still don’t believe you.” “You don’t need to. Just accept it, okay. Isa pa, gusto ko lang ding makabawi sa babaeng iyon, after what she said to me.” “Who? Rona girl? I’m not sure pero may na-marites ako kanina na kasama daw sa project ang Delta.” “What? Are you serious?” “Unfortunately, yes. Malakas din kasi ‘yang si Rona kay Mam Jelai. Malamang ay ginamit niya ang karisma para makuha ang gusto.” Si Jelai Aleje ang tinutukoy ni Chiqui, ang kapatid ni Kelvin na isang lesbian, at hindi lingid na may gusto kay Rona. “Kung ganoon, competition nga pala ang gusto ng mga boss na iyan. Ibibigay natin ang trip nila. Kailangang seryosohin natin ang project, Chix. We need to seriously focus, okay. Planuhin natin ang tamang atake na kailangan para maunahan natin ang Delta.” “Okay, pero aminin mo muna na may side project tayong gagawin pagdating doon. ‘Yung tungkol sa xyz mo.” “My job is on the top of all my priorities, girl. And like what I repeatedly say, I’m done and seriously over him.” “All right, if you insist. Pero gusto ko lang na malaman mong sabihin mo man sa akin ang totoo o hindi, may sarili akong guts. Just don’t forget that I’m always here when you need me, okay?” “Like a Marites, yeah?” “Absolutely a Marites!” Nag-echo sa paligid ang malakas na tawanan ng magkaibigan. So, Chiqui might be right. That is a possible reason why Opah wanted to do the Sinugban Project. May ex-fiancè pala ito na tagaroon at may kailangan itong klaruhin sa personal nitong buhay. Natatandaan nga niyang dapat ay magpapakasal na nga raw si Opah. May invitation na noon para sa CEN at welcome daw namang magpunta ang sino mang may gusto, kaya nagulat ang lahat nang isang araw ay bigla na lang napabalitang nag-file ng leave si Opah at hindi na raw matutuloy ang kasal nito. Dahil utos ng management na bawal pag-usapan ang tungkol sa pangyayaring iyon, kusang namatay ang mga kuwentuhan, hanggang tuluyan nang nalimot ng lahat ang tungkol sa naunsyaming kasal ni Cleofa Rodriguez. Maingat na pumihit si Amere sa hagdan para pumanhik pabalik sa elevator, nang dumulas mula sa kaniyang balikat ang nakasukbit na laptop bag. Nahulog iyon at dire-diretsong gumulong pababa ng hagdan kung saan naroon ang dalawang nag-uusap. Dahil sa gulat at iritasyon ay hindi napigilan ni Amere ang mapabulalas ng sigaw. Mabilis siyang bumaba upang habulin ang bag pero huminto iyon sa likod ng isa sa dalawang babaeng nag-uusap. Naestatwa sa pagkakatayo si Amere at hindi agad nakalapit nang makita ang galit sa anyo ng nabiglang si Opah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD