Liam Nang nakalabas na ang doctor sa mansion ni Liam na hinatid ni Rapunzel ay kaagad itong bumalik sa kwarto ni Gabriela. Nakita pa nito na hindi pa din umaalis sa puwesto kung saan nakatayo si Liam kanina bago dumating at umalis na ang doctor. "Sir. Bakit ayaw mong lumapit kay ma'am?" Ayaw niya muna pa talaga niyang lumapit dahil hindi pa ma-proseso ng isip niya ang narinig mula sa doctor. Masaya siya dahil buntis si Gabriela, at hindi na siya muling maghahanap ng panibagong surrogate, pero sa komplikado nitong estado ngayon ay mas hindi niya siguro matatanggap kung sakali na hindi matuloy ang pagbubuntis ni Gabriela. Ibinigay na, sana hindi kuhanin pa dahil hindi niya matatanggap iyon. "Sir!" tawag ni Rapunzel. Pero sadyang maraming tumatakbo sa isipan ni Liam kaya hindi ito lumingo

