“SA TINGIN ko ay nag-asawa na nga si Claire, Amere. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi siya nagko-communicate sa akin, as if she was thinking I would stop her. Nasa edad naman na siya para sa pag-aasawa,” bungad agad ng mama niya, hindi pa man nagagawang mag-order ng pagkain, so he did it for her.
Actually, she was right. He’s already twenty-four, while Claire was two years older. Para sa isang babae ay late na nga ito kung tutuusin.
Nang makatalikod ang waiter ay agad niyang binalingan ang ina. “Paano niyo naman na-confirm na nag-asawa na nga si Claire?”
Hindi niya nakasanayang tawaging ate ang kapatid dahil ayaw rin naman nito. Sadya itong masungit at kibuin dili siya nito, noon pa mang magkakasama sila sa iisang bahay sa dati nilang tinitirhan.
“Kasalanan ko rin naman, anak. Kahapon ko lang nabuksan ang mga message niya sa akin. Nasawa na kasi akong makinig sa mga kuwento tungkol sa mga past boyfriend niya and I’ve been really, really busy lately so hindi ko siya napagtuunan ng pansin.”
“And?”
“And I’ve read a few messages about this new boyfriend of hers. And she said she was confident that she had found the right guy already.”
“That’s it? Wala bang nabanggit na province?”
“Meron, at iyan nga ang gusto kong sabihin sa iyo. Please help me find her.”
“Where is she, Ma? Tagasaan ang boyfriend niya?”
“Sinugban ang pangalan ng lugar. Sa Iligan City raw ito. Sa Cebu iyon sa pagkakaalam ko, hindi ba?”
Tumango siya upang kompirmahin ang tanong ng ina. ‘Sinugban...Sinugban...’ Tila tinangay si Amere sa kung saan nang marinig ang lugar na sinambit ng ina.
Katutubo...nagliliyab na mga kahoy na panggatong sa gitna ng isang maliit na tila komunidad...mga bahay na yari sa pawid...isang punong mayabong ang mga dahon at ang paanan ay napapalibutan ng mga tuyong dayami...
“Amere?” untag ng mama niya na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan.
“Y-yes, Ma?”
“Are you all right? Bakit bigla ka yatang pinagpawisan? May sakit ka ba?”
“I don’t know,” matapat niyang sagot dito. “Naguguluhan din nga ako. These past few days, parang sunod-sunod ang mga nararamdaman at naririnig ko. Para akong nananaginip nang gising.”
“Are you on dr.ugs?” diretso naman nitong tanong.
“Of course not, Ma! Ano ba namang tanong iyan?”
Tila nagising naman siya sa tanong na iyon ng ina. Mukha ba siyang gumagamit ng i***********l na gamot sa hitsura niyang iyon?
Sakto namang lumapit ang waiter sa mesa nila upang ihatid ang kanilang pagkain. Saglit silang tumahimik hanggang muling makaalis ang staff.
“Of course, of course, I know you’re not, Amere...I mean...” Saglit itong tumitig sa kaniya at bumuntong-hininga.
“Why, Ma?”
“Wala.” Umiling ito at kunwa’y binuksan ang bag nito, pero wala namang kinuha mula roon. She suddenly seemed to become uneasy.
“Problem?”
She heaved another sigh and looked directly to his eyes. “Amerito, may ibinibigay pa rin bang gamot sa iyo ang daddy mo up to now?”
“Yep, the one that you both told me not to stop taking, many years ago, remember? Why ask?”
“N-naisip ko lang na baka masyado ka nang matagal na nag-ti-take noon. Baka kailangan mo ng check up sa doctor para baguhin ang reseta o kaya ay ang dosage, at least. What do you think?”
“You’re right. Baka nga kaya ako ganito ay dahil sa gamot na naman. I’ll talk to daddy later, Ma--”
“No!”
Napatingin siya rito nang diretso nang pabigla itong sumigaw, pagkuwa’y napalingon sila kapwa sa paligid na nakuha rin ang atensiyon sa malakas na boses ng ina. Itinaas niya ang kamay na tila humihingi ng apology sa mga iyon.
Nang muli niyang balingan ang ina ay may pag-aalala sa anyo nito. Biglang tila tumigil ang lahat ng tunog sa paligid sa mga sandaling iyon. Ang sumunod niyang namalayan ay naririnig na niya ang t***k ng puso nito. Hindi nito maikakaila ang matindi nitong pag-aalala para sa kaniya. He was moved by the thoughts of having a mom like her.
“Ang ibig kong sabihin ay huwag mo nang abalahin ang daddy mo. Get the check up that you need even without him. I’ll come with you, if you want, kahit lumipat ka pa ng ibang doctor.”
His hand touched hers and smiled at his mom. “Don’t worry, ‘Ma. I’m fine. Thanks for your concern. I will,” aniya rito.
Gayon man, alam nila pareho na imposible iyon. Tanging ang daddy niya ang nakakaalam ng buong medical history niya. He was actually the only person, aside from his doctor, who knew what is best for him. Lucio was an aquatic scientist at bagaman hindi tao ang forte nitong pag-aralan ay alam niyang marami rin itong alam pagdating sa human system, dahil likas itong mahilig mag-aral sa sistema ng lahat ng organismo.
Sa dami ng doctor na pinagdalhan sa kaniya ay isang tao lang din ang nakatuklas ng totoong sakit niya at iyon ay si Doctor Gervacio Lim na matalik na kaibigan ng ama. Dati itong nakabase sa America, at ang first consultation niya ay doon pa siya nagpunta sa clinic nito. Nang mag-stay ito sa Pilipinas for good ay ang daddy niya ang unang taong natuwa dahil hindi na raw nila kakailanganing magpunta ng America para lamang magpatingin kay Dr. Lim.
“By the way, hijo, alam ko na rin ang pangalan ng bagong boyfriend ng kapatid mo. It’s Justin Gallego. Hindi siya Cebuano, according to your sister, but he bought a land from a friend who lives there. I just don’t know if they plan to live or just have their vacation there.”
Tumango siya at sinikap payapain ang kalooban ng ina. “Don’t worry, ‘Ma. At least, alam na natin ang pangalan ng lalaking sinamahan niya. Hahanapin ko bukas na bukas rin si Claire.”
“Thanks, hijo. Mag-iingat ka,” masuyo nitong sabi.
Ilang sandali pa ay ipinasya na nilang kumain at saglit na kinalimutan ang tungkol kay Claire.