6TH STOP- Gruesome Farewell

2000 Words

HINDI na iniisip nina Catherine na magpahinga sa kanilang pagtakbo pabalik sa kinaroroonan ng kanilang van. Panay ang dasal niya na sana ay naroon na si Ethan at may dala na itong tulong. Sana ay makaalis na sila sa lugar na ito at mailigtas pa nila ang buhay ng kanilang ina. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos na maisip na mangyayari ito sa kanila. Hindi niya kayang tingnan ang kalunus-lunos na kalagayan ng kanilang mommy. Oo, matapang siya pero hindi sa mga ganitong bagay. Kahinaan niya talaga ang kanyang pamilya. Maya maya ay papalapit na sila sa kanilang sasakyan. "Daddy, bakit parang may nasusunog yata?" tanong ni Jhovie habang tumatakbo sila. "'Yong van!" sigaw naman ni Lester. Hindi nga nagkamali si Lester dahil nang makita nila ang pinanggagalingan ng sunog ay nalaman nila na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD