Chapter 11

457 Words
Tapos na ang klase at oras na ng uwian. Nasa guard house ako, hinihintay ko si Kuya Marco. Mula dito sa kinauupuan ko ay nakikita ko ang mga punong nagtataasan sa kagubatan. Tila nakakaakit na pumunta doon. Napatingin ako sa orasan, five thirty pm palang naman panigurado nagklaklase pa sila. Wala naman sigurong masama kung sisilip ako sa gubat na yon? Buti nalang wala yung guard dito, umihi siguro yon. Agad akong tumakbo patungo sa b****a ng gubat, malapit lang ito sa guard house kaya agad ko itong narating. Wala naman akong kakaibang napansin, hindi naman siya halatang nakakatakot. Ang totoo niyan napakapayapa ng simoy ng hangin, kaya napangiti ako. Papasok nalang ako. Dahan-dahan akong naglakad papasok, wala akong alam kong saan ako dadaan dahil mga punong naglalakihan lang ang nakikita ko, walang daanan kundi mga dikit na dikit na puno. Bumuntong-hininga ako, curious ako. Kaya naglakad pa ako papasok, lakad lang ng lakad ang ginawa ko. Hindi ko napansin ay gumagabi na. Wala akong nakita na kahit na ano dito! nagsayang lang ako ng oras. Makaalis na nga lang. Bumalik ako sa dinaanan ko kanina pero nagtaka ako dahil tila nag-iba ang posisyon ng mga puno. Kanina parang ang didikit nila pero ngayon ay meron na itong daanan na tila daanan ng isang tao talaga. Paano nangyari yon! Nagsisimula na akong kabahan pero naglakad parin ako. First of all kasalanan ko naman. Tinahak ko ang daan na bigla nalang lumitaw sa kung saan, habang naglalakad ay pakiramdam ko tila nag-iiba ang paligid. Teka, s**t naliligaw naba ako? Naliligaw nga ako. Hindi ito ang dinaanan ko kanina. Naglakad pa ako pero sa pagkakataong ito ay may nakita ako. Isang napakalumang mansiyon, pero halata namang matibay pa ito. Maglalakad sana ako papasok pero dahan-dahang bumubukas ang pintuan, parang sa horror kapag may multo ganon. Nagtago ako sa damuhan, alam kong hindi nila ako makikita dito. Nakatitig lang ako sa pintuan, unti-unti itong bumubukas at bigla nalang may lumabas mula sa loob na isang lalaking may katandaan na pero hindi naman siya mukhang matanda. Sino siya? Bahay kaya niya ito? Sunod namang lumabas ay isang babae, matangkad at mukhang istrikta. At may kasama siyang dalawang nakaitim pero balot na balot ang buong katawan, hindi ko alam kung babae o lalaki sila, at may hawak silang plastic, malaking selopin. Tinitigan ko ito,medyo malayo sila sa kinaroroonan ko kaya nagfocus ako lalo para makita ko pa ng maigi at dahan dahang nanlaki ang aking mga mata ng mapagtanto kong ulo ng tao! ulo ng tao na nakahiwalay sa katawan! Sa sobrang gulat ko ay hindi ko sinasadyang gumawa ng gulo, kaya napatingin sila sa pwesto ko. "May tao, tignan niyo at patayin niyo agad. Walang dapat makaalam ang lugar na ito"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD