Ilang oras pa ang lumipas at matapos ang final check-up ng doctor, binigyan na rin sa wakas ng "clearance" si TJ para makauwi. Bakas ang saya sa mukha ng dalaga, dahil aminin man niya o hindi, naiinip na siya sa loob ng ospital. Agad na tinawagan ni Ethan si Lolo Ricardo. "Lo, makakalabas na po si TJ. Inaayos ko na po 'yung discharge papers at 'yung bill para deretso uwi na tayo." "Mabuti naman kung ganoon, Ethan. Salamat ulit. Papunta na ako riyan para masundo ko na kayo," sagot ni Lolo. Gaya ng inaasahan, si Ethan ang naging abala sa pag-aayos ng lahat—mula sa pagpirma ng mga discharge papers, pagkuha ng mga resetang gamot, hanggang sa pakikipag-usap sa mga nurse at doktor. Habang abala ang abogado, naiwan naman si Lolo Ricardo sa loob ng silid para bantayan ang apo. "TJ, apo..."

