Chapter24

1115 Words

"Oh, time’s up," wika ni Ethan sabay dahan-dahang kumalas sa yakap ni TJ. "Sige na, mahihiga lang ako sa sofa... iidlip lang ako saglit." Halata sa boses niya ang matinding pagod; halos mapikit na ang kanyang mga mata sa bigat ng antok. "Dito ka na lang sa kama," alok ni TJ sabay dumasog sa kabilang bahagi ng hospital bed para bigyan ng pwesto si Ethan. "Ano ka ba, hospital bed 'to, baka mahulog tayo," pagtanggi pa ni Ethan, pero hila-hila na siya ni TJ. "Sige na, huwag ka nang mahiya," pangungulit ni TJ. Parang wala nang nagawa si Ethan dahil sa panghihina ng kanyang katawan. Tuluyan na siyang tumabi kay TJ, at sa sandaling lumapat ang kanyang likod sa kama, tila dinaig pa siya ng droga sa bilis ng pag-atake ng antok. Ilang minuto lang ang lumipas, mahimbing na nakatulog si Ethan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD