Chapter 26

1514 Words

"Ang layo naman, Ethan, kung sa couch..." mahinang reklamo ni TJ, halos pabulong na lang ang boses. "Nahihirapan na nga akong magsalita, tapos gusto mo sumigaw pa ako para lang marinig mo?" Napabuntong-hininga si Ethan. Alam niyang ginagamit lang ni TJ ang sitwasyon para makuha ang gusto nito, pero hindi niya rin maikakaila ang katotohanan sa sinabi ng dalaga. Mahina pa ito, at kung sakaling kailanganin nito ng tulong sa kalagitnaan ng gabi, baka hindi niya nga ito agad marinig mula sa kabilang dulo ng malawak na kwartong iyon. "TJ, huwag mo akong pilitin sa gusto mo," seryosong wika ni Ethan, pero ang kanyang mga paa ay dahan-dahang humahakbang pabalik sa gilid ng kama. "Hindi naman kita pinipilit... nag-aalala lang ako," dugtong ni TJ, sabay dumasog muli sa gilid ng kama para bigy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD