Chapter 19

1315 Words
“ANO’NG ginagawa mo diyan?!” sita ni Opah sa kaniya na agad na nainis dahil sa gulat. Umandar kasi ang kalokohan niya kaya naisipan niyang tingnan ang reaction nito sa oras na makita siya nitong nakatayo sa labas ng silid nito. “Nakasandal,” pamimilosopo niya rito. “O, bakit? Close ba kayo ng occupants niyan?” angil nito at saka siya nilampasan. “Diyan ka na nga, paki ko sa’yo!” Napangiti siya sa sarili, pero hindi pa kontento sa reaksiyon ng dalaga kaya agad niya itong sinundan sa paglalakad. “Hoy! Sinusundan mo ba ‘ko?” iritado nitong tanong nang humarap sa kaniya. Maang siyang umiling at kunwa ay nagpalinga-linga pa sa paligid. “Ako? Bakit naman kita susundan?” painosente niyang tanong rito. Hindi ito kumibo at muling naglakad. Sa halip na dumiretso sa hagdan ay lumiko ito sa isang pasilyo na hindi naman daanan ng tao. Doon nito marahil natiyak na obviously ay sinusundan nga niya ito. “Nang-iinis ka ba?” singhal niya sa kanya. “What are you talking about?” siyempre ay pagmamaang-maangan naman niya. “Saan ka pupunta?” Tumawa siya habang nakatingin rito. “Sa balkonahe,” wika niya na ang tinutukoy ay ang mahabang balkonahe sa dulo ng pasilyo. “Bakit? Wala bang balkonahe ang silid ninyo ni Rona?” asik nito na nakapagpangiti sa kaniya. Oo nga pala at hindi nito alam na hindi naman sila magkasama sa iisang silid ng babaeng kinaiinisan nito. “Meron,” sagot naman niya. “Pero ibang balkonahe ang gusto ko,” sagot niya rito. Laking gulat niya nang ilang sandaling hindi kumibo ang dalaga, at nang magsalita ay galit na naman. “Bastos!” sigaw nito sabay talikod. Napailing na lang siya nang maisip ang konotasyon ng kaniyang sinabi. ‘Green minded din itong babaeng ito eh,’ bulong niya sa sarili habang napapangiti. Tinungo ni Opah ang daan pabalik sa hagdan, at muli siyang sumunod dito. Nang malapit na sila sa entrata ay muli itong bumaling sa kaniya. “Ano ba? Nananadya ka na ha!” Nanlalaki ang mga mata nito, pati na rin ang butas ng ilong. Mukhang pati skin pores nito ay galit na galit na rin sa kaniya. “Bakit? Bawal bang lumabas?” wika niya. Walang ka-ide-ideya ang dalaga na gusto lang naman niya itong libangin, para maibsan ang sakit na alam niyang tinitiis nito. “Lumabas ka kung gusto mo pero puwede ba, stay at least twenty meters away from me!” “Hindi ako marunong magsukat eh. Puwede bang ruler na lang? Saka inches, please.” Nanggigigil na tumalikod na ito sa kaniya. ‘Talagang nang-iinis nga ang kumag. Puwes, ikaw ang maiinis sa akin dahil hahayaan lang kita hanggang manawa ka!’ dinig niyang sabi ng isip ni Opah. Tuluyan na itong lumabas ng hotel matapos sabihin ng isang attendant na wala ng supply ng gamot na hinahanap nito. Nang makalabas ay tumawid ito ng kalsada at pinasok ang isang botika. Sinikap nitong hindi pansinin ang presensiya niya pero alam niyang ilang na ilang ito sa kaniya. “Acidic ka?” tanong niya matapos nitong inumin ang binili nitong gamot na nakita naman niyang Kromil-X. Nakatayo siya sa tabi nito habang ang dalaga naman ay nakaupo sa isang plastic bench na nasa harap ng botika. “Ay, hindi! Sinisipon ako! Kaya nga Kromil-X eh!” asik nito. “Alam mo ba, Opah, na cute ka kapag naiinis?” pagkuwa’y tanong niya rito. Curious lang siya kung paano itong tila bulkan na magagalit kung sasabihin niya ang mga salitang iyon, pero hindi niya inaasahan ang naging reaksiyon ng dalaga. Namula ang mga pisngi nito at ilang sandaling nablangko na mukhang walang masabi. Kunwa’y nagpalinga-linga na lang habang ang paningin ay iwas na iwas sa kaniya. “Alam mo ba, Amere, na cute ka rin. Sarap mo ngang i-upper cut saka i-vertical nang matauhan ka eh.” Sa halip na magalit ay natawa na lang siya rito. Wala naman kasi siyang planong seryosohin ang galit ng dalaga. Kung bakit naman kasi gigil na gigil ito sa kaniya. Kung minsan ay naku-curious na siyang alamin ang kalooban nito. Baka nga kasi may crush sa kaniya ang dalaga. Pero sa tuwing sasagi iyon sa isip niya ay madali na lang din niyang iniignora. “Talaga ba? Thanks, cute talaga ako,” sagot na lang niya, for the sake of the argument. Inirapan na lang siya nito at saka muling naglakad pabalik ng hotel. Nang makapanhik ay dire-diretso na nitong tinungo ang silid kung saan kasama nito si Becka. Nakasunod pa rin siya hanggang doon. Siguro ay hanggang anit na ang galit ng dalaga. Ramdam niya ang pagdadabog sa mga yabag at kilos nito. Mukhang tutumba ang sino mang tatamaan ng mabigat nitong kamao sa mga sandaling iyon. Nang huminto ito sa tapat ng sarili nitong silid ay nasa likuran pa rin siya, kalahating metro lamang ang pagitan rito. Akmang bubuksan na nito ang pinto ng kuwarto nang hawakan niya ito sa braso. Nagulat ito at napapitlag. “Ano ba?” asik na naman nito sa kaniya. “Eto naman. Ikaw na nga ang sinamahan, ikaw pa itong galit!” aniya rito sa nanunumbat na tono. “Hoy, hindi ko sinabi sa’yo na samahan mo ako sa labas, ano! Ano ba ang paki mo sa’kin?!” “Oo nga pero kahit na. Sinamahan pa rin kita. Hindi ko matiis na bababa kang mag-isa eh.” Nakita niyang saglit na natigilan si Opah sa sinabi niya. Ilang ulit na bumaba-taas ang tingin nito sa kaniyang dibdib, lalamunan at mukha. Pagkuwa’y narinig niya ang paglunok nito, kasunod ng mabibilis na pintig ng puso at iba pang pulso ng dalaga. ‘Anak ng pateteng...para kang vampira...’ bulong niya sa sarili at hindi naiwasan ang mapangisi. Kasabay niyon ay ang pag-block niya sa perception na na-re-receive mula kay Opah. Dahil sa ginawa ay hindi niya inaasahan ang sumunod na pangyayari. Bigla na lang umangat ang kamay ni Opah at diretsong nag-landing sa kaliwang pisngi niya. “Ouch! What was that for?” tanong niya rito habang salo ang pisnging nasaktan. “Ang kapal ng mukha mong sabihan akong bampira, walanghiya ka! Kung hindi lang masakit ang sikmura ko ay tulog na ako kanina pa! At kung lumabas man ako ng dis oras ng gabi ay wala kang pakialam, naiintindihan mo?!” galit na sabi nito sa kontroladong tinig. Marahil ay naiisip rin namang posibleng natutulog na ang lahat sa oras na iyon. Buti na lang, kung hindi ay tiyak na nakabibinging sigaw na naman ang aabutin niya sa babaeng ito. “Wala naman akong ibig sabihin na...” “Ikaila mo pa, sige! Dinig na dinig ko kaya, kumag na ‘to!” Sasagot pa sana siya nang bigla na lang sumulpot mula sa kung saan si Rona. Nakasuot pa ito ng ternong pantulog na satin ang tela. Siya ang ibig maeskandalo sa ginagawang ito ng dalaga. “Hey, Amere, what are you doing there?” malambing nitong sabi sa kaniya sabay pulupot sa kaniyang isang braso. Agad ding nahalinhan ang expression nito nang mapatingin kay Opah. “Oh, ikaw, ano’ng itinitingin-tingin mo diyan?” asik nito sa dalaga. “Excuse me, but this is our room! Kayo? Ano’ng itinatambay niyo sa tapat ng silid namin, aber?” wika nito kasabay ng pagbubukas ng pinto ng silid. “Nakatayo. Ano sa tingin mo?” anito sa kaniya sabay baling kay Amere. “Babe, ano’ng ginagawa mo dito sa silid ng topaking babaeng iyan?” “Mainit kasi, hindi ba? So niyaya akong lumabas ni Amere para magpahangin. Ops, hindi ba siya nagpaalam sa’yo?” Kunwa’y natutop pa nito ang sariling bibig sa huling sinabi. “Actually, kababalik lang namin galing sa pamamasyal sa labas eh. Bye, Amere! Goodnight!” nakangiti nitong sabi at nag-wave pa sa kaniya, bago tuluyang pumasok sa silid nito at isinara ang pinto niyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD