FLASHBACK
Year 2014
ABURIDO si Amere habang nakatunghay sa malawak na karagatan. Hindi niya alam kung ano ang unang iisipin. Tiyak na magagalit na naman ang daddy niya at makakarinig na naman siya ng sermon oras mula sa stepmom niya oras na makita ng mga ito ang kaniyang mga report card para sa semester na iyon. Mukhang sa ikatlong pagkakataon ay mabibigo na naman siyang tapusin ang school year.
Ikatlong attempt na niya iyon para magkaroon ng degree course. Ang una niyang kursong kinuha ay Computer Engineering at okay naman sana ang unang taon niya ng pag-aaral. However, the course was too boring for him. Wala na halos maituro ang mga professor na hindi pa niya alam, kaya maangas ang dating niya sa buong klase. Lahat ng propesor ay intimidated sa kaniya, at pati mga kaklase niya ay nahahambugan sa performance niya sa ano mang subject. Naging sentro siya ng away at walang araw na hindi siya pinagti-trip-an ng kaniyang mga kaklase, kaya minabuti na lang niyang lumipat ng paaralan.
Unfortunately, the same thing happened in his new environment. Naging tampulan siya ng pag-uusap ng lahat. Dahil may kakaiba siyang kakayahan na marinig ang kahit malayong pag-uusap ng mga tao sa paligid ay alam na alam niya ang perception ng mga tao patungkol sa kaniya. Hindi niya natagalan ang pag-aaral at minabuting lumipat ng kurso, sa kapareho ring unibersidad. Naisip niyang kumuha ng Education. Dito, inaasahan niyang mababait ang mga estudyante, maging ang mga guro dahil sila ang nakatakdang humubog sa kinabukasan ng mga mag-aaral. But his expectations were never met. Ganoon rin ang sinapit niya sa kursong ito. Eventually, he dropped all his Education subjects and took Accountancy on the following school year.
Ang karanasan niya sa Accountancy ay bahagyang kakaiba sa dalawang nauna. Dito, hindi masyadong wild ang mga estudyante. Marahil ay dahil maedad na siya kung tutuusin sa mga kaklase niya. Sa halip na kakompetensiya ay naging kuya na ang turing sa kaniya ng lahat. Ang mga propesor naman niya ay pawang mga mahuhusay at sa halip na ma-intimidate ay natutuwa pa nga dahil nakakatulong siya sa pagtuturo ng major subjects sa mga kaklase niya. Kaya lamang ay hindi siya masaya. Pakiramdam niya ay hindi naman siya para sa kursong iyon. Hindi niya pangarap maging bank personnel. Ang gusto niya talaga ay maging isang scientist tulad ng amang si Luciano Alta, pero sa hindi niya malamang dahilan ay ayaw siya nitong maparis rito. Tama na raw ang isang scientist sa pamilya, dahil hindi birong sakripisyo ang kailangan para sa propesyong iyon.
Amere had long dreamed of becoming a scientist. He enjoyed studying plants, fish, and even human anatomy. Even the Solar System, and all other bodies in it were all interesting to him. He had long wanted to research and study the physical world and all its aspects. He wanted to be a witness of how things work and function. He even wanted to study everything about viruses in order to make antivirus that will help organisms to fight them. But his father didn’t permit him to be what he wanted to be.
Sa huli ay tinanggap na rin niya ang desisyon ng ama dahil hindi niya gustong magalit ito. Ang huling beses na nakita niyang nagalit si Luciano ay nang ipagtanggol siya ng inang si Claudia Alta noong palihim siyang nagpunta sa laboratoryo ng ama. Nagalit ito at kulang na lang ay isumpa siya nito sa katigasan ng ulo niya. At dahil lagi siyang ipinagtatanggol ng ina ay naging malimit ang pag-aaway ng mga ito, hanggang tuluyan na ngang maghiwalay noong unang taon pa lamang niya sa kolehiyo.
Sa kabila ng nangyari ay hindi naputol ang komunikasyon niya sa ina. May mga araw na nagkikita sila nito sa labas at may araw ring pinupuntahan niya ito sa mismong condo na tinitirhan nito. Si Luciano naman ay nag-asawa ng mas bata rito ng sampung taon at nang tuluyang ma-annul ang kasal nito kay Claudia, agad nitong pinakasalan si Merylle, ang step mom niya.
Sa umpisa lang magiliw sa kaniya si Merylle. Makalipas ang ilang buwang pakikisama nito sa kaniyang ama ay lumitaw ang tunay nitong ugali. Masungit at laging nakasigaw, sa kaunting pagkakamali lamang ng mga kasambahay. Sa kaniya man ay tila mainit ang dugo nito at naging katulong pa ito ng kaniyang ama sa pagbabantay sa kaniya na huwag pasukin ang laboratoryo nito.
Dahil doon ay tuluyan nang kinalimutan ni Amere ang tungkol sa pangarap niyang maging scientist. Tinanggap na niya sa sariling hindi na niya magagawa ang nais. Imposible na siyang makaimbento ng mahusay na bakuna na magpapagaling sa mga taong may sakit. Hindi na niya matutupad ang pangarap na makarating sa buwan o sa iba pang planetang malapit sa Earth. Malabo na siyang makapagbukas at makapag-aral ng human body systems. Ang lahat ng iyon ay dahil sa makitid na katwiran ni Luciano Alta.
Yumuko si Amere at dinampot ang isang kabibe na nasa buhangin malapit sa kaniyang kinauupuan. Ihahagis sana niya iyon patungo sa dagat nang bigla siyang may marinig na tunog mula roon. Napayuko siya upang suriin ang hawak na kabibe. Awtomatiko iyong nailagay sa kanan niyang tainga at pinakinggang mabuti ang tunog na nagbubuhat doon.
‘Isang oras mula ngayon ay lalaot na ang yate ni Richard. Siguraduhin mong hindi niya mapapansin ang bombang inilagay mo sa cabin, Eduardo.’
Napapikit si Amerito nang malinaw na marinig buhat sa kabibe ang boses na iyon ng isang babae. Agad na napalinga siya upang hanapin ang aktuwal na pinagmumulan niyon.
‘Huwag kayong mag-alala, Madam. Hindi makikita ni Mr. White ang bomba dahil nakakubli iyon sa ilalim ng kama. Mamaya lang ay nasa telebisyon na ang tungkol sa pagsabog ng katawan niya.’
Tila karayom sa gitna ng dayami na nagliwanang ang isang cottage na halos ay limampung metro ang layo sa kinarorooonan niya. Nang takpan niya ng isang palad ang kaliwang mata ay nakita niya nang malinaw ang dalawang taong nag-uusap. Pati ang anyo ng mga ito ay malinaw na rumehistro sa isip niya.
Bigla siyang napalinga sa kabilang direksiyon nang makita ang isang lalaking naglalakad sa dalampasigan. Nakasuot ito ng summer shorts at sandong puti. May eyeglasses na tumatakip sa mga mata nito at balanggot sa ulo na yari sa buli.
Mabilis na gumana ang instinct ni Amere at biglang napatayo. Ipinagpag niya ang shorts na kinapitan ng buhangin at saka isinuot ang mga tsinelas na nasa isang tabi rin. Nilapitan ang lalaki at kinausap.
“Mr. White?” aniya na agad nitong ikinalingon. Kumunot ang noo nito na tila kinikilala siya.
“Sino ka? Do I know you?” tanong nito. Halata sa slang nitong pananalita na may puro itong dugong Americano, bagaman marunong itong managalog.
Napalingon siya sa cottage na kinaroroonan ng dalawang taong nag-uusap kanina. Mula sa malayong distansiya ay nakita niyang nakatunghay ang mga ito sa kanilang dalawa. Agad siyang tumalikod upang hindi makilala, lalo pa at alam niyang may hawak na compact binoculars ang babaeng tinawag na Madam ng kausap nito.
“No, Sir, but I know that your life is in danger.”
“What? Are you kidding me, boy?”
“No, Sir.”
Tumalikod na ito upang marahil ay bumalik sa cottage kung saan naroon ang dalawang nagbabalak ng masama rito. Agad niya itong hinabol pero tila galit pa ito sa kaniya.
“Madam and Eduardo, Sir! Sila ang nakatakdang pumatay sa inyo mamayang gabi. May bombang inilagay sa cabin ng yate niyo!” pabigla niyang sabi.
Kung ano ang bilis ng pagtalikod ni Mr. White kay Amere ay siya rin namang bilis ng mga hakbang nito pabalik.
“What did you say?” anito sabay hablot sa collar ng suot niyang Hawaian polo. “Seryoso ka ba, bata ka?!” tila galit nitong tanong.
Napasulyap siya nang makitang lumabas sa cottage ang dalawa at ngayon ay naglalakad na papunta sa direksiyon nila.
“Sigurado ako, Sir. Narinig ko ang pag-uusap nila. Ipinapapatay kayo noong babae at ang lalaking tinawag nitong Eduarado ang nag-secure ng bomba sa cabin niyo. Maniwala kayo sa akin!”
Lumingon ito sa gawi ng cottage at nakita ring palapit ang dalawang taong tinutukoy niya. Dinig na dinig ni Amere ang lakas ng kalabog ng dibdib ni Mr. White. Alam niyang sa likod ng isip nito ay naniniwala ito sa kaniya, pero hindi nito tuluyang magawa. Ngayon ay alam na rin niya kung bakit. Umiibig ito kay Madam!
“Sir, please, maniwala kayo. Tumawag kayo ng security at ipa-search ang yate niyo. Ipakulong niyo ako kung nagkakamali ako,” pakiusap niya rito. Halos matumba siya nang marahas nitong bitiwan ang kaniyang damit.
Siya namang lapit ng dalawang taong pinag-uusapan nila.
“What’s happening here, honey? Are you all right?” agad na tanong ni Madam. Lalapit sana ang mga ito sa kaniya pero iniharang ni Mr. White ang sarili at hinimok na lang na umalis ang dalawa. Dinig na dinig niya ang pag-uusap ng mga ito habang papalayo.
“No. Just met a stupid boy,” dinig ni Amere na sabi ni Mr. White. Nakita pa niyang lumingon sa kaniya ang si Eduardo at nagmarkang mabuti sa isip niya ang anyo nito.
Paalis na siya ng resort ng gabing iyon nang humarang si Mr. White sa nilalakaran niya. May kasama itong dalawang unipormadong sundalo.
“Hijo, maraming salamat!” bungad nito habang umiiyak. “You saved my life! I’d be dead by now if you did not save me.” Yumakap ito sa kaniya at humagulgol ng iyak.
Iyon ang naging simula ng ugnayan nila ni Mr. Richard White. Nang gabi ring iyon ay isinama siya nito sa sarili nitong bahay. Isa pala itong mayamang negosyante na nagmamay-ari ng maraming establisimyento sa bansa. Major stockholder rin ito ng Cyber Eagles News na sikat sa telebisyon at pahayagan pagdating sa pagbabalita.
Pinakain siya nito at inalok na doon matulog nang gabing iyon. Wala siyang problema sa ama dahil alam nitong nasa three-day-vacation siya sa beach resort na iyon, kaya umoo naman siya sa matanda.
Ikinuwento ni Mr. White sa kaniya ang mga pangyayari, kung paano itong tumawag ng security tulad ng payo niya, at tama diumano ang lahat ng sinabi niya. Nakuha nga ng mga pulis mula sa ilalim ng kama sa cabin nito ang isang bomba. Dahil doon ay nakulong ang dalawang taong nagtangka sa buhay nito. Noon niya nalaman, buhat dito, na ang tinatawag palang Madam ay mismong asawa nito at ang lalaking si Eduardo naman ay tauhan ni Mr. White na kinasabwat ni Madam.
“Maraming salamat sa iyo, Amere. Utang ko sa iyo ang buhay ko. Sinadya kong palitawin na hindi ako naniniwala sa iyo, dahil alam kong palapit sina Estela at Eduardo, pero ang totoo ay matagal na akong nag-iimbestiga sa kanila. Lingid sa kanilang kaalaman ay matagal ko nang naitimbre sa mga pulis ang tungkol sa mga attempted murder sa akin na sila ring dalawa ang may gawa.”
Wala siyang masabi sa mga sandaling iyon. Awang-awa siya sa matanda, dahil nararamdaman niya ang lungkot na nilalaman ng puso nito.
“I just wonder how it happened. Do you have any superhero power or anything?” mayamaya ay tanong nito sa kaniya habang nakangiti.
Gusto sanang magkaila ni Amere kay Mr. White. Puwede naman niyang sabihin rito na narinig lang niya talaga ang pag-uusap ng dalawa, ngunit minabuti niyang maging totoo rito. Inilahad niya ang dahilan kung bakit naroon siya sa beach resort kung saan nangyari ang pagtatangka sa buhay nito.
Ang inaasahan ni Amere ay pagtatawanan siya ni Mr. White. Hindi niya akalaing sa kabila ng Amerikanong kultura nito ay tatanggapin nito ang mga sinabi niya nang walang tanong-tanong. Tila namamangha pa nga ito nang matapos siyang magkuwento.
Iyon ang simula ng isang magandang samahan sa pagitan nila ni Mr. White. Mula noon ay para na itong tumayong ama sa kaniya. Madalas siya nitong tawagan at anyayahang kumain sa labas para lamang kumustahin. Nagkukuwento ito sa kaniya maging ng mga personal na bagay tungkol sa buhay nito, kaya naman lalo siyang napalapit dito.
Lahat ng nararanasan niyang kakaiba ay dito niya malimit sabihin. Mas naging ama pa ito sa kaniya kung tutuusin, dahil iginagalang nito ang mga pangarap at gusto niya sa buhay, hindi tulad ng kaniyang ama na si Lucio.
Sa puntong iyon ay nagbalik sa kasalukuyan ang diwa ni Amere. Malungkot itong napatingin sa malayo nang maalala ang isang taong malaki ang naging parte sa buhay niya. Marahil, kung nabubuhay pa ito ay proud ito sa kaniya ngayon, at matutuwa ito sa lahat ng accomplishment niya.