"HUMIGOP muna kayo ng mainit na sabaw..." Napatingin lang si Catherine sa inihain ni Kapitan Zandro sa kanila habang nakaupo silang lahat sa hapag-kainan. "Hindi iyan ang kailangan namin, ang kailangan namin ay tulong! Ang gusto ko ay bago matapos ang gabing ito ay makita ko na ang asawa ko!" giit ng Daddy Dennis niya. Tiningnan ni Catherine ang ama. Sinaway niya ito sa pamamagitan ng mata niya. Naiintindihan naman niya kung bakit ganoon ang inaasal nito. Lahat naman sila ay desperado na makita ulit ang kanilang ina. Tumikhim si Kapitan Zandro. "Imposible naman yata iyang sinasabi mo, Dennis," kilala na sila nito dahil nagpakilala na sila kanina. "Hindi ko bubulabugin ang mga tao ko sa lugar na ito para hanapin ang isang tao na hindi naman namin kabaryo." Nagulat silang lahat nang tuma

